Chapter 25
Sorry sa delay! Longest chapter na itey! Hello sa inyo! Kaway-kaway!
***
NAGISING ako nang maramdaman ang ilang paghaplos sa aking likod at braso. Pagmulat ko, nakayakap pa rin si KD sa akin at maayos ang pagkababalot ng kumoy sa amin.
"Hm . . . " Sumiksik pa ako sa kaniya at lalo rin humigpit ang yakap niya sa aking baywang.
"Good morning, love," bulong niya.
"Morning . . . " inaantok kong usal at pumikit muli. Gusto kong matulog pa lalo.
Binalot ng katahimikan ang paligid at alam kong hinahayaan niya ako na makatulog pa. I felt light feathery kisses getting damped on my forehead.
Bilang man ang mga naaalala ko kasama siya, alam kong safe ako kasama siya. Magmula nang magising siya, magkatabi na kaming natutulog sa kuwarto—madalas sa kuwarto niya, minsan sa kuwarto ko. Nakadepende sa mood at kung kailan at saan dadatnan ng antok. Hindi pa rin kasi namin napag-uusapan nang maayos. Basta gusto namin na magkasama kami.
We weren't just making up for the lost time. We were making more memories together—memories that I vowed never to forget, no matter how simple or extravagant they would be.
"Baby, do you want to get up na? I'll have breakfast prepared for us."
Umiling ako. Ang sarap pa ng tulog ko at ang ganda ng puwesto namin. I'm so cozy in our position. It's not everyday that I get to sleep this peacefully.
"Five minutes."
I wasn't sure if KD chuckled, but I think he did. "I want to give you the next five minutes, but you said that an hour ago," bulong niya. Halos dumampi ang labi niya sa noo ko habang nagsasalita siya.
Naalimpungatan ako sa sinabi ni KD. I started rubbing my eyes in the hopes that it would wake my senses up. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at patuloy pa rin siya sa paghaplos sa akin.
"Really?"
This time, he nodded. "Yes, love. We're meeting your parents later. Do you want to postpone it?"
Umiling ako at saka pinatong ang kanang kamay ko sa dibdib niya nang umayos ako nang pagkahihiga sa braso niya. Sumunod ang kaliwang kamay niya at pinatong sa ibabaw ng kamay ko. I could feel the thumping of his heart and how his chest calmly bobs up and down with his breaths.
"No, love, I want to talk to them na. I've held it for too long already. It's due time na makausap ko na sila para mabisita ko na rin si Kuya."
"Okay, love. We'll go with the original plan."
"Thanks, love." Muli kong siniksik ang sarili ko sa kaniya. Inayos din niya ang kumot sa aming dalawa. "I'm scared though."
"About what?"
"About finding out the truth from them . . . baka kasi sa halip na maging okay kami, mas lalo kaming masira," pag-amin ko.
Paano kung may kinalaman nga sila sa pagkamatay ni Kuya Alessandro? Paano kung marami pa pala silang tinago at pawang kasinungalingan na ang lahat?
"Stop overthing, love," pagsuway niya na nagbalik sa akin sa sandaling iyon.
"Pero kasi . . . " I bit my lower lip. Hindi ko makontrol ang sarili ko. After all that had happened, masisisi ba niya ako kung mag-overthink ako?
"Love, we'll get to the bottom of this. Kahit ano'ng mangyari, hindi kita iiwan. Regardless if things go your way or not, you're my wife and I'll do everything you want and need. You just need to let me know, 'kay?"
Tumango-tango ako at muli siyang sinilip. Sakto naman na katitingin niya lang sa direksiyon ko. Sabay kaming napangiti at saka niya ako nilakipan ng halik sa noo.
"Thank you, love. Sobra," I whispered as I held his cheek with my free hand.
"Always welcome, baby. Always."
God, why am I so lucky with this man?
***
NANG makabangon at makakin kami, tumuloy na kami sa daan. Nasa likod at harap namin ang ibang tauhan ni KD. We had a two pairs of convoy in front and behind us. Mahigpit na seguridad ang nakapalibot sa amin at maging ang seguridad na naiwan sa mansiyon. KD was not playing games with anyone.
Hindi katulad sa plano ko noon na mag-isa na susugod sa mansiyon ng mga magulang ko, iba na ngayon. Bukod sa pinagplanuhan talaga nina KD at nang mga tauhan niya, bantay-sarado kami ngayon.
Bukod kina Blush at Ate Cola na nasa likuran namin, nasa harap naman si Zeus at ilan pang kalalakihan. May ilan sa kanila na ngayon ko pa lang nakita pero kapansin-pansin ang laki nang kanilang mga katawan. Nasisigurado kong bihasa sila sa pakikipaglaban.
Dahil sa naging paglusob sa mansiyon namin ni KD, mas napansin ko na marami pala ang miyembro ng mafia. Walang sinabi ang mga nakahalubilo ko na sa hapag noon. At para masigurado na hindi na mauulit ang paglusob nina Kuya Damian.
I couldn't believe it had only been weeks since I reconciled with KD and recalled Kuya Alessandro. Ilang linggo na akong hindi pumapasok sa unibersidad at napaiisip na rin ako kung makapagtatapos ba ako ngayong taon o kakailanganin kong umulit.
Siguro kapag natapos na ang lahat ng gulo ay maaari akong makabalik sa pag-aaral para makapagtapos na rin. Kahit na na-delay ako kumpara sa batchmates ko, ibang karangalan pa rin kapag nakapagtagumpay sa pag-aaral.
My thoughts were cut short when the car pulled over. Awtonatiko akong napalingon labas ng binatana at nasa harapan na pala kami ng mansiyon ng mga Imperial.
"Are you ready?" mahinahong tanong ni KD sa akin.
I gave him a nod. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. I was certain that KD could feel my anxiety and worry. Pero dahil din sa kaniya, mas nagkaroon ako ng lakas ng loob ako.
Bumaba si KD at nagmamadali akong pinagbuksan ng pinto. Nilahad niya ang kamay niya at inalalayan ako palabas. Sinilip ko rin ang ibang sasakyan at nakatindig na silang lahat na parang mga sundalo na binabantayan kami.
Mukhang O.A. ang dami ng aming bantay ngunit mas mainam na raw iyon kaysa manganib kami ayon kay KD. Parang artista tuloy ang pakiramdam ko ngayon kahit wala naman nakakikilala sa akin.
Kumaway si Blush sa 'kin at pansin ko ang pagsiko ni Ate Cola sa kaniya. Ngumiwi pa si Blush at parang yayayain ng away ang nakatatandang kapatid. Ang mga kalalakihan naman ay nakasuod ng itim na shades at parang hindi naiinitan sa itim na jacket na suot nila. Mukhang hindi na 'ko dapat magtaka kung may suot silang mga bulletproof vest o 'di kaya ay armado sa ilalim ng mga jacket nila.
May sumalubong sa amin na lalaki na nagmula sa mansiyon. Hindi siya pamilyar sa akin at kailanman ay hindi ko nakita. Pinatuloy niya kami sa mansiyon na kinalakihan ko at inabisuhan na nasa loob na sina Mommy at Daddy na naghihintay sa amin.
The lounge room still looked like how I remembered it. Parang walang nagagalaw at mukhang hindi na rin nalilinisan nang maayos.
Wala na sa ibabaw ng estante ang mga larawan namin. At hanggang ngayon, wala pa rin ang larawan ni Kuya. It was still as if he never existed in the first place.
Doon namin nakita si Mommy at Daddy na prenteng nakaupo at matalim ang tingin sa direksiyon namin. Mabilis kong sinuri ang paligid at nakita ko ang ilang kasambahay ngunit walang senyales ni Manang Lisa.
"Where's Manang Lisa?" pagsalubong ko sa kanila.
"Is that how you treat and greet your parents after running away?" Nagkrus ang mga braso ni Mommy at tinaasan ako ng kilay. "To answer your question, she's gone. Matagal na siyang umalis dito."
Gusto ko man silang batiin nang maayos, hindi ko rin naman maramdaman sa kanila ang kasabikan o pag-aalala ngayong nagkita na kami. I felt like an estranged daughter.
"Where is she?" pag-uulit ko. Kinakabahan ako. Sana naman ay ligtas siya!
"No idea and we won't be wasting our time with her. Let's just get to the point than wasting our time on nonsensical matters."
May bahagi sa akin na hindi nagulat sa sagot ni Mommy. Nakasasama man ng loob eahil wala silang utang na loob matapos kaming alagaan at mahalin ni Manang Lisa. Mas mabuti na rin na wala rito si Manang. Ngunit mas mapapanatag ang loob ko kung alam kong ligtas siya.
"Alright. Let's do that then," usal ko at nakamasid lang sila sa akin. Oddly enough, I could not feel any sadness or remorse from them. Parang mga estranghero sila.
I took a breath as I took a few steps toward them. Humiwalay ako kay KD para makausap ang mga magulang ko nang mas maayos. Pero panatag naman ang loob ko na hindi niya ako pababayaan kung may gawin na kakaiba ang mga magulang ko. I knew he was putting himself on the side but still watching over me.
"Bakit hindi niyo pinaalala sa 'kin ang tungkol kay Kuya Alessandro?" walang pagdadalawang-isip kong tanong.
Bumuntonghinga si Mommy at tinanggal ang pagkakrus ng mga braso. "What happened to your brother was —" Napalunok siya bago nagpatuloy, "it was an unfortunate accident."
"Accident?!" That word made my blood boil. "Ang aksidente ko puwede niyo pang matawag na aksidente . . . pero ang pagkamatay ni Kuya, hindi! Tapos nagawa niyo pang itago sa 'kin ang nangyari?"
"It was for your own good and benefit, Alexa," kalmadong turan ni Daddy. Gayunpaman, iba pa rin ang paraan ng tingin niya sa akin—sa amin ni KD. I knew he didn't want us to be together, but to see rage and disgust? That was uncalled for.
"For my own good? Benefit?" pag-uulit ko.
"Yes! If you just listened to us, hindi mangyayari ang lahat nang ito! Namatay si Alessandro dahil pinili mong magmatigas at sumama sa lalaking 'yan!" panduduro ni Daddy kay KD na nakapamulsa lang sa likod.
"Alam niyo na hindi ako tatakas kung hindi niyo ko kinulong at pinilit magpakasal kay Kuya Damian!" singhal ko. "Dapat nga pinakasuhan ko pa kayo ng kidnapping. Instead of helping me recover, you fed me with lies and brainwashed me! Tapos ano . . . ? Pipilitin niyo na naman akong makasal kay Kuya Damian kung hindi ko magawang maalala ang asawa ko? How twisted can you be?"
"That's how things were supposed to be!" Pinagtaasan ako ni Mommy ng boses.
Nangunot ang noo ko sa narinig. "No, Mom! They're not!" sagot ko. "Mahal ko si KD! At sina Kuya Ales at Kuya Damian . . . nagmamahalan sila! Bakit n'yo ba ako pinipilit na—"
"Wala akong anak na bakla!" pagputol ni Daddy at nakita ko ang pagpait sa mukha ni Mommy. "Kung nagpakalalaki lang din si Alessandro, nakabawas sana siya sa problema!"
"Problema?" I gasped. "How dare you call him a problem?! Kuya was working day and night para mapatunayan sa inyo na karapat-dapat siya . . . na tama ang desiyon niyo na ibigay ang kompanya sa kaniya!"
"And that was my biggest mistake," walang emosyon na saad ni Daddy. "Mukhang mabuti na rin at nabura na siya sa mundo kaya nakagagalaw na 'ko . . . dahil mukhang kahit ikaw ay hindi makikinig sa 'kin!"
That was a thousand stabs to my chest. Hindi pa naghihilom ang mga sugat ngunit nabuka muli at nadagdagan pa.
I wonder . . . was this how Kuya felt when he was facing our parents? Was this how hard things were when he was trying to prove himself to our close-minded parents?
Sadly, our parents were not seeing that we were their kids. And Kuya—being the best brother he was—didn't want me to experience the hardships he had faced. Mukhang kinubli niya ang lahat para hindi masira ang pagtingin ko sa aming mga magulang. Hindi niya pinaramdam ang turing nina Mommy at Daddy sa kaniya. At napagtanto ko na palabas lang talaga ang pag-akto nina Mommy at Daddy upang hindi ako magtaka at magtanong.
The love that they showed me was a show after all—a comedy show. I was trying my best to be the best daughter for them . . . thinking I was born in a family filled with love. Palabas at pawang kasinungalingan lang pala ang lahat. Hindi na 'to mauulit. Para kay Kuya, tatapusin ko na 'to.
Mabilis kong pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisngi. I must stand my ground.
"Too bad for you, kayo ang nagkamali . . . hindi si Kuya."
"Ano'ng sinasabi mo?"
"Nang ipasa niyo kay Kuya ang lahat ng ari-arian ng mga Imperial, hindi niyo 'to nabawi nang mawala siya. Gusto kong ipaalam sa inyo na wala kayong makukuha sa kahit ano na iniwan ni Kuya," walang gana kong saad. "Everything you passed on to my brother . . . belongs to me."
Hindi nakatakas sa akin ang pagbilog ng mga mata ni Daddy at pagkunot ng noo ni Mommy. "What the hell are you talking about, Alexa?!"
Kinuha ko ang photocopy ng will ni Kuya mula sa aking bulsa at nilapag sa harap nila. Nagdadalawang-isip man ay inabot iyon ng mga magulang ko.
Habang binabasa nila iyon, umatras ako at nilapitan si KD. He gave me another assuring smile that he was there for me. I extended my arm, and he automatically reached for it, intertwining it with his. I just wanted to go home and cuddle with him. Parang gusto kong umiyak at magpahinga na lang.
"You are amazing," bulong niya. Naramdaman ko rin ang paghaplos ng hinlalaki niya sa kamay ko.
"Really?"
"Yes, love. You were so hot. I think I just fell in love with you all over again." It was a weird time to be making bold statements, but his words and voice were calming me down.
"Bolero." I chuckled.
Natatawa na napailing ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga! Wala talaga siyang pinipili na oras at lugar.
"Love, you know it's real. Gusto mo ba ligawan ulit kita para mapatunayan ko na totoo ang sinasabi ko?"
"Ha? We're married na kaya. There's no need for that." Inangat niya ang kamay ko at nilakipan ng halik ang likod ng palad ko.
"Hindi naman dahil asawa na kita ay bawal na kitang ligawan, 'di ba? I think it's more of a reason for me to do it."
"O sige na nga," I jokingly agreed.
I knew he was going to do it—manligaw at gumawa ng maraming sorpresa. Kahit noon pa man, my KD had always been the sweetest.
Muli kong hinarap ang mga magulang ko at batid ko ang gulat at pagtataka sa mukha nila. Ibig sabihin, wala talaga silang ideya tungkol sa mga ginawa ni Kuya nang manahin niya ang kompanya. Wala silang ideya sa ginagawa nila nang mawala ang kapatid ko.
"How did this—?" I saw the horror in my mother's eyes.
"How did it happen?" pagdudugtong ko. "I ask that myself, Mom. How did Kuya managed to prepare everything for me? Psychic ba siya para gawin agad ang lahat ng preparasyon bago niyo siya . . . pina—"
Nahinto ako sa pagsasalita dahil sa pagbabara ng lalamunan ko. Bigla akong naghahabol sa paghinga. KD immediately started rubbing my hand. Once again, assuring me that he was just beside me.
"—bago niyo siya pinatay?" I finally blurted out.
"For heaven's sake, Alexandra!" Tumayo si Mommy at binagsak ang mga kamay sa mesa. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Bakit naman namin gagawin 'yon kay Alessandro?! Bakit ko papatayin ang sarili kong anak? And this—" Tinaas niya ang photocopy ng will ni Kuya sa ere. Halos magusot na niya dahil sa magkahalong inis at galit. "Baka kung saan niyo lang 'to pinagawa! Stop with this stupidity!"
I saw the desperation in her eyes to convince me of the things she refuse to believe in. Pero sa pagitan ng nga magulang ko at ni Kuya, mas naniniwala ako sa mga iniwan ng kapatid ko.
I felt pity towards my mother seeing her in this state. Hanggang kailan niya ipagpapatuloy ang pagtatago ng katotohanan sa 'kin?
"Mom, tama na . . . Kung ayaw niyong ibigay sa akin ang totoo, at least para kay Kuya!"
"Ikaw ang tumigil na!" biglang hiyaw ni Daddy. "Wala kang karapatan na pagsalitaan kami nang ganiyan, Alexandra! Kung ganiyan ang natututuhan mo sa walang kuwenta mong asawa, mas mabuti na maghiwalay na kayo!"
Ramdam ko ang paghigpit ng kamay ni KD. Nagpipigil siya kahit alam kong nagpupuyos na siya sa galit.
"You have no right, Dad!"
"I have every right!" I was stunned with the tone of his voice. "Isa kang Imperial at may karapatan ako sa 'yo at sa mga iniwan ni Alessandro!" galit na singhal ni Daddy.
"Mr. Imperial," biglang tawag ni KD kay Daddy at humakbang sa harapan ko upang matakpan ako. "Let me remind you that she's my wife. Asawa ko na si Alexa at isa na siyang Ratcliffe."
"Shut up! She's my daughter!"
"No! Hindi ko hahayaan na sigaw-sigawan niyo si Alexa. Mawalang galang na ho pero 'wag niyo sanag ubusin ang natitirang respeto na mayroon ako sa inyo. We have the ballistics report na nakarehistro sa inyo ang baril na pinagmulan ng bala na tumama kay Kuya Alessandro. May nagsalita na rin galing sa kampo niyo tungkol doon. That night . . . the kill order was meant for me. Pero wala sa plano niyo na darating si Kuya kaya siya ang tinamaan. Akala niyo, ako ang lumapit kay Alexa nang gabi na 'yon."
Reading and hearing it was different from each other. Ngayon na naririnig ko na mula sa bibig ni KD ang mga nabasa ko sa dokumento, mas masakit. Nadudurog ako sa aking narinig.
"You—!" panduduro ni Daddy.
"Daddy, tama na!" hiling ko.
"No! I won't stop! Hinding-hindi ako hihinto hangga't hindi ko nakukuha ang mana!" That broke my heart. Hanggang sa huli, ang mana pa rin ang gustong makuha ni Daddy.
Hinawakan ko ang braso ni KD at tumabi muli sa kaniya. Hindinko pa rin pinuputol ang pagtingin sa mga magulang ko. "Well then, I don't have a choice but to take back everything that's supposed to be mine now," mariin kong usal.
Namilog ang mga mata ni Mommy at nilapitan si Daddy. Parang isang tigre si Mommy na lalapain na ako sa aking kinatatayuan. "Wala kang utang na loob!"
"Ako ba talaga, Mom? Ako ba talaga ang problema?" puno ng hinanakit kong saad.
"Hindi ka aalis! Hindi pa tayo tapos!" usal ni Daddy.
"Pero ako, Daddy, tapos na. Aalis na po kami, Dad, Mom . . . " pagpapaalam ko sa kanila kahit na nagdidilim pa rin ang awra nila. "Mga magulang ko pa rin kayo at hindi ko iyon ikakaila. But I hope . . . and I pray that the next time we see each other, you'll own up to the sins you've committed. Sana maging honest na kayo, hindi gaya nang pagsisinungaling at panlilinlang ninyo sa akin. Sa huli, sarili niyo lang din naman ang puwede niyong sisihin."
Hindi na namin hinintay pa ang mga sasabihin nina Mommy at Daddy at nilisan na namin ang mansiyon.
Little did I know that the image of the perfect family I dreamt of was all but just part of my imagination. I feared they would leave before, and it did happen. But it was their choice to live with the guilt and be burdened by my brother's death.
Umasa ako na magkakausap pa kami at hihingi na sila ng tawad sa nangyari pero mali ako. Albert and Alisson Imperial chose to ruin our family completely.
The very next day, my parents fled the country . . . never to be seen again.
***
#KDLexMagicOnWattpad
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro