Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Ibinitin na natin ang sunod na magsasabi ng bitin! Hahaha!

***

NANIGAS ako sa aking kinauupuan habang nakatitig sa kaniya. Kahit na nasa loob na ako ng sasakyan, parang may malamig na hangin na bumalot sa aking katawan.

"A-ano . . . ? We're m-married?" nauutal kong pag-uulit.

Awtomatiko kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya. Akala ko ay magkasintahan lang kami. Hindi pala. We had much more and I had no clue!

This guy, sitting on the driver's seat, was my husband? Was this a joke? Pinagti-trip-an ba niya ako? Isa ba 'tong reality TV show? Pelikula ba 'to na scripted ang lahat? Isa ba 'to sa mga librong nabasa ko na at gusto akong asarin?

If he was stating the truth, he kept that from me. And this . . . this was too much!

Napaawang ang aking labi. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. May bara sa aking lalamunan na hindi kanais-nais. May kung ano na humahadlang upang makahinga ako nang maayos.

"Love . . . " he called softly.

"Stop!" I looked away from him. "Let me get this straight. We weren't . . . j-just lovers. You're saying we're actually married?"

I had a hard time forming my own words. Namimilipit ang aking dila. Parang babaliktad din ang aking sikmura.

Ang tagal ko nang nagising sa bangungot. Ang tagal ko nang gising mula sa aking aksidente. Ang tagal ko nang iniisip at kinukuwestyon ang sarili ko. Tapos ganito? May natatago pa pala na impormasyon tungkol sa akin?

Pinagkait nina Daddy at Mommy sa akin ang nangyari at pilit na itatago. Pilit itatanggi na walang importante na kailangan malaman tungkol sa aking katauhan. Lagi nilang sinasabi na maayos lang ang lahat.

Mali pala ako. Sobrang mali.

And now I wonder who else knew? Who were the people hiding the truth from me? Who were lying straight at my face? Who were the people who chose to refused to give me the truth from the very beginning?

"I didn't want to surprise you . . . "

"Surprise me?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko naikubli ang pagtaas ng aking boses. Samantala, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya. "You didn't want to surprise me? Are you kidding me right now?"

"Lex . . . "

"Do you think na hindi ako magugulat kung ipagpapaliban mo ang pagsasabi sa 'kin ng totoo?" I interrupted.

"Lex . . . Look, let me explain when we get home. I just need to take you to a safer place . . . "

Ayan na naman siya sa pagsasabi ng 'home'. Mas nagkaroon ako ng pagdududa tungkol sa kaniya dahil sa pagtatago niya ng totoo. He had the opportunity already. Noong nagkausap kami, wa halip na sabihin niya lang na mahal niya ako, puwede naman niyang sabihin sa akin na higit pa pala aa pagiging boyfriend at girlfriend ang mayroon kami. And here I thought it was that simple.

Maiintindihan ko pa kung relasyon lang ang tinago niya sa akin. Pero kasal? All these times, kasal pala ako. Hindi pala ako NBSB. Kinasal ako at wala akong ideya kung kailan, saan, at paano.

Basta isa lang ang nasisigurado ko — tutol ang mga magulang ko sa aming dalawa. Imposibleng maikasal kami rito sa Pilipinas nang basta dahil sa edad namin. We would need our parent's approval and blessings. At kung alam nila ang tungkol sa kasal, posibleng dahilan kung bakit ayaw nilang magkrus ang landas namin ni KD.

If that were the case, my parents were trying to stop me from recalling anything.

"You talk about home, but you're hiding so much from me."

"Lex . . . " Akmang hahawakan niya pa sana ang kamay ko ngunit pinagkrus ko ang aking mga braso. Again, he looked hurt. He looked defeated.

"Bakit? Dahil nand'yan ang kapatid mo?" Hindi ko napigilan na pagtaasan siya ng boses.

Hindi ko sinasadya. Pero naghahalo-halo na talaga ang mga nasa isip ko. Maging emosyon ko ay nakisali na rin.

He sighed. "Yes, Kuya is . . . not a very nice man. At ipapaliwanag ko rin sa 'yo 'yon. Pero gusto kong masigurado muna na ligtas ka. At isa pa, nasa bahay ang lahat ng gamit mo noon . . . pati mga bagay na bahagi ng nakaraan mo . . . natin."

Noong pinuntahan niya ako sa bahay, sinabi ko sa sarili ko na kahit na estranghero siya ay pagkatitiwalaan ko siya. Dahil sa unang pagkakataon, may isang tao na handang ipaalam sa akin ang pagkatao ko. Sa unang pagkakataon, may makapagsasabi kung sino ba talaga ako.

Hindi ako nagdalawang isip nang sumama ako sa kaniya. Ngunit ngayon, may pagdududa na sa aking dibdib. Doubts were filling up my mind.

Mapagkatitiwalaan ko nga ba ang lalaking nasa harapan ko?

This time, I sighed. Buo na ang loob ko, 'di ba? Kaya bakit kailangan ko muling kuwestiyunin ang aking sarili?

Why was I being bothered by all these 'what ifs'?

What if this is a mistake? What if he was actually lying? What if my parents were telling the truth? What if this was all just a bad dream? What if this was all planned to ruined me?

At kahit bumalik ako sa bahay, nasisigurado kong ikukulong lang ako muli nina Daddy at Mommy. Kailangan kong magtiwala sa sarili ko na tama ang desisyon ko.

I needed to see things through. At kung kinakailangan kong pagkatiwalaan si KD — na nagsasabi na asawa ko siya — gagawin ko.

"Fine. I'm coming with you but things need to work on my terms."

I saw how he gulped. Akala ko ay tatanggi siya ngunit sumagot lang siya ng, "Of course, Lex. Anything."

Nilahad ko ang aking kamay sa kaniyang harapan. "I need a phone right now."

"Para saan?"

"Gusto kong makausap si Nanay Lisa habang nagmamaneho ka."

Tumikhim si KD at saka kinuha ang sariling smartphone sa bulsa ng pantalon at pinatong sa kamay ko. "I don't have a spare phone, kaya itong sa 'kin na lang ang gamitin mo. Ibibili na lang kita ng bago."

Hindi na 'ko tumanggi at binuksan ang phone. Naka-lock pa iyon at nagawa kong pagmasdan ang lockscreen. May silhouette ng dalawang tao na nakaharap sa sumisikat na araw. Nasa tabing-dagat ang larawan at puno ng kulay kahel, at may bahid ng dilaw, lila, puti, at maging rosas.

Nakaakbay ang lalaki sa babae. The built of the bodies looked like us. Sa hubog pa lang ng mga mukha namin na magkatinginan, sigurado na agad.

I mentally shook my head. It wasn't the time to imagine these things. Tumikhim ako at pinakita ang screen sa kaniya.

"Password?"

I was hoping he would extend his arm to unlock it, pero hindi niya ginawa. KD started the engine and looked at the road in front of us.

Akala ko ay hindi niya ako papansinin nang sumagot siya, "0-2-2-6."

"My—"

"Yes, your birthday."

I raised a brow at him, but he didn't budge. Sumenyas lang ito sa labas ng bintana sa ibang itim na sasakyan. May dalawang SUV na lumabas bago kami sumunod. At mila sa side mirror, may dalawa pang sasakyan na nakasunod. They were the guys I was having breakfast with earlier for sure.

Binalik ko ang tingin sa screen at pinindot ang number pad: 0-2-2-6.

That immediately unlocked his phone, at halos malaglag ang panga ko nang makita ang wallpaper ng phone niya.

It was a picture of me sitting on the sand with a guitar on my lap. Nakatingin ang batang bersyon ko sa kamera at malawak ang ngiti. Naniningkit pa ang aking mga mata sa sobrang saya. I had beach wave curls, a red gumamela tucked on my left ear, and almost no makeup on. Ang mga kamay ko ay nakaporma sa puso. Parang wala akong problema sa mundo.

Marami ring pulang papel na paruparo sa buhangin. At dahil nakapuying bestida ako, kapansin-pansin din ang malaking bungkos ng mga rosas na nasa may likuran ko. Suot-suot ko rin ang Cartier necklace na binalik niya sa akin.

He had a photo of me . . . yet it was still not triggering anything in my head. I had no recollection about this at all.

I turned to KD and his eyes were fixed on the road. Hindi ko alam kung paano ko itatanong sa kaniya iyon. Pero sabi naman niya ay ikukuwento niya ang mga dapat ko pang malaman.

Timikhim ako at tinipa ang numero ni Nanay Lisa. Lumabas kaagad ang pangalan ni Nanay na naka-save sa contacts niya.

Nilagay ko ang phone sa aking tainga at tumingin sa labas ng bintana. Nagri-ring ang telepono at sana masagot ni Nanay. Hindi pamilyar sa aking paningin ang mga puno na aming nilalampasan. Marahil dahil mahimbing din ang aking tulog nang mga oras na iyon. 

Habang hinihintay na sagutin ni Nanay ang tawag, saka ko lang napagmasdan nang maayos ang sasakyan. Dahil masiyado siya nagmamadali kanina na makaalis kami, hindi ko na nasuri kung saan niya ako dinala. It was a luxurious car that I had seen before that was getting sold overseas. Hindi ko na tanda ang brand pero sigurado ako roon.

Sana ganoon na lang din ang mga alaala ko . . . Na kapag may nakita ako, mati-trigger ang isipan ko kung saan at paano ko nakita. Mas nalilito ako sa mga panaginip ko kung dala ba 'yon ng imahinasyon ko o totoong nangyari.

Bumalik ako sa ulirat nang may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello, KD?" pagbati ni Nanay Lisa sa kabilang linya.

How I missed her voice!

"'Nay . . . " pabulong kong tawag. Parang nag-iinit ang aking mata at nangingilid ang aking mga luha.

"Anak, Alexa? Ikaw ba 'yan?"

Napakagat ako ng ibabang labi. "Opo, 'Nay! Kumusta po kayo?"

"Ayos lang naman ako, 'nak. Kumakain ka ba naman sa oras?"

That made me smile. Si Nanay talaga. Ako pa rin ang inaalala. "Opo, 'Nay. Kumakain po ako sa oras."

"Mabuti naman. Sabihin mo lang sa 'kin kung hindi ka pakainin niyang kasama mo. Ako ang bahala."

"Pero, 'Nay . . . "

"Ano 'yon?"

Napalunok ako bago nagsalita, "Bakit hindi niyo po sinabi sa 'kin?"

From my peripheral vision, I saw how KD tightened his grip on the steering wheel.

Akala na niya ay maiilang akong itanong kay Nanay ang mga bagay na iyon dahil kasama ko siya sa sasakyan ngayon?

"Anak . . . " Pinili kong hindi magsalita. I trusted Nanay so much that I had my hopes high that she would only tell me the truth. "Patawarin mo sana kami kung tinago namin sa 'yo. P-pinagbantaan kasi ako ng mga magulang mo noon na kapag may sinabi ako sa 'yo, mas lalo ka nilang ilalayo. Sa amin naman ni KD, hinihintay namin at umaasa kami na kusang babalik ang mga alaala mo. Kapag nangyari iyon, walang magagawa ang mga magulang mo kundi ang hayaan ka na sumama na kay KD."

"B-bakit kailangan na hintayin ako?"

"Dahil sa araw na napagkasunduan ng pamilya mo at ni KD ay araw na siya na ang bagong pinuno ng kampo nila. Hindi na lalaban pa ang mga magulang mo sa kaniya. Pero kung maaalala mo ang lahat bago ang tinakdang araw, sa 'yo nakasalalay kung tatanggapin mo ba ang lahat at pupiliin na iwan ang pamilya mo."

"H-hindi ko kayo maintindihan, 'Nay."

"Anak, Alexa, pasensiya na pero mas mainam na si KD na lamang ang tanungin mo. Dumating na rin kasi ang mga magulang mo."

"T-teka, 'Nay!" Halos mapatalon pa ako sa aking kinauupuan. Napatingin din si KD sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Bakit, 'nak?"

"Yung totoo po . . . " I gripped on my phone harder. "Hinahanap ba ako nina Mommy at Daddy?"

I felt my chest tightened. Hindi ko alam kung ano'ng sumanib sa akin para itanong iyon. I just needed to know.

"Alexa . . . " Ilang sandali pa ang hinintay ko ngunit hindi na sumagot pa si Nanay.

Tama nga ako. Walang pakialam ang mga magulang ko sa akin. Kung bakit? Itan ang hindi pa rin malinaw sa akin.

"As I thought . . . " malungkot kong bulong.

What did I expect? Everything was a ploy. My parents had written an excellent scripts.

"Alexa . . . patawad, hija. Naniniwala ako at nananalangin na darating ang araw na magkakaintindihan din kayong lahat."

"Salamat, Nanay! Mag-iingat ka po lagi!" usal ko at saka pinatay ang tawag.

Binaba ko ang smartphone sa lalagyan nito at tumingin sa labas ng bintana. Naupo ako nang maayos at hindi ko nililingon si KD. Katulad ng nakikita ko sa labas na kapayapaan, wala ring nagsasalita sa amin ni KD.

He was just focused on driving with a pair of cars in front and behind us. Pinanonood ko na lamang ang mga nadadaanan namin na mga puno at ibang sasakyan.

After another fifteen minutes of complete silence and fast driving, we reached a property with high walls — really tall ones. There were barb wires at the top.

Mula sa aming distansiya, kita ko kung paano magbukas ang gate. Naunang pumasok ang dalawang sasakyan at saka kami tumuloy.

Agad akong sinalubong ng mga puno hanggang sa may mga nakaparada na itim na mga sasakyan. Akala ko ay susunod din doon si KD ngunit mali ako, dumeretso lang siya.

Unti-unti, napansin ko ang istraktura mula sa 'di kalayuan. There was a mansion up ahead. Ang ganda niya mula pa lamang sa aking kinauupuan hanggang sa makalapit kami.

Bumaba ng sasakyan si KD matapos patayin ang makina. Nanatiling nakapako ang mga mata ko sa mansiyon sa. It was bigger than the one we stayed yesterday.

The three-storey mansion was giving of a regency vibes. It was exhilarating.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at nilahad ang kamay sa 'kin. I accepted it when I got off before retrieving my hand. Ngayon na nasa labas na ako, saka ko napansin ang hilera ng mga bulaklak sa labas ng mansiyon.

Ang ganda ng labas, paano pa kaya sa loob?!

"Welcome home, Sir, Ma'am."

Napalingon ako sa bumati. May isang babae na naka-business apparel na nagmula sa direksiyon ng entrada ng mansiyon. She was in a pale yellow suit with her dark hair tied high in a ponytail.

"Blush, okay na ba ang kuwarto ni Lex?" tanong ni KD at hindi pa rin lumalayo sa aking kinatatayuan.

Blush ang pangalan niya? Weird. Or baka naman parang isang pseudonym?

Tumango ang babae. "Yes, boss. Naka-ready na po ang lahat. Gusto n'yo ba'ng kumain muna? Lumigo? O magpahinga?"

KD turned to me. "Welcome home, love . . . " aniya. "What do you want to do first? It's your call."

Napalunok ako. Ito pala ang bahay namin . . .  Namin . . . That sounded so weird even in my thoughts.

Namilog ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya.

"H-ha? T-teka lang!"

Ang daming nangyayari. I was still in the middle of appreciating my surroundings! Ang dami kong nakikita ngayon. At sa lahat ng luma at bagong tanong na bumabagabag sa akin, nangingibabaw ang katanungan kung totoo ba na bahay namin 'to?

***

#KDLexMagicOnWattpad

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro