Chapter 2
***
HABANG naglalakad ako patungo sa unang klase ko, marami akong nadaraanan na mga estudyante sa pasilyo. Ayon kina Mommy, pangarap ko raw talaga na dito mag-aral sa Ellenbrooke University. Bukod sa maganda ang curriculum nila pagdating sa business at naaayon kapag nagtrabaho na rin ako sa kompanya, gusto ko rin daw makasama ang mga kaibigan ko noong highschool.
It was vague, but I do see myself making that choice in the past.
"Alexa!"
Halos mapatalon ako nang may tumawag sa akin mula sa likod. Paglingon ko, mas lalo akong nagulat nang may umakbay sa akin. At nang makita ko kung sino, si Maggie pala.
"Mags!"
"O, bakit parang nakakita ka ng multo?" natatawa niyang tanong. Nang yumuko siya, bumagsak din ang napakakulot niyang buhok mula sa kaniyang balikat.
Kaklase ko si Maggie sa isang Marketing unit last year at naging kaibigan ko. Nakatulong sa akin ang pagiging masigla at bibo niya sa klase kaya hindi ko masasabi na boring ang unang taon ko nang magbalik ako sa pag-aaral sa E.U.
Bukod sa dating batchmates ko, I met new friends along the way. At sa mga naging bagong kaibigan ko, kay Maggie ako naging pinakamalapit dahil pareho namin hilig ang pagkanta.
Ang pinagkaiba lang, miyembro siya ng glee club ng university at ako ay hindi.
"Nanggugulat ka kasi!"
"Magugulatin ka lang talaga! Inosente ako! Hmp!"
"Inosente raw! Sino'ng may sabi?"
Sabay na nanulis ang mga nguso namin bago napangisi sa isa't isa. Hindin namin pinansin ang tingin ng ibang estudyante sa paligid. May ilang pamilyar na mga mukha dahil dumalo na rin sa klase ko noon
"May klase ka na?" aniya bago ako hatakin patungo sa tabi ng pasilyo upang hindi humara sa daan ng iba.
"Oo, pero maaga ako."
"Sumabay ka sa mga magulang mo?" Tumango ako, but she rolled her eyes at me. "Ikaw na lang yata ang kilala kong college student na bet na bet magpahatid sa magulang," natatawa niyang ani.
"Inggit ka lang!" biro ko.
"Ewan ko sa 'yo, Payless!"
"Pay more nga ako! Ikaw ang Maggie na, Payless pa!" dagdag ko.
I know she will admit defeat really soon. Medyo pikon din 'tong si Maggie kahit ang hilig-hilig maging promotor ng asaran.
Maggie rolled her eyes at me again. "Ewan ko sa 'yo, Alexandra! Nga pala, baka makalimutan ko!" Bigla niyang binaba ang bag at binuksan. As usual, wala siyang paki kung nasa tabi kami ng daan.
"O? Ano'ng meron?"
"'Yong gusto mong hiramin! Nakuha ko na!" Kinuha niya ang isang makapal na aklat mula sa bag at inabot sa akin. Kinuha ko iyon at sinuri. Aklat iyon ng mga music sheet ng mga bagong kanta. It was the latest edition na wala pang isang buwan nang ilabas sa publiko.
"Hala! Akala ko ba bawal ilabas ang mga music books n'yo?"
"Ano ka ba?! Matino naman ang pagpapaalam ko sa kanila. Hello naman na ako ang lead singer nila," aniya sabay ang pag-flip ng buhok niya palikod.
"Wow! Lead na siya ulit! Congrats, Mags!"
"Yas, girl! Nasa akin na ulit ang korona! Sasapatusin ko lang 'yong Harriette na maharot kapag sinubukan niyang agawin ang trono ko!" sabi niya sabay ang ilang pagpitik sa ere.
Napailing na lang ako. Alam kong iba ang inis niya kay Harriette na isa ring business student. Silang dalawa ang laging naglalaban para sa pagiging lead singer. Pero dahil pamangkin ng dean, nagagamit para makuha ang gusto.
"Ikaw talaga, Mags! Ikaw na ang winner. Hayaan mo na 'yon!"
"Hay naku! Basta! I hate that bitch! Hindi ko tuloy magawang maging crush ang mga nakaka-partner sa nga competitions kasi ang balita, lahat hinaharot niya," pabulong niyang kuwento.
"Hayaan mo na. Basta galingan mo na lang!" I cheered.
"Of course naman! Ako pa ba?! Pero, Alexa . . . "
"Hm?"
"Ingatan mo 'yang libro, ha? Baka mapatay ako nina sir kapag nawala o nagusot mo nang bongga! Sayang ang beauty ko!"
Napangisi akong muli. Ang lakas talaga ng trip ni Maggie. "Oo naman! Thank you talaga, Mags! Promise! Iingatan ko 'to!" I said with pure confidence. Ilang beses na rin naman niy ako napahiram ng mga music books nila dati at maayos kong naibabalik.
Ang hirap kasing maghanap ng kumpletong music scores online nang hindi ako magbabayad o mahuhuli nina Mommy. They were not pleased knowing I loved music.
"Sige na! Mauuna na 'ko. Baka mabawi agad ang korona ko. Kailangan kong pumunta na sa practice!"
"Sige. Message na lang kita!"
Kumaway si Maggie sa akin at saka kumaripas ng takbo. Halos bumangga pa siya sa ibang mga estudyante na siyang sanhi para ilang beses pa akong umiling.
Niyakap ko ang libra at nakangiting naglakad na patungo sa lecture hall. Nasasabik na akong silipin ang mga kanta rito. At kahit palihim lang, I want to sing whatever songs are included.
Nang pumasok ako sa lecture hall, napansin kong wala pang tao. Hindi naman iyon nakapagtataka na dahil masiyado rin akong maaga na pumasok. Madalas akong maaga sa klase 'ko sa exonomics dahil sa pagsabay ko kina Daddy.
Nagtungo ako sa paborito kong puwesto na malapit sa likod ng malawak na lecture hall. It's the perfect spot for me. Hindi kasi ako natatawag ng propesor at madalas nakapagsusulat nang maayos.
Pero laking gulat ko na may isang tankay ng rosas na nakapatong doon. Hinawakan ko iyon at inamoy. Amoy totoong bulaklak.
I scanned the whole hall and it was just that spot that had the rose. Muli kong nilapag ang rosas sa mesa. Baka may nakaiwan mula sa ibang klase.
Nadismaya ako na hindi ako makauupo sa paborito kong puwesto pero baka may magalit pa na ginalaw ko ang rosas sa mesa. Maingat ko iyong binaba at lumayo na roon. Baka kasi may magtanong pa at lumapit kung ako ba ang naglagay roon.
Lumayo ako at bumaba ng hagdan. Dalawang mesa rin ang layo ko mula sa paborito kong spot. Sana okay na rito.
Nilapag ko ang aking bag sa tabi ng upuan na uupuan ko. At nang makaupo ako, nilabas ko ang laptop ko para maging handa kapag nagsimula na ang klase.
Pero habang naghihintay, binuklat ko ang music book na binigay ni Maggie. Napakaraming kanta roon na gustong-gusto kong pakinggan at kantahin na.
At nang dumapo ang mata ko sa kanta ni Niki na "Lose", hindi ko napigilan ang sarili kong mapakanta. Dahil mag-isa lamang ako, hinayaan kong mag-echo ang boses ko sa buong lecture hall.
Pakiramdam ko ay may sarili akong concert. Pakiramdam ko naman ay okay lang ang boses ko. Siguro hindi kasing galing nina Maggie o ni Harriette, pero hindi naman ako sintunado. I think na matatawag ko na rin iyong success.
I was singing at the top of my lungs. Parang ako ang may-ari ng buong lecture hall. That moment was just for me.
I had always enjoyed singing. Hindi ko akam kailan nagsimula iyon, basta alam kong gusto ko. At magmula noon, hilig ko na ang pagkanta kahit walang nakikinig. Nahihiya rin naman kasi ako na may makarinig at makatanggap pa ng pangangantiyaw.
🎶 I don't need a reason
To keep on dreamin'
That we don't lose, yeah what's the use?
I don't need a reason
To keep on dreamin'
That I can win this stupid thing called love
Mm, mm, mm 🎶
Nang matapos akong kumanta, huminga ako nang malalim habang pikit ang aking mga mata. I was so engrossed with singing that I did not even realized that my eyes were shut already.
My imagination and peace was suddenly cut short when I heard the creaking of the door. Lumingon ako sa pinto sa taas ng lecture hall at gumagalaw-galaw pa ang pinto, senyales na may nagsara nga nito.
Napatakip ako ng bibig at nagpalingon-lingon sa paligid. Nasisigurado ko kanina na wala akong kasama rito. Pero baka a-attend din ng lecture pero narinig ako kaya umatras na?
Hala! Nakakahiya!
Nagmamadali kong sinilip ang labas ngunit mga estudyante na dumadaan lamang ang naroroon. Walang kahit anong senyales na humahangos sila o 'di kaya ay nanggaling sa lecture hall.
Hindi ko sigurado kung mabagal lang ako pero wala talaga . . . Nakakakaba pero wala naman akong mapagdududahan na kahit sino.
Classes started and I set the music book aside. Pero dahil late kami natapos sa klase at kinailangan kong magtungo na sa sunod na mga lecture halls, huli na nang mapagtanto ko na naiwan ko ang music book sa mesa. I was already on my way home nang maalala ko ang hiniram ni Maggie para sa akin!
At dahil papalubog na ang araw, hindi na ako pinayagan pa nina Mommy at Daddy na umalis ng mansiyon. Hindi ko rin naman pinaalam sa kanila kung ano ang naiwan ko sa unibersidad. Palitan ko na lang daw.
Hindi talaga ako nakatulog nang gabing iyon. Binabagabag ako ng naiwan ko sa lecture hall at kung may nakarinig nga ba sa akin. Hinihiling ko na lang talaga na walang kukuha niyon at naroroon pa rin pagpasok ko. Sana hindi magalit si Maggie kung sakali na nawala nga. Hindi naman siguro mahahalata nina Mommy kung may maging gastos ako na related sa music.
Napailing ako habang nakahiga sa kama. Hindi. Kailangan ko lang maniwala na naroroon pa rin iyon sa lecture at mababalikan ko.
Hay naku, Alexandra.
***
KINABUKASAN, maaga akong pumasok muli sa university. Sana walang ibang nagklase roon kahapon matapos ang klase namin. The likelihood of that was very slim kaya umaasa na lang talaga ako.
Pakiramdam ko ay may nagtatambol sa dibdib ko. Talagang nagsabay pa ang pintig ng puso ko sa nagmamadali kong mga hakbang patungo sa lecture hall.
Hindi ko na nasamatala ang paglalakad sa pasilyo na puno ng ibang estudyante. Lagi naman siksikan na parang may event kapag may mga klase.
At pagsapit ko sa lecture hall, pansin ko na may nagpapasukan na mga estudyante. Mas lalo akong kinabahan, umaasa na sana hindi pa sila nagsisimula sa klase para masilip ko nang maayos ang inupuan ko kahapon.
Wala rin naman akong plano na mag-sit in sa klase ng iba. Baka ma-late pa 'ko sa sarili kong klase.
Laking pasasalamat ko nang mapansin na maliwanag ang buong lugar, senyales na hindi pa nga nagsisimula ang klase nila. Mukhang mga business students din ang naroroon.
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan patungo sa lugar na inupuan ko kahapon. Saka ko lamang napansin na may kumpulan ng ilang estudyante roon. May ilan pa na nakahawak sa kanilang mga phone. Parang may pinagpipiyestahan.
Sinuri ko ang paligid at napatitingin lamang sila sa direksyon na iyon. Marahil nagtataka rin sa kung ano'ng naroroon.
For some reason, my feet was drawn to approach the crowd. Kinailangan ko pang tumingkayad upang makita kung ang hinahanap ko nga ang pinagtitinginan nila. At tama nga ang naiisip ko na naroroon ang music book na pinahiram ni Maggie sa akin.
"Excuse me . . . " nahihiya kong turan habang nilalampasan ang bawat mga estudyante na humahara sa daan. Mabuti na lamang at hindi ko kaklase ang mga estudyante roon. Hindi nila ako makikilala. I think they're either sophomores or freshmen.
Pinadaan naman ako ng ilang estudyante ngunit pagsapit ko sa mesa, napakunot ang noo ko. It suddenly made sense why a crowd was forming around that table.
There was a single-stemmed red rose and red butterflies made from folded paper scattered around a pink note rested on the seat I moved to yesterday. Nakapatong iyon sa libro na naiwan ko. At salungat kung paano ko iniwan na sarado ang aklat, nakabukas iyon.
But above all else, I was surprised with the post-it note saying, 'Alexa, I'll pick you up soon. I love you, sweetheart. KD.'
Ilang beses akong napalunok. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Pakiramdam ko ay may pilit pumipigil para bigkasin ko ang nasa note.
Naisip ko na hinihingal lang ako dahil sa mabilis kong paglalakad kanina pero iba talaga ang pakiramdam ko. Something seemed off.
"K . . . D . . . ?"
Lumingon ako sa direksiyon ng mesa na may rosas kahapon — sa paborito kong puwesto — ngunit wala na roon ang rosas na nakita ko. Nasisigurado ako na ibang oras na ang nakaptong dito dahil mas matingkad ang kulay nito kumpara sa nakita at naamoy ko kahapon.
For the first time since I woke up from the accident, I felt my chest tightening. Komportable man ako sa suot kong damit, parang nahihirapan akong huminga. Hindi ako komportable at hindi ako makahinga nang maayos.
Sinong susunduin? Sino ang sinasabihan ng 'I love you'? Sino ang tinawag na 'sweetheart'? Ako ba?
Pero bakit? Sino 'to?
Ayokong mag-assume na ako dahil wala naman akong boyfriend. Iyon din naman ang sabi nila sa akin. At kung mayroon man, ang weird kung hindi ko siya kilala.
Baka naman coicidence lang 'to? Common name naman ang Alexa kaya malaki ang posible na hindi ako ang tinutukoy sa note . . . pero may posibilidad pa rin na ako.
"K . . . D . . . " pag-uulit ko kahit alam kong walang sasagot sa akin.
"Miss, miss!" Napatingin ako sa estudyanteng nakapula katabi ng mga kaibigan niya. "Ikaw ba ang Alexa na tinutukoy r'yan?"
Napalunok ako at muling tiningnan ang note. Inabot ko iyon at sinuri ang pagkakasulat. I felt weird. There was that tickling feeling inside me as I wondered about the same thing.
I wonder about the same thing . . . Ako nga ba?
***
#KDLexMagicOnWattpad
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro