Chapter 19
🤍❤️ Happy 10k reads! ❤️🤍
🌸
***
FLASHBACK . . .
"CLOSE ba tayo para utusan mo 'ko?" naiinis kong tanong. Hindi na talaga ako nakapagpigil pa.
I saw how he was on the verge of saying something but stopped as the fireworks started exploding in the night sky. Naging makulay ang madilim na kalangitan.
One . . . two . . . there were a lot of fireworks sparkling in the sky like little stars out of my reach. I clasped my hands together while still hugging the bucket. Yumuko ako at dinikit ang noo ko sa aking mga kamay.
It was midnight already.
It was New Year's Day.
'Lord, I hope this year will be a great year.' I prayed.
Sana maging okay ang lahat this year. Sana manatiling masaya at malusog ang pamilya ko araw-araw. Iyon lang naman ang hiling ko ngayong taon.
Muli akong nagmulat ng mga mata at tumingala sa kalangitan. Malakas man ang mga paputok, hindi ko alintana iyon. Maging ang malamig na hampas ng hangin ay hindi ko pinansin. I was just mesmerized by the beauty painted in the sky.
"Ang ganda . . . " I unconsciously mumbled.
Siguro kung makikita ko ang sariling repleksiyon ko, ako pa mismo ang magsasabi na nagniningning ang mga mata ko sa tanawin.
I couldn't help but admire the pretty sparkles popping in the sky. Inangat ko pa ang kamay ko. Feeling bata na maaabot ang fireworks.
"Sobra . . . "
Tama ba ang narinig ko? May sinabi ba 'tong lalaki na 'to? Lumingon ako sa kaniya at nakaharap siya sa aking direksiyon.
"May sinabi ka?"
"Wala. Sabi ko ang bingi mo," aniya.
Napasimangot ako. "New Year tapos ang sama ng ugali mo," litanya ko.
"Alam kong narinig mo ang sinabi ko kaya huwag mong ipaulit."
Sinilip ko ang mukha niya at gamit niya ang isang kamay para takpan iyon. Hindi naiwasan na mamilog ang aking mga mata sa sinabi niya. 'Sobra' lang ang narinig kong sabi niya.
Does that mean—?
I could feel my cheeks heat up. Hindi ko man maaninag ang mukha niya, dama ko na muli ang titig niya sa akin nang mapagtanto ang sinabi ko at sinabi niya. Naiilang akong bumaling sa kalangitan at hindi na nagsalita pa.
Ayaw ko na lang magsalita. Baka asarin pa niya 'ko.
I just brought my mind back to my admiration of the fireworks display.
"Alexa . . . "
Natigilan ako. Alam niya ang pangalan ko . . . pero ako, hindi ko pa rin maalala ang pangalan niya. Kung hindi niya ako aasarin, baka itanong ko. Pero if ever, kay Mommy ko na lang itatanong.
"O?"
"Kahit ano'ng mangyari . . . "
Nangunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya nang sumabay ang mga paputok.
"Ha? Ano?" I took a step closer to him. "Ano'ng sabi mo?"
Kung kailan mukhang seryoso siya, saka ko naman hindi narining nang maayos.
Napakamot siya ng ulo at humakbang palapit sa akin. Nakapako ang mga mata ko sa labi niya dahil iyon lang ang malinaw sa paningin ko.
Kung hindi ko man marinig, kakayanin ko naman siguro na mabasa kung ano man ang sasabihin niya. Kita ko abg paglunok niya kahit 'di pa masiyadong lumalabas ang Adam's apple niya. His lips parted from each other as he spoke once more.
"Kahit ano'ng mangyari . . . "
"Hoy, Ratcliffe! Pinopormahan mo ba ang kapatid ko?"
Napalingon kami ni KD sa pinagmulan ng boses. Naglalakad palapit sa direksiyon namin si Kuya Alessandro at Kuya Damian.
"Siraulo ka ba, Imperial? Dalawang Ratcliffe ang kasama mo ngayon," usal ni Kuya Damian na nayayamot.
Lumapit ako sa nakatatandang kapatid ko at binigyan siya ng mahigpit na yakap. "Happy new year, Kuya!"
"Happy new year, princess." I felt him kiss the top of my head.
"Ako ba? Hindi mo babatiin, Alexa? Wala bang kiss?" Lumapit pa si Kuya Damian sa amin pero umiling ako. Ang lakas pa rin niyang mang-asar.
Kahit na magkapatid sila ni KD, ang laki ng pagkakaiba nila. Kuya Kenneth Damian was very outspoken while KD — Kyle Daiñel — was a quiet lad.
"Ayoko, Kuya."
"Ouch naman, Alexa! Ako nga ang magiging Prince Charming mo in the future tapos ganiyan ka sa akin? You're hurting my feelings!" Umakto pa siya na parang nasasaktan sa sinabi ko. Gusto pa sigurong maging aktor.
"Tantanan mo nga ang kapatid ko, Kenneth. Don't give her any ideas. Matagal pa 'yan," dagdag ni Kuya.
Kahit bata pa ako, I knew what it meant. I overheard my parents and the Ratcliffe's parents earlier — gusto nilang maging fiancé ko si Kuya Damian in the future. Our families had come a long way in business, at gusto nilang maging isang pamilya.
Ilang henerasyon din ang inabot na puro lalaki ang nagiging anak ng mga Ratcliffe at maging sa pamilya ko. At ngayon, ako ang babae na gustong ipakasal sa panganay na Ratcliffe — kay Kuya Damian.
Pero ayoko. Ang bata ko pa at buti na lang sumasang-ayon si Kuya Alessandro sa akin. Hindi raw kailangan na umabot sa ganoon dahil matalik naman sila na magkaibigan ni Kuya Damian.
But it was our parents who refused his words. All for an old will that would benefit both families should the marriage happen.
Inakbayan ako ni Kuya at pumuwesto ako sa tabi niya.
Doon ko napansin na tahimik si KD na nakatayo sa tabi ko. Nakatitig lang siya sa kalangitan at pinapanood ang fireworks. Nanatili naman si Kuya Damian sa tabi ni Kuya Alessandro at nanonood din ng fireworks.
Out of the blue, I felt KD's hand brushed my right hand. Sinilip ko siya at mas malapit na nga ang tayo niya sa amin ni Kuya. I bit my lower lip lightly and slowly extended my fingers.
Kinakabahan man ako, binalik ko ang tingin ko sa kalangitan habang nag-uusap ang mga kuya namin.
Maingat at tahimik lang kami ni KD hanggang sa maramdaman ko ang pagkalilingkis ng mga daliri namin.
***
"SIGURADO ka ba na gusto mo si KD?" tanong ni Kuya Alessandro sa akin habang nagtitipa sa laptop niya. Nakahiga naman ako sa kama niya at nakatingin sa kisame. Kasalukuyan na nasa kuwarto ako ni Kuya matapos magpaturo sa kaniya ng assignment ko sa algebra.
"Bakit, Kuya? Kokontra ka ba?" wala sa sarili kong tanong.
"Hindi naman, Lex. Iniisip ko lang ang magiging hitsura nina Dad kapag nalaman nila na aatras ka sa engagement party."
Pinatong ko ang kamay ko sa aking dibdib at pinakiramdam ang pintig ng aking puso. Kalmado pa rin naman ako kahit na wala pa akong matinong tulog dahil sa midterm exams ko nitong nakaraang linggo.
"E, sila naman ang may gusto n'on. Hindi ako. Kung gusto nila, sila magpakasal kay Kuya Damian. Huwag nila akong idamay."
Napakamot si Kuya ng batok at saka tumayo. Lumapit siya sa akin at umupo sa kama. Bumangon naman ako at tumabi sa kaniya. Ihinilig ko ang aking ulo at inakbayan naman niya ako.
"Don't be frustrated at them, princess. Alam mo naman na mahal ka nina Mom at Dad," bulong niya.
"Alam ko naman, Kuya. Pero naiinis lang kasi ako na kailangan pa nilang ipilit sa akin ang makipagrelasyon kay Kuya Damian. Puwede naman sigurong mag-compromise sa succession rules na 'yan. Ibigay nila kay Kuya Damian ang grupo pero si KD ang magiging fiancé ko. That's reasonable naman, e." Pinagkrus ko ang aking mga braso sa inis.
"I know, Lex. Kaya lang, it's an old will we can't simply change overnight. Kaya, it's either you get engaged with Damian or . . . " He paused.
"Or KD steps up and takes over the mafia group?" Ramdam ko ang pagtango ni Kuya.
"Yes, at kahit umoo si KD na maging sunod na mafia boss, hindi naman papayag si Dam. All his life, he had been training for it. And the timeline is almost over. I'm sure mas gugustuhin ng mga magulang natin na makuha ang nakatagong yaman ng great grandparents natin instead na i-donate lang sa charity."
"E hindi naman natin kasalanan na walang babae na anak. Tapos ako ang pine-pressure sa tao na kapatid lang ang turing ko." I whined.
Ang unfair naman kasi. Hindi naman namin kasalanan na puro lalaki ang isinilang sa henerasyonnng mga magulang namin. Hindi rin naman nila kasalanan na puro lalaki rin ang nabuo nila at ako ang nag-iisang babae.
As far as I knew, both families tried their best to have more offspring. But things weren't meant to work that way and easily.
Now, I just feel very burdened about it.
"Hayaan ko, kakausapin ko si Dam kung may magagawa ba kami. Siyempre, gusto ko rin naman na maging masaya ang prinsesa ko."
Kahit na ilang taon ang agwat namin ni Kuya, lagi niyang pinararamdam kung gaano ako kaespesiyal at kahalaga. Siya lang din kasi ang may pakialam sa akin na kadugo ko. Kaya mahal na mahal ko rin si Kuya. I was always going to be his precious little sister.
I wouldn't know what would happen if I lost my Kuya and KD.
"I trust you, Kuya. Sana may magawa kayo ni Kuya Dam."
Kahit na nasa college pa lang sila ni Kuya, halos sila na ang magpatakbo ng mga kompanya ng mga pamilya namin. They had been working really hard and I knew they would do something about it.
Kahit naman inaasar ako ni Kuya Damian na siya ang magiging asawa ko, alam kong mahal niya kami ni KD. I had their backs since day one, and nothing could change that.
"Of course, princess. Hindi kami titigil hangga't hindi namin naaayos ni Damian ang lahat. "At isa pa, kahit trip mo si KD at kahit kilala ko na siya mula pa pagkabata ninyo, kailangan niyang manligaw nang maayos. Hindi ko pa kayo in-approve na mag-date. Hm?"
"Kuya naman!" Sumimangot ako kay Kuya at napangisi lang siya. Siraulo man 'tong si Kuya, alam kong suportado at boto siya kay KD para sa 'kin.
***
"ALEXA! ALEXA!"
Naalimpungatan ako nang maramdaman na may kumakapa sa mukha ko. My eyes just wanted to shut. I just wanted to sleep. Hindi ko rin maramdaman ang buong katawan ko at nahihirapan akong huminga. I felt dead and tired.
Gusto kong itanong sa kaniya kung nasaan kami. Bakit ang daming puno sa paligid? Bakit may galos sa mukha niya at may putok sa labi? Pero wala akong masabi at magawa.
I tried my best to recall what happened, and I couldn't help but tear up. Nanumbalik sa akin ang mga nangyayari nang makarinig ako ng mga putok ng baril.
One after another, it was filling up the dark place we were at. May nasusunog sa 'di kalayuan at naaamoy ko ang gas. The burning car KD and I were in earlier was burning and was the only source of light there.
Tumakas kami ni KD sa beach dahil hinahabol na kami ng mga tauhan ng pamilya nina KD. Dapat sa beach house namin tatagpuin si Kuya Alessandro na sasama sa pagtakas namin. But our location was compromised. Nasundan kami ni KD at kinailangan na tumakas sa lalong madaking panahon.
There were endless gunshots everywhere and I could recall our car flipping around. Napakabilis ng mga pangyayari. Umikot ang lahat nang sobrang bilis hanggang sa magdilim ang lahat.
"Princess, don't sleep, 'kay? Nandito na si Kuya. I'll protect you," naiiyak niyang usal habang kinakapa pa rin ang mukha ko. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay niya.
'I trust you, Kuya.' I wanted to tell him that badly. I just wished the message could be seen from my eyes even if it was dark.
Gusto kong itanong sa kaniya kung nasaan si KD ngunit hindi pa rin ako makapagsalita. Ni isang salita ay hindi lumabas sa aking mga labi. I was just stucked in limbo. My body was frozen. I was sure I was injured, but I don't know up to what extent. Hindi ko alam.
Sinubukan ni Kuya na buhatin ako at doon ko napansin ang braso niya na nakatali at nagdurugo.
Lalo akong naiyak. Gusto kong humiyaw at humingi ng saklolo pero wala akong nagawa.
"Okay lang si Kuya. Aalis tayo, Lex. Aalis na tayo," he mumbled trying to rid the physical and emotional pain he had.
Alam kong pagod na si Kuya sa matagal na naming pagtakbo dahil sa mga desisyon na pinili namin na panindigan kaya mas nasasaktan ako sa kalunos-lunos na hitsura ni Kuya.
I just wanted to tell him that it was enough. I wanted to yell at him to stop. He had done so much for me — everything — and he could rest. Ayokong patuloy siyang lumaban para sa kasiyahan ko. Gusto kong maging masaya naman siya. Hindi para sa akin pero para sa sarili niya.
But that wish was a complete mistake. I fucked up.
Walang tigil pa rin ang palitan ng mga bala. The noise was coming closer and closer, and my eardrums almost popped with the sounds coming from a close distance. Tatlong magkakasunod na pagputok ang pumutok nang sobrang lapit sa aking kinahihigaan.
Nanlaki ang mga mata ko nang walang babala na natumba si Kuya Alessandro sa may tiyan ko.
"Lex—" he gasped. Kuya had tears in his open eyes, and blood was slowly coming out of his mouth. I saw him gasp for air, and then he stopped moving. His eyes remained staring at me as it turned lifeless.
"K-ku—"
I could taste blood coming from my mouth. I tried calling my brother out, but my voice had disappeared. Basta sumusuka na lang ako ng dugo. My body was in burining pain.
At nang magawa kong masilip ang paligid, doon ko nakita si KD na maraming sugat sa katawan at nakahawak sa tagiliran. He was panting hard as blood oozed from his side. May hawak siya na baril at nakatutok sa direksiyon ni Kuya.
I could see how pale his face was as he looked at my direction. His bloodshot eyes were tearing up . . . and so did my heart.
'KD, why?'
***
#KDLexMagicOnWattpad
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro