Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

***

MAAGA akong nagising at wala na sa tabi ng kama si KD. Walang senyales kung nanatili ba siya sa silid o kung ano'ng oras siya umalis.

I looked up the ceiling, suddenly contemplating if I made the right choice of tagging along with him. Hindi ko sigurado.

Malamig pa rin ang paligid ngunit batid ko ang pagsikat ng araw mula sa liwanag na sumisilip sa bintana at balkonahe.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Ang gulo ng buhok ko pero kamay ko lang ang nagamit ko na pangsuklay. Wala naman din kasing gamit sa banyo maliban sa tuwalya.

Lumabas ako ng banyo at hinila ang kumot upang takipan ang aking nilalamig na katawan. Binuksan ko ang pinto at namangha sa ganda ng pagsikat ng araw.

Maulap man, perpekto ang pagkakahalo ng iba't ibang mga kulay sa kalangitan. Mula sa kahel at lila, may bahid ng pula at dilaw. It was just . . . perfect.

Napakasariwa rin ng hangin at payapa ang kapaligiran. Wala akong natatanaw na marka na magsasabi na nasa masamang lugar ako.

Sa halip na magmukhang private property, mapagkakamalan muna na resort ang mansiyon kung saan ako dinala ni KD. Ang daming nakaparada na sasakyan at motor sa labas, but they were parked neatly. Everything was in perfect order.

Naupo ako sa upuan na gawa sa rattan. Medyo malamig pero nagtagumpay akong takipan ang binti at braso ko gamit ang kumot.

Kulang na lang ay mainit na inumin at musika para maisip ko na nasa bakasyon ako.

Kung ganoon nga lang sana ang aking sitwasyon . . .

I wonder kung nananaginip ba ako o totoo ang lahat ng ito. Hinahanap na rin kaya ako ng mga magulang ko? O hinayaan na lang ako dahil si KD ang kasama ko?

Kung tutuusin, umalis ako at sumama sa taong hindi ko lubos na kilala — hindi ko lubos na maalala.

"Love . . . "

Napalingon ako at nakita si KD na nakatayo sa gitna ng silid at nakapamulsa. Sa halip na trousers at puti na long sleeves, track suit siya na itim. Mukhang presko na rin siya kaya naisip kong nagmula na siya sa pag-eehersisyo.

Wala ba 'tong alam na ibang isuot na kulay? I couldn't help but wonder.

But more than that, hindi pa rin ako sanay sa pagtawag niya sa akin. Love? Was that our endearment?

Parang hindi ko lubos maisip na 'love' ang endearment ng isang mafia. As far as I know, the mafia are ruthless people. They're mean and not sweet at all. I'm just trying to picture it and . . . parang ang hirap paniwalaan. But it was true that I shouldn't judge everyone collectively.

Siguro hindi ko naman nga kilala ang lahat at hindi tama na husgahan ko sila batay lang sa kung ano'ng alam ko. After all . . . he was my living proof.

"KD . . . " nahihiya kong bati.

Hinaplos ko ang kuwintas na binigay ni KD sa akin. Since when was I comfortable in saying his name? When did I cherish this gift from him?

"Good morning. Do you want to eat breakfast? May pagkain na sa labas."

Tumango ako at tumayo na. Hindi ko pa rin binibitiwan ang kumot na nakayakap sa akin.

"Are you cold?"

"Slight. Wala akong dalang damit, 'di ba?" sagot ko nang makapasok muli sa silid. Sinara ko na rin ang glass door ng balkonahe.

Napahaplos siya ng batok. I think what I said just sunk in. Walang babala na lumapit siya sa akin at kinuha ang kumot. Napaatras ako at hindi napuputol ang pagtitig sa kaniyang mga mata. I was back to wearing my pyjamas.

"W-what are you doing?" I covered myself when I felt the cold crept on my skin.

Nilagay niya ang kumot sa kama bago ako muling hinarap. Hinawakan niya ang laylayan ng hoodie niya at nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy! Ano'ng ginagawa mo?!"

Nang-iwas ako ng tingin at ginamit ang kamay ko na panghara sa kung ano man ang aking makikita.

"Kung m-magbibihis ka, p-puwede ka naman lumabas!" naiilang at nauutal kong usal.

"Calm down, Lex. I'm not naked." I could imagine him smirking at me.

Maingat akong sumilip sa kaniyang direksiyon at nakita na may puti siyang T-shirt na suot. At tama nga ako. Nakangisi siya sa aking direksiyon.

"Pero kung gusto mo—"

"Stop!" Hindi ko napigilan na mapasimangot at magkrus ang mga braso. "Nang-iinis ka ba?"

"No, love." Lumapit siya sa akin. Mapaaatras pa sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

I looked up to him and met his eyes. There was another weird feeling in my stomach — fluffy and warm. I was stunned in my position. Hindi ako makagalaw. Weird.

Hindi siya nagsalita pero tinaas niyang muli ang hoddie niya at sinuot sa akin. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig sa mga mata niya habang sinusuot ang hoodie.

Why is he so nice to me?

Baliw lang, Alexandra? May history kayo ni KD, 'di ba? Hindi ba obvious?

"You can wear all of my clothes. Ibibili na lang kita kapag nakarating na tayo sa bahay. Nand'on pa naman ang dati mong gamit pero—"

"H-hindi na kailangan!" pagputol ko.

He looked at me blankly before speaking, "Don't worry about anything. Ako na ang bahala."

Nang maayos ko nang naisuot ko ang hoodie na may kalakihan sa akin, doon ko mas naamoy ang damit. Amoy mamahaling pabango. Inayos din niya ang buhok ko at saka ngumiti. I flinched when I felt his index finger traced the necklace.

"It's really good to see this back to its rightful place," aniya bago nilahad ang kamay sa akin. "Tara na?"

Napalunok ako at maingat na pinatong ang kamay sa palad niya. Mainit din ang kamay niya ngunit hindi nakapapaso. It was actually really soothing.

Lumabas na kami ng silid at parang paslit ako na nakasunod sa kaniya. Mahigpit ang hawak ni KD sa kamay ko habang tinatahak namin ang pasilyo.

It was the same hallway we walked to yesterday but it looked much better. Siguro dahil mas maliwanag ngayon kaya mas lumalabas ang totoo nitong ganda at linis.

Doon ko napansin ang ibang display na hulma ng leon. From gold lion vases to golden lion candle holders, lions stood out. Mukhang collector ng mga leon ang kapatid ni Maggie.

Now that I think about it, bibisita kayang muli si Maggie? Maybe I could ask her to check on Manang Lisa ang grab a few of my things. Baka sakali na mapupuslit niya ang phone at laptop ko mula kina Daddy. Kaya lang hindi ko rin sigurado kung saan nila tinago ang gamit ko.

"Si Maggie?"

"Nasa university. Dadalawin ka niya kapag nasa bahay na tayo."

"Ngayon ba tayo aalis?" Tumango siya.

"After breakfast. May nga kailangan din tayong daanan," paliwanag niya.

"Okay . . . Tsaka ano kasi . . . " Napalunok ako.

How do I bring it up? How do I ask him about my parents? Sasagutin din kaya niya?

Napabuntonghinga siya. Parang alam kung ano ang bumabagabag sa isip ko.

"If you're thinking about your parents, aalamin nina Maggie kung may ginagawa ba ang mga magulang mo," aniya.

"H-hindi ba nila ako hinahanap?"

Huminto siya at lumingon sa akin. Napahinto rin ako at muntik pang mauntog ang mukha sa kaniyang likod.

"They are. Ilang beses na nila akong tinatawagan."

"Tinatawagan ka nila?"

Mapakla siyang ngumiti at tinaas ang kamay ko. Walang babala niyang hinalikan ang likod ng aking palad.

I could feel my heart doing somersaults. Bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin kahit na ganito kasimple lang naman ang ginagawa niya? Nakakainis! Mukhang matatagalan na naman bago ko mapakalma ang puso ko.

"Don't mind it. I'll protect you."

That didn't really answer my question.
Magtatanong pa sana ako nang humarap siya sa malaking pinto na may insignia ng itim na leon. Baka ito 'yong marka ng pamilya nila? O baka sa pinsan niyang si Kuya Don?

"We're here."

I looked around and I don't think this is the same place we were yesterday. Pagbukas niya ng pinto, natigilan ako nang may walong pares ng mga mata na lumingon sa aming direksiyon.

Eight older guys wearing the same black long sleeve button up shirt with serious faces having breakfast. Dead serious.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni KD. Mariin ang titig nilang lahat sa aming direksiyon. Parang hinahatulan na parang isang kriminal.

Kung yelo ako, kanina pa 'kong natunaw. Kung mga guro sila, pakiramdam ko ay babagsak na agad ako. Their eyes did not look very welcoming and friendly at all.

Did I just arrive to meet my end?

Hindi ba almusal ang pinunta namin dito? Mukhang hindi yata ako matutunawan sa kakainin ko.

***

#KDLexMagicOnWattpad

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro