Chapter 28
2 more chapters, guys! 🥺
***
NAG-IINAT akong lumabas ng lecture hall. Grabe! Ang dami kong kailangan na habulin sa ilang linggo akong nawala.
For the past several weeks, I had been so busy—sa company, sa buhay ko with KD, sa paglilinis sa mga gulong iniwan ng mga magulang ko at kung ano-ano pa. Parang ilang taon na ang nakalipas kahit na hindi pa man lumalampas nang dalawang buwan ang lahat.
If it wasn't for KD, I might have given up on learning about myself. I might not even remember my own brother. It might sound like an exaggeration, but that's how I felt. Iba pala talaga kapag may asawa na super understanding at patient. He was always there for me.
Hindi ko man maalala ang wedding vows namin noong kinasal kami sa huwes, nasisigurado kong espesiyal ang mga pangako niya sa akin. Ngayon pa nga lang ay napakabuti niyang asawa sa akin, paano pa kqya kapag manumbalik na ang lahat sa akin?
"Alexa!"
Napalingon ako sa pinagmulan ng pamilyar na boses. It was Maggie, walking down the foyer stairs. Yakap-yakap niya ang maraming libro at humahangos.
"Mags!"
"Girl, na-miss kita!" aniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kasabikan.
"Na-miss din kita! Thank you ulit sa pagtulong ha? Kumusta ka na?"
"Okay naman! Ikaw nga ang dapat tanungin ko kung kumusta ka na?"
I gave her a small smile. "Okay naman. Ito . . . still coping with the changes."
"Naku, I'm sure you'll be fine! I'm sure naman na hindi ka pababayaan ng asawa mo. Nas'an na nga ba 'yon?"
"Nasa Cebu siya ngayon. May inaasikaso lang pero uuwi na siya mamaya."
"Cebu? Taray naman! Bakit 'di ka sumama? Siguro may tinatago ang asawa mo 'no?" mapang-asar niyang tanong at napailing na lang ako.
"Gagi! Wala naman akong gagawin d'on. At gusto ko na rin naman bumalik sa studies ko. Ang dami kong need habulin," paliwanag ko.
Hindi ko na pinaliwanag pa sa kaniya na pangarap na namin ni KD na makapagtapos ako habang pinag-aaralan ko rin ang kompanya. It was between me and my husband.
"I'm sure na sisiw lang 'yan sa 'yo! Mana ka kaya sa 'kin!" aniya sabay ang pag-flip ng hair mula sa kaniyang balikat. "Anyway, gusto ko man na makipagtsismisan, kailangan ko na pumasok sa sunod na klase. May presentation pa kami!" She rolled her eyes at me and I could sense she was not looking forward to it.
"Sige, sige. Daan ka sa bahay sa sunod, ha? Magluluto kami."
"Ay, bet! Paki-reserve na agad ng isang bote ng Chateau Lafite!"
I raised a brow at her after hearing a costly wine from her mouth. "Since when did you drink expensive wine?"
"Never! Gusto ko nga magpabili para makatikim ako! Sige na! Bili n'yo 'ko, ha?" natatawang saad ni Maggie saka nagmamadaling umalis.
Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan siya na papalayo sa 'kin. Nababaliw na talaga ang kaibigan ko.
Dahil nagugutom na 'ko, kinuha ko ang isang chocolate bar sa handbag ko. Kung nandito lang si KD, sure na makakakain na 'ko kasi susunduin niya rin ako. Unfortunately, magbibiyahe ako kaya hindi ko alam kung anong oras na ako makauuwi.
Habang nagkakalad patungo sa exit ng unibersidad, sakto naman na tumawag si KD. He was requesting for a video call and I obliged. Gusto ko rin makita ang mukha niya since dalawang gabi na siya sa Cebu.
"Hi, sweetie. Pauwi ka na ba?" malambing niyang panimula.
Tumango ako. "Yup! I met up with Maggie just now. Ikaw? Kumain ka na ba?"
This time, he nodded. "Yeah, but I'm missing your cooking more. Actually, I'm missing you most."
I rolled my eyes at him. "Of course you do! Kaya tapusin mo na ang work mo r'yan para makauwi ka na. Remember, you promised to help me prepare before I meet the board." I pouted at him.
Ang dami ko pang dapat asikasuhin pero kailangan ko na rin magpakilala sa board. We've delayed it as much as possible while all the board members attend in person. I need to get them on my side after being under my parent's leadership for years.
KD's team is also investigating everyone para malaman namin kung mayroon sa kabila na may contact pa rin sa mga magulang ko. Mahirap na . . . baka espiya pala para mapabagsak ako mula sa loob.
"Of course, love. I'll be back tomorrow. I promise," paninigurado niya. "May gusto ka bang pasalubong?"
Umiling ako. "Ikaw."
Nakita ko ang pagsibol ng ngiti sa mukha niya. Napakaguwapo talaga.
"I am yours, love."
"Alam ko," sabi ko habang kumakain ng chocolate at naging ngisi ang kaniyang ngiti.
"So, what else do you want?"
"Nothing. Just come home." Binaba ko ang kubyertos at tinitigan siya sa screen. "Come home safe and sound, then let's have dinner."
I didn't need anything special from him. I just wanted him to go home and return to my side. I wanted to wake up and cuddle with him every day.
"Of course, love. I promise." He blew me a kiss on the screen. "Nand'yan na rin ang mga bantay mo."
"Ha?"
He pursed his lips to point behind me. Alala ko nga gusto lamg niya ng kiss mula sa screen pero may tinuturo pLa talava siya. Sa oras na lumingon ako, nakita ko sina Blush na bumaba ng sasakyan. May dalawang tauhan pa si KD, ang isa ay nakaupo sa driver's seat at ang isa naman ay binuksan na ang pinto sa likod.
Muli kong hinarap ang aking telepono at nakangisi siya.
"You know I can go home by myself, right?" I grinned at him.
"I know, but this will put my mind at ease, love. And Blush is your bodyguard, and she should be with you all the time." Kumindat pa siya sa screen.
"All the time?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Yes, sweetie. All the time."
"So kahit kasama kita, love?" I playfully asked.
"Love, talaga! Of course not. I can protect you closer when I'm not beside you. Hayaan mong gawin nila ang trabaho nila. Sayang ang pinapasuweldo natin sa kanila kung hindi nila magagawa ang trabaho nila." Sumandal si KD sa kaniyang swivel chair at nakatitig pa rin sa akin.
Nasisigurado ko na kung kasama ko siya ngayon ay napugpog na niya ako ng halik at mahigpit na yakap.
"Alright, fine. You win this round," usal ko na naging sanhi upang mapangisi siya. "Uuwi na kami. Bilisan mo na rin d'yan, ha? Bawal ma-late!" paalala ko.
"Of course, love. I'll be home soon," he said as he blew me kisses from the other side of the screen. I did the same, too.
Grabe! Isang araw pa lang at nami-miss ko na siya! I couldn't wait until he returns home.
***
MAINGAY ang naging biyahe namin ni Blush pabalik sa mansiyon. She was noisier than usual. Basta ang dami niyang kinukuwento mula nang magising siya kanina dahil nananaginip siya ng tikbalang pero sa halip na kabayo, unicorn daw ang kalahati nito.
Medyo na-weird-uhan ako sa inaakto niya. Hindi ko tuloy sigurado kung hyper lang siya ngayon o . . . ewan. She wasn't her usual self and I set it aside.
Nang makabalik na kami sa mansiyon, dumeretso ako sa opisina ni KD sa halip na sa kuwarto namin mag-asawa. Naalala ko kasi na naiwan ko ang libro ko roon kagabi at plano kong tapusin na basahin mamaya. Gustong-gusto oong magbasa rito dahil parang kasama ko na rin si KD dito.
I unlocked the room and it was dead quiet. Walang nagbabantay sa loob ng bahay dahil nasa labas silang lahat. KD wanted to keep watch of the house but still give me the privacy.
Agad kong nakita ang librong binabasa ko sa couch at agad inabot iyon. Hindi ko sinasadya na mapatak ang magazine na nasa likod ng aklat.
It slipped out of my hand and dropped on the floor. The magazine slipped through and went in front of the trash can.
"Hay naku, Alexa!" I grunted.
Binaba ko ang gamit ko upang kuhanin iyon. Hindi ko maaatim na pabayaan ang gamit doon. I wanted to make things organized.
Pero sa paglapit ko sa magazine, may napansin akong nakalukot na papel sa paanan ng basurahan. Inabot ko iyon at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko at halos malaglag ang panga sa gulat.
'Let's settle the score. — Damian'
Napatakip ako ng bibig at nabitawan ang note at maging ang libro na kalilimot ko pa lang. Mas nagulat pa ako sa nilalaman ng sulat sa halip na sa pagbagsak ng aklat. I didn't even budge when the book dropped on my foot.
Panicking, I reached for my phone. Agad kong tinawagan si KD pero walang sumasagot. One missed call turned to two and more. Mas lalo akong kinakabahan at parang nablangko ang isip ko. I felt like I was about to faint.
Did my husband just lie to me? Hindi ba siya nagpunta sa Cebu? Kinita ba ni si Kuya Damian at hindi pinaalam sa akin?
Bakit?
Naninikip ang aking dibdib at napaluhod. Umalis si KD at hindi niya sinabi sa akin na makipagkikita siya kay Kuya Damian. And the only feeling occupying my chest was pure worry.
I needed to see them. I needed to see KD to ensure he was okay.
How could I be so stupid and forget about Kuya Damian? My parents still brainwashed him to seek revenge on his own brother! Nabulag siya sa kasinungalingan dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kapatid ko. My parents took advantage of his love and turned it into hatred.
"Blush! Ate Cola! Anyone!" hiyaw ko na parang kinakapos ng hangin.
"Miss, ma'am?" Nagmamadaling pumasok si Blush at nilapitan ako agad. Inalalayan niya akong makatayo at maupo sa couch namin. Awtomatiko akong napahawak sa braso ni Blush at tinitigan ang mga mata niya.
"Ma'am?" takang tanong pa rin niya.
"Nas'an si KD?" walang babala kong tanong.
Namilog ang mga mata niya at napalunok. I knew she wanted to brush my arm off and escape that moment, but I was not going to let her.
"Nasa Cebu, ma'am, why?"
"Be honest with me, Blush. Nasaan si KD," seryoso kong tanong. That moment, I didn't care if she saw someone different in me. I was in no mood for games. I needed honest answers.
"Ahm . . ." Ilang mabibigat na paglunok muli ang ginawa niya. I knew that expression — she had her orders. She had to keep me safe.
"Please, Blush, tell me . . . " I wiped my tear using my free hand. "Where's my husband?"
Bumaba ang tingin ni Blush at nakita ang note na nahulog ko sa sahig. Nag-aalinlangan siyang tumingin sa akin.
"Ma'am . . . "
"Don't even think of hiding it from me, Blush. Napag-usapan na natin 'to before. I want you to be honest. Pero kung hindi mo sasabihin sa akin, aalis ako at kung kinakailangan kong halughugin ang buong Pilipinas, gagawin ko. Mamili ka."
Napalunok siyang muli. She might be my bodyguard, but she was soft against me. I didn't want to use that as my ticket to bribe her. Pero tumatakbo ang oras at hindi ko alam kung ano'ng nangyari kay KD.
I did not want to think about those unpleasant scenarios, but I couldn't help it. Sila mismo qng nagtutulak para isipin ko ang mga iyon.
What if hindi lang saksak ang makuha niya next time? What if hindi lang ilang araw ang abutin niya na walang malay? What if hindi lang ang mansiyon ang lusubin nila?
Nanumbalik sa akin ang ilang gabi na napangingiwi siya sa sakit habang nagpapagaling pero pilit niya pa rin itinatanggi na masakit ang sugat niya.
Napalunok si Blush bago ako sinagot, "Sige, Ma'am, dadalhin po kita r'on."
Kahit nag-aalala ako kay KD, nabunutan ako ng tinik ngayon na nalaman kong dadalhin ako ni Blush kung nasaan ang asawa ko. At kapag nakita ko si KD, makatitikim muna siya ng sapak bago ko siya yayakapin.
***
#KDLexMagicOnWattpad
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro