
Chapter 14
***
"GRABE! Akala ko hindi na kita makikita pa, ma'am!" masiglang usal ni Blush nang tuluyan na makalapit sa aking kinatatayuan.
Walang babala niyang inabot ang mga kamay ko. She shook my hands non-stop, as if we were close. It really seemed like it.
"T-teka . . . "
"Blush, stop," tipid na usal ni KD.
Huminto ang babae at tiningnan nang masama si KD. "Boss, ilang araw mo nang nasosolo si Ma'am. Nakalimutan mo na ba na ako ang—"
"Blush," KD interrupted like a warning.
Ito na naman si KD. May tinatago na naman sa 'kin. Matapos ang pag-uusap namin, mukhang may plano pa rin na itago sa 'kin ang ibang bagay?
Iwanan ko kaya 'to?
Pero mukhang hanggang sa pag-iisip ko lang 'yon. There was a really low chance he would let me go. Well, that's what I imagined.
Sumimangot si Blush at ilang saglit lang at namilog ang mga mata. Parang nagkaroon siya ng isang 'Eureka!' moment.
"Hala, boss! Totoo nga na may amnesia si Ma'am?" The way she spoke was so different from how she looked. Ang kwela niyang pakinggan kahit na talo pa niya ang modelo sa tindig at ayos.
Napailing si KD. "Stop it."
Blush clicked her tongue multiple times before facing me again. "Ma'am, ihahatid ko na kayo sa kuwarto niyo tapos magkuwentuhan tayo. Epal ni boss. Gusto na naman kayong solohin, o! Apaka talaga!" reklamo niya.
That made my cheeks heat up. Totoo naman din 'yon. Mukhang tama si Blush. Mukhang gusto nga niya na kami lang.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko nang biglang hawakan ni KD ang braso ni Blush. "Ako na ang maghahatid sa kaniya," he sternly said, staring at her with furrowed brows.
"Luh? Boss, madaya." Muli siyang lumingon sa 'kin. "Ma'am, payag ka naman na ako ang maghatid sa 'yo sa kuwarto mo, 'di ba?"
"Ahm . . . "
Lalong nanulis ang labi ni Blush sa direksiyon ko at halos magpapadyak pa. Pakiramdam ko tuloy ay mas matanda ako sa kaniya batay sa kilos at pananalita niya.
"Ma'am, naman!" anas ni Blush at hindi pa rin bumibitiw sa aking braso.
"Blush, stop it. Let go. Ihahatid ko na si Lex sa kuwarto niya. Bumalik ka na sa training," utos ni KD.
"Ayaw! No! Ayoko, boss!" litanya ni Blush.
"H-hindi!" I finally uttered, making the two of them stop and looked at me. "S-si Blush na ang maghahatid sa akin."
The moment I said those words, bumagsak ang balikat ni KD at abot hanggang tainga ang ngiti ni Blush. Halos bumelat pa siya kay KD sa munting pagkapanalo. Kulang na lang ay maisip ko na may nagtatara ng puntos nila sa isa't isa: Blush - 1 and KD - 0.
KD hesitatingly removed his grip on Blush, still looking at me. Parang nagmamakaawa na siya ang isama ko.
"Ma'am, tara na!"
"Teka, huwag na 'ma'am' ang itawag mo sa 'kin. Alexa na lang," nahihiya kong usal.
"No way, miss, ma'am!" irit niya. "Hindi man ako natatakot kay boss, mas takot ako sa 'yo! Boss ka kaya ng boss ko!"
Napasapo sa noo si KD at ilang beses na umiling. "Ihatid mo na lang siya sa kuwarto niya para makapagpahinga muna. If she needs anything, just let me know. I'll just be making a few calls.
"Roger that, bo—"
Hindi pa man nakatatapos si Blush sa pagsasalita ay nakalapit na sa akin si KD at naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Ang isang kamay niya ay nasa batok ko. Natigilan ako sa aking kinatatayuan. Animo'y nagyelo ang buong katawan ko sa biglang ginawa niya.
Isa . . . dalawa . . .
Limang segundo ang lumipas bago nagkaroon ng espasyo ang labi niya at noo ko. Inalis niya na rin ang kamay sa aking batok pero nilapit naman ang labi sa aking kaliwang tainga.
Napalunok ako at 'di namalayan na nakakuyom na ang mga kamay ko. Parang may drums na dumadagundong sa dibdib ko.
I could feel his warm breath and that made me flinched. Isang maling galaw, baka maramdaman ko na ang labi niya sa tainga ko. He was too close. So close that I could even smell the musk he had on at this proximity.
"I'll be in the office if you need anything, love. Magpahinga ka, okay?" bulong niya.
Like before, I felt like his voice had magic in it, making me follow and do what he wanted me to. I just found myself nodding without a beat of question.
At nang dumistansiya na ang mukha ni KD sa akin, nasilayan kong muli ang kalamado at guwapo niyang mukha. Malawak ang ngiti niya sa akin.
I wonder . . . how did I fell for this guy? What made me marry him in a heartbeat?
Muli niyang hinarap si Blush at pinagbibilinan. Hindi ko na naintindihan pa ang nangyayari dahil umuulit sa isip ko ang halik sa akin noo at ang lapit niya sa aking tainga kanina. Parang nararamdaman ko pa rin siya nang sobrang lapit.
At nang makapasok kami ni Blush sa mansiyon, saka ko pa lamang naisantabi iyon. Nahumaling ako sa lahat ng bagay sa aking harapan.
The interior of the mansion was very welcoming. It was bright and light. Hindi maiisip na may mafia na nanunuluyan sa mansiyon na iyon.
Every thing in the mansion — from the tiles, carpets, chandeliers, furniture — screamed of luxury and sophistication. Pero kahit mamahalin ang bawat gamit, they complemented each other. Hindi mayabang ang dating.
"Halika na, ma'am! Marami tayong dapat pag-usapan! We have a lot of catching up to do!" magiliw na usal ni Blush.
Mukhang hindi ako masasanay sa hindi magkatugma niyang hitsura sa paraan ng pananalita niya. But now ghat I think about it, the other guys who went their ways earlier were the same. Puro naka-itim pero may iba't ibang ugali.
"Blush . . . "
Biglang nahinto si Blush sa paglalakad at mabagal na lumingon sa direksiyon ko. "M-ma'am?" maluha-luha niyang usal.
"Hala! Bakit umiiyak ka? M-may nagawa ba 'ko?" agad kong tanong.
Mabilis niyang pinunasan ang namamasang mga mata. Talagang malayo ang kilos niya sa pananamit niya. She looked like a young kid who got lost.
"H-hindi, ma'am. Na-miss ko lang na tinatawag niyo ko sa pangalan ko!" Walang babala niyang nilingkis ang mga braso sa akin. "Ang tagal kong hinintay ang pag-uwi mo, ma'am! Sabi ni boss hindi naman magtatagal pero ang tagal pa rin."
"P-pasensiya na. Hindi ko alam na hinihintay niyo pala ako," pag-alo ko. Hindi ko alam kung paano ko nagagawa na sabihin ang mga bagay na iyon sa tao na kakikilala ko pa lang. Pero ang gaan ng pakiramdam ko kay Blush. "Kung alam ko lang—"
"Okay na, ma'am! Basta hindi ka na aalis ulit, ha? Sa sunod na umalis ka, sama ako. Promise ha?"
Hindi ko mapigilan na mapangiti. She was like a little clingy puppy. Ang cute niya.
"Promise."
I don't usually make promises to people I just met, but I was comfortable around Blush. Maybe we were actually close before I lost everything.
"Hay naku! Ayaw kong umiyak, ma'am! Sayang ang ayos ko! Pinaghandaan ko pa naman ang pagdating mo tapos dadating ka na ang suot mo ay damit ni boss. My heart is hurt!" simangot niya.
Napangisi ako at kinubli ang hiya na nararamdaman ko. Tama siya. Hoodie pa rin ni KD and suot ko at wala naman akong choice. Wala naman akong extra clothes na dala, and everything was just happening so fast.
"Magbibihis na lang ako mamaya. Pero can I ask questions ba?"
"Sure, ma'am! Kahit ano basta huwag math." We resumed walking again.
"Ahm . . . Yung sinasabi mo kanina bago ka pinutol ni KD. Ano ba kita, Blush?"
"Greatest fan mo, ma'am!" agad niyang sagot.
"Ha?"
"Pero kung professional role . . . ako ang bodyguard mo."
"B-bodyguard?"
"Yes, ma'am! Ikaw pa kaya ang pumili sa 'kin kahit sabi ni boss na pumili ka ng iba. Kala kasi ni boss na weak ako dahil ang cute ko. Kaso napatumba ko 'yong ibang lalaking bodyguards niya at ayaw niyang lalaki ang madalas aaligid sa 'yo, kaya ako ang pinili mo, ma'am!" kuwento niya. "Kaya imagine mo na lang noong araw na nag-day off lang ako tapos pagbalik ko, nawala na kayo ni boss. Hello naman na naging bantay ako rito sa mansiyon during construction. Ang boring kaya n'on!"
Nangunot ang noo ko. "C-construction? Hindi ba kami dito tumira? 'Di ba k-kasal kami?"
"Hindi ka pa nakararating sa bahay na 'to, ma'am. Today ang unang araw, ma'am!" aniya.
"A-ano?"
"I mean . . . ano kasi . . . " Napahaplos soya ng batok. "Maliit na bahay ang nakatirik dito dati. Tapos ito ang napili niyo ni boss na location na titirikan ng dream house niyo . . . "
Walang babala siyang huminto at bumaling sa pader. Awtomatiko akong napasunod sa direksiyon na tiningnan niya.
" . . . tinuloy pa rin ni boss ang pagpapatayo ng mansiyon para kapag bumalik ka na, okay na ang lahat."
Napatakip ako ng bibig. Right before my eyes was a portrait of KD and myself — the younger versions of us. Pareho kaming naka-all white na attire sa beach. May hawak akong bungkos ng puting mga rosas.
We were looking at each other's eyes . . . lovingly. Malawak at puno ng sinseridad ang mga ngiti na parang walang ibang tao sa paligid. Nothing else mattered.
It was just us.
"Is this—?"
"Wedding picture n'yo ni boss. Ang cute niyo r'yan! Pero sana sa sunod na kasal, 'di na patago para may reception. Invite niyo kami, ha?" ani Blush at hinila na ako kahit hindi pa man nagsi-sink in sa akin ang larawan namin ni KD.
But I wonder if our marriage was a legitimate one. Hindi base lamang sa larawan at salita ni KD. At isa pa, kung alam ng tauhan ni KD ang identity ko, bakit hindi ako kilala ni Zeus noong unang beses niya akong nakita sa university?
"Blush, kilala mo ba si Zeus?"
"'Yong asungot na kanang kamay ni boss na feeling guwapo kahit ikli ng attetion at memory span? Hindi ko po siya kilala," walang hingahan na sagot ni Blush.
That kind of answered my question. Posibleng hindi alam o hindi maalala ni Zeus ang mukha ko noong araw na iyon lalo na dahil madilim sa lecture hall.
Pero higit kong napansin ang pagkayamot ni Blush. Mukhang close sila ni Zeus. Mukhang aso't pusa ang right-hand man ni KD at si Blush na nagsasabing bodyguard ko siya.
"Nandito na tayo, ma'am. Ito ang kuwarto mo tapos katabi ang kuwarto ni boss." Tinuro niya ang dalawang magkatabing pinto na ubod nang taas.
Binuksan ni Blush ang pinto at nilahad ang kamay upang mauna akong pumasok. Tumuloy ako sa kuwarto at sobrang lawak niyon. Napakalaki ng kama sa gitna at pastels ang kulay ng mga muwebles doon. Kung ihahalintulad ko sa kuwarto ko, nasa tatlong beses ang laki.
May T.V. sa may paanan ng king size bed at may couch. Mayroon din na munting study table at gitara sa tabi. I could see a spacious walk-in closet and bathroom beside it. Mayroon din itong balkonahe at may upuan at munting mesa.
Para sa prinsesa na 'tong kuwarto! I just couldn't believe it! This room was made for me!
Pero kung mag-asawa kami ni KD, bakit magkatabi ang kuwarto namin?
"T-teka, Blush, bakit dalawa . . . " I blushed when I realized my question.
She looked at me strangely, trying to decipher what I was going to ask. But I didn't have the courage to say it. Nakahihiya! Baka kung ano'ng isipin niya!
"W-wala. Never mind." Naupo ako sa kama at ramdam ko agad kung gaano kalambot ang kama.
Unti-unti, ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng ngisi.
"Bakit hindi kayo magkatabi matulog ni boss?" kaswal niyang tanong bago umupo sa dulo ng kama. "Ewan ko kay boss. Pero ang lakas niyo naman mag-P.D.A. kahit iidlip lang. Like noong nag-jamming tayo sa kubo dati sa likod n'ong dating bahay niyo, nakatulog kayo sa duyan kasi ang presko ng hangin. Mga gan'on . . . Ang harot niyo ni boss n'on."
Kung may ikapupula pa ang mukha ko, nasisigurado kong ganoon na ang hitsura ko.
"Ganito kayo ni boss ever since . . . " Pinagdikit ni Blush ang kanan at kaliwa niyang hintuturo. "Parang bee and honey, peanut butter and jelly, flower and butterfly, butter on toast, or puwede ring butiki sa pader. Gan'on kayo ka-close na hindi mapaghiwalay."
Napataas ang kilay ko sa huling sinabi niya. Okay na sana pero of all the examples, butiki talaga sa pader?
"Ang sweet n'yo ni boss ever since, ma'am. Kaya imagine mo na lang n'oong naaksidente kayo tapos pinaghiwalay kayo. For thr first time, mabibigyan ng Best Actor award si boss noon. Hindi talaga kinaya at umiyak 'yan," kuwento ni Blush.
"Blush." Inabot ko ang kamay niya at napatitig siya roon bago muli akong tiningnan. "Can you please tell me everything you know?"
"Ma'am?" Napalunok siya. Mukha siyang sinesentensiyahan sa isang krimen na hindi niya alam. "E-everything po?"
"Everything," I repeated, not breaking eye contact with her.
***
#KDLexMagicOnWattpad
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro