Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8: Rodney Scray and Roxie Ashraine

AYIESHA

"So Yesha may ipapakilala pala kami ni Kate sa 'yo mamaya." nakangiting wika ni Cess sa akin. Nandito kami ngayon sa classroom since wala pa si Ms. Emily.

"Okay." simpleng sabi ko since dumating na si Ms. Emily.

"Good Morning class, and oh, today we will make a Flying potion so brace yourselves." nakangiting wika ni Ms. Emily at ngumiti ng malademonyo. Para sa kaalaman niyo napaka-sadista ni Ms. Emily. Last time na nagpagawa siya sa amin ng potion ay minali niya yung isang ingredient. At sinadya niya 'yon! Kaya yung isa 'kong kaklase ay halos nadala na nga sa clicic dahil sa maling ingredient. Bakit na-clinic? Sumabog lang naman ang potion na ginagawa niya!

Mabuti nga no'n at hindi pa kami nagsisimula no'n ni Kate at Cess eh. May masama daw kasi silang hinala sa pinapagawa ni Ms. Emily. And so iyon nga ang nangyari. Kawawa nga yung kaklase ko eh, pero at least naka-recover na siya.

"So we will be starting now!" masiglang sabi ni Ms. Emily. Ignoring my classmates' rants about our subject and others who's mumbling something like 'This is the most worst day ever' basta something like that.

So pumunta na nga kami sa Potion Making Room. Para sa isang normal na kwarto ay sigurado akong tatlong pu't na beses na mas malaki itong PMR. (Potion Making Room.)

"Ms. Emily sana naman wala na kayong pakulo sa 'min ngayon." nakasimangot na sabi ng isa sa mga kakalase ko at nag-agree agad ang iba.

"Don't worry, wala na itong pakulo." sabi ni Ms. Emily kaya naman napa-yes yung iba naming kaklase. Pero napasimangot ulit sila sa sunod na sinabi ni Ms. Emily. "Wala ng pakulo because it's already boiled."

"Ano na naman kayang plano ni Ms. Emily." wika ni Cess sa tabi ko and I just shrugged my shoulders clearly meant na hindi ko alam.

"So all of you will be grouped by three." Ms. Emily said ang giggled. Kung titignan ay mukhang anghel si Ms. Emily pero taliwas ito sa kaniyang ugali. She's a sadist, I mean yah she's the type of teacher who always smiles at you but she's also a teacher who brings trouble.

"Wish us a luck." sabi ni Cess sa tabi ko.

"Yeah."

Then Ms. Emily began blabbering some names then finally it's our turn!

"Ayiesha Merilia, Cess Araine and Rodney Scray." I want to aww at what Ms. Emily said, I was expecting that Kate will bd on our team but I only got Cess. And wait? Rodney Scray? I think that name's familliar... Sa'n nga ba? Argh, maya na nga makikita ko naman siya eh.

Tumingin ako kay Cess but her expression says that she's dissapointed. Why?

"Umm Cess. Kilala mo ba si Rodney?" I ask Cess dahil mukhang kailangan na namin hanapin yung mga partner namin.

Tinignan naman niya ako na parang nagsasabing 'you-really-don't-know-him?' plus mo pa ang kaniyang hinding makapaniwala na mukha habang nakatingin sa akin. Rodney? Saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yon? I tried to recall things pero hindi ko talaga maalala. In the end ay umiling na lang ako sa kaniya bilang sagot.

"Yesha, alam mo dapat kang mag-memo plus gold." sabi sa akin ni Cess kaya napakunot ang noo ko. Memo Plus Gold? Why?

"Bakit?" I asked kaya mas lalo siyang napasimangot.

"Rodney! You can't remember him? Yung pinag-usapan natin kagabi at yung naging A sa misyon." pabulong na wika niya. Oh! I remember it finally. Si Rodney.

"Ahhh." sabi ko na lang.

"Ahhh." she said with sarcasm and imitate my voice kaya napairap na lang ako.

"Hi Cess." biglang may lalaking sumulpot out of nowhere at naka-smirk pa. Tinignan ko siya. Gwapo. Matangkad. Maputi. Matangos ilong. Pero mukhang mayabang.

"Tss, Rodney." sabi ni Cess kaya napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Siya si Rodney!!!

"S-siya si Rodney, Cess?" tanong ko kay Cess at tumango siya.

"Rodney Scray by the way, I guess you're Ayiesha Merilia." sabi ni Rodney daw.

"Yeah, I guess you know me already but I will still introduce myself. I'm Ayiesha Merilia, Water Magic and X-Ray Vision pero hindi pa hasa ang kakayahan ko para sa ability kong X-Ray Vision kaya minsan ko lang 'tong gamitin." mahabang paliwanag ko tungkol sa sarili ko.

"I guess hindi ko na kailangan ng Introduction dahil kilala mo na naman ako." sarkastikong sabi ni Cess kay Rodney sabay irap pero ngumisi lang si Rodney at ngumiti na para bang nang-aasar. I think magka-away nga talaga sila just as what Cess said.

"Yeah I already know your name but it's not worth remembering it." asar ni Rodney kay Cess at umirap lang si Cess.

"So class the deadline for the potion is on Friday bye." sabi ni Ms. Emily sabay alis but gave us a flying kiss first before leaving. Mostly yung mga lalaki ay nag-heart na ang mga mata. Mas gusto kasi nila yung side ni Ms. Emily na hindi sadista.

"So kailangan muna natin maghanap ng mga ingredients para sa potion." blankong sabi ni Rodney sa amin.

"We know it." bara sa kaniya ni Cess.

"Sorry akala ko kasi hindi agad papasok 'yon sa utak mo." banat naman ni Rodney at sa huli ay umirap lang si Cess sa kaniya.

"Blue Leaves ang una nating kailangan." paalala ko.

"Alam namin." halos magkasabay na sabi nila.

"Fine." sabi ko na lang.

"Sa Garden ng Academy tayo kumuha." sabi ni Cess.

"Mas mababa ang makukuha nating grades kung gano'n. Dapat sa Greenhouse." nakangising wika ni Rodney

"No way!" singhal namin ni Cess sa kaniya, alam naman siguro ni Rodney na ipinagbabawal ang pumitas o kumuha ng kahit ano sa Greenhouse without Headteacher Arianna's consent.

"Greenhouse." diin ni Rodney.

"Garden." Cess.

"Greenhouse."

"Garden."

"Greenhouse."

"Garden."

"Greenhouse."

"Garden."

"Greenhouse."

"Garden."

"Greenhouse."

"Garden."

"Greenhouse."

"Garden."

"Greenhou-" hindi na naituloy ni Rodney ang sasabihin niya nang sigawan ko silang dalawa. "Pwede ba mamaya na kayo mag-away! At siyaka alam niyo namang bawal tayo sa Greenhouse kaya sa Garden na lang tayo kukuha!"

"Tss." Rodney.

"K." Cess.

At medyo naging effective naman siguro kahit papa'no ang pagsigaw ko sa kanila dahil hindi na sila nag-away hanggang sa makarating kami dito sa Garden.

Nang may namataang puno ng Blue Leaves naman si Cess ay pumunta agad siya do'n at pipitas na sana ng bigla siyang winarningan ni Rodney.
"Mas maganda ang klase ng Blue Leaves na hindi gaanong dark ar hindi masyadong light." in return ay inirapan lang siya ni Cess.

***

"Okay na siguro 'to." sabi ko sa kanila dahil mukhang sapat na lahat ng nakuha naming ingredients. Nakuha na kasi namin ang lahat ng nasa listahan.

"Tara na." walang ganang sabi ni Cess kaya pumunta na kami sa Potion Making Room.

After ay inayos na namin ang mga gamit at ingredients at nagsimula na.

"Blue Leaves." sabi ni Rodney kaya naman binigay ko sa kaniya ang Blue Leaves at hinulog niya naman 'yon sa pot. Hindi yung kind of pot na malaki ha? Kasing laki lang siguro ng Normal Rice Cooker.

"Matagal pa ba 'yan?" tanong ni Cess kay Rodney.

"Ito na po mahal na prinsesa hahaluin na lang po at papatakan ng dugo." sarkastikong sabi ni Rodney kay Cess.

"Tutal kami naman kumuha ng karamihan sa ingredients, pwede bang ikaw na lang ang magpatak ng dugo Yesha?" tanong ni Cess at nag-puppy eyes kaya wala akong nagawa kun'di patakan ang pot, at dahil walang nakasulat kung ilang patak ay isang patak lang ang ginawa ko.

Maya-maya ay naging blue na liquid na ang laman ng pot at I'm sure 'yan na ang Flying Potion na sinasabi ni Ms. Emily.

"Yes! Tapos na din." sabi ni Cess at bumuntong-hininga.

"Mas mabuti pa kung ipapasa na natin 'to kay Ms. Emily. Ayoko magsayang ng oras." seryosong wika ni Rodney kaya pumunta na kami sa office ni Ms. Emily.

"Heto na po yung Potion Ms. Emily." sabi ni Cess kay Ms. Emily sabay abot nung potion. Tiningnan naman iyon ni Ms. Emily at ngumiti.

"Good, you may now rest. Sasabhin ko na lang ang scores niyo sa susunod na class ko." sabi ni Ms. Emily kaya umalis na kami at lumabas. Alangan namang tumunganga kami do'n.

"Sana lang mataas ang makuha natin. Baka bumagsak pa 'ko ne 'to. May badluck kasi sa tabi." pagpaparinig ni Rodney kay Cess kaya umirap si Cess. If I know ay gustong-gusto na niya sakalin si Rodney ngayon. Pa'no ko nalaman? Halata sa itsura niya. Pfft.

"Che, tara na nga Yesha." sabi ni Cess at sabay hila sa akin.

"S-sige." sabi ko. "Salamat ulit Rodney!"

"Pagkarating namin sa dorm ay pasubsob na humiga si Cess sa kama.

"Pagod ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

"Nah, naiinis lang ako sa lalaking yun." sagot niya.

"Halata eh, kanina pa ako naa-out of place sa inyong dalawa puro kayo away tapos nasa gitna niyo pa ako kanina kaya parang ako yung sumasalo eh." saway ko at mahinang tumawa naman si Cess.

"Oo nga pala Cess, 'di ba may ipapakilala ka?" tanong ko kay Cess.

"Oh, oo nga pala nakalimutan ko. Tara!" wika niya sabay hila sa akin palabas.

"Teka! Sino ba 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"Basta." wala na 'kong nagawa kun'di magpahila na lang sa kaniya.

"Iyon oh." sabi ni Cess sabay turo kaya tiningnan ko kung ano yung tinuturo niya. Si Kate tapos may kasama siyang babae na may shoulder-length hair na itim at itim din ang mata tapos morena at maputi.

Dali-dali naman akong hinila ni Cess papunta sa kinaroroonan ni Kate at nung kasama niyang babae.

"Hi Kate." bati ko.

"Hello Yesha, ito nga pala si Roxie Ashraine, at Roxie ito si Ayiesha Merilia pero Yesha na lang for short." pagpapakilala ni Kate at Cess sa aming dalawa at nagbatian naman kami ni Roxie.

"So new friends!" masiglang sabi ni Cess, kanina lang grabe siya makasimangot dahil kay Rodney pero ngayon todo ngiti na.

"So Ayiesha. Ano nga palang kapangyarihan mo?" tanong ni Roxie.

"Umm Yesha na lang. Water at X-Ray Vision naman ang ability ko pero hindi ko pa hasa." paliwanag ko.

"Ah gano'n? Oo nga pala Rox na lang itawag mo sa akin and Heat naman ang Magic ko." Rox.

"Oo nga pala Cess, ba't ang tagal niyo naman gumawa ng potion? Naunahan pa namin kayo?" tanong ni Kate kay Cess. Hays kung alam niya lang kung anong nangyari.

"Wala kasi silang tigil sa pag-aaway ni Rodney." sabat ko sa kanila.

"Inis kasi yung Rodney na 'yon." bulong ni Cess pero sapat na para marinig namin.

"Tss lagi na lang kasi kayong nag-aaway eh, na 'ko pupusta na talaga ako nito magkakatuluyan kayo." asar ni Kate kay Cess at nagpanggap naman si Cess na parang nasusuka.

"A. Big. No." sabi ni Cess at in-emphasize pa talaga kada-word.

"Anyway yung Rodney ba na tinutukoy niyo ay si Rodney Scray?" tanong ni Rox at sabay naman kaming tatlo na tumango.

"My gosh! Crush ko kaya 'yon." sabi ki Rox kaya si Cess naman ay parang masusuka.

"Anong nagustuhan mo do'n Rox?" tanong ni Cess.

"Gwapo naman siya eh." sabi ni Rox.

"Eew." bulong ni Cess.

"Anyway anong section ka nga pala Rox at hindi kita nakikita?" tanong ko kay Rox.

"Sa section B kasi ako." she said and smiled showing her pearl-like teeth.

"Ah kaya pala. Section A nga pala kami." I said.

"Sige aalis na ako may klase pa kasi kami at nice meeting you again Yesha." sabi ni Rox sabay takbo.

"Oh well dami 'kong nakilala ngayon ah?" sabi ko.

"Yup. Tara na sa dorm." sabi ni Cess at pumunta na kami sa dorm namin.

"Bye Kate." sabi ko muna kay Kate bago umalis.

Today was a very tiring day.

Agad agad akong humiga sa kama ko at naghanap ng babasahing libro since wala naman akong gagawin na dito sa dorm. Nagpapahinga na si Cess at wala na naman si Vi.

CHAPTER 8: "RODNEY SCRAY AND ROXIE ASHRAINE"

————————————————

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro