magdamag
mapapatawad mo ba ako
kung sasabihin ko sa'yong
hiniling ko sa mga bituin
na bitawan ka niya?
kasi sa tuwing malayo siya, malapit ka saakin
sa tuwing ika'y mag-isa, pwede kitang samahan, mag-iinuman tayo, ganyan
kapag wala siya,
may kwenta ako sa'yo
madalas mong banggitin
na magaan ako kasama
pero ang nakakatawa, 'pag magkasama tayo,
siya rin naman ang napag-uusapan,
inaabot pa nga ng umaga yung mga kwento mo.
nanliliit ako sa tuwing nilalarawan mo
kung gaano siya kaganda para sa'yo,
kung paano niya kinuluyan ang madilim mong mundo,
kung gaano siya kahalaga sa buhay mo
pambihira, may lahi ba siyang santo?
pero 'wag kang mag-alala
sana'y na akong gawing kumot ang sakit
sa tuwing relasyon n'yoy nanlalamig
tanggap ko na, pahingahan mo lang ako
sa tuwing mapapagod ang mga puso n'yo
ang mahalaga naman ay 'yong nakakapiling kita
kahit sa isang buong magdamag lang, pre.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro