Chapter 10: Ares Kingdom
AYIESHA
"Wow ang ganda pala dito sa Wind Country, Cess." manghang-mangha na sabi ni Rox kay Cess.
"Siyempre puno ng saya ang mga tao dito sa Wind Country kaya naman gano'n din ang buong bayan." nakangiting sabi ni Cess. Nandito kasi kami ngayon sa Wind Country, kakalagpas lang namin kahapon sa border ng Meran para magsimula sa mission namin. Ayon daw sa tantsa ni Headteacher ay posibleng nasa Rione Kingdom na si Claire kaya kailangan naming bilisan kahit na anong mangyari. Ang kaso ay inabutan na kami ng gabi kaya napagpasyahan ni Vi na makituloy muna sa Ares Kingdom.
"Sa wakas makakapagpahinga na tayo." sabi naman ni Kate.
"Oo nga."
Pagkatapos naming mag-usap ay pumasok na kami sa Kingdom.
"Daaad!!!!" sigaw ni Cess na nag-echo sa apat na sulok ng Throne Room at siyang ikinagulat ni King Aero. Cess' father.
"Cess what are you doing here?" takang tanong ni King Aero.
"Dad, kailangan muna namin ng matutuluyan may misyon kasi kami." paliwanag ni Cess at tumango naman si King Aero sabay tingin sa amin.
"Mga kaibigan mo ba sila?" tanong ni King Aero.
"Opo maliban kay Jaden, Scratgh at Rodney." sagot ni Cess at napairap ng bangitin niya ang pangalang Rodney.
"Ah gano'n ba." sabi ni King Aero. Tumingin naman siya kay Vi at parang may inaalala. "Excuse me, parang kilala kita miss."
"Violet Roze' po." walang ganang tugon ni Vi kaya bahagya namang nanlaki ang mga mata ng hari.
Tumango naman si King Aero. "Kaya pala pamilyar ka, nung huli kitang nakita nung bata ka pa bukod do'n napakamasayahin mo pa noon." nagtaka naman ako sa sinabi ni King Aero, masayahin si Vi dati? Parang 'di ko ma-imagine.
"Sige, dahil kasama naman kayo ng anak ko ay papayagan ko na kayong tumuloy dito pansamantala. Bilang paggalang na din sa prinsesa ng Meran na si Violet." sabi ni King Aero at nakita kong napangiwi si Vi ng sandali lang pero nakita pa rin 'yon. Anong problema niya?
Pagkatapos ng napaka-habang pagdadaldal este pagu-usap ni King Aero at Cess ay finally! Pinatuloy nila kami ngayon sa Guests Room. Tatlong tao ang kasya sa isang room. Kaya naman ang kasama ko ay si Vi at Kate. At magkasama naman sila Kyle, Rox at Miko. While sina Jaden, Rodney at Sky. Natatawa ko kapag naisip kong magkasama sina Jaden, Sky at Rodney.
Si Jaden kasi yung tipong tao na parang laging bored bukod do'n yung buhok niyang kulay Brownish na Orange ay parang dinaanan ng bagyo habang yung damit niya ay parang 'di man lang plinantsa.
Tapos si Rodney naman arogante, mayabang, ano pa ba? Yung parang laging may dalaw.
Si Sky? Na 'ko yung pinaka-serious sa kanila tapos hindi man lang nakikipag-usap. Bukod do'n kagaya ni Jaden, magulo din yung Jet Black na buhok niya pero 'di naman magulong-magulo na parang 'di nagsuklay kagaya kay Jaden. Si Scratch naman ay mag-isa lang do'n.
Nabalik naman ako sa reyalidad ng kumaway sa harap ko si Kate. Nasa Guests Room kami ngayon.
"Bakit?" tanong ko.
"Anong ngini-ngiti mo diyan? Parang may masama kang balak kung makangiti ka." sabi niya while shrugging her shoulders. Pero wait, what? Wala kaya akong balak na masama.
"Wala akong balak na masama noh, naisio ko lang yung pinsan ko sa Mortal World na si E-Eri." pagsisinungaling ko, siyempre wala akong pinsan na nagngangalang Eri noh.
"Gano'n? Sige ligo muna ko." sabi niya sabay pasok sa Comfort Room. Daya no'n ah? Siya talaga nauna maligo.
After 100 Years... Joke! After mga 15 minutes siguro ay sa wakas natapos na si Kate maligo.
"Waah ang sarap ng tubig Yesha." masyang sabi niya.
"Bakit? Ininom mo ba?" tanong ko kaya napasimangot siya. "I mean refreshing sa pakiramdam 'kay?" sabi niya kaya natatawang tinanguan ko siya.
"Sige ligo na 'ko." sabi ko bago tuluyang pumasok sa CR.
Pagtapos kong maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa kama at kumuha ng suklay at siyaka ko umupo sa kama. Ang itsura nitong kwarto ay kulay Yellowish White yung pader na may Gold lining tapos may Gemstones na nakalagay. 'Di ko nga lang alam kung totoo 'yon o hindi. Tapos may sala na rin at may Center Table tapos may mga Vase, paintings at yung kama naman namin ay kulay white yung unan tapos sky blue yung kumot.
"Kate nakapunta ka na ba dito sa Ares Kingdom dati?" basag ko sa nakakabinging katahimikan.
"Yes, actually magkababata kasi kami dati ni Cess kaya naman bumibisita kami dati dito para makipaglaro kay Cess." sagot niya at napatango naman ako.
"Ba't mo tinatanong?"
"Wala natanong ko lang." sabi ko.
***
"Aalis na po kami." pagpapaalam ni Vi kay King Aero. Ngayon na kasi ang alis namin.
"Sige magi-ingat kayo. Ikaw din Cess." paalala nito at tumango naman kaming lahat.
Pagkatapos ng pagu-usap nila ay umalis na din kami agad sa Ares Kingdom at pinagpatuloy ang misyon namin.
"Arghh bakit ba kasi kailangan pang tumakas ni Claire sa kulungan niya?" tanong ni Kate pero 'di ko alam kung sinong kinakausap niya, kung kami ba o ang sarili niya.
"Ikaw Kate, try mo kayang makulong sa Dark Kingdom. Ewan ko lang kung hindi mo susubukang tumakas." komento ni Cess sabay irap at ginantihan naman siya ni Kate ng Death Glare hehe.
"Whoah tama na 'yang away niyo." saway sa kanila ni Rox kaya natawa na lang ako sa kanila, tiningnan ko naman sina Vi at Kyle, ba't ba laging ang tahimik nila? Kaming apat lang yata dito ang nagsasalita eh. Sayang lang bibig nila kung 'di nila gagamitin.
Tinuon ko na lang ang pansin ko sa mga punong nadadaanan namin. Nakakatuwa dahil iba-iba ang kulay ng mga dahon bawat puno. May kulay Pink, Violet, Red, Blue at siyempre may Green. Parang magmumukhang Spring tuloy dahil sa mga Pink na leaves. Bukod do'n may mga alitaptap pang lumilipad sa paligid ng puno kahit hindi pa gabi. Ganito talaga ang mga alitaptap sa Magical World. Mas malakas ang ilaw nila kaysa sa mundo ng mga tao o Mortal World.
"Kate, look!" sabi ni Cess sabay turo sa isang puno na lanta. Sa lahat ng puno dito iyon lang ang pinaka- kakaiba sa lahat. Tanging 'yon lang ang walang buhay at kulay
"Hmmm? Kakaiba yun ah." komento ni Kate.
"Tama ka."
Napaisip naman ako. Ang alam ko ay nabubuhay ang mga puno dito gamit ang Golden Dust na binibigay ng mga alitaptap. Lumingon namn ako sa paligid. Puro alitaptap naman ah? Kung gano'n pa'nong namatay ang puno na 'yon? Imposible namang Magician 'yon na nagdi-disguise na puno. Natawa na lang ako sa isip ko. Ano ba itong pinagii-isip ko.
Nagulat ako ng maya-maya biglang may umatake sa 'min. Isang puno! Yung puno kanina na walang buhay! Pagkatapos ng mangyari ay halos tumilapon kami ng limang metro pero nakailag si Vi sa atake kaya nakatayo pa din siya.
"Aray." daing ni Kate sa sakit.
Agad namang sinugod ni Vi yung puno gamit ang sword niya. Umiwas naman yung puno pero after no'n ay pagkatapos biglang naging tao na yung puno. Isang babae na Green ang buhok. She's a Witch. Oops! Nagkakamali kayo kung yung iniisip niyong witch ay yung laging nakikita ss Fairytales na laging panget ang witch tapos may walis at laging naka-black okay? Kabaligtaran 'yon. Maganda siya. Pa'no ko pati nalaman kung witch siya? Secret. Masasagot 'yon sa tamang panahon. Sa ngayon sikreto muna siya.
"Sino ka?" mahinahong tanong ni Vi sa kaniya at ngumisi naman yung witch.
"Ako si Geraldine Lean. Pinadala ako ng Dark Kingdom para tapusin kayo." sabi nung witch na Geraldine daw ang pangalan sabay ngisi hmph talunin mo na siya Vi!
Magsasalita pa lang sana si Vi ng biglang sumugod ulit yung witch na si Geraldine kay Vi, mabuti na lang at naharang ni Vi yung sword niya kung hindi baka nasuntok na siya nung witch.
Gumawa naman ng apoy yung witch. I think yun ang kapangyarihan niya, pagkatapos ay bigla niya itong binatl kay Vi pero hinarang lang ni Vi yung sword niya tapos ay nawala na yung fire, halata namang nainis si Geraldine the Witch kaya sunod-sunod siyang nagpakawala ng mga apoy mula sa kamay niya pero iniiwasan lang 'to ni Vi na parang sumasayaw sa hangin.
"Ugh!" daing ni Geraldine the Witch dahil nataman siya ng sword ni Vi sa braso. Nagpatuloy naman ang laban nila habang kami dito nila Cess ay nanonood lang, sabi ni Kate kayang-kaya na daw 'yon ni Vi.
Nagpatuloy lang sila sa pagpalitan ng atake at tanging tunog lang ng metal at apoy ang maririnig sa buong paligid, no one even dared to talk.
Iwinasiwas naman ni Vi ang kaniyang sword kay Geraldine pero nakaiwas agad ito.
Akmang sisipain na sana ni Geraldine si Vi but the latter managed to hold her foot.
Sinubukan ulit ni Geraldine na sipain si Vi pero gaya ng dati ay parang walang kahirap-hirap na sinalo ito ni Vi kaya naman imbis na sipa ay suntok na ngayon ang ginagawa ni Geraldine. Hindi ba gagamit ng magic si Vi?
Tumigin naman ako sa mga kasama ko pero parang mas nae-enjoy pa yata nila ang laban kaysa tumulong.
Bumalik naman ang tingin ko kila Vi at nakita kong hingal na hingal na si Geraldine at halos mabibigat na ang hingal nito pero si Vi parang wala pa ding mababakas na pagod sa mukha niya. Kumabaga emotionless pa din kahit nasa laban.
"Let's finish this, sabihin mo sa amo mo na sa susunod na magpapadala sila ng kalaban, yung malakas naman, 'wag yung parang pinulot lang nila sa kalsada." sabi ni Vi bago naglaho ang sword niya. I think gagamitin niya na ang kapangyarihan niya.
Tinaas ni Vi ang kamay niya at kinumpas ito maya-maya ay dumilim ang langit at sinamahan pa ng kulog pagkatapos ay kumidlat ng pagkalakas-lakas kaya naman napatakip kami ng tenga. Tumigin ako kay Geraldine with her horrified face. Mukhang balak siyang tustahin ni Vi.
Mabilis na bumulusok ang kidlat sa direksyon ni Geraldine kung kaya't natamaan siya nito. Idagdag mo pa na binasa siya ni Vi, e'di todo ngisay siya ngayon.
Pagkatapos ay may usok na kumalat sa paligid ng katawan ni Geraldine at after no'n ay nawala na ang katawan niya. Ewan ko kung bakit basta nawala. Kagagawan yata ni Vi yun.
Kaagad pumunta sa direksyon namin si Vi sabay sabing "Tara na." mabilis naman kaming tumango at sumunod sa kaniya. Nakaka-intimidate ang presence niya pagkatapos lumaban. Napaka-seryoso niya ngayon.
"Teka Vi, saan mo dinala yung katawan ng witch na 'yon?" tanong ni Cess.
"Sa Dark Kingdom." she plainly answered.
"What?! Baka magpadala na naman sila ng mga kalaban." bulyaw sa kaniya ni Cess.
"No, sigurado akong matatagalan pa bago sila makapagpadala ulit ng mga kalaban." seryosong sabi ni Vi. And I heard Cess murmured something like 'mas mabuti na yung sigurado tayo'.
Pagkatapos ay naglakad na agad kami dahil mataas na din ang sikat ng araw. Kailangan na namin makapunta agad sa Rione Kingdom hangga't nando'n pa si Claire kung 'di baka hindi na namin siya ma-trace pa.
Mas mapapadali 'to kung teleportation ang gagamitin namin pero dahil isa 'tong misyon ay wala kaming magagawa kun'di magtiis sa init ng araw at magpakapagod sa paglalakad hanggang mahuli si Claire.
Tiningnan ko naman si Vi. Mukhang malalim ang iniisip niya, bukod do'n hindi ko pwedeng basahin ang iniisip niya dahil baka mapansin niya.
"Malapit na ba tayo Kyle?" tanong ni Cess na inilingan lang ni Kyle.
"Ayaw mo 'yon Cess makakapunta ulit tayo sa Kingdom namin." excited na sabi sa kaniya ni Kate, after all country niya 'yon.
"Psh." Cess.
Isa lang ang masasabi ko sa buong paglalakad namin dito. Boring. Lakad dito lakad doon. Tingin na lang sa mga puno then lakad ulit. I wish malapit na kami.
"Malapit na ba tayo?" tanong ulit ni Cess.
"No." sabi ni Kyle kaya nagpatuloy n lang na naman si Cess sa pagrereklamo.
***
"Malapit na tayo." nakangiting wika ni Kyle kaya lumiwanag ang mga mukha namin nila Cess, Kate at Rox. Sa wakas nakaraos din! Hehe.
"Yes." bulong ni Kate habang si Cess naman ay todo ngiti.
At gaya nga ng sabi ni Kyle ay sa narating na rin namin ang Rione Kingdom after ten minutes and guess what? Worth it naman kasi ang ganda ng buong bayan.
"Tara na!" excited na sabi ni Kate sabay pasok sa loob at sinundan naman namin siya.
"Mamaya na natin ituloy ang paghahanap, magpahinga muna kayo." utos ni Vi na tinanguan lang namin. Ayos, makakapagpahinga na kami after a very long walk.
"Finally." sabi namin buti at naisipan ni Vi na pagpahingahin kami.
CHAPTER 10: "ARES KINGDOM"
————————————————
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro