
Chapter 15
Enjoy! ❤️🤍
***
"MA'AM, gusto ko man mag-talk kaso baka masapak ako ni boss. Mas takot ako sa 'yo, pero nakakatakot pa rin si boss," aniya. "Ayaw ko pang ma-tegi!"
I got it and would be a liar if I said it was unexpected. Tauhan siya ni KD. It would be very impolite if she gave out information that her boss didn't order her to do.
Kung tama nga ang sabi ni Blush na bodyguard ko siya, then she was hired to focus on the job. Siguro naging malapit lang talaga kami noon at naging magkaibigan pa. Mukhang wala rin naman iyon na problema kay KD dahil kahit wala ako rito, hindi niya pinatalsik si Blush.
After all this time, Blush was waiting for my return.
"Ayos lang. Kakausapin ko na lang siya. Salamat, Blush."
"You're always welcome, ma'am! Sobrang saya ko na nakabalik ka na! I'm sure pati si Ate Cola ay matutuwa 'pag nakabalik na siya sa misyon niya."
"Ate Cola?" I winced a little at her.
"Kapatid ko, ma'am, si Ate Cola! Mas matanda sa 'tin ng mga . . . " Her lips puckered, still deep in thought before continuing, " . . . dalawang century."
Natatawa akong napailing sa kaniyang sagot. Two centuries talaga? Siguro naman ay ilang taon lang talaga ang ibig niyang sabihin.
"Pero Cola talaga ang pangalan niya?" I asked, seeking peace for my mind.
"Hindi, ma'am! Nicknames lang ang ginagamit namin para sa work na rin. Her name is Coraline Lashanta. Cola for short."
Mas nagtaka ako roon. Hindi ko alam na ganoon pala 'yon. Akala ko ay totoong pangalan nila 'yon katulad ni KD. It's his initials.
"Sandali lang. Kung kapatid mo siya, paano naging Blush ang palayaw mo?"
"Tamad kasi ang nanay at tatay namin," nakangisi niyang usal. "Akala kasi ay lalaki ako. Mahaba name ni Ate tapos tinipid ang name ko. Blue Lashanta full name ko, ma'am."
Napaisip ako. Blue Lashanta . . . Blue . . . that made sense.
"I see. Mas bagay nga sa 'yo ang Blush."
Blush flipped her ponytail to her right shoulder. "Siyempre, ma'am! Ako pa ba?! Basta, ma'am, never call us by our real names, ha?"
"For safety?" tanong ko.
Tumango-tango siya. "Yes po. Plus, if ever nasa panganib or may kalaban, hindi mako-compromise ang identity nino man at any cost. Boss man, tauhan na katulad ko o hampaslupa na kasing pangit ni Zeus."
That made me chuckle. Ayaw niya kanina na pag-usapan pero nabanggit pa rin niya si Zeus. Mukhang close nga sila.
I could see how much they valued their safety. It made so much sense. It would be a stupid move if they would call each other using their real names instead of their nicknames or aliases.
"Anyway, ma'am, magpahinga ka na muna po. We'll cook something nice for dinner. Sana kasya 'yong mga damit d'yan kasi pinabili lang agad ni boss. Kainis na hindi niya sinabi ang tamang size n'yo."
"B-bakit?"
"Last minute lang sinabi ni boss na dadating ka raw today. Edi lipad naman ako sa boutique. Halos bilihin ko na ang buong shop . . . pero siyempre, gamit ang card ni boss," Blush proudly stated. "Kaya, ma'am, magpahinga ka na ha? Gisingin ka namin kapag oras na kumain."
"Thank you, Blush." I smiled at her.
Tumayo na siya at nagmamadali nang lumabas ng kuwarto ko. Mabilis binalot ng katahimikan ang paligid. Pero hindi katulad noong una na may takot sa dibdib ko, I felt at ease and at peace while being here.
My eyes wandered around, and a smile grew on my face. KD prepared all of these for me — for us.
Tumayo ako at nagtungo sa walk-in closet. Kung kanina ay wala na akong masabi sa laki ng silid at hitsura ng mansiyon, ngayon ay halos malaglag ang panga ko sa mga damit na naroroon. They were probably twice the prices of the usual clothes I own. To think branded din naman ang gamit ko noon.
Everything was neatly arranged and color-coded. Halos magmukha nga itong boutique sa dami ng damit. At maging ang branded na bags at sapatos ay maayos ang pagkahihilera. Sa gitna naman ay may mesa na gawa sa bubog at kitang-kita ang mga alahas sa loob. It was as if it was displayed intentionally. Sa halip na kuwarto, parang isang VIP na shop na 'to.
Hindi na yata 'to masasabi na para sa prinsesa lang. Parang mas tama na sabihin na para sa isang reyna na ang pagkagarbo nito.
I took a jumper and T-shirt that I felt fit me well. And for some reason, my cheeks heated up when I realized a brand new set of undergarments in one of the drawers. I mentally shook my head. I wanted to feed my mind that Blush was the one who chose every piece of clothing there. Si KD lang ang nagbayad.
Nagtungo na ako sa banyo at naligo. It was also a very spacious bathroom, and everything was filled up. Even the set of cleansers and makeup I had been using. They really had prepared everything for me.
During my bath, I was thinking about the decisions I had been making. I had been thinking about my parents and the reason why they would lie to me . . . or at least, why they deprived the truth of me. Why were we getting chased up in my dream? Why do I remember the vague memory at the beach on that New Year's Day?
At isa pa, makapagtatapos pa kaya ako sa kolehiyon kung ganitong naglayas ako? Baka naman puwedeng makausap ko si KD tungkol doon. Maybe Maggie could help me in studying, too? Baka magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral pa rin ako kahit online lang. Medyo na-delay na rin namna talaga ako. Wala na'ng kaso ang mahuli basta makapagtapos ako.
Matapos patuyuin ang aking buhok, naisip kong silipin muna ang labas. I had seen a part of the interior of the mansion, but not the exterior. Kung base sa pinaradahan at nadaanan namin kanina, malawak ang kapaligiran. The fact that it took us minutes from the entrance from the street to the mansion meant it was a really spacious place. Ilang sasakyan din ang nakaparada at ilang tauhan din ang mukhang nanunuluyan doon.
Lumabas ako sa balkonahe at pinagmasdan ang kapaligiran. Ngunit sa aking paglingon sa direksiyon ng silid ni KD, nabigla ako nang makita na nakaupo siya sa makapal na riles ng balkonahe, nakatanaw sa malayo at mukhang tinotono ang gitara.
Hindi katulad sa suot niya kanina, nakasuot na siya ng pambahay. There was no sign that he was part of the mafia like the men in black guarding us.
I was about to call him out to ask why he was not in his office like he said when he started singing and strumming his guitar.
Paano ko sasabihin na iba'ng tingin ko sa 'yo?
Paano mo malalaman ang tibok ng puso kong ito?
Naghahanap pa ng iba, ngunit nandito lang pala
'Di ko talaga sinasadyang ibigan ka
Ang lamig ng boses niya. Katulad noong isang kinanta niya na ayon sa kaniya ay sinulat ko raw, ang sarap pakinggan ng boses niya.
Ilang beses ko na tinanong ang sarili ko dito
Kung bakit ba ang damdamin ko ay 'di maamin sa 'yo
Isang sulyap ng iyong mata at ako'y nangangamba
Mahal, mahal ba kita?
Huminto siya at saka ako nilingon. Mukhang alam niya na kanina ko pa siya pinagmamasdan at pinakikinggan.
"Sinulat mo?" wala sa sariling tanong ko. No greetings used.
"Yep."
"Ano'ng title?"
"Mahal ba kita? 'Yon ang title."
Lumapit ako sa dulo ng balkonahe ko at nanatili siyang nakaupo sa balkonahe niya. "Bakit patanong?"
"Bakit hindi?" pamimilosopo niya.
"KD . . . " Sumimangot ako sa kaniya. Ang ayos nang tanong ko tapos mamimilosopo lang siya.
"Love, 'yon ang kinalabasan n'ong kanta. Besides, that makes if unique na patanong ang title, 'di ba? Teka." Tumayo si KD at nilapag ang gitara sa upuan sa labas ng kuwarto niya. Walang babala niyang inakyat ang riles sa direksiyon ko. "Atras ka muna, love . . . " he calmly stated.
"Hoy, ano'ng ginagawa mo?!" nag-aalala kong tanong. Mukhang nababaliw na 'to at bigla na lang tumayo roon! One wrong move and he could fall to the ground!
He positioned himself and made a dash towards my direction. Ilang hakbang din ang layo ng balkonahe niya sa balkonahe ko at dito pa talaga siya dumaan kahit na magkatabi lang naman ang mga kuwarto namin. Nababaliw na ba siya?!
"Lex!"
Saka ako natauhan nang makatalon siya sa balkonahe ko. It was a few seconds that I felt scared.
"What the heck, KD? Are you trying to give me a heart attack?!" reklamo ko. Alam kong mali ako. I could probably be overreacting, but he couldn't blame me for it. He was too reckless!
"Calm down, love. I'm okay," aniya sabay kindat sa akin.
"E pa'no kung hindi? Pa'no kung nadisgrasya ka?" litaniya ko. "Umamin ka nga, parte ka ba ng Akyat Bahay Gang?!" naiinis kong tanong nang maalala ko ang araw na tinakas niya ako sa bahay. Umakyat din siya sa balkonahe ng kuwarto ko at doon din kami dumaan para makaalis.
"Hindi mangyayari 'yon. Promise." Again, he was so calm as he said those words.
Kinuha ko ang unan sa upuan at hinagis sa kaniya. "Nakakinis ka!"
Ngunit nang tumalikod ako sa kaniya, hindi ko napansin na nahulog na rin pala ang tela na nakasabit sa upuan kanina. Napapikit na lang ako nang mapagtanto na nadulas na pala ako. I was waiting for that impact to hurt my whole body.
But seconds had passed, and there was nothing. I was definitely lying down, but I felt quite secure in my place. I was tucked in place and could only hear another heartbeat thumping with mine.
Wait . . . another heartbeat?
Slowly and surely, I opened my eyes. Nanlaki talaga ang mga mata ko nang mapagtanto na nasa ibabaw ko si KD. Ang isang kamay niya ay nasa ulo ko at ang isa naman ay nakasampa sa sahig. Napakalapit ng mukha niya sa akin.
I was sure he was still standing over the balcony's edge. But how he got here in time at an unbelievable speed was surprising.
"Are you okay, love?" bulong niya.
I could see and feel how he was catching his breath. Maging ako ay parang kinakapos ng hangin. Lalong nagwawala ang puso ko sa aming posisyon.
Like the romance stories I had read, it felt like time slowed down. Everything was becoming silent apart from the beating of our hearts.
Ito ba 'yong parte na kusang pipikit kami at mararamdaman ko ang labi niya sa 'kin? Was this the part that we actually kiss?!
Teka! Hindi pa 'ko handa!
Gayunpaman, hindi ko alam kung bakit hindi ako lumalayo at hindi ko siya tinutulak. Mukhang ako talaga ang nababaliw sa aming dalawa.
If we were living in a fantasy world, KD would have cast his magic on me. I was spellbound. I was drawn to him.
Pigil ang aming paghinga habang nababawasan ang distansiya ng aming mga mukha. Kusang nagsara ang aming mga mata na animo'y nag-ensayo kami.
Was this the part where the prince planted a kiss to awaken the princess in deep slumber? Was this the part where they would call it a true love kiss . . . but instead of a curse, my memories would return?
I could feel his hot breath close. Even his hand supporting my nape shivered — in anticipation, perhaps? My mind was going bonkers. Hindi ko na alam ang dapat isipin at tamang gawin.
Shit! Ito na nga ba?!
***
#KDLexMagicOnKumu
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro