CHAPTER 2
Chapter 2: Raji
"RICHIE, pakikuha ng mga pinamili ni Manong Bert. Nandoon niya nilagay sa guard house. Madali at nagluluto ako, kailangan ko ng ibang rekados," utos ni Manang Ester habang sinasahog ang baboy sa niluluto.
Maingat kong nilapag sa lababo ang mamahaling plato at tinuyo ang kamay sa apron na tinupi ko hanggang bewang.
"Opo, manang." Mabilis akong naglakad palabas ng mansyon pero maagap akong nagtago sa isang malaking plorera na naka-display sa labas ng mansyon nang matanaw ang papasok na kotse ni Sir Raji.
Napakutkot ako sa kuko pero agad na nalukot ang mukha ko ng natikman ang buhangin. Saan galing 'to?
Napadapo ang paningin ko sa plorera na puno ng buhangin sa palibot nito. May nakamarkang kamay na natitiyak kong sakin nanggaling sa pagkahahawak ko kanina noong magtago ako.
Almost 2 years, pilit ko siyang pinagmamasdan ng palihim. Sino ba naman kase ako? Isa lang akong hindi hamak na maid. Palaging nakaw ang mga tingin ko at patagong sumasaya sa likod ng mga pader.
Sir Raji seems myterious, aloof, and cold. Hindi ko alam bakit parang sinisindihan palagi ang kuryusidad ko pagdating sa kaniya gayong sobrang tahimik at seryoso niya.
All the servants here fear Sir Raji, pero sa paningin ko ay hindi naman siya katakot-takot.
"Saan kaya siya 'galing?" sambit ko ng mapansin ang gusot nitong polong kulay asul na pinalancha ko kanina.
Sa pagkatatanda ko ay wala ni kahit gusot lang man ang polong 'yon. I made sure that it was clean and flawless a while ago.
Napakakapanibago sa tagal ko rito ay nitong mga sunod-sunod na araw ay ganoon ang estado ng suot ni Sir Raji. Knowing him, he's more careful when it comes to his clothes. Ayaw na ayaw niya ang may dumi o gusot.
Magulo ang buhok niya at nakakuyom ang mga kamaong naglakad papunta rito. Nanlaki ang mata ko ng masulyapan niya akong nagtatago. It was just a seconds when our eyes met pero parang lumakbay ang utak ko ng ilang milya. Nang matauhan ay agad akong nagkunwaring nagbubunot ng damo at mabilis na dinampot ang walis tingting na nakasandal sa pader.
"Magandang tanghali, S-sir," bati ko ng mapadaan siya sa gawi ko.
Tumango si Sir Raji. Pero napansin ko ang maliit na hiwa sa bibig niya. Gusto kong alamin kung napaano 'yon pero pinigilan ko ang sarili at tinikom na lang ang bibig.
Nang tuluyan siyang makapasok ay agad kong binitiwan ang walis saka tumakbo papunta sa guard house para kunin ang inuutos ni Manang.
My mind was wondering where did he get that wound. May kalaban ba siya? Sino? At bakit? Looking at him physically, parang hindi naman makakapatay ng langaw.
"Oh Richie, romadyo na si Ester. Bakit daw ang tagal mo? Baka kako nahimatay ka na raw no'ng may nakitang gwapo," biro ni Manong Bert na nakaupo sa guard house.
"Sino namang gwapo?" tawa ko pero bigla akong nasamid sa pagsagot ni Manong Bert.
"Si Sir Raji."
Napaubo ako. May point naman si Manong Bert. Si Sir Raji lang naman ang tingin kong gwapo sa haciendang 'to. Hindi naman kgwapuhan ang ibang tauhan dito.
"Sus! Bias ka lang, manong, eh, porket siya ang nagpapasweldo sa 'tin." Tumawa ako lalo. "Mas gwapo pa nga ang anak ni Manang Chen, si Tati."
"Ah, 'yong binabae na anak ni Chen?" Napatango siya. "Gwapo naman nga talaga iyon, ang kaso gwapo rin ang gusto. Makulit na bata iyon. Magkaedad lang yata kayo," aniya habang natatawa.
"Sinabi niyo pa, manong!" Inabot na siya ang mga plastic bag kaya agad kong kinuha 'yon. "Sige na, ho. Baka magalit na naman ni Manang Ester sa 'kin."
Dali-dali akong naglakad papunta sa kusina ng mansyon. Marami ang niluluto ni Manang dahil sabay-sabay kaming kumakain lahat tuwing kainan na.
Sir Raji don't want us to separate, 'yong tipong mahuhuli kapag kainan niya. Sa tanang buhay ko, siya lang yata ang gusto ng ganoon. Karamihan naman sa mga mayayaman ay ayaw na ayaw at diring-diri na sumasabay sa kanila ang mga katulong nila.
Sir Raji is different that's why we love him. His kindness is so pure, that even us can felt it kahut masungit at seryoso minsan.
"Manang, ito na po."
"Ang tagal mo naman, Analiza! Kanina pa kumukulo ang niluluto. Madali at tulungan mo akong maghiwa ng patatas at carrots."
Maagap akong kumuha ng kutsilyo at pinaghihiwa ang mga sangkap. Tanging tunog lang ng chopping board at kumukulong ulam ang naririnig sa kusinang 'to hanggang sa binasag 'yon ni Manang Ester.
"Hindi ba ay magdi-debut ka na Richie sa susunod na mga araw?" Ano ang plano mo?
Napaangat ako ng tingin. "Po? Oho. Siguro ay magluluto ako ng pancit gisado at spaghetti sa inyong lahat. P'wede po bang mag-inuman?"
"Aba, eh kung iyon ang gusto mo, tutulong naman ako. Okay lang naman sa akin. Ang kaso eh baka magalit si Sir Raji kapag nalaman niyang may inuman."
"Hindi naman po siguro. Kakausapin ko si Sir Raji, birthday ko naman, eh. Lahat naman ng nagbibirthday dito sa hacienda may inuman. Hindi naman siguro magagalit 'yon."
Kinuha ko na ang mgga hiniwang carrots at patatas saka hinugasan.
Napasang-ayon si Manang Ester. "May regalo ako sa 'yo, Richie. Akin na 'yan, ako na r'yan."
"Regalo?" bigla akong napangiti. "Talaga po?!"
"Nando'n sa kwarto ko. Kunin mo. Nakalagay sa lamesa, alam kong matutuwa ka roon," ngiting ani Manang.
My heart jumped with the thought. This is the first time that I received a gift from someone aside from Sister Ales.
Hindi na ako nag-atubiling pumunta sa kwarto ni Manang. After opening the door, my eyes immediately darted on the bunny pink paper bag. Lumapad ang ngiti ko at dali-daling binuksan 'yon.
My heart jumped in happiness when I saw what's ther gift.
"Hala!" I exclaimed. Mabilis kong kinuha ang plastic at bumungad ang isang dark brown na wig na hanggang balikat ang haba. "Ang ganda!"
Sobrang lambot ng wig at mukhang natural na natural. Halos mapatalon ako sa tuwa.
Sa excitement ko ay nagtungo ako sa full-length mirror ni manang. Tila hinahabol ako sa pag-aayos ko ang buhok at nilagay ang wig na binigay ni Manang Ester.
I was stunned when I finally saw my hair. Gusto kong maiyak ng makita na kumpleto ang buhok ko sa salamin. Ganito pala ang feeling na maayos ang buhok at walang panot.
Kulay tsokolate ang buhok ko at medyo light ang kulay ng wig pero sobrang ganda pa rin sa 'kin!
Ang ganda!
Hindi ko na kinuha 'yon sa ulo ko at pumunta kay Manang Ester.
"Manang!" bungad ko sa kusina at niyakap siya habang hawk ang metal na sandok.
"Ano? Nagustuhan mo ba, Richie?" malumanay na tanong niya.
Napabitaw ako sa pagkakaakap at nginitian siya nang pagkatamis-tamis. "Gustong-gusto ko po, manang! Maraming salamat! Ito na yata ang pinakamagandang gift na nakuha ko sa buong buhay ko!"
Mahinang tumawa si Manang Ester.
"Nangbola pa."
Itinuring ko na rin siyang parang nanay sa nagdaang taon. Mabait, maalaga at maalahanin pa.
Sinabihan niya na rin akong mag-aral pero ayoko talaga. Gusto ko na lang magtrabaho at kumita ng pera.
"Manang?" tawag ng pamilyar na boses na nagpapatibok ng mabilis sa puso ko.
I heard a footstep heading towards where we are. Agad na bumungad ang mukha ni Sir Raji at nagtagpo ang paningin naming dalawa.
"Po, sir?"
Hindi siya nagsalita sa sagot ni manang at nanatili ang paningin sa direksyon ko.
May dumi ba ang mukha ko?
Doon ko napagtanto na nakasuot nga pala ako ng wig. Panget ba kaya siya napatitig ng matagal? Bigla akong nilukob ng hiya at yumuko.
"M-manang, m-may nakalimutan pala ako s-sa kwarto mo. . ." rason ko.
Hindi ko na hinintay pa si manang na sumagot at umalis. Dalo-dali akong maglakad pero hindi papunta sa kwarto ni manang kundi sa kwarto ko.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi at napapahiyang napatingin sa salamin.
Siguro napapangitan si Sir Raji kaya ganoon na lang siya tumingin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro