Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

***

"KUYA, sorry kung na-late ako, ha? Ang dami kasing nangyari . . . " sambit ko bago ko nilapag ang bungkos ng mga bulaklak sa harap ng puntod ni kuya.

Medyo kupas na ang pintura nito at halatang napabayaan na. It seemed like my father disowned him upon coming out . . . kaya lang, hindi na nabawi ni Daddy ang mga binigay niya kay Kuya dahil nilagay na niya sa ilalim ng pangalan ko.

Maganda rin ang panahon ngayon. Hindi maalinsangan at malapit kami sa ilalim ng isang puno. At dahil kami lang ni KD ang naroroon, sobrang tahimik ng sementeryo.

"It's better late than never, love," ani KD habang nagsisindi ng kandila.

I gave him a small smile before turning back to my brother's grave. "Miss na kita, Kuya! Miss ko na ang kakulitan mo at hugs mo. Miss ko na rin kung gaano ka ka-supportive sa 'min ni KD kahit na ayaw nina Mommy at Daddy."

Pinagpagan ko ang mumunting alikabok sa pangalan ni Kuya. "Kuya, thank you kasi lagi niyo kong nililigtas ni KD. At kahit na nakalimutan ko ang lahat, kayo pa rin ni KD ang nagpaalala sa 'kin. I . . . I am still missing some of my memories pero I'm building more rin." I smiled as I relish on our memories. "Alam mo ba, Kuya? Going strong kami ni KD. Tsaka subukan lang niya . . . "

"Love, grabe ka naman sa 'kin," pagputol ni KD at saka ako inalalayan na tumayo. "Alam mo naman na wala akong gagawin na masama, 'di ba?"

Tumango ako. "Alam ko naman. But just promise me na you won't ever get hurt, 'kay? Otherwise, ipasusundo kita kay Kuya," biro ko.

"Of course, love. Takot ko lang sa 'yo."

Napangisi ako at ramdam ang pamumula ng sarili kong mga pisngi. "Sus, bolero mo talaga."

"Just stating facts. Pero, love . . . " Hinawakan ni KD ang kamay ko. I looked at his loving face.

"Hm?"

Inangat niya ang kamay ko at saka hinalikan ang likod ng palad ko. "I have a surprise for you."

Nanulis ang labi ko at pinaningkitan siya ng tingin. "What is it?"

"Pikit ka muna."

Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Ayaw."

KD smirked at me and took my hand back to plant another kiss. "Come on, love. I'm sure that you'll love this surprise."

"Bakit naman kasi surpresa? Puwede naman na sabihin mo na lang sa 'kin ngayon?"

Lumapit pa lalo si KD sa akin at hinawakan ang magkabilang mga braso ko. This time, it was his lips that puckered. "Please, love? Pagbigyan mo na 'ko?"

I sighed. "Fine. 'Pag ito 'di ko nagustuhan, sa labas ka tutulog mamaya," babala ko sa kaniya.

"And if you end up enjoying it, what's in it for me?"

"Hmm . . . " Ano pa ba'ng puwede kong gawin at ibigay sa kaniya? "If you succeed, I'll grant you a wish."

I saw how a little devilish smile form from his lips. "Anything?"

Tumango ako. "Yes, anything . . . as long as I'm capable of doing it."

"Mukhang kailangan ko nang pag-isipan kung ano'ng hihilingin ko, a?" pang-aasar niya. "Sige na, love, pikit ka na muna."

Bumuntonghinga ako at saka pumikit. Wala akong ideya kung paano pa siya nakapaghanda ng sorpresa kahit na sobra kaming naging busy.

Bumitiw si KD sa akin at saka nagpaalala, "Don't open your eyes yet, love."

"Yes, love. Nakapikit na po." I even placed my hands behind me. I even swayed my body a little as I tried to resist the urge in peeking. The temptation to open my eyes was so strong but Iwas holding it in.

"Wala pa ba, love?" Icalled out, not feeling his presence in front of me.

"Wait lang, love. Malapit na."

"Alam mo, KD, 'pag ito talagang surprise mo ay epic fail, lagot ka—" Naputol ang pagsasalita ko nang may biglang yumakap sa akin at pinukaw ang ilong ko nang napakapamilyar na amoy.

Awtomatiko akong napamulat at nakita at dama ang panginginig ng buong katawan ko. Namasa at nag-init ang aking mga mata nang makita kung sino ang nakayakap sa akin habang nakatayo si KD sa 'di kalayuan.

"Anak . . . " tawag ni Manang Lisa habang hinahaplos-haplos ang likod ko.

Agad kong sinuklian ang yakap ni Manang nang sobrang higpit at hindi ko pinigilan ang mga luha sa pagttulo. "N-nay!" I cried in her arms.

Oh, my gosh! Hindi ko talaga 'to inaasahan! Kakausapin ko pa lang sana si KD na tulungan akong hanapin si Manang pero alam na niya ang nasa isip ko bago pa 'ko pa sabihin sa kaniya.

"Nay . . . " Patuloy kong paghagulgol.

"Naku . . . masiyado yata akong na-miss ng alaga ko!" ani Manang na pinipigilan din na maiyak pero batid ko ang panginginig ng boses niya.

"Sobra po, 'Nay! Sobra!"

Nanay Lisa had always been family. Mas naramdaman ko sa kaniya ang pagiging magulang kompara sa totoo kong mga magulang. Siya ang nagparamdam sa ami ni Kuya Alessandro noon pa man kung paano maging bata at maging masaya. Siya ang umaalo sa amin sa tuwing napagagalitan kami nina Daddy sa mga araw na hindi kami sapat.

"Sorry, 'nak, kung hindi ko agad sinabi sa 'yo ang tungkol sa nakalimutan mong alaala . . . lalo na ang tungkol sa asawa mo." malambing niyang saad.

Umiling ako habang nanatiling nakayakap nang mahigpit sa kaniya. "Okay na po 'yon, 'Nay. Naiintindihan ko  po . . . " When things rolled that way, I understood that she didn't have a choice.

Para manatili sa tabi ko at maalagaan ako na hindi magtaka ang mga magulang ko, nanatili siyang tikom hanggang dumating ang tamang oras. Kung hndi dahil sa kaniya, I would be blindly following my parents. Kung nangyari iyon, baka habambuhay ko rin na hindi maaalala sina KD at Kuya Alessandro.

"Tahan na, 'nak."

"Na-miss kita, 'Nay!" usal ko.

"Na-miss din kita, Alexa. Hayaan mo, 'nak, hindi na ulit ako aalis," aniya at naramdaman ko ang as paghigpit ng yakap niya.

Gosh! I missed this motherly touch from her!

"Tahan na, anak. Marami tayong kailangan pag-usapan pero magsisindi muna ako ng kandila para sa kapatid mo. Matagal na rin akong hindi nakadalaw sa puntod niya."

"Okay po."

"Ayan, tingnan mo, ang pula-pula mo na!" Natatawang pinunasan niya ang luha sa mukha ko. "At tsaka . . . "

"Po?"

"Baka pati ako'y pagselosan ng asawa mo," bulong niya. "Mukhang naiinggit na at kanina mo pa 'kong yakap." Napatawa ako sa sinabi niya.

Sinilip ko si KD at nakatiitg siya sa direksiyon namin ni Manang. Nakapamulsa ang mga kamay at tahimik lang na nakamasid. He had his puppy eyes on as if telling me to notice his existence.

Naiiling ako at hindi naglaho ang ngiti. Bumitiw ako kay Manang at hinarap ang asawa ko. Isang hakbang ko pa lang ay tinanggal na niya agad ang mga kamay na nakatago sa kaniyang bulsa. He opened his arms toward me and I raised mine, too.

Sinalubong niya ako sa isang mahigpit na yakap at siniksik ko ang mukha ko sa kaniyang bisig. I wrapped my arms around his waist and rested on his chest.

"Did you like my surprise?" malambing niyang tanong matapos halikan ang noo ko.

"I love it, love! Thank you!"

"You're always welcome."

Naging tahimik kami at sinilip si Manag Lisa. Nakaluhod siya sa harap ng puntod ni kuya at nakapikit. Magkalingkis ang kaniyang mga kamay at taimtim na nagdadasal.

"Kailan mo pa tinatago si Manang sa 'kin?" pabulong kong tanong sa asawa ko.

"Noong isang gabi lang. Nagtago si Manang dahil sa kapatid ko. Mabuti na lang dahil sa probinsiya siya dumeretso. Tanda mo ba 'yong isang summer house na binigay ni Mommy sa 'kin sa Cavite?"

"Oo, tanda ko."

Ilang bahay bakasyunan din ang nahati sa pagitan nina KD at Kuya Damian nang pumanaw ang mommy nila. It had been so long, and KD couldn't access those properties until he came of age.

"Yeah, mabuti na lang at d'on siya nagpunta. Nasabihan ako ng ilang tauhan na doon nagtago. It was good that we were able to do these plans beforehand," paliwanag ni KD at inakbayan na ako.

"Bakit parang alam mong mangyayari ang mga 'to?"

Natigilan siya at saka ngumiti. "Sa totoo lang . . . si Kuya Alessandro ang nakaisip ng mga plano. I learned so much from him. And he didn't give up on that fight for your happiness . . . and his." Naging malungkot ang tono niya sa huli.

"Alam na ni Kuya Damian ang totoo?"

Umiling si KD. "Hindi. Hindi alam ni Kuya ang totoo. As far as everything goes, ang alam niya ay ako ang bumaril kay Kuya Alessandro."

"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang totoo?" kunot-noo na tanong ko.

"I tried, love. Maraming beses na . . . pero mukhang may usapan din sila ng mga magulang mo.  Sinigurado nila na mapaghahatian nila ang yaman kapag naghiwalay tayo at naikasal ka sa kaniya."

"All for that old will . . . " I grunted. Napakuyom ang mga kamao ko sa galit. Dahil sa leche na mana na 'yan, nagulo ang mga buhay namin.

"Don't worry about it, love. Ako na ang gagawa ng paraan na makausap si Kuya. Just think of the promise you made with me." Hinawakan ni KD ang tagiliran ng ulo ko  ago nilakipan ng halik.

Hindi naglaho ang pagkakukunot ng noo ko sa sinabi niya. I looked at his handsome face. Maging ang sinag ng araw ay sumasang-ayon sa akin dahil nagmistulang spotlight niya.

"What promise?"

"Love, you said you'll fulfill my wish if my surprise turned out great, right?"

Namilog ang mga mata ko at napaatras. Hala! Nakalimutan ko! Masiyado akong nadala sa pagkikita namin ni Manang na nakalimutan ko na ang sinabi niya.

"O-okay. A-ano ba'ng wish mo?"

Sa halip na sumagot, nguniti si KD sa akin at mabilis hinalikan ang tungki ng ilong ko. "I'll tell you when we get home."

***

# KDLexMagicOnWattpad

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro