Chapter 3: Books
AYIESHA
Ang saya talaga na One week na akong nadito sa Academy.
Pero at least I gained friends with Kate, Kyle, Miko, Skyler and Violet (Pero 'di pa 'din akong makapaniwala na Princes and Princesses sila.) but at least okay naman silang kasama kasi komportable naman ako sa kanila.
Bukod doon ay naging ka-close ko na din ang ibang mga profs namin like, Proffesor. Max, Ms. Maddie, Ms. Elle, Ms. Amber and Ms. Emily at marami pa.
And ang principal na lang yata na si Master Marigold ang hindi ko pa nakikilala at nakikita for 1 week!
I wonder kung bakit ang mga Higher levels lang ang nakaka-kita sa totoong itsura ni Master Marigold. Pag-nagpapakita daw kasi si Master Marigold sa ibang tao ay hindi iyon ang totoo niyang itsura. Ang totoo niyang itsura ay sa Higher Levels and Royal Knights lang niya ipinapakita.
Ang Higher Levels ay ang mga Proffesors, Student Council at mga nakakataas, kung sakaling hindi niyo alam.
At ang mga Royal Knights naman ang mga tagapag-protekta ng Royal Family which has 8 members. Ngunit walang nakakaalam sa mga katauhan ng Royal Knights maliban sa Royal Family at Higher Levels.
Oo nga pala, papunta ako ngayon sa library para maging madami pa ang aking nalalaman tungkol sa Magical World.
Pagkapunta ko sa library (for the second time) ay sumalubong agad sa akin ang mga fairies na nagbabantay sa buong Magical Library.
"Kamusta Yesha." Bati ni Ruka, isang Blue Fire Fairy na nagbabantay sa Library.
"Hi." Bati ko.
Pagkatapos ay naghanap na lang ako ng magandang libro dito dahil wala naman akong magawa sa dorm. Alam niyo yung feeling na may kasama kang isang hyper na babae at isang malditang babae sa dorm mo tapos ikaw lang yung parang normal sa kanila? Hehe that's the truth pero aaminin kong mas naging close ako kay Cess at Kate sa mga nakaraang araw ko dito sa Academy.
***
Ilang beses na akong naghanap ng magandang basahin na libro pero ni isa ay wala akong nakitang maganda. Kung tugkol naman sa Royal Family ay wala dahil very secretive nga sila. They can even manipulate people. Pero I know they're doing that for us. Para sa mga mamamayan ng Meran.
At dahil nga ay wala akong makitang libro ay about spells na lang ang hiniram kong libro.
"Ilang araw mong gagamitin ito?" Tanong ni Ruka.
"Umm... Siguro 10 days, pwede ba?"
-ako.
"Sure." Masayang sabi ni Ruka.
"Salamat." Sabi ko at nagpaalam na.
"Oh Yesha, saan ka nanggaling?" Naka-kunot noong tanong ni Kate.
"Ah, sa Magical Library, nanghiram lang ng libro." Sabi ko.
"Ok, anong libro?" Tanong niya. Big deal ba yo'n? Oh well.
"Spells." Sagot ko at tumango siya.
CESS
Nandito ako ngayon sa kastilyo ng Magical World.
"Master Mari. Sa tingin ko, hindi po talaga isang ordinaryong estudyante si Ayiesha, hindi siya basta-basta lang. At natalo niya din po si Rila." Paliwanag ko.
"Hmm dapat sigurong tingnan mo siya ng mabuti. Pero may ipinagtataka lang ako sa kaniya." Sabi ni Master Mari na ikinagising ng curiousity ko.
"Ano po iyon?" Tanong ko.
"Si Ayiesha, kamukha niya si Princess Eisha. Ang aking nakakatandang kapatid." Master Mari.
Naalala ko naman bigla si Princess Eisha.
"Cess." Tawag ni Master Mari.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Obserbahan mong mabuti si Ayiesha Merilia kung sakaling may napansin kang kakaiba ay i-report mo agad saa akin ito. Sa ngayon, mag bantay ka muna." Sagot ni Master Mari.
"Opo."
"At oo nga pala, pakisabi kay Violet na tignan ang taas ng lakas ni Ayiesha Merilia." Utos ni Master Mari.
"Bakit hindi na lang po kayo ang magtanong? Baka i-snob lang ang makuha kong sagot niyan." Sabi ko.
"Cess, alam mo namang hindi kami nagkakasundo ng anak kong si Violet."
"S-sabi ko nga po." Sagot ko sabay alis sa kwarto ni Principal.
"Bye Cassy." Paalam ko kay Cassy tapos ay lumabas na ako.
"Anong ginawa mo?" Tanong ni Kate.
"Kay Master Mari." Sabi ko.
"Tungkol ba ito kay Ayiesha?" Tanong ulit niya at tinanguan ko lang siya.
AYIESHA
Nandito ako ngayon sa library, napapadalas na ang pagpunta ko dito dahil kailangan kong mag-gather ng informations para maging aware ako sa mga maaring dangerous things, makakatulong ito sa akin para alert ako lagi, right?
Pagtapos kong magbasa ay umalis na ako ng library.
Napagpasyahan ko namang mag-training muna sa Training Grounds.
Halos kumpleto na ang lahat dito sa Training Grounds, may dummies, weapons, area para sa pagte-training ng magics and identifications.
"Oh Ayiesha ikaw pala." Bati ni Sir Jiro siya ang teacher namin para sa combat training.
"Hehe magte-training lang po ako." Sabi ko.
Nang pa-diretso na ako sa room ay nakita ko si Rila at inirapan niya lang ako at dumiretso na siya. Whatever. I don't need her attention anyway.
Pumunta na ako sa isang training room na all plain lang. Walang kahit anong gamit. Dito kasi ako nakakapag-meditate at nakakapag-training ng maayos. Maluwag kasi dito sa room na 'to siyaka marami 'din namang ibang room dito eh pero mas maganda nga lang dito dahil maluwag.
***
After hours of training ay umalis na agad ako dahil napagod ako sa training na ginawa ko.
"Hi Yesha!" Bati ni Cess pagkapasok ko sa dorm.
"Hello." Sabi ko naman.
"Hulaan ko, nagtraining ka na naman." Wika niya.
"Hehe tama?" Patanong na sagot ko sa kaniya.
"Oo nga pala, pang-second week na natin sa academy bukas kaya hahayaan na tayong gumawa or pumili ng magic club!! Sigaw niya.
Napa-isip naman ako.
Siguro mas maganda kung tayo ang "gagawa ng sarili nating club." Sabi ko.
"Maganda yang naisip mo!... Pero, anong klaseng club naman yang gusto mo?" Tanong niya.
Hmmmmmmmmmmmmmmmm
5 minutes later:
"Aha!"
"Paano kaya kung club na nagte-train?" Tanong ko sa kaniya.
"Pwede, pero kakailanganin natin ng 5 members pataas para maging isang official club." Sagot niya.
Bigla namang nagka-light bulb yung ulo niya na parang may naisip na paraan.
"May naisip ka na kung paano tayo makakakuha ng members?" Tanong ko.
"Siyempre." Sagot niya.
"So paano?" Tanong ko ulit.
Bigla naman siyang tumingin kay Vi. Lagot, masama ang kutob ko dito.
"Vi! Gagawa kami ng bagong club sali ka!" Sabi ni Cess kay Vi na naka-earphones habang nakatingin sa kaniya ngayon with her usual bored-look. Sabi na nga ba! Yun ang gagawin niya.
"What are you going to do with that club?" Tanong ni Vi.
"Magte-train ng magics, bili na sali ka na!" Pamimilit ni Cess kay Vi tapos ng staring contest lang silang dalawa.
"Fine." Pagsuko ni Vi pagkatapos ng 6 minutes staring contest nila.
"Yes! Dalawa na lang." Hyper na sabi ni Cess.
"So sino pa?" Tanong ko.
"Tinatanong pa ba yan?" Tanong ni Cess sa akin.
"Malamang." Pamimilosopo ko.
"Hays, edi pipilitin natin sila Kate at Kyle sa ayaw at sa gusto nila. "Sabi ni Cess. Lakas ng trip niyang maka-NATIN eh siya lang naman ang namimilit eh.
"O...kay." Nagda-dalawang isip ko na sagot kay Cess.
Mukhang bukas na magsisimula ang club namin dahil napapilit na ni Cess sina Kyle at Kate na sumali.
Magandang ideya kaya na kailangan pang gumawa ng club? Parang nakakapanibago pero hey. Hindi naman ako mapopokus sa club na 'yon dahil mas importante sa akin ang pag-aaral ko dito sa Academy.
"Oo nga pala Yesha, hindi ba next month na ang Levelling And Ranking?" excited na tanong ni Cess at tumango naman ako, tama si Cess next month na ang Levelling and Ranking, dito pinaghihiwahiwalay kung anong klaseng Magician ka, kung Cayan, Bender at Alzora.
"Naalala ko tuloy si Vi dati." mahinang bulong ni Cess kaya nagatatakang napatingin ako sa kaniya. What does she mean?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Ah wala wala, sige na magpahinga ka na Yesha." sabi niya sabay ngiti kaya nahiga na lang ulit ako at kiniha ang libro na nakuha ko sa Library kanina at siyaka binasa 'yon. Alangan namang kainin ko yung libro? Pero I'm still confused kung bakit anonymous si Queen Mari kahit na siya ang namumuno sa buong Meran. Who knows na baka kausap mo lang pala siya pero 'di mo alam? Hays lalong nakakatamad kung mag-iisip lang ako ng mag-iisip, dapat may ginagawa ako ngayon eh. Pero tinatamad talaga ako...
"Yesha, gusto mo lumabas tayo mamaya?" tanong ni Cess at tumango naman ako kahit natatakpan ng unan ang mukha ko.
"Sure." pagkumpirma ko.
"Yehey thanks." huling narinig ko before I fell into deep slumber.
CHAPTER 3: "BOOKS"
————————————————
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro