Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: First Mission

AYIESHA

Nandito kami ngayon ni Cess sa dorm, inaayos yung mga gamit namin para sa misyon, ito ang pinakaunang misyon namin kaya dapat lang naming pagbutihin, nakasalalay do'n ang Grades this week.

"Yesha, handa na itong mga gamit para sa misyon natin." Wika ni Cess pagtapos niyang ayusin yng mga gamit.

"Sige, maghanda na tayo para mamaya." Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

Lumabas muna ako para hanapin si mama. Naglalakad ako ngayon sa tahimik na hallway ng guests room. Mala-luxury kasi ang Guests Room kaya naman hindi ko mapigilang mamangha sa buong lugar.

Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng weird feeling kaya naman nilibot ko ang paningin ko ngunit wala naman akong nakitang kahina-hinala or something na kakaiba. Kaya in the end ay nagpunta na ako sa kwarto ni mama.

"Hi ma." Bati ko kay mama pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto niya.

"Hello, napa-aga yata dalaw mo ah?" Tanong niya kaya otomatikong napasimangot ako.

"Duh mama, almost 8:30 na kaya." Reklamo ko kay mama.

"Hay na 'ko, ikaw talaga." Sabi niya na natatawa pa.

"Oo nga pala ma, yung about sa Strongest Warrior Magicians? Bakit ba hindi mo yun sinabi sa 'kin?" Biglang iba ko ng topic kaya naman napatingin sa akin si mama with her intense Emerald Green eyes.

"Anak, hindi lahat ng bagay ay kailangan mong malaman mula sa akin. Dapat ma-try mo 'rin i-discover mag-isa ang mga bagay-bagay." Paliwanag ni mama in a matter-of-fact-tone.

"Fine fine, hindi mo na akong kailangan paalahanan ma." Saad ko dahil mukhang magsisimula siyang mag sermon session ngayon.

"Oo nga pala, it's your first mission ngayon right?" Tanong ni mama.

"Yes ma, pumunta na si Kate kay Headmistress Mari para kunin yung impormasyon para sa misyon namin. Excited na nga ako eh." Tugon ko.

"Mag-iingat ka nga pala. Ayiesha." Sabi ni mama na siyang ikinahinayang ko sa kaniya, kadalasan kasi Anak ang tawag niya sa akin at minsan lang niya akong tawagin na Ayiesha kapag seryoso siya.

Tumango na lang ako kay mama.

"Oh look at the time, sige bilisan mo na Anak baka ma-late ka pa sa misyon niyo." Pagpapamadali sa akin ni mama kaya lumabas na ako sa kwarto niya at nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa dorm namin.

"Nakabalik na ako." Sabi ko pagkapasok ko sa kwarto namin.

"Mukhang madali lang itong misyon natin ngayon ah?" Pambungad agad ni Cess.

"Ano ba yung misyon?" Tanong ko.

"Kailangan lang natin kumuha ng Legendary Mermaid Blue Pearl." Paliwanag ni Cess. What? Madali lang ba 'yon? Eh kailangan pa naming pumunta sa malayo.

"So kailangan pa nating pumunta sa Legendary Blue Sea Of Mysticus?" Tanong ko na tinanguan lang niya.

"Pero kailangan muna nating dumaan sa Firestar Wild Forest, Wind Island at Earth Shine Falls." Biglang sulpot ni Kate.

"Nandiyan ka pala Kate. Kakarating mo lang ba?" Tanong ni Cess at tumango naman si Kate.

"So maaari 'din tayong maka- encounter ng Wild Creatures, kaya dapat tayong mag-ingat." Paalala ni Cess at um-oo lang kami sa kaniya.

"Saan nga pala tayo magti-tipon tipon?" Tanong ko kay Cess.

"Sa entrance gate ng Magic Academy." Sagot ni Cess.

"Okay." sabi ko.

Pagtapos ko maglagay ng mga pagkain, tubig, first aid kit at weapons sa backpack ko ay nagdala na 'rin ako ng pamalit ng damit.

"Tapos na 'kong mag ayos." Sabi ko.

"Ako 'din." saad ni Cess.

"Me too." Kate.

"Oo nga pala, nasa'n si Vi?" Tanong ko.

"Ah I'm sure ako nasa Entrance gate na 'yon, knowing her ayaw niya ng late siya." Sagot ni Cess.

"Ano tara na sa gate?" Tanong ni Kate at tumango naman kami ni Cess kaya nagsimula na kaming maglakad papunta sa Entrance gate.

Pagkapunta namin do'n ay nando'n na pala ang lahat maliban sa 'min.

"Tara na." Walang ganang utos ni Vi kaya namin umalis na kami.

Naka-focus ako ngayon sa pagtalon namin sa mga puno dito. Para kaming mga ninja nito eh, great. Note the sarcasm.

"Ang saya palang maging ninja kung sakali." Tuwang-tuwa na sabi ni Cess habang natalon sa mga puno. Para siyang bata.

"Bye ma." Paalam ko kay mama via mind telepathy.

"Bye 'din." Reply niya.

CESS

Nandito ako ngayon sa mga forest sa labas ng Magic Academy, ang saya pala maging ninja 'pag nagkataon! Hihi.

Anyway, wala na akong dapat ikabahala kay Yesha dahil anak nga siya ng isa sa mga strongest warrior magicians, that only means na hindi siya isang dark wizard. That means hindi ko na siya kailangang bantayan. It is normal for the daughters and sons of the strongest magicians to have a high power most of the times. And I'm one of them. Dahil ako ang anak ni reyna Princess Araine. Gets niyo? Reyna Princess? Ba't ba? Eh Princess pangalan ng mama ko eh, doon nakuha yung pangalan ko na Cess.

Ilang hours 'din kaming nagtata-talon sa mga puno dito, kapagod nga eh. Mabuti at nandito na kami sa Firestar Wild Forest. Phew. Pero hindi masisigurong ligtas kami dito.

"Magpahinga muna tayo dito." utos ni Vi kaya sumunod kami sa kaniya at nagpahinga kami dito sa lupa.

Kumuha naman ako ng tubig dahil uhaw na uhaw na talaga ako.

"Nakakapagod 'yon ah." Saad ni Kate sa tabi ko habang hinihingal pa.

"Pasalamat ka na lang at pinagpahinga tayo... Kahit ten minutes lang." Bulong ko sa kaniya.

Pagkalagay ko ng tubig sa bag ko ay bigla na lang kaming nakarinig ng isang ungol kaya naman humanda kami agad at nag-fighting stance.

Tiningnan ko yung madilim na part dito at nakita kong may mata do'n na papalapit sa amin ngunit hindi ko makita kung anong creature 'yon dahil madilim nga.

Nung sa wakas ay unti-unti na amin itong nakikita ay bumungad sa amin ang isang fox na kulay red orange.

"I was expecting na rabbit lang 'yon" Sabi ni Kate habang naka-pout pa kaya I mentally rolled my eyes.

Sumugod agad sa amin ang fox pero mabuti na lang ay nakagawa agad ako ng Wind Shield para sa aming pito.

Sinugod naman ni Kate yung fox gamit ang Earth Sword at sinaksak ito sa likod ngunit nakakagalaw pa 'rin yung fox kaya naman gumawa ako ng invisible air spear at hinagis ito sa fox ngunit nagulat ako ng sinangga ito ng fox. So that is an Air Fox eh?

"Mag-iingat kayo, isa 'yang air fox." Sabi ko sa kanila kaya tumango sila. Ngunit nagulat ako ng biglang nagliyab yung fox at in just a second ay naging abo na ito. Kaya automatically kaming tumingin kay Sky. I know siya lang ang kayang gumawa no'n.

"That was fast." Biglang nasabi ko kay Sky.

"Ang bagal niyo kasi. Sa lahat ng ayaw ko ay ang pinaghihintay ako." Sabi niya in an arrogant tone.

Umalis na kami sa Firestar Wild Forest at narating na 'din namin ang
Wind Island kaso nga lang ay hindi biro ang pagpasok sa Wind Island. Sa oras kasi na pumasok ka do'n ay sobrang lakas na hangin agad ang sasalubong sa 'yo. Mabuti na lang at kaya kong kontrolin ang hangin dito.

"Bilisan niyo maglakad." Utos ni Vi na nangunguna na ngayon kaya binilisan na naming lahat ang lakad namin.

"Uy may tornado do'n oh." Tuwang-tuwa na sabi ni Miko habang nakaturo do'n sa tornados. Hay, para siyang bata.

"It's almost three hours na tayong naglalakad dito." Reklamo ni Miko.

"Then rest. But iiwan ka namin dito." Cold na sabi ni Vi sa kaniya kaya naman tumahimik na lang si Miko. To be honest kasi ay marami ang natatakot kay Vi kaya better 'wag mo siyang galitin.

"Guys. Nakikita ko na yung exit." Sabi ko sa kanila kaya naman tumango sila. Malapit na sana kami sa exit ng hinarang kami ng isang–

"Wind Cloud." Simpleng sabi ni Vi.

Wind Cloud is known dahil sa malakas na hangin na binubuga nito at dahil disorientated pa ako ay tumalsik kaming lahat maliban kay Vi.

"Ouch! Cess akala ko ba kinokontrol mo yung hangin?" Tanong ni Miko.

"Pasensiya na, nawalan ako ng kontrol." Paliwanag ko at kinontrol ko na ulit yung hangin.

Pero pagkakita ko ay wala na yung Wind Cloud. Saan na napunta 'yon?

"Asan na yung cloud Vi?" Tanong ko.

"Pinaalis ko na." Sagot ni Vi.

After that ay nakalabas na 'din kami sa Wind Island.

"Next destination. Earth Shine Falls." Sabi ni Vi.

CHAPTER 5: "FIRST MISSION"

————————————————

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro