Chapter 4
***
"IF YOU have twenty-four hours left on Earth, ano'ng gusto mong gawin? Saan ka pupunta?" tanong ko habang mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin mula sa likod.
We were currently sitting at the shore, watching the sunset and the beautiful waves dancing close to our feet. I was sitting comfortably on the sand with his legs securing me on my position. Nakasandal ako sa kaniya at komportable rin naman siyang nakaupo sa likod ko.
At dahil nakasuot lamang ako ng sleeveless na bistida, siya mismo ang nakayakap sa akin at paminsan-minsan na humahaplos ng braso ko upang hindi ako masyadong lamigin.
He had always been taking care of me like a princess, treasuring me as his most important person — one of the many reasons why I love him.
"Hm . . . " Pinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko. Medyo siniksik patungo sa aking leeg. Hindi ko itatanggi na nakiliti ako sa ginawa niya.
Kahit na nakayakap siya sa akin, nagawa ko pa rin na hawakan ang kamay niya. I like holding his warm hands. They fit perfectly with mine. They also made me feel comfortable as he would held me tighter, rubbing his thumb as giving me light pats and telling me that everything will be alright and he was there.
"Siguro . . . "
"Siguro?"
"Siguro pupunta tayo sa Japan and have fun, tapos kakain tayo ng shrimp."
I looked at him in disbelief. "Hoy, anong shrimp 'yang sinasabi mo? Are you crazy?" My brows scrunched in disbelief. Allergic siya sa shrimp tapos iyon ang kakainin niya? Nagbibiro ba siya?
I tried staring at his face properly pero ang labo pa rin. The more I tried remembering his face, the more the memory drifts away.
"Love, sabi mo kasi last twenty-fours na lang ang matitira. Siyempre I'll eat things na gusto kong kainin," paliwanag niya at inayos pa ang pagkakayakap sa akin.
Napabuntonghinga ako. Oo nga naman. Last day 'yon kaya susulitin na.
"O sige na nga! I'll accept that answer."
"Ikaw ba, Lex . . . "
"Hm?"
"If you'll be able to time travel, saan ka? Sa past o sa future?"
That caught me by surprise. I had never really thought about that.
"Kung ako . . . Siguro . . . I would . . . " I looked at the orange skies, deeply thinking kung babalik ba ako sa nakaraan o sa hinaharap. But as expected, there was no sign for me kung ano ang tamang sagot.
Kung sa nakaraan, baka kausapin ko lang ang younger self ko na things will be better in the future kaya dapat lumaban lang ako. Pero kung sa future naman, I would then be the traveller from the past who would be hoping for a really bright and lovely future. Ang hirap!
"Geez . . . that's so hard. I don't think I want to go anywhere."
"I have a suggestion," aniya.
"What?"
"Travel to me because I'm your future," saad niya na puno ng kumpiyansa sa sarili.
Hindi ko mapigilan na mapatawa. Kahit kailan talaga! Basta siya ang kasama ko, hindi ko maitago ang aking kilig at pamumula.
"Wow! Sure na sure ka ha? Parang kasasagot ko pa lang sa 'yo!" dagdag ko at dama ko ang paghigpit ng yakap sa akin.
"Lex, sure na sure ako sa 'yo. Tsaka pangako, kapag kinasal tayo . . ."
I felt my cheeks reddened. Tama ba ang narinig ko? Sinabi niya ang 'kasal'?
Nasasabik akong isipin na iniisip na niya ang hinaharap na magkasama kami. Matagal din niya akong pinormahan at kahit palihim pa kami kina Mommy at Daddy, hindi niya ako pinababayaan.
Hanggang ngayon, pinatutunayan pa rin niya kina Mommy at Daddy na he's a good guy . . . na he's my knight in shining armor. And I just knew that was correct.
"O? Ano naman ang mangyayari kapag kinasal na tayo?" Sinilip ko ang mukha niya na nakatitig pa rin sa karagatan. Ang gwapo talaga niya. Wala talaga sa hitsura niya na mas bata siya sa akin.
"Kapag kinasal tayo . . . " Nilipat niya ang tingin sa aking mukha at ginawaran ng halik ang aking pisngi at saka nagpatuloy, "araw-araw kitang liligawan at araw-araw kong ipararamdam sa 'yo na walang kahit sino ang makagigiba sa atin."
"Talaga?"
Tumango siya at hinalikan ang aking balikat. "Oo. I'll protect you, Lex. I'll protect us at all costs. Pangako."
And as the memory slowly fades, I caught a clear image of half of his face. He was . . .
***
NAGISING ako nang maramdaman na may humahaplos sa aking buhok. Napakabanayad na parang ayaw akong magising.
I felt like a priceless gem. Bawal mabasag. Dapat ingatan.
But the moment I opened my eyes, parang bigla ako dahil parang nakita ko ang mukha niyong lalaki na nasa panaginip ko na nasa harapan ko ngayon. Pero baka namamalikmata lang din ako.
Bigla akong napabalikwas ng bangon. Agad kong hinarap ang lalaki na katabi ko sa kama.
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto na ang lalaki na kasama ko sa kama na may itim na punda at kumot ay ang kaparehong lalaki na tinawag n'ong Zeus na 'boss'. Ang lalaki ay nakasuot din ng itim na pantalon at puting long-sleeves.
Inalala ko ang huling nangyari bago ako mapunta rito. I was hiding in the lecture hall para malaman kung sino ang nag-iiwan ng note. Tapos . . . nakita ako at nawalan ako ng malay.
"S-sino ka?!" natatakot kong tanong sabay hila ng kumot upang takipan ang aking katawan kahit na suot ko pa rin ang aking damit. I was definitely fully clothed which was good.
Naupo siya nang maayos at hindi pinuputol ang tingin sa akin. Parang pagod na ang kaniyang hitsura.
"Hindi mo pa rin ako naaalala?" malungkot niyang tanong.
Lalong nangunot ang noo ko. "A-ano?"
Hindi siya nagsalita pero pansin ko ang linya na pumorma sa kaniyang noo. Sa halip na magsalita, tumayo siya at lumapit sa mesa. Doon ko napansin na maraming muwebles sa silid ay nakaterno na itim at puti.
Everything in the room screamed money. Kahit ang panlalaking pabango na kumapit sa kama ay nasisigurado kong mamahalin din. At nababagabag ako dahil ang pamilyar niyon.
Kinuha ng matangkad na lalaki ang isang paper bag na pula — ang bagay na naiiba ang kulay sa aking paningin. Myli siyang tumingin sa aking direksiyon at lumapit. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kumot.
Akala ko ay iaabot niya sa akin ang paperbag pero nagulat ako nang baliktarin niya ang paperbag at ibuhos ang nilalaman nito sa kama.
Isa-isang nahulog ang mga munting paru-paro na gawa sa papel. They were all in red.
"I-ikaw?" Napalunok ako. "Ikaw 'yong nag-iiwan ng note at rose? Ikaw 'yong KD?"
Akmang sasagot pa siya nang may kumatok. Napabuntonghinga siya at saka ako tinalikuran upang magtungo sa double doors ng silid.
Nakatitig lamang ako sa kaniyang likod hanggang buksan niya ang pinto. Parang nakita ko si Zeus doon.
"You need to bring her back. Hinahanap na siya ng mga magulang niya," I heard Zeus said from afar.
I don't think it was intentional for them to talk with that volume. Hindi ko rin naman intensiyon na makinig sa pinag-uusapan nila. Pero hindi ko rin naman alam kung na-kidnap na ba ako at nanganganib na ang buhay.
"I know. Grab the car and be ready to take her h-home," malungkot na usal nitong boss ni Zeus.
"Your father also called for you. Nalaman na niya na dinala mo siya rito. He's not impressed."
"When was that old man ever impressed?" Iyon ang huling sinabi niya at saka sinara muli ang pinto.
Ilang segundo na nakatindig lamang siya sa pinto bago ako hinarap.
"You weren't supposed to be there, Lex," malamig ngunit malungkot niyang usal.
"A-ano?"
"Wala ka dapat doon nang ganoong oras. Dapat umuwi ka na."
That confused me more. "T-teka! Ano'ng tinawag mo sa 'kin?"
He raised a brow at me, perhaps scrutinizing my every move. Perhaps thinking whether I was serious.
Pero lumayo na siya at tumalikod sa akin. "Ihahatid ka na nila pauwi. Mag-iingat ka."
"S-sandali lang!"
But he didn't budge. He looked defeated from my view.
Naiwan akong mag-isa sa malaking kuwarto. Bumangon na ako upang suriin kung nasaan ba ako. At pagsilip ko sa labas ng kuwarto, madilim na ang kalangitan.
Hindi nagtagal ay may matandang katulong na sinundo ako sa kuwarto, bitbit ang gamit ko. Ginaya niya ako palabas ng kuwarto at hindi naglaho ang pagkamangha ako sa pasilyo. Mukhang sobrang yaman nga ng may-ari ng bahay.
Nang makalabas kami, doon ko napansin ang maraming lalaki na nakasuot ng itim at parang mga galit sa mundo. Mga vodyguard ba sila? Ang dami naman.
There was a white Honda parked with its engines on, at pinapapasom na ako ng katulong. No explanations or whatsoever.
"Alexa."
Lilingon pa sana ako nang tawaging ako n'ong KD at may braso na pumulupot malapit sa leeg ko. Natigilan ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ang malamig na bagay sa aking leeg.
"Don't lose it this time," seryoso niyang bulong bago ako pinasakay sa likod ng sasakyan.
Mariin ko siyang tinitigan at inabot kung ano man ang nilagay niya sa leeg ko. Hindi ko man makita pero batay sa hugis, mukhang hugis puso iyon.
"T-teka . . . sino ka ba? Nas'an ba 'ko?" tanong ko habang nakaharang siya sa pinto at hindi pa iyon sinasara.
"Hindi pa oras, Lex, pero pangako, babawiin kita." Napakaseryoso niya.
"Ano?!"
"I hope the next time we see each other, you'll remember me." Sinara niya ang pinto at tinapik ang sasakyan. Umatras siya at umandar na ang sasakyan.
"S-sandali, Kuya! Ihinto mo, please! Kailangan kong makausap 'yong boss n'yo!" pakiusap ko sa drayber.
But to my dismay, the car never stopped and my head was throbbing with so many unanswered questions.
***
How's the story so far? Leave your feedback! Thank you! ❤️
#KDLexMagicOnWattpad
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro