Chapter 3
***
"MAMAYA na lang po ako magmemeryenda, 'Nay!" usal ko kay Nanay Lisa at nagmamadaling nagtungo sa aking silid-tulugan.
Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil mas naririnig ko pa ang pintig ng puso ko at paghahabol ko sa paghinga. Binuksan ko ang ilaw ng aking silid.
Agad kong ni-lock ang pinto at nilapag ang bag ko sa kama. Binuksan ko ang zipper at kinuha ang music book na pinahiram ni Maggie. Ibabalik ko na 'to sa kaniya bukas kapag nasilip ko na ang ilang kanta. Ayokong maiwan na naman 'to kung saan. At bukod doon, sa harap ng music book ko pansamantalang dinikit ang post-it-note.
Maingat ko rin na kinuha ang rosas mula sa aking bag. Nakahinga naman ako nang maluwag na hindi naputol ang rosas o nanlagas ang petals nito sa bag ko. Nakatulong naman na nilagyan ko ng plastik ang bulaklak bago ko tinago sa bag.
Nababagabag pa rin ako dahil sa rosas na iyon. Hindi ko pa rin naiintindihan kung ako nga ba ang tinutukoy sa note. Ang hirap naman mag-assume.
Pero dahil sa mga tingin at tanong na natanggap ko sa mga estudyante, kinuha ko na lang lahat ng nasa mesa.
Maingat kong tinanggal ang post-it-note at tinitigan ang pagkakasulat niyon. Iba talaga ang pakiramdam ko roon. I felt estranged.
Kahit mukhang hindi para sa akin, may kakaibang nararamdaman ako habang nakatitig sa sulat. Parang dinidikta na dapat alam ko . . . na para sa akin nga ito. May bumubulong sa isip ko na hindi ko gustong malaman pero kailangan kong makilala.
Sweetheart.
Napalunok ako at nilandas ang aking hintuturo sa salita.
Sweetheart.
Pinatong ko ang kanang kamay ko sa dibdib. Dumadagundong talaga puso ko. May kumakatok na kung ano na hindi komportable na pakiramdam. Mukhang hindi lang paruparo ang nagsidapuan sa aking sikmura pero kung ano-anong mga insekto — maliit at malaki.
Baka naman kasi nag-a-assume lang talaga ako.
Napabuntonghinga ako at nilapag na lang sa mesa ang note at rosas. Tinanggal ko rin ang mga nakasipit na mga papel sa music book at parang mga paro-paro silang bumaba sa mesa ko.
Ngunit napagtanto ko na baka may tsansa pang mabuhay nang matagal ang rosas. Kahit isang tangkay lang 'to, baka posible pa. Kinuha ko ang glass vase ko na may nakalagay na pekeng bulaklak.
Nagtungo ako sa banyo at nilagyan iyon ng tubig bago bumalik sa study table ko. Maingat kong nilagay ang rosas at napahalumbaba habang nakatitig doon .
Ang sweet siguro n'ong nag-iwan nito. Talagang nag-e-effort. Baka naisip na kung kanino lang 'tong music book kaya basta r'on dinikit. Kung may pag-aaway man sila, sana magbati na sila.
Huwag na lang din sana magagalit 'yong may-ari nitong bulaklak na inuwi ko. Basta niya naman iniwan sa ibabaw ng gamit ko.
Paano ko ba naman kasi ibabalik sa tamang tao kung wala naman akong ideya kung sino ang nag-iwan at kung para kanino ba talaga ang mensahe? At isa pa, mas mabuti na huwag ko na lang pakaisipin ang posibilidad na ako ang tinutukoy ng note.
That would be silly.
Humiga ako sa kama kahit na hindi pa rin ako mapalagay at pinatong ang braso ko sa mga mata ko. I feel exhausted. Really. Coincidence. Everything was just a coincidence.
Hinayaan kong lamunin ako ng aking antok. But as soon as I closed my eyes, everything I thought was nothing, turned out to be more than that. What I imagined was pure coincidence turned out to be a playful game of guesses.
Sa bawat araw na pumapasok ako sa unbersidad, parating may piraso ng mapulang rosas at nakatuping mga paruparo na kulay pula sa mesa na inuupuan ko. Iba-iba ang mensahe sa note pero hindi nawawala ang 'Alexa', 'sweetheart', at 'KD' doon. And it just kept on happening everyday.
And when I say everyday, I mean it.
Every. Single. Day.
May note na nagsasabi na pinaaalalahanan si 'Alexa' na huwag magpapagutom o 'di kaya ay umuwi nang maaga at mag-iingat lagi. Lagi rin na pinaaalala ni KD na mahal niya ang sweetheart niya.
At sa bawat araw na may ganoong sorpresa, araw-araw din akong tinatabunan ng mga mapapanuring tingin ng mga ka-batch ko at naiilang ako dahil pakiramdam ko ay nakukuhanan na ako ngretrato dahil doon. Mabuti na lamang at hindi pa nakararating sa tainga ni Maggie, dahil kung dumating ang araw na iyon, nasisigurado ko na mas marami na ang makakaalam! At dahil hindi ko pa rin kinukuwento sa kaniya, baka maghalo pa ang balat sa tinalupan.
And on the fifth day, I decided to learn the truth once and for all. Nababagabag talaga ako kung para sa akin nga ang liham. Pinakamalaking tanong ko ay bakit parang alam nitong si 'KD' kung saan at kailan ang klase ko.
Nakakatakot na rin kasi dahil parang stalker ko na nga. Baka may secret admirer o manliligaw pala ako bago ako maaksidente. Baka hindi pa nakaka-move on.
Assume-ra ka, Alexa. I kept on repeating that to myself.
Sino ba naman ako para pagkainteresan ng ibang tao? I'm trying to keep a low profile, at sa pagkakaalam ko at base sa kuwento ng mga tao sa paligid ko, wala naman daw akong naging kaaway.
I hope that was the case. I really do.
At dahil may klase ako rito bukas nang umaga, naisip ko kung makikita ko ba ang misteryosong 'KD' na nag-iiwan ng note at bulaklak.
Nang makaalis na ang lahat ng estudyante, pinili kong magpaiwan sa lecture hall. Sa halip na umalis, pinili kong magtago sa isang sulok.
"Isang oras lang, Alexa. We just need proof na hindi para sa 'yo ang mga note at bulaklak," bulong ko sa aking sarili habang inaayos ang aking puwesto sa pagitan ng mga mesa.
Ginawa kong komportable ang aking pagkakaupo para hindi naman sumakit ang katawan ko. Hindi naman ako obvious dito.
At nang lumamlam ang ilaw sa lecture hall, hindi ako umalis sa aking pinagtataguan. Akmang kukuhanin ko pa sana ang aking smartphone nang magbukas ang pinto sa baba ng lecture hall.
Sinubukan kong sumilip pero nabigo ako dahil hindi nabuhay ang ilaw. I could hear his careful strides as he walked up the stairs. Nakatitig ako sa bulto ng lalaki na naglapag ng rosas sa mesa na inupuan ko kanina. Kinuha rin nito ang panyo at binuklat saka naglapag ng kung ano sa palibot ng rosas. Doon ko naalala ang pulang mga paro-paro na gawa sa papel.
May kinuha rin siya sa kaniyang bulsa. Dahil sa puwesto ko, hindi ko makita nang maayos. Pero kung magiging katulad ito ng mga nakaraang bagay, marahil iyon na ang post-it-note na iniiwan nitong lalaki.
Hindi nga ako nagkamali nang maupo siya at magsimulang magsulat. Dahil sa dilim ng paligid, hindi ko talaga maaninag ang mukha niya, ang hulma lang habang naka-sideview.
"Hindi ka pa ba titigil, boss?" May boses na nagmula sa entrada na pinasukan n'ong lalaki kanina.
"Shut up."
Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon. I think my heart did, too.
"All for a woman, boss. You've gotten weak. Ni hindi mo na napapansin ang paligid mo."
Narinig ko ang paghakbang ng lalaki palapit nang palapit sa aking pinagtataguan. Napatakip ako ng bibig. My eyes widened with fear, before I shut them tight.
Tanging ang aking paghinga at ang pangangalampag na lamang ng aking puso ang aking naririnig. Pigil na pigil ako sa paghinga dahil sa takot.
Alam ba nila na may tao pa rin dito?
Natahimik ang buong lecture hall at kinakalma ko ang aking sistema. Unti-unti ay binuksan ko ang aking mga mata ngunit pinagsisisihan ko iyon.
Nabuhay na ang ilaw ng lecture hall at may nakatayo sa aking harapan. Nakasuot siya ng itim na leather shoes at pantalon.
Mabagal kong inangat ang aking ulo at lalong natakot. Parang malalagutan ako ng hininga. Mariin akong tinititigan ng isang matangkad na moreno na may pahabang peklat sa kaliwang kilay at dumaplis sa mata. Naka-full black suit ito at kasing itim ng buhok at mga mata niya. May kagat itong puting stick na nasisigurado kong hindi sigarilyo.
But of all his features, he had bloodshot eyes staring down at me.
"Boss, mukhang may nagtatagong daga rito," aniya at saka humakbang palapit ng isa pang beses.
I wanted to scream for his to stay away, but there was an invisible heavy lump stuck in my throat.
Bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila upang tumayo. Muntik pa akong mauntog sa mesa dahil sa ginawa niya.
"Ah! H'wag po!" naiiyak kong saad. Namimilipit ang braso ko lalo na nang itaas pa niya. Napatingkayad pa ako lalo na nang magtagpo ang mga mata namin.
He was like a tiger and I was his prey. He could kill me. That was the feeling he was giving off.
Mukhang mali ang naging desisyon ko na manatili rito. My curiousity was fed, but my safety is not guaranteed.
Shit! 'Curiousity killed the cat' nga. I think . . . No. I'm certain that I am in deep trouble.
"Huwag? Matapos mong magtago? Do you want to d—"
"Zeus!"
Halos mapatalon ako sa malalim na boses na iyon. Marahan akong lumingon dahil natatakot pa rin ako sa posibleng gawin nitong lalaki na nakahawak sa akin.
"Boss . . . "
"Ano'ng ginagawa mo?!" His voice roared as he took steps towards us. Hindi ko agad nakita ang mukha niya dahil matangkad itong lalaki sa harap ko.
Pero nang makadungaw na ako, it was another guy in black sleeves. Napakaayos ng pagkakaayos ng buhok niya na parang walang makagugulo. He was wearing glasses with a black frame and he . . . he looked familiar.
Mukhang pamilyar siya sa akin. Mukha siyang modelo ng isang sikat na brand ng damit. O baka naman artista siya?
With every step he took, I felt my heart going into somersaults. And I had no idea why.
Pero higit sa hitsura niya, nakita ko kung paano manlisik ang kaniyang mga mata at pag-igting ng panga. Nakakuyom ang mga kamao na handang manakit.
"B-boss . . . "
Naramdaman ko kung paano humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa braso ko. Mas lalo akong natakot. Parang kaya niyang baliin ang braso ko gamit ang isang kamay lang.
"Zeus, are you seriously testing my patience?" kunot-noo niyang tanong bago dumapo ang tingin sa braso kong nakapiit pa rin.
Agad akong binitiwan ng lalaki na tinawag niya na Zeus. Parang pinagpapawisan siya nang malamig at namutla na animo'y nakakita ng multo.
Kahit na mukhang mas matanda si Zeus sa lalaking kaharap niya, mukhang mas may authority pa 'tong isa. Kahit na nakasalamin siya, parang mas may dati at angas pa siya.
Dumistansiya si Zeus sa akin at nanatili na ilang hakbang ang layo niyong lalaki sa akin.
"Umuwi ka na, Ale— miss," aniya.
He sounded defeated. He sounded sad. Pero bakit?
Ito kaya 'yong 'KD' na nag-iiwan ng note? Kilala kaya niya ako?
Mariin ko siyang tinitigan, and that made him look away. Hindi niya ako matitigan nang may kaparehong intensidad katulad ng nakamamatay niyang tingin kay Zeus kanina. Doon ko napagmasdan ang hulma ng mukha niya.
From his eyes to his nose . . . down to his lips . . . Why? Why does it feel so strange? Why does he look familiar?
Parang gusto ko siyang lapitan kahit na nanlalamig pa rin ang aking buong katawan. Parang tuod ako sa aking kinatatayuan.
Napakuyom ang kamay ko sa aking dibdib nang makaramdam ng kirot. Hindi naglaon ay sumabay rin ang sakit ng ulo ko.
Sa hindi ko alam na kadahilanan, nasasakal ako. An invisible imminent force was choking me terribly.
Napapikit ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko na napansin na napaluhod na ako sa sahig. Mahigpit ang hawak ko sa sarili kong buhok at naghahabol ng paghinga.
Unti-unti, nagdilim ang aking paningin at tuluyan na nawalan ng balanse.
Pero sa paglaho ng aking ulirat, may sumalo sa 'kin kaya hindi ako natumba nang tuluyan sa sahig. May pamilyar na pabango na dumapo sa aking ilong. At higit lalo, may narinig akong pamilyar na boses . . .
"Lex!"
***
#KDLexMagicOnWattpad
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro