Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

***

ILANG beses kong pinipigilan ang nakaiiritang mga luha sa pagtulo. Kahit na naiisip ko si Kuya, hindi nawawala sa isip ko ang hitsura ni KD ngayon na hindi nalalayo sa hitsura niya noong binaril niya si Kuya. Kung hindi dahil sa nasusunog na kotse noon, hindi ko maaaninag ang mukha at ekspresyon niya.

That night, he looked like someone I did not know. He gave me the chills. He was a beaten winner.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Kuya Alessandro?" pag-uulit ko.

Natigilan siya sa aking tanong at nakita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata. His lips parted, still thinking of what to tell me.

"Love?" muli niyang pagtawag. "P-paano mo—?"

"Does it matter?" Tumingala ako at sinuri siyang muli. Apart from my throbbing head, my heart remained broken and shattered.

Ngayon na nakita ko ang retrato ng kapatid ko, hindi ko maiwasan na mapaisip kung bakit tinago nilang lahat ang nangyari sa kaniya.

Nabura ang mga alaala ko dahil nakalimutan ko si Kuya. To rid of the pain of his loss, I chose to lock everything. I set everything aside.

Kinalimutan ko ang sarili kong kapatid.

"L—"

"Umamin ka nga sa 'kin . . . " I interrupted before he could even utter a word.

"Alexa, magpapaliwanag ako . . . " Humakbang siya palapit ngunit tinaas ko ang kamay ko, nakaturo ang hintuturo sa kaniya.

"Huwag kang lalapit."

Agad na napawi ang pagkakakalma ng mukha niya. Agad napalitan nagtagpo ang kilay at binalot ng pag-aalala.

Disgust. I was disgusted with myself for being in this situation. I felt so ignorant in my own skin.

"Lex, p-paano mo nalaman?"

Seryoso ba siya sa tinatanong niya? At isa pa, bakit ba niya ako sinasagot din ng tanong?

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" Nanginginig ang boses ko at pilit kong kinakalma ang aking sarili.

"Lex, please . . . mag-usap tayo nang maayos . . . " aniya.

"Mag-usap nang maayos?" I repeated in disbelief. "Ilang beses kitang tinanong, KD! Ilang beses ko hinintay na ipaliwanag mo! For what? For you to keep it from me and lie straight to my face?"

"No!" agad niyang sagot. "I-it's not like that!"

"It's not like that?!" hiyaw ko pabalik sa kaniya. "Huwag mo naman akong gawin na tanga, KD! Kapatid ko 'yon, KD!" sigaw ko.

Talagang sasabog na ang dibdib ko dahil sa ginawa niyang paglilihim.

Ilang beses na lang niya sasabihin na magiging tapat siya sa akin pero hindi pa rin.

"Was it that convenient for you to keep it from me? Was it wonderful?" Another tear fell from my eye. Ang sakit-sakit lang.

"Alexa, please . . . pakinggan mo 'ko," pag-uulit niya.

"I had been asking you for the truth, KD. Akala ko ba mahal mo 'ko—"

"And I do!" pagputol niya. "Mahal na mahal kita, Alexa. 'Yon ang totoo!" Pansin ko ang pamamawis at pamumutla niya. May iniinda ba siya o dahil lamang sa alanganing sitwasyon na nangyayari ngayon?

"Love isn't suppose to hurt, KD, yet why is my heart torn like this?" Ilang beses kong kinusot ang mukha ko. Mariin. Mahapdi. "Kung mahal mo 'ko, dapat sinabi mo na sa 'kin ang totoo mula pa noon! The truth always hurt, KD. Pero mas tatanggapin ko 'yon kung nagpakatotoo ka na pang sana mula pa noon!"

"How could I?" biglang usal niya na tumaas ang tono. "How could I tell the woman I love more than my life that the brother she cherished was gone? How could I tell my wife, who could not even remember me, that Alessandro was killed when you had no idea about his existence? I wanted to take it slow, 'Lex. God knows I wanted you to regain your memories first."

Ano'ng ibig niyang sabihin? Was he trying to twist my words? Was he lying to me up front now?

"Y-you . . . " I gulped. "You wanted me to remember you shot him?"

Kung may igugusot pa ang mukha niya, paniguradong 'yon na ang nangyayari. "What? I never shot him. Never."

"KD, naman . . . Kita ko ang baril na hawak mo n'on!" I retorted.

"Yes! Because I shot the man who killed him!" walang pagdadalawang-isip na sagot niya. Batid ko ang paghahabol niya ng hangin sa katawan.

"W-what?"

Gamit ang kamay na hindi nakahawak sa tagiliran, napahilamos siya sa sariling mukha.

"Do you really think I would hurt Kuya Alessandro? I looked up to him, Alexa! Parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya," hinihingal niyang usal.

"Y-you're lying . . . "

"Why would I even lie?" I saw how a tear fell from his right eye. "What would I even gain if I hurt him? Ano'ng makukuha ko kung sasaktan ko si Kuya Alessandro na pinakaunang nagbiga6 bg basbas sa kasal natin? Ano'ng mapapala ko kung sasaktan ko ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay mo? Wala, 'di ba? I would just be hurting myself in the process."

That stunned me. Totoo kaya na mali ang nakita ko? Nagsasabi ba siya ng totoo.

"Kung hindi ikaw . . . sino ang bumaril kay Kuya?"

Nakita ko ang paglunok niya. Nagdadalawang-isip na sumagot.

"Si Damian ba?"

"No!" agad niyang usal.

"Then who?!" Lalong nanghina ang mukha niya. "Maawa ka naman sa 'kin, KD! Napakaignorante ko na kung hindi ko pa rin malalaman ngayon kung sino ang pumatay sa—"

"It was your father!" Natigilan ako ngunit hindi ko pa rin pinuputol ang titig sa kaniya. "Ang daddy mo ang nag-utos sa ambush. Ang daddy mo ang gustong magpapatay sa 'kin at inakala na ako ang kasama mo n'on. At dahil madilim, nagkamali pa rin sila. Si Kuya Alessandro ang tinamaan."

Si Dad? Si Dad ang may kasalanan?

"W-what?" My throat felt dry.

"Tell me, Lex . . . kung ikaw ang nasa posisyon ko, magagawa mo bang sabihin sa akin 'yon? Magagawa mo bang sabihin sa 'kin na ang sarili kong pamilya ang pumatay sa kapatid ko? Kung ikaw ang nasa posisyon ko, magagawa mo ba?"

Hindi ko alam ang dapat sabihin. I was at a loss for words. Feeling light-headed, I took a step back. My head was throbbing, and I felt my breath hitched.

Fear? Worry? Surprise? I could not describe the bountiful emotions disturbing my heart and mind.

"N-no . . . H-hindi . . . " It wasn't just my voice that was shaking. It was my whole body. "Y-you're lying . . . H-hindi magagawa ni—"

"Hindi nga ba nila magagawa, Alexa?" puno ng hinanakit niyang tanong. "Hindi nga ba nila magagawa 'yon matapos nila tayong paghiwalayin?" He took a step towards me. "Lex . . . between the two of us, you know whose hands had shed your borther's blood."

Gusto kong umalis nang mga sandaling iyon. Gusto kong humiyaw. Gusto kong umiyak. Gusto kong tumakbo na lang.

Hinayaan ko ang aking mga paa na magsimulang humakbang sa direksiyon ng pinto. Hindi ako makapaniwala. Gusto kong makausap si Daddy at Mommy. Gusto kong mabigyan ng linaw ang lahat. Gusto kong sabihin nila ang totoo sa akin.

Did they do it? Did they kill my older brother? Did they kill their own son?

"Alexa . . . " Hinawakan niya ang braso ko at lalo akong nanlamig.

"Bitawan mo 'ko!" Hinigit ko ang braso ko kasabay ang pag-atras.

Ngunit nang gawin ko iyon, bumagal ang oras at walang babala na natumba si KD sa aking harapan. Saka ko napansin ang kamay niyang binabalot ng kulay pula. Nagsara rin ang kaniyang mga mata.

Unti-unti ay nagkaroon ng matingkad na kulay pula ang carpet na nanggagaling kay KD. He was bleeding from his side and he was turning blue. That was the side he had his hand on earlier. He was putting pressure on an open wound!

Sa halip na gamutin ang sarili, inuna pa niya akong puntahan dito. Like always, he put me first.

"K . . . D . . . ?" My voice shook, hearing no response from the lips that called me his love.

Lumuhod ako at nanginginig ang kamay na tinapik siya ngunit hindi pa rin siya gumagalaw. Walang salitang binibigkas ang asawa ko.

"KD?" Nanginginig ang aking mga labi at kinakalampag ng puso ko ang aking dibdib.

As I looked at my hands, they were also covered in his blood. Hindi ko alam ang dapat gawin. Hindi ko sigurado kung ano ang dapat maramdaman.

I wanted to stand up and call for help, but I wanted to grab the first aid kit to stop him from bleeding. I had no idea. My mind just went blank.

"K . . . D . . . "

"Boss?! Nas'an ka ba?!" I heard a few voices from afar.

Paglingon ko sa direksiyon ng pinto, dumating sina Zeus at Blush. Kapuwa may benda sa katawan. Si Zeus ay may benda sa balikat at si Blush naman ay mayroon sa pisngi.

"KD . . . " was all I could utter.

I needed their help pero walang matinong salita na lumabas sa bibig ko. Nakulong lang sa pag-iisip kay KD.

Nagmamadali silang lumapit kay KD. Halos mabingi ako sa nangyayari nang may iba pang tauhan nila na dumating. Ramdam ko na may humawak sa balikat ko upang mailayo kay KD at parang bangkay ako na nagpapatianod.

Hindi ko na alam kung ilang sila na nag-aasikaso kay KD. May nakita pa ako na nagbigay ng CPR sa kaniya. I was out of my sane mind. I was just surrounded by white noise.

Walang katapusan ang pag-agos ng mga luha ko habang nakatitig lang sa mukha ni KD na walang kaemu-emosyon. Parang natutulog lang siya.

I suddenly regretted spitting those hateful words to him. I hate everything that I told him. And I wished I could turn back the time . . . kahit kaunti lang. Para mabawi ko lang ang mga sinabi ko at mas maagap siyang ginamot. Kahit iyon lang.

But since my accident and losing a life's worth of memories, I stopped wishing for time to return. Nothing good happened whenever I wished for it.

Just like now.

Seeing KD lifeless on the floor . . . parang nakita ko si Kuya ng mga sandaling iyon . . . sa kaniyang huling mga sandali.

***

If you're on Twitter, use #KDLexMagicOnWattpad para makita ko rin ang feedback n'yo! Thank you so much! ❤️

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro