Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: The Goddess of the Sea

CESS

"Next destination, Earth Shine Falls." Pagkasabi nun ni Vi ay naghanda na agad kami para na naman sa isang mahabang paglalakbay.

Earth Shine Falls? Kilala ang Earth Shine Falls dahil sa napakalinis nitong tubig at pwede pa itong inuman dahil doon nanggagaling ang tubig dito sa buong Meran. Yup. Sakop pa 'rin itong pinupuntahan namin ng Meran. Pero dahil nga marami ng na-impluwenshahan ang Dark Kingdom na mga creatures ay yung ibang creatures ay kahit sakop pa ng Meran ay nagrerebelde na laban sa Meran, pero siyempre marami pa 'ding creatures ang sumusunod sa patakaran ng Meran.

Teka? Ba't napunta naman do'n ang usapan. Hays siguro dahil bored na bored na nga talaga ako ay kusa na akong nagshe-share ng trivias sa inyo.

"Sa wakas makakapag-refill na 'rin ako ng tubig." Rinig kong sabi ni Kate.

Siyaka ko lang naalala na ubos na 'din pala yung tubig ko.

***

"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Kate sa tabi ko.

"Ba't ako tinatanong mo?" Tanong ko 'din sa kaniya na hindi naman sagot sa tanong niya. Hehe gets niyo?

"Bakit tinatanong kita?" Sarkastikong tanong niya.

"Oo, kaka-tanong mo nga lang eh." Sagot ko.

"Ah talaga ha?!" At nag-simula na nga kaming maga-away.

"Hoy magbabangayan na lang ba kayo diyan?" Biglang sulpot ni Miko sa tabi namin ni Kate.

"Eh si Kate kasi eh!" Sigaw ko sa kaniya sabay turo kay Kate.

"Anong ako? Siya kaya." Sabi 'din ni Kate at tinuro ako. Aba't? Ako pa talaga sinisi eh siya nauna eh. Teka, siya nga ba?

"Hays tama na nga 'yan." Saway niya.

AYIESHA

"Hays tama na nga 'yan." Rinig kong saway nni Miko kay Cess at Kate.

"Eh siya nga eh!!!" Pfft. Nagpipigil na lang ako ng tawa dahil 'yan tuloy, nadamay si Miko. Saway pa more. Haha.

"Titigil kayo o gusto niyong maagang mamatay?" Malamig na sabi ni Vi mula sa unahan kaya naman automatically ay napatigil sa pagsasalita yung tatlo at napatingin sa kaniya. Ngunit nakatalikod pa 'rin si Vi hanggang ngayon. Kahit nakatalikod si Vi ay alam na agad nila Cess na sila yung pinagsasabihan. Hehe ingay nila eh.

"Napagalitan tuloy kayo." Bulong ko sa kanila. With no sarcasm ha?

"Che." Mahinang sabi ni Cess at Kate.

Hmmm?

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng bigla kaming may narinig na isang tunog. Creature sound? I guess.

Agad naman kaming nag fighting stance lahat. Siyempre para sigurado kaming walang pahamak. Sabi nga nila. Don't let your guards down.

Then suddenly biglang gumalaw yung bushes sa gilid namin. 25 inches away.

Napako agad doon ang mga tingin namin at maya-maya ay biglang may lumabas do'n na isang creature. Isang cute na bunny! Phew, akala ko ay katulad na naman yun ng Air Fox na umatake sa amin kanina.

"What's that?" Violet asked still giving the little cute bunny a glance.

"Oh come on Vi, hindi ka talaga mahilig sa mga animals noh? It's just a bunny 'wag kang mag-alala." Cess habang kinukuha ang bunny or rabbit or whatever you call it.

Napailing na lang si Vi sa pagiging childish ni Cess. Nagsimula na ulit kaming maglakad. Habang buhat pa 'rin ni Cess yung rabit. I agree na cute nga yung rabbit... Hehe.

Habang naglalakad kami ay nakakita ako ng falls kaya naman ay ibig sabihin malapit na kami sa Earth Shine Falls.

"Malapit na 'yata tayo." Sabi ko.

"Finally!" Sigaw ni Kate.

After a few minutes ay nakarating na 'rin kami sa falls.

Pumunta na agad si Kate at Cess do'n sa Falls para uminom at mag-refill ng tubig.

Maya-maya ay may bigla akong naalala.

"Cess asa'n na yung rabbit na dala mo?" Tanong ko kay Cess.

"Ah, pinakawalan ko na kanina. Hehe." Sagot niya.

"Akala ko dadalhin mo na yung rabbit hanggang sa makauwi tayo sa Academy eh." Natatawang wika ni Kate.

"Ako din." Sabi ko kay Kate at nag-apir pa kami.

"Nakakatawa." Sagot na lang ni Cess. And note the sarcasm sa pagkakasabi niya.

"After niyong mag-refill ay magpahinga muna tayo." Utos ni Vi kaya naman nagpahinga muna kami dito sa tabi ng falls.

Tutal 'di ko na naman kailangan mag-refill dahil tubig nga ang alam nilang kapangyarihan ko ay mas nauna na akong magpahinga sa kanila at sumunod naman sila pagkatapos nilang mag-refill.

"Sana naman medyo matagal na itong pagpapahinga natin ngayon..." Si Kate yo'n, siyempre binulong niya lang para 'di marinig ni Vi.

"Tumahimik ka na lang diyan marinig ka pa ni Vi eh." Bulong sa kaniya ni Cess.

Sa isip ko ay nagro-rolling eyes na ako dahil rinig na rinig kaya ang pagbubulungan nila nakatingin na nga 'rin sa kanila si Kyle at Miko including me eh pero sila ay busy sa pag-uusap. Mabuti na lang at walang pakielam si Vi at nakatulala lang do'n sa tabi. Tulala tuloy este nagpapaka-lonely girl again.

Si Miko at Kyle? Nasa tabi umiinom ng tubig.

Si Sky? Nando'n mukhang inip.

Si Kate at Cess? Nagbubulungan na halos rinig na rinig na.

Ako? Nakatunganga dito at nakikinig sa bulungan nila Cess at Kate. Sabagay nakakaaliw naman silang dalawa eh.

"10 minutes na tayong nagpapahinga. Himala hindi pa nagayayaya si Vi na umalis." Rinig kong bulong ni Kate pero mahina na ngayon hindi kagaya kanina.

Tinignan ko na lang yung langit at hindi na sila pinansin.

"Tara na." Bigla namang nagsalita si Vi kaya naman si Cess at Kate ay...

"Ano?! Pero 20 minutes pa lang tayo dito nagpapahinga ah?" Sabay na tanong ni Kate at Cess pero 'di sila pinansin ni Vi kaya in the end ay wala na silang nagawa.

"Okay na siguro yo'n, at least ay nakapagpahinga tayo." Sabi ko sa kanila.

"Siguro nga." Kate.

So naglakad na kami ulit.

"Hmph, dapat hindi pinapahirapan ng ganito ang mga royal eh." Pagmumukmok ni Kate.

I just rolled my eyes... Mentally. At nagpatuloy sa paglalakad at hindi ko na lang sila pinansin.

"Ano nga ba ang next destination?" Tanong ni Cess kay Kyle.

"Legendary Blue Sea Of Mysticus na ang sususnod. And it's our last destination na." Sagot ni Kyle kay Cess.

"Yes!" Sigaw ni Cess sabay pikipag-apir kay Kate. Sabagay after all ng pagod namin ay makakarating na 'din kami sa wakas sa Legendary Blue Sea Of Mysticus.

"Sana worth it naman lahat ng pagod natin noh?" That's Kate.

"Yah." Simpleng sabi ni Cess kay Kate.

"Woah grabe ang init! Cess magpahangin ka nga." Wika ni Miko.

Napairap na lang sa kaniya si Cess.

"Di 'ba Tornado kapangyarihan mo? E 'di magpahangin ka mag-isa mo. Hmph." Sagot ni Cess sa kaniya.

"Eh? Damay kayo niyan kapag nagpahangin ako." Sagot 'din ni Miko sa kaniya.

"At siyaka ang laki kaya ng Tornado." Tuloy pa ni Miko sa sinasabi niya.

"Yah yah right." Sabi ni Cess at pansin kong lumamig nga kaya naman nagpahangin na siguro si Cess.

Nag-inat naman ako pero siyempre mahina lang. Makukuba na kasi ako nito eh. Kanina pa kami nakatayo.

"8 hours na tayong naglalakad it's already 5:00 na." Sabi ni Kate. Pansin ko lang sila lang ang pinakamaingay dito?

***

"Nandito nandito na tayo." Sabi ni Vi kaya tinignan ko ang paligid. Nandito na nga kami sa Legendary Blue Sea Of Mysticus.

Isa lang ang masasabi ko... Ang ganda.

"So paano na natin hahanapin ang Legendary Mermaid Blue Pearl?" Tanong ko sa kanila.

"Simple." Biglang nagsalita si Vi na nasa harapan namin.

"Paano?" Tanong ni Kate.

"I'll freeze the sea and then we will find the Pearl down. And Cess can make oxygen down there." Paliwanag ni Vi.

Sisimula na sana ni Vi na I-freeze ang Sea ng biglang nag-glow yo'n at maya-maya ay gumalaw yung lupa na tinatapakan namin kaya naman pinalutang kami ni Cess para hindi kami madapa.

Tiningnan naman namin yung part ng Sea na nag-glow at after mag-glow no'n ay may lumutang na... Babae Do'n? Pero, yung damit niya ay gawa sa yelo.

"Sea Goddess." Bulong ni Vi pero narinig pa 'rin namin yo'n.

Teka! Ibig sabihin iyon yung The Legendary Goddess ng Legendary Blue Sea Of Mysticus?!!!

"Hindi ko pinahihintulitan ang kahit sino man na may gawing masama sa Legendary Blue Sea Of Mysticus kahit na mga Royal pa kayo." Wika ng Goddess Of Sea sa mataas na tono.

"Kung gano'n ibigay mo na lang sa amin ang Legendary Mermaid Blue Pearl." Sabi ni Vi sa Goddess.

"Hindi pwede." Sagot ng Goddess.

"Kung gano'n ano ang kailangan namin para makuha ang Pearl?" Tanong ni Kate.

"Kailangan niyo muna akong talunin. Dahil ako si Sinaya ang tagapagbantay ng Legendary Blue Sea Of Mysticus." Sagot ng Goddess na si Sinaya.

"Payag kami." Saad ni Vi kaya napatingin kami kay Vi. Seryoso ba siya?

"Sige. Sinong lalaban sa akin?" Tanong ng Goddess.

"Bago yo'n, saan gaganapin ang laban." Tanong ni Vi.

"Sa Blue Rocks na nasa tabi ng Sea." Sagot ng Goddess.

"Sige." Pagpayag ni Vi.

"Ngayon. Sino ang lalaban sa akin?" Tanong ng Goddess.

Napalunok naman kami ng laway sa tanong ng Goddess.

Nagsalita naman si Vi sa tabi ko.

"Ang lalaban sa 'yo ay si-"

CHAPTER 6: "THE GODDESS OF THE SEA"

————————————————

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro