Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kung sakali

kung sakaling muli mo akong matagpuan
pakiusap, 'wag mo akong titingnan
ayaw kong muling makulong 
sa mapupungay mong mga mata
ayaw kong malunod 
sa mga luha mong gustong kumawala

kung sakaling muling mag krus 
ang ating mga landas
pakiusap, 'wag mong sambitin ang pangalan ko 
o tangkain man lang na ito'y ibigkas
ayaw kong muling marinig 
ang malahimig mong tinig
na magdadala saking himbing 
at walang katapusang panaginip
kung sakaling muli kang maligaw 
at bumalik
pakiusap, subukan mong baliktarin
ang iyong suot na damit
ayaw kong muli mong mahanap ang daan 
na maghahatid sa'yo sa ating nakaraan
ayaw kong matagpuan mo ako sa dulo 
ng pinangako mong walang hanggan
nag-iisa
nalulumbay
at umaasa

pero kung sakaling 
muli mo akong matagpuan
hindi ko masisiguro 
na kaya pa kitang pakawalan
hindi ko mapapangako 
ang iyong kalayaan
dahil nang minsan kitang bitawan
upang pagbigyan ang hiling ng kalawakan
ay siya ring naging pagguho 
ng mundo kong ginagalawan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro