2
N O T E
Before reading this:
Hi, I am currently editing this story so the plot may kinda different like before but I hope you like it. This story is created by me when I was grade 6 so now I am currently revising it. Please bare with me if matagal siya.
------------------------------------------------------------------------------------
We heard a loud bang na nagmumula sa labas.
"Omy fucking shit what a great welcome satin, right?" Napahilamos sa muka si Gia.
Right, what a great welcome.
"Fuck!" Napasigaw kami pareho ni Gia nang maramdaman ang sobrang lakas na pagyanig, dahilan para mapasilap kami sa bintana.
"Omy gahd! They're gone pero ang daming walang malay! Should we go down?" Tatanggi pa sana ako but Gia is so quick para hilahin ang kamay ko.
Maraming tao sa baba at marami nga ang sugatan at walang malay, nahagip ng aking mata si Amia pati si Rafaela na walang malay na nakasandal sa isang pader. Tumakbo ako palapit sakanilang dalawa.
"Excuse me," napatabi ako ng may isang babaeng dumating na may hawak na parang gintong tungkod.
Hindi siya matanda, marahil don niya kinukuha ang kaniyang powers. Maputi, mahaba ang buhok na aabot na sa kaniyang bewang sa kutob ko nasa 17 na ang edad niya.
"Hey, ano ginagawa mo?" Tanong ko sakaniya nang mapansing dinidiinan niya ang pagkakabaon nang tungkod niya kay Amia.
"Healing manipulation, this requires peace of mind and concentration so if you don't mind you can leave now." Napairap ako sa sinabi niya pero umalis na lang din ako dahil wala naman akong matutulong.
Feeling ko wala akong kwenta, damn this magic.
"Uy shet ang lala nung tama ni Josh, tingnan mo oh! Kailangan niyang madala agad sa hospital for pete's sake!" Tinuturo ni Gia yung lalaking walang malay na nakahiga malapit sa fountain.
Ash gray ang kulay ng kaniyang buhok, gwapo, maputi at kitang kita ang kaniyang perfect jaw line. Nilapitan siya ng medics para tingnan at dali-daling sinakay sa stretcher papuntang academy's hospital.
"Hala yung mapet niya naiwan." Tinakbo ko ang mapet nung lalaki na wala ring malay katulad nung amo niya.
"Hey are you okay?" Nilagay ni Gia ang mapet sa lap niya habang naka indian seat.
"Wala siyang malay." I said stating the obvious.
"Tara sunod na natin sa hospital." Agad kaming tumakbo ni Gia papunta sa hospital na medyo may kalayuan sa fountain, ang laki kasi netong academy.
"Excuse me, nakita namin itong mapet nung lalaking kakasugod lang dito." I stated sa nurse na nasa information desk.
"Oh maam bakit niyo po yan sinugod dito?" Kunot noong tanong niya.
"Ha? Isn't it obvious? Sugatan yung mapet, how can you be so heartless? May buhay rin ito ano na lang sasabihin nung amo niya kapag nakita niyang walang malay oh mali baka nga mamatay na ito eh." Galit na galit na sabi ko habang dinuduro yung nurse sa harap ko, si Gia naman ay nasa likod ko habang hawak ang balikat ko para pakalmahin ako. Kunot noo lang ang nurse sa nga dakdak na ginagawa ko, bale wala sakaniya. Damn, this heartless nurse.
"Ha? They can-" pinutol ko ang sasabihin nung nurse.
"Ano? They can stand alone? They can live alone? Nonsense kapag nga ang aso heatstroke lang sinusugod na agad sa hospital, paano pa yung mga mapet? Ano tingin mo sakanila robot ha? Papalitan lang ng battery ok na lahat? Dapat sayo pinapatangg-" Nagulat ako sa pagputol sakin nung lalaking kakasugod lang kanina.
"What? Papatanggalin? Are you kidding?" He chuckled dahilan para mabaling ang atensyon ko sakaniya. "Theo, Im here." He snapped his finger at nagulat ako nang biglang nagising itong mapet at lumipad papunta sakaniya.
"Ano nangyayari? Kanina lang walang malay yan ha." Gulat na sabi ni Gia habang nakatakip ang kamay sa bibig niya dahil sa gulat.
"Mapet can heal on their own gaya namin we just need time to rest at pagkatapos non babalik na ang original strength namin, except na lang kapag nasaksak ka na if that's the case well fifty fifty ang buhay mo." Hinimas himas niya pa si Theo na mapet niya. "Im Halter Josh racquel." He offered his hand to me.
"Hindi ko tinatanong and Im not interested." Mabilis akong lumabas sa hospital at sinundan naman ako ni Gia.
"Bye not interested! See you around!" Rinig kong sigaw niya.
"He's annoying." Maktol ko kay Gia.
"Yeah he is pero baka mainlove ka riyan ha?" Tumawa siya sa sinabi niya habang inirapan ko naman siya.
"Iew, no way that guy is annoying. I mean siya ata yung tinutukoy na highest rank dito pero I hate him pa rin!" Inis na sabi ko pagkatapos ay umupo sa may bench sa harap netong isang fashion store, May fashion store dito sa loob ng academy it's like a small town. Kumpleto ang academy kaya hindi mo na talaga hahanapin pa ang normal world.
I mean wala naman akong namiss sa normal world wala na akong parents, si mama namatay habang nanganganak siya sakin, si papa naman namatay due to heart attack at wala akong kapatid o kamag-anak para gumabay sakin.
I was lost that time until nakarecieve akong mail galing sa magic academy offering a free tuition fee. Nakalagay ron ang address, time at date kung kailan ako pupunta. I cannot miss that opportunity kaya hindi ako nagdalawang isip na pumunta rito sa academy. Only to find out na kakaiba pala itong academy unlike my dream universities na may normal na pamumuhay. Dito hindi sigurado ang buhay mo pwedeng in one instant patay ka na agad lalo na't wala pa akong magic ngayon.
Wala akong pinagsisihan sa pagpunta ko rito sa academy, I note this as an opportunity para gumawa ng new normal life.
"Huy lalim iniisip natin?" Hinarang ni Gia ang kamay niya sa muka ko para maagaw ang aking atensyon.
"I was wondering kung pinagsisihan mo rin ba pagpasok dito sa academy?" Tanong ko, agad niya akong tiningnan na parang nagtataka kung bakit ko ito natanong.
"Wala akong pinagsisihan, actually I'm thankful din kasi naexplore ko yung ibang bagay na hindi magagawang maexplore ng iba." Tumingin siya sa mga ulap. "Ikaw may pinagsisihan ka ba?" Habol niya.
"Wala, even if I die today it's okay as long as nakarating na ako rito is worth it." Sabi ko at tumingin na rin sa ulap.
Kitang-kita mo ang kagandahan neto, hindi katulad sa normal world na pollution ang bumabalot sa ulap.
This is peaceful kaya wala na akong hihilingin pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro