Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7: Dark Magicians

AYIESHA

"Ang lalaban sa 'yo ay si-" Hindi na naituloy na Vi yung sasabihin niya ng biglang may sumabog sa east part ng Blue Sea Of Mysticus.

"Ano 'yon?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi ko alam. Mabuti pa pumunta tayo do'n." Wika ni Cess at sumang-ayon naman kami.

Tumakbo agad kami (including the Goddess Sinaya) papunta sa east part ng Blue Sea kung saan may sumabog.

Pagkarating namin do'n ay napanganga ako sa nakita ko. May isang babae at lalaki na nakatayo sa harap namin. And they are Dark Magicians!

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Cess at halatang naka-alert mode na siya.

"At bakit naman namin sasabihin sa inyo?" Mataray ngunut madiin na wika nung babae.

"Sungit." Bulong ni Cess.

"I know." Biglang sabi nung babae.

"Claire." Biglang sabi nung katabi niyang lalaki in a warning tone.

Inirapan niya lang yung lalaki. "Fine." Sabi niya.

"Hoy ikaw Sinaya. Kailangan namin ang Mermaid Blue Pearl kaya ibigay niyo na yun sa amin." Utos nung babae na Claire daw ang pangalan kay Goddess Sinaya.

"Pasensya na pero hindi ko hahayaang mapasakamay ng mga maling tao ang perlas." Pagmamatigas ng Goddess sa kanila.

"Kung gano'n kukunin namin 'yon sa iyo ng sapilitan." Madiin na sabi nung lalake. Hindi ko makita yung mukha niya dahil naka-maskara siya, tanging si Claire lamang ang hindi naka-masakara.

Akmang susugod na si Claire sa Goddess pero humarang si Cess at gumawa ng isang malaking Air Barrier kaya in the end ay umatras ng tatlong hakbang si Claire.

"Aba't pakielamera ka ah?" That's Claire na halatang naiinis kay Cess.

Napa-smirk naman si Cess.

"Pasensya na pero kailangan 'din namin ang perlas na hinahanap niyo kaya wala kayong magagawa kung 'di labanan kami." Wika ni Cess.

"Sige gano'n pala gusto mo ha?" Claire sabay sugod kay Cess.

Tumingin naman ako kay Vi at mukhang wala siyang pakialam sa nangyayari.

"Vi, ano na ang gagawin natin?" Tanong ko kay Vi.

"Sa ngayon ay makikipaglaban muna kami ni Cess sa dalawang 'to. Isama niyo papalayo dito ang Goddess at pilitin niyo siyang sabihin sa inyo kung nasaan ang Pearl." Mahabang linatana niya. Improving ah? Ang haba ng sinabi niya sa 'kin. Pero hindi na ito ang oras para matuwa.

Dali-dali kaming tumakbo paalis dito. Basta ang utos ni Vi ay ilayo namin ang Goddess doon.

"Saan tayo pupunta ngayon?" Mahinhing tanong ni Kyle. Sino pa ba ang mahinhin dito?

"Doon tayo sa Blue Cave." Sabi ng Goddess. Kumunot naman ang noo ko. "Saan ang Blue Cave?" Tanong ko kay Goddess Sinaya.

"Basta dumiretso tayo." Sagot niya at sinunod na lang namin ang sinabi niya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Nandito na tayo." Sabi ng Goddess. Namangha ako sa buong lugar. Wow as in WOW. Ang ganda dahil gawa sa yelo ang cave. Maniwala man kayo o hindi gawa ito sa yelo. Pero hindi transparent ang Ice siyempre makapal.

"Sana ayos lang do'n sila Cess at Vi." Rinig kong sabi ni Kate.

"Huwag kang mag-alala. Malakas sila Vi at Cess. Sigurado akong matatalo nila yung mga 'yon." Sabi ko sa kaniya.

"Tama ka nga Yesha." Nakangiting saad niya.

CESS

Kanina pa kami nag-lalaban dito ng Claire na 'to at may mga galos na 'din ako dahil sa laban namin. Aaminin ko malakas nga siya pero hindi ako magpapatalo sa kaniya. Para saan pa ang pagiging Royal Princess ng Wind Country kung wala akong kakayahan?

"Inis! Bakit ba kasi niyo kailangang mangialam sa amin!" Sigaw sa akin ni Claire.

"Dahil kailangan 'din namin ang Blue Pearl kaya kailangan namin kayong labanan!" Sigaw ko 'din sa kaniya.

"As if kung kaya mo 'kong talunin." Sabi niya ng naka-ngisi.

"Talagang kaya ko." Sabi ko sa kaniya.

Ilang punches at kicks ang pinakawalan naman kaya nagkakasugat na kami.

"Ano ba kasing kailangan niyo sa perlas?" Tanong ko.

"Asa ka namang sasabihin ko 'yon sa 'yo?" Sagot niya na I don't think na nasagot no'n ang tanong ko.

Napairap na lang ako sa kaniya. "Yah right, kung ayaw mo akong sagutin... Pipilitin na lang kita!" Sigaw ko at sinugod siya.

Gumawa ako ng Air Sword ngunit para sa kaniya ay sigurado akong hindi niya yo'n nakikita. I don't think na Air ang Magic niya.

Speaking of Magic. Kanina pa kami naglalaban pero hindi ko pa alam ang kapangyariyan niya!!!

Napatingin naman siya sa akin at doon ko na-realize na medyo bukas na pala ang isip ko kaya sinara ko agad ito para hindi niya mabasa. Phew! Muntikan na yun ah?

"Oh, tinatanong mo pala kung anong kapangyarihan ko." Sabi niya kaya I rolled my eyes dahil obvious naman na.

"Anyway my Magic is Cloud kaya hindi 'yon useful ngayon, and my sub-magic is Levitation." She said and yeah she's right hindi useful ang Magic niya sa akin dahil my power is Air kaya mawawala lang 'din ang Clouds niya maliban na lang kung malakas siya but at this rate. Mas malakas ang Air ko kaysa sa Cloud niya.

Hay whatever. Gumawa na lang ako ng napakalaking Air Sphere at kinulong siya sa loob no'n. But I regret na kung anong sinabi ko. Binalot niya lang ng Cloud yung Sphere at.. Poof! Nawala na ang sphere ko.

"Mukhang medyo useful pa nga ang Magic mo." I said sabay irap. What? Kahit labag sa loob kong sabihin yun ay truth pa 'din kaya 'yon. Isa pa wala namang mawawala kung sasabihin ko yun... May mawawala pala. Ang pride ko. Note the sarcasm.

"Air Daggers!" Sigaw ko at may mga lumutang na daggers sa harap ko. Kiniha ko agad ang mga daggers at ibinato kay Claire. She manage to dodge some pero may dumaplis pa 'din sa kaniya na daggers.

"Tss ba't ba ayaw mong gamitin ang Magic mo?" Tanong ko since kanina pa siya lumalaban sa akin in Physical Attacks.

"Hmph I don't need Magic para lang manalo. Sabi nila nga nila 'Don't rely too much on your Magic if you can do it physically' Right?" Saad niya na parang nang-aasar pa. So hinahamon niya talaga ako into Combat Battle huh? Fine! Hindi niya ba alam ako ang Top 3 sa Combat Class namin sa Academy? Oh well paano niya naman malalaman yun? Psh.

Inatake ko agad siya at sinuntok sa tiyan. Napa-daing niya sa sakit sumuka ng dugo. Maliitin ba naman ako?

"Looks like magaling ka pala sa Combat... But ako pa 'rin ang mananalo sa laban natin." Sigaw niya sabay tayo at sinuntok ako, nasalo ko ang ilan pero may tumama sa braso ko.

"Hey! Masakit yun ha?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Tss you are saying that to your Enemy?" Tanong niya. Napasimangot naman ako.

"Who cares anyway." I said.

Sinugod niya ako and throw me some kicks kaya naman napa-aray ako at nararamdaman kong may dugo na lumalabas sa labi ko. Great kadiri nalalasahan ko na kasi yung dugo.

Dahil sa inis ay naihagis ko siya sa lupa at tinapakan ko ang tiyan niya dahilan para magsuka siya ng dugo. Yah I know it doesn't fit my character pero ganito talaga ako pag-nagagalit. Believe me or not.

Sinuntok ko agad siya sa braso at naglaban kami ng naglaban.

At in the end ay hindi ako makapaniwalang natalo ko siya I mean lamang naman talaga ako but I'm expecting na hindi agad siya magpapatalo. Kahit Dark Magician si Claire ay I have a feeling na malinis ang loob niya. Sa ngayon ay nakahiga siya ngayon sa lupa. But I don't know kung napatay ko siya. Huwag naman sana.

Tiningnan ko si Vi na kasalukuyan pa 'ring nakikipaglaban doon kay Mr. Unknown guy at dahil nanghihina pa ako ay umupo muna ako dito sa tabi at pinagmasdan silang maglaban.

Palit-palitan lang sila ng mga atake at sobrang intense ng laban nila grabe. Pero hindi maipagkakaila na may mga galos na sila sa katawan.

Aish! Ang tagal naman nila Yesha. Sana nasabi na sa kanila ni Goddess Sinaya kung nasaan ang Pearl para naman makaalis na kami dito.

Anyway bago yun siguro maraming nagtataka kung bakit hindi na lang kami mag-teleport papunta dito nung nasa Academy pa kami noh? It's because winarningan kami ni Headmistress na huwag gagamit ng Teleportation dahil pagchi-cheat daw tawag do'n. At dahil ma-pride kami... Hindi kami nag-teleport!

Anyway back to reality...

As I said ay naglalaban pa 'din si Vi at yung lalaki kanina puro sugat na nga sila eh. Pero nararamdaman kong hindi basta basta yung lakas nung lalaki na kalaban ni Vi and I know alam niya yun. Malakas makaramdam ng aura si Vi kaya sigurado ako.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng nagkaroon bigla ng usok yung buong paligid at the next thing i knew ay may humila sa akin dito sa tabi then everything went black.

***

"Ang tagal naman niyang gumising."

"Sira ka pala eh, di 'ba gumawa ka ng pampatulog na usok malamang matagal yan magigising."

"Tumahimik na kayo baka magising si Cess. Shush."

"Fine fine tatahimik na."

"Ano ba? Ang ingay niyo ah!"

"Ay sorry na Sky peace tayo!"

Napamulat na lang ako ng mata dahil sa lakas ng mga boses na naririnig ko.

Unang bumungad sa akin ang mukha ni Yesha.

"Gising na siya." Sabi ni Yesha at natauhan naman ako.

"Teka? Asan tayo? Anong nagyari? Sino yung humila sa akin?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila. Nandito kasi kami sa... Hospital?

"Umm nandito na kasi tayo sa Academy." Sabi ni Yesha. What? Papaano?

"Paano?" Tanong ko.

"Nakuha na kaai namin yung Pearl." Sabi ni Kate.

"Eh sino humila sa akin?" Tanong ko.

"Sinadya naming maglagay ng usok na may pampatulog sa kinaroroonan niyo ni Vi at siyaka kita hinila." Sabi naman ni Miko.

"Ah ganoon. Kung gano'n... Pakita nga ng Pearl!" Hyper na naman na utos ko sa kanila kaya napasimangot sila. Paano ba naman yun ang pinakaunang inutos ko.

"Ito." Sabi ni Kyle... Ng mahina at ibinigay sa akin ang isang... Perlas nga pero Ice Blue ang kulay niya. Binalik ko na 'to kay Kyle.

"Kamusta na nga pala si Vi?" Tanong ko.

"Ah si Vi? Ayos na siya pero malala ang sugat na natamo niya. Kasalukuyan siyang nasa Private Room at nagpapagaling." Kate.

"Eh anong nangyari sa kalaban niya?" Tanong ko ulit.

"Nakatakas eh." Sagot ni Yesha.

"Umm magpahinga ka pala muna Cess." That's Miko. Himala? Anong nakain niya? Anyway nahiga na lang ulit ako simce ang sakit pa kasi ng buong katawan ko kakalaban kay Claire. Speaking of Claire?!!!

"Ano nga palang nangyari kay Claire?" Tanong ko.

"Ah yung babae? Pinapagamot muna dito at pag-magaling na siya ay ang Headmaster at nakatataas na ang bahalang magparusa sa kaniya." Paliwanag ni Kate at nakahinga ako ng maluwag at nahiga na ulit sa kama. I don't know na lang kung kailan ako nakatulog. Basta nakatulog na ako. Yun na yun.

AYIESHA

Gabi na ng magising ulit si Cess. Napadaan lang ako para naman may kasama siya at kanina pa kasi siyang hindi kumakain kaya nagdala ako ng mga pagkain para sa kaniya.

"Cess ito nga pala pagkain." Sabi ko kay Cess at binigyan siya ng mansanas siyempre yung hiwa na.

Ngumiti siya sa akin. "Salamat." Sabi niya at kinuha na yung mansanas.

"Mabuti na lang at ayos ka lang noh? Sobrang worried namin sa inyo ni Vi lalong-lalo na si Kate. Hehe." Kwento ko.

"Talaga si Kate? Sus baka may nakain lang yun na masama kaya yun gano'n." Natatawang sabi ni Cess kaya napatawa na 'din ako. Magkaibigan talaga sila ni Kate kahit hindi nila ipakita sa isa't-isa ang ginagawa ng tunay na mag-bestfriend.

"Anyway, anong rank nga pala ang nakuha natin sa misyon?" Tanong ni Cess.

"Dahil daw marami tayong pagsubok na nadaanan ay B ang nakuha natin." Sagot ko at naoasimangot naman siya.

"Bakit B lang?" Tanong niya still nakasimangot pa 'rin.

"May mas lumamang kasi sa atin. Marami silang nadaanan na pagsubok pero nakarating sila agad dito in a short period of time." Paliwanag ko.

"Kanino namang team yun?" Tanong niya.

"Sa pagkakatanda ko ay apat sila, si Rodney Scray, Nicky Laire, May Flor at Scratch Ione." Sabi ko habang naka-kabit balikat.

"What?! Grupo ni Rodney?! Sa lahat ba naman ng pwedeng maging A sila pa?!" Halos napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigaw ni Cess. Problema nito?

"Bakit ka sumisigaw?" Tanong ko sa kaniya.

"Si Rodney kaya ang pinakakina-iinisan kong tao dito sa buong Academy!" Sigaw na naman niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Hmph nung unang araw ko kasi dito sa Academy lagi na 'kong iniinis ng Rodney na 'yan 'kala mo kung sino hmph." Sabi ni Cess... Ok?

"Hehe tama na 'yan bakama-highblood ka pa niyan eh. Siyaka kawawa yung mansanas oh? Pinagtutusok mo na ng toothpick." Natatawang sabi ko at tinuro yung mansanas na tinutusok niya ng toothpick.

"Hmph dapat kasi si Rodney ang tinutusok ko at hindi mansanas." Gigil na sabi niya. Ang laki talaga ng galit niya sa Rodney na 'yon ah?

CHAPTER 7: "DARK MAGICIANS"

  ————————————————

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro