Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

***

TUMIKHIM AKO dahil sa mga nakatatakot nilang mga titig. Oh, my gosh! Parang mas mainam na magpalamon na lang ako sa lupa. Ganito ba ang mga mafia? Tingin pa lang, makikita na ang katapusan?

"G-good morning po," bati ko pero nanatili silang tahimik. May ilan na ngumunguya.

"O, Ma'am!" Napatingin ako sa dulo ng mesa. It was Zeus. "Kain tayo!" Pinakita pa niya ang pinggan na may fried rice. Kahit nasa malayo, kita ko na may lahok itong mga hipon at crabsticks.

Nahihiyang kumaway ako sa direksiyon niya. Parang nitong nakaraan lang ay ipatutumbay niya ako, pero ngayon ay parang maamong tupa na siya. Sa kanilang lahat, si Zeus ang mukhang hindi nalalayo sa edad namin ni KD.

I flinched when KD pulled my hand lightly. Pagtingin ko sa kaniya, nakakunot ang noo niya sa 'kin.

"B-bakit?"

"Stop looking at them," tipid niyang sabi.

This time, it was my forehead that scrunched. At isa pa, bakit ba kami nagbubulungan ngayon? Sobrang lapit din ng mukha niya kaya mas nako-consicious ako. Nakaharap pa rin naman silang lahat sa amin.

"H-ha? Hindi ba tauhan mo sila?"

"I don't like that you're giving them the attention, Lex. Halika na. Kailangan mong kumain," aniya at saka sumimangot.

Oh, my God! Was he actually . . . jealous?

Nagpatianod ako kay KD palapit sa upuan sa dulo ng mesa. It was a long table that could fit about twenty people. Nasa kanilang dulo ang walong lalaki at kami naman ni KD sa kabilang dulo. Hindi pa rin pinuputol ng mga kalalakihan ang tingin sa aking direksiyon.

Pinaghila ako ni KD ng upuan at naupo na ako. Nilapit niya ang pinggan ng pancakes sa harap ko at may syrup at mga hiniwang presa at saging sa isang bowl. Muli kong nakita kung paano bumuntonghinga si KD at saka hinarap ang mga tauhan.

"Ano'ng tinitingin-tingin ninyo?" May pagbabanta sa boses ni KD. Agad naman na binalik ng lalaki ang tingin nila sa mga pagkain nila.

I glanced at them and their food, and they looked unique from each other. Bukod kay Zeus na kausap ang katabi niya na lalaki, may isa na mukhang makapagpapatumba ng tao pero may bowl ng cereal sa harapan niya. Ang katabi naman niya ay may kanin at itlog sa pinggan. There were all sorts.

Uupo pa lang si KD sa tabi ko nang may kumatok at isang lalaki na kapareho ang damit ang tuloy-tuloy na pumasok. Akala ko ay tatabi siya sa walong lalaki at kakain na rin ng almusal pero lumapit siya kay KD. Sobrang puti ni kuya at mukhang  

"Boss, nandito na siya."

Nangunot ang noo ni KD. "Sino?"

"Si . . . " Hindi ko sigurado pero parang naramdaman ko ang pagtingin niya sa direksiyon ko bago muling tumingin kay KD. "Si Sir Damian po."

Napakamot ng ulo si KD at hindi na naglaho ang pagkakagusot ng mukha niya. I wonder who that 'Sir Damian' na parang napipilitan si KD na umalis. Mukhang related sa pagiging mafia niya.

Lumapit siya sa akin at walang babala at hinalikan ang tagiliran ng noo ko. That made me still.

Pagtingala ko ay saka niya pinatong ang kamay sa ulo ko. "Kumain ka na. I'll be back in a sec."

Nag-iwas ako ng tingin bago tumango-tango. Unti-unting humina ang kanilang mga yabag hanggang sa magsara ang pinto. Inabot ko ang tinidor at hindi sigurado kung nagugutom na nga ba ako. Parang gusto ko na lang kuwestiyunin kung matutunawan pa ba ako.

"Miss ma'am!"

Napatingin ako sa direksiyon nina Zeus at nakatindig siya sa puwesto. "Bakit?"

"Kain ka lang d'yan. Kung may gusto ka, sabihan mo lang kami. Ikukuha ka namin," aniya at sumaludo pa.

"Sipsip mo, Zeus. Takot mo lang kay boss." usal ng katabi niya na parang bao ang gupit ng buhok. Talagang natatakpan ang noo at walang sabit ang tuwid na tuwid niyang buhok.

"Parang hindi ka takot sa kaniya?" Zeus snickered. "Mas mukha pa nga kayong maiihing manok kapag nagalit 'yon."

"Alam mo, Zeus, manahimik ka na. May training pa tayo mamaya." Inayos ng lalaki ang buhok niyang nakatali sa ponytail.

"Alam mo, Hades, kainin mo na lang 'yang bonete mo," usal  ni Zeus.

"Umayos nga kayo. Sa training na lang natin idaan mamaya," sabi ng lalaki na namumutok ang kulay pulang buhok.

Seeing them bantering would not make me think they were bad people. Parang magkakamag-anak lang na nagbabangayan at asaran sa hapag.

"Miss ma'am, okay ka lang ba? Kain ka lang po ha. Sabihan mo lang kami kung may gusto ka pa. 'Yan lang kasi ang sinabi ni Boss na ihanda kanina," sabi n'ong lalaki na mukhang pinakamatanda sa kanilang walo. Napakaelegante rin nang pagkahahawak niya sa tasa.

"A-Alexa na lang po."

"Naku, ma'am, kung paano namin galangin si boss, gan'on din ang paggalang namin sa 'yo. Gaya nang sabi ni Zeus, takot lang namin kay boss."

That confused me. Dahil ba sa may nakaraan kami ni KD? Pero hindi ba ibang lebel naman ang respeto nila sa isang katulad ko. Kahit pa man kilala nila ako, hindi ko naman sila maalala.

"Alexa na lang po. H-hindi po ba mas matanda kayo?" nahihiya kong tanong. I felt stupid asking a very obvious question.

"Alam mo, ma'am, wala naman 'yan sa edad pero sa abilidad." Pinatong niya ang siko sa mesa at saka tinuro ang mga kasama. "Kami . . . Bawat isa sa amin ay mataas ang respeto kay Boss KD. Lahat kami ay nabalibag na niya. Pero kahit na mas bata 'yan, hindi kami pinabayaan, ma'am.

"Miss ma'am, alam mo 'yang si Boss, kras na kras ka," sambit ng lalaki na may kulay pulang buhok.

"Hindi ga mapapaaway pa nga si boss kahit sa kapatid niya?" usal ni kuya na Batangueño na may dalawang nunal sa kaliwang pisngi.

Napatingin ako kay sa kaniya at nagtagpo ang kilay. "May kapatid si KD?"

Nahinto rin ang ibang kasama namin sa hapag mula sa kanilang pagkain. Animo'y may dumaang anghel at sabay-sabay silang tumingin sa lalaki. Sakto naman na sumimsim pa ito ng kape nang sikuhin ng lalaki na naka-ponytail ang buhok.

"Ano ga naman? Bakit ga ika'y naniniko?" Umakto pa itong sisikuhin din ang katabi.

"E gago, walang preno 'yang bibig mo."

"Problema mo?" Nagtaas pa ito ng kilay sa kasama.

Sa halip na sumagot nang maayos, napansin ko ang palihim na pagnguso ni kuya na naka-ponytail sa direksiyon ko.

"Ano ga? Bakit ga nanunulis 'yang nguso mo? Kung ika'y magpapahalik ay doon na sa puwet ng kaldero!"

"Tanga! Ang daldal mo! Kita mo na narito si Miss ma'am at kabilin-bilinan sa atin na bawal pag-usapan ang tungkol sa kapatid ni boss!"

Hindi nakatakas sa akin ang mga pag-iling at pagtampal ng ilang sa kanilang mga noo.

"E, tanga! Bakit mo ga sinabi? 'Di ga bawal nga pag-usapan ang tungkol sa kapatid ni—!"

Nabigla ako nang biglang tumayo ang apat sa kanila at lumapit sa dalawang tauhan na kanina pang nagtatalo.

Walang naging palitan ng mga salita ngunit tinapik lang nilang apat ang balikat ng dalawa.

"Miss ma'am, kain ka lang po r'yan ha? For sure naman na babalik si boss. Tuturuan lang namin ng leksiyon 'tong dalawa."

At naiwan ako sa mesa nang umalis silang lahat. Hindi ko man lang nalaman ang mga pangalan nilang lahat.

Kinuha ko ang syrup at nilagyan ang pancake. Tulad naman ng sabi nila, babalik dito si KD. Sana lang ay hindi siya magtagal. Sa sobrang lawak nitong dining hall nila, nanliliit ako na mag-isa rito.

I started munching on my pancakes and fruits. It was really good. I think I could eat these every day. I was in the middle of my meal nang magbukas ang pinto.

Thinking it was KD, awtomatiko akong napalingon. But instead of seeing KD, it was a different guy wearing a black and white suit. Wala siyang necktie pero bukas ang ilang butones ang bukas. He had a thick gold chain around his neck and quite tall. But out of all his features, kahawig niya si KD.

Nanlamig din ang aking buong katawan. There was an eerie feeling inside me.

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang pinag-uugatan pero . . . parang pamilyar ang lalaki sa akin.

"Oh . . . look who's here." He had a really deep voice. "Hi, Alexa! You've grown so much. Na-miss kita!"

Sino siya?

"Um . . . "

"Is that how you should be greeting me, Alexa? Parang hindi mo 'ko kilala?" nakangisi niyang usal. "You'd usually be coming close and giving me a tight hug as soon as you see me."

Napalunok ako. "S-sorry po pero wala po akong maalala."

"Oh?" Nagkrus ang mga braso niya habang pinagmamasdan ako. I felt like a specimen getting examined from deep inside. "Pero kung naririto ka . . . " Lalong lumawak ang ngisi sa mukha niya. It wasn't very nice nor comfortable.

"It seems like my brother is playing with fire again."

Brother . . . ? Baka siya ang kapatid na tinutukoy nina Zeus kanina? Nakapagtataka lang na hindi siya binanggit ni KD sa akin.

"Ikaw po ba ang kapatid in KD?" Parang nagpipigil ako sa paghinga.

The moment he took another step toward me, I felt fear rising up from my chest. The way his eyes looked at me made me tense up. Pinatong niya ang kamay sa mesa at hindi pinutol ang titig sa mukha ko. He was looking down at me.

"Ngayong mas malapit na 'ko sa 'yo, masasabi kong mas lalo kang gumanda. It's a pity you can't remember me. I was really looking forward to meeting you again." Mas nilapit pa niya ang mukha sa 'kin.

I was going to look away when he held my chin. Mas lalo akong natakot. The way he talked . . . the way he smiled . . . it was uncomfortable. It was creepy.

"It's me . . . Damian. Nakalimutan mo ba talaga ako? O nagpapanggap ka lang?" Napahawak ako sa aking upuan at hindi pinuputol ang tingin sa kaniya.

No, I was wrong. He was in control. He was making me look at him. Walang salita na lumalabas sa bibig ko at ramdam ko ang pag-init at pamamasa ng mga mata ko. Parang maiiyak ako. But what he said next made me shiver to my core.

"Nakalimutan mo na ang fiancé mo?"

***

#KDLexMagicOnWattpad

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro