Chapter 18
J: 🌸 Mananakit na ba ako? Hindi pa 'ko mananakit. Mananakit? Hindi mananakit. M— 😂
***
"DAMIAN . . ." His name sounded off from my lips. It was the name I didn't wish nor expected to mutter.
Since when did he arrived?! Paano siya nakapasok dito? Hindi ba't binabantayan nina Blush ang mansiyon? Hindi kaya may masamang nangyari sa kaniya? Sa kanilang lahat?
"Hinahanap mo ba ang walang kuwento mong bodyguard?" he mockingly asked. Ilang beses pa siyang nag-inat na parang nasa gym lang.
Parang bumagsak ang dugo ko sa aking narinig. Parang umabot pa hanggang sa inner core ng Earth ang hindi kaaya-ayang nararamdaman ko ngayon.
"A-ano'ng ginawa mo sa kanila?"
"Wala naman. But I would commend her . . . she put up a decent fight . . . for a girl that is."
"H-hindi . . . " Napatakip ako bg bibig sa sinabi niya. Gusto kong tumakbo palabas para puntahan sina Blush pero mukhang wala siyang plano na palabasin ako rito.
Ngayon pa na nakita kong may baril sa baywang niya? I could see the handle of the gun poking out of his jeans. Parang imposible na makalalabas ako rito nang buhay.
"Hindi ba't sabi ko naman na hindi ka makatatakas sa akin?" Lumapit siya at hindi pa rin nawawala ang masamang tingin. Animo'y sinasapian ng kung anong elemento.
Hindi ko lubos maisip na kapatid siya ni KD. Kung hindi lang sila magkamukha, maiisip ko talaga amna wala silang kahit anong koneksiyon sa isa't isa. Additionally, I could never imagine that this man was supposed to be betrothed to me as well.
I shook off the tears that wanted to drop on my cheeks. Kailangan kong magpakatatag. Marami pa akong dapat gawin. Marami pa akong dapat isipin.
"A-ano'ng ginagawa mo rito? P-paano ka—?"
"Paano ako nakapasok?" pagputol niya sa tanong ko. "It was rather easy, Alexa. Nagpunta silang lahat sa dulo ng malaking lupain niyo, leaving the right side defenseless. Akala kasi ni KD, ligtas na kayo lagi, e. Hindi talaga siya nag-iisip. A real weakling. A real loser."
Napalunok ako at muling napaatras. Naramdaman ko na lang ang pader sa likuran ko at hindi pa rin niya binabawi ang masamang tingin sa akin.
"A-ano ba'ng problema mo? Bakit ba ang laki ng galit ko kay KD?
"Hm . . . " Kinagat ni Damian ang ibabang labi. He had that smug look. It was disgusting. "I was right after all."
Napalunok ako. "Right about what?"
"Kawawa naman si Alessandro. Kinalimutan mo pala talaga," dismayado niyang ani.
"A-ano?" Nangunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Lalong lumawak ang pagkakangisi sa mukha ni Damian. "That's so fucked up, Alexa!" hiyaw niyam "Dahil sa 'yo, kinalimutan ng mundo ang tungkol kay Alessandro. Dahil sa 'yo, nabura si Alessandro sa mundo na parang . . . kailanman ay hindi siya nabuhay!" Umaapaw ang emosyon niya nang sabihin iyon.
Inangat niya ang kamay sa ere at katapat mismo ng mukha ko. He clenched his fists, as if trying to surpress himself from choking me. Ang kaniyang mukha na nahihirapan ay parang nagsasabi sa akin na gusto niya akong saktan pero pinipigilan niya ang sarili.
Napalunok ako at nanatiling nakatitig sa kaniya. Huminga siya nang malalim, binaba ang kamay, at saka ako muling seryosong sinuri. Mas kalmado na siya kumpara sa nanggagalaiti niyang hitsura kanina.
"Tell me, Alexa . . . "
Humakbang siyang muli at halos piitin na ako sa aking kinatatayuan. I hated it, but I was scared. I could not move a muscle at all.
Bago pa man dumampi ang kanang kamay niya sa pisngi ko, mabilis akong lumingon sa kaliwa. Ayaw kong mahawakan niya ako.
"Gusto mong makaalala, 'di ba?" bulong niya. "Paano kung alam ko kung paano ka makakaalala?"
Agad akong napatingin sa kaniya. Parang namamantig pa ang aking tainga sa sinabi niya.
"A-ano?"
"What do you remember about Alessandro?"
"A-Alessandro . . . ?" My lips felt dry and my throat was blocked. Bakit pamilyar sa akin ang pangalan na 'yon?
"So wala? Pati siya ay kinalimutan mo rin talaga?" he uttered in disbelief.
Umatras si Damian at saka pa lamang ako nakahinga. Hindi ko namalayan na nagpipigil na pala ako kanina sa paghinga.
Kinabahan ako nang makita na may inabot si Damian. Akala ko ay ang baril pero laking pasasalamat ko na hindi iyon. Kinuha ni Damian ang wallet niya at hindi pinuputol ang tingin sa akin. He pulled a small photo from his wallet and raised it up my face.
It took a couple of seconds before my eyes were able to focus at the picture. Retrato iyon ng isang binatilyo. Mukhang mestizo at anak mayaman. At hindi iyon basta kung sino lang. Kamukha niya ang isang tao na malapit sa akin.
Napaawang ang bibig ko habang nakatitig sa retrato. Waves of memories flashed before my eyes. Dama ko ang sakit ng ulo ko habang nakatitig sa lalaki sa larawan. Nakangiti ang lalaki at abot sa kaniyang mga mata. Pero nasasaktan ako habang nakatingin sa ngiti na 'yon. Maging ang puso ko ay parang binibiyak at winawasak nang pinong-pino.
It was as if he was looking into my eyes and calling my name like the good old days. It was like I was brought back to the past.
One year? Maybe two? No, it was more than that.
It was not just a blast from the past. It was an explosion. It was so loud that I thought I had gone deaf. I could not even hear how my heart was palpitating, and my breath was running out.
"Alexandra!"
Naalala ko kung paano niya ako gisingin at kulitin sa umaga. Naalala ko kung paano niya ako pagalitan at lambingin dahil ako ang pinakaimportante para sa kaniya. Ako ang laging prayoridad niya.
"Alexandra!"
It made sense why I was not recollecting any memories with KD. It made sense why they remained sealed despite seeing him face to face.
KD was part of the big picture, but he was not the trigger. He did not have the main key to unlocking my memories but held one of the locks and had his own set of keys.
Someone else held the main key and chains of my memories. It was none other than Alessandro.
"Looks like we got a breakthrough," nakangisi na usal ni Damian. "Sabi ko naman sa 'yo, mahina ang kapatid ko. You shouldn't have married a loser like him. I'm sure Alessandro is looking at you in complete disappointment."
Napatakip ako ng bibig sa isang memorya na kumakalampag sa aking isipan.
"Who did it?" seryoso kong tanong sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
"Do you really not know? Or are you still playing dumb, Alexa? Alam mo naman ang sagot pero nagpapakatanga ka dahil lang kasal kayo," aniya.
Biglang nakarinig kami ng tatlong sunod-sunod na pagputok at lumingon si Damian sa labas ng balkonahe. There were three yellow smoke flashing in different locations.
"And that is my cue to leave," nakangisi niyang usal. Nilapag ni Damian ang retrato ni Alessandro sa mesa sa aking harapan at nanatiling nakapako ang mga mata ko sa kaniya. "You know where to find me. Alam mo naman na tutulungan kita. Take care, Alexa."
Naiwan akong mag-isa sa kuwarto at binalot ng katahimikan ang paligid. Inabot ko ang retrato ni Alessandro at hindi napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.
Hindi lang dalawang taon ang nanakaw sa akin. Mas mahaba pa at ang sakit na sa ganitong paraan ko maaalala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.
And just like that, I saw the connection between why my parents disapproved and resented KD. It was because of Alessandro.
I heard mote footsteps creeping closer, and I no longer cared who it was. Kakampi man o kalaban, wala na akong pakialam.
Gusto ko lang umiyak at magalit ngayon. Gusto kong sumigaw. Gusto kong . . . magluksa.
"Alexa!" The moment KD opened the door, my heart sunk.
Akala ko mahal ako ng tao na nasa harapan ko ngayon. Akala ko wala siyang itatago sa 'kin.
Akala ko lang pala.
Isang nalaking palabas pala ang lahat. Isang malaking laro. Talo pa siguro ang mga pelikula at telenobela.
My life was just one big joke.
"Love, are you okay?" nag-aalala niyang tanong nang makitang nakaupo ako sa sahig. Mabilis na sinuri ng mga mata ko ang hitsura niya. Kaiba sa maaliwalas niyang hitsura noong umalis siya, he looked beaten.
"He didn't hurt you, did he?" puno ng pag-aalala ang tanong niya ngunit hindi ko sinagot. Parang bibigay ako kapag nagsalita ako.
May putok sa labi at gusgusin ang hitsura. Halatang galing sa away. Mariin din ang hawak niya sa tagiliran. Gayunpaman, hindi naaalis ang angkin niyang kagwapuhan.
Sa totoo lang, ako ang dapat magtanong kung okay lang siya pero hindi ko magawa. Mas umaapaw ang hinanakit ko sa kaniya.
Akmang hahawakan niya ako ngunit kusang gumalaw ang katawan ko para lumayo sa kaniya. Nang-iwas ako ng tingin at pinapahid ang luha ko.
"L-love?"
Napiga ng boses niya ang puso ko. I was hurt. My chest was hurting so bad that I could die.
"P-paano mo nagawang itago sa 'kin ang totoo, KD?" I finally raised my head to meet his gaze.
"Ano'ng sinasabi mo, love?" I could see the crease on his forehead. Nag-aalala nga ba siya o nagpapanggap lang?
This time, I allowed the tears to fall down my cheeks. I could no longer control my tears every time the thoughts of Alessandro crossed my mind.
"Bakit hindi mo sinabi sa aking ang tungkol kay Kuya Alessandro?"
I saw how KD stiffened. Umawang ang kaniyang labi na akmang may sasabihin ngunit agad din sinara. Parang umatras sa kung ano'ng kaniyang sasabihin. He was probably hand-picking the words he would use against me.
Noon pa man, nag-iingat na siya sa akin. At hanggang ngayon, masiyado niya akong iniingatan. He had prohibited me with the truth. Pareho lang sila ng mga magulang ko. Tinago nilang lahat.
I was always going to be a gem in his eyes. Yet, he was scratching it. He caused my ruin.
I had enough of these games. Hindi ko man naaalala ang lahat, may malaking bahagi sa aking memorya ang nanumbalik kahit na ang sakit-sakit ng ulo ko. Parang binibiyak pa rinl Parang nanonood ako ng pelikula ngunit naka-fast forward lahat ng eksena. It was too much!
The feud between our families started when Alessandro disappeared after meeting with KD that day. And a week later, Alessandro was found dead.
If Damian was telling the truth like then and now, Alessandro was killed by the hands of the man I loved and trusted.
My older brother, Alessandro Imperial, was gone.
***
#KDLexMagicOnWattpad
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro