Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Chapter 1: Simula






"ANALIZA! Bumaba ka nga riyan sa puno ng bayabas!" sigaw ng ni Sister Ales.

Ngumisi ako at lumambitin lalo sa sanga ng bayabas at pilit na inabot ang hinog na prutas na nag-aagaw kulay na ng dilaw at berde. Imuga ang sanga at nakarinig ako ng mahinang pag-crack nito pero pilit ko pa ring inaabot ang bayabas.

"Dios ko! Mababali ang sanga, Analiza!" sigaw niya at nagpanic sa ilalim ko, pilit niyang pinapalapad ang braso para saluhin ako sa kung ano man ang mangyari sa 'kin. "Bumaba ka na riyan!" may bahid na takot na sigaw niya.

"Si Ana tingnan niyo, oh!"

"Ana, pahingi!"

"Richie bigyan mo ako!"

Isa-isa silang nagsilapit sa kung saan si Sister Ales. Halos mga bata pa sa'kin ang mga 'to dahil disesais anyos pa lamang ako.

"Ayoko nga! Kumuha kayo ng sa inyo!" Tumawa ako at kumagat sa bayabas. "Ang sarap!"

"Pahingi naman, Ana!" sigaw ulit ni Carmela.

"Tawagin ninyong ate si Analiza!" saway sa kanila ni Sister Ales.

Nakarinig ako ng pagbali ng sanga at agad na nanlaki ang mata ko.

"Hala! Mababali ang sanga!" sigaw na naman ni Carmela.

Paulit-ulit ang tingin ko sa sangang malapit ng maputol at sa kinalalagyan ni Sister Ales.

Bakit naman kase sa baba ko siya?!

Wala akong mapagpilian at bibitaw na sana sa aanga pero tuluyan ng naputol 'yon sa bigat ko. Mabilis ang tibok ng puso ko ng mapagtantong madadaganan ko si Sister Ales.

Lagot!

Isang pagbagsak ang bumulahaw sa mga naglalarong mga  kasama ko rito sa orphanage at napatingin sa gawi namin ang mga madreng nakabantay sa aming lahat.

"Analiza!" sigaw ni Sister Ales, habang ako ay nakadagan sa ibabaw niya at siya naman ay nakahiga sa basang parte ng damo dulot ng ulan kagabi.

"Hala ka, Ana!"

"Lagot ka na naman kay Sister Ales!"

"Paluluhudin ka na anman mamaya sa mga monggo!"

Kamot-ulo akong napaalis sa tiyan ni Sister Ales at tinulungan namin siyang tumayo. Lumukot ang mukha niya ng mapatingin sa 'kin.

"Analiza! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kaya ka ginagaya ng iba dahil sa kapilyahan mo!" nakapamewang na aniya. "Pumasok ka sa loob! Kailan ka ba matututo?!"

"Sorry po, sister. Gusto ko lang naman ng bayabas."

"Hayan na naman ang sorry mo! Tapos gagawin ulit kinabukasan o makalawa. Hindi ka ba nagtatanda, Analiza? Ikaw ang pinakamatanda sa orphanage na 'to! Dapat ay maging magandang ehemplo ka sa ibang bata na narito!"

Napasimangot ako ng tumalikod si Sister Ales. Dinilaan ako ng ilang mga bata pero hindi ko 'yon pinansin at sumunod na sa kaniya.

Pansin ko ang pagkuha niya ng bilao at mas lalo akong napasimangot ng kumuha siya ng monggo.

Hayan na naman sa parusa.

"Lumuhod ka riyan! Hindi ka ba nagtatanda sa sakit nito?"

"Hindi po. . ." mahinang sagot ko.

"Naku!" Napasapo siya sa noo. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yong bata ka. Luhod."

Napanguso akong napasunod sa ginawa ni Sister Ales. Agad na kumirot ang gasgas ko sa tuhod ng mapaluhod ako sa monggo. Gasgas pa 'to noong isang araw dahil nadapa ako sa labas.

"Ano bang problema, Analiza?" ngayon ay marahan na ang pagtatanong ni Sister Ales.

Kayo po. Ito. Lahat ng 'to.

Gusto kong sabihin 'yon pero hindi ko ginawa dahil alam kong ikakasakit 'yon ng damdamin ni Sister Ales. Kahit papaano ay napamahal na rin naman ako sa kaniya kahit ubod ng sungit at istrikta.

Naitikom ko ang bibig ng marinig ko ang mahabang buntong-hininga niya. Alam niyang wala siyang makukuhang sagot sa'kin.

"Limang minuto. Umalis ka agad diyan pagpatak ng alas-dos," aniya at tumalikod na.

Agad na lumiwanag ang mukha ko. Mas maikli 'to kumpara noong mga parusa ko. Napansin ko ang pagngiti si Sister Ales ng tuluyan na siyang tumalikod.

Kwarenta y sinco na si Sister Ales pero kapansin-pansin pa rin ang kagandahan nito. Ang sabi nila kapag magmadre ka ay hindi ka na pwedeng mag-asawa dahil pag-aari ka ng Diyos.

Minsan ay gusto kong itanong kay Sister Ales kung may tao din ba siyang napupusuan kagaya ng mga kabataan ngayon. Bakit niya pinili rito kung sakaling mayroon man?

Ipinagkibit balikat ko ang mga ideyang 'yon. Hindi naman ako inosente sa edad na labing-anim. Maaga akong namulat sa marahas na mundong 'to at ang pagiging bata ang utak at pananaw sa buhay ay hindi makakatulong sa'kin.

Edad na sampu ay nawala ang mga magulang ko, sakto lang ang pa u uhay namin at masasabi kong lahat ng gusto ko ay nabibigay nina mommy at daddy. Dahil wala namang mag-aakong kamag-anak ay napadpad ako sa bahay-ampunan. Dito ako lumaki at nagkaisip.

Nakakahiya mang aminin ay walang naglakas-loob na ampunin ako sa sitwasyon ko. Unti-unting nalalagas ang buhok ko at tuwing may nakakakita sa'king mag-aampon ay agad na iniiwasan ako.

Pinatingin ako nila Sister Ales sa isang espesyalista, at ang findings ay alopecia. Isa itong kondisyon kung saan naglalagas ang buhok hanggang sa maubos.

May buhok pa naman ako kaso mga lang ay poknat na ang sa gitna ng ulo ko. Wala namang may bumu-bully sa 'kin dito dahil alam ng lahat na mali ang pagpipintas sa kapwa.

Pagpatak na pagpatak ng alas dos ay agad akong tumayo.

"Tapos na sa wakas!" sambit ko habang kinukuha ang mga monggong dumikit sa tuhod ko. Niligpit ko ang bilao saka dali-daling tumakbo sa kusina.

Nagugutom ako!

Kumuha ako ng ilang pirasong tinapay nilagyan ng tubig ang water bottle ko saka ako tumakbo sa likod ng ampunan.

Ilang oras akong nagliwaliw sa mga puno at inubos ang mga dalang tinapay. Nang magsawa ay bumalik ulit ako.

"Sigurado ho kayong aampunin ninyo si Analiza?" rinig kong tanong ni Sister Ales.

Nanlaki ang mata ko. May mag-aampon? Bumilis ang tibok ng puso ko at halos kumandirit sa saya.

May mag-aampon na sakin!

Dahan-dahan kong sinilip kung sino amg kausap ni Sister Ales. Isa itong sopistikadang babae na ubod ng puti. May hikaw na kulay ginto at polseras. Nakaputing dress din ito at nakapuyod ang buhok. Kapansin-pansin ang pulang lipstick nito na kasing pula ng mansanas.

"Siguradong-sigurado, sister," malumanay na aniya at ngumiti.

Sa saya ko ay hindi na ako mapagpigil. Tumakbo ako papunta sa mga kasama ko rito sa orphanage.

"May aampon na sa'kin!" masayang pagmamalaki ko.

Mabilis silang lumapit sa 'kin.

"Talaga, Richie?!"

"Wow!"

"Ang swerte mo naman!"

Sunod-sunod na anila.

"Analiza!" tawag si bigla ni Sister Ales.

"Po!" masayang sagot ko at lumapit. Doon nakatayo ang babae na tiyak na magiging mommy ko!

"Ito na ba siya?" Ngumiti siya. "Hello, Richie. Payag ka bang ako ang bagong magiging mommy mo?"

Napatango ako ng walang pag-aalinlangan. "Opo!"

"Mabait na bata si Analiza, Ma'am Cally. Tiyak na magigiliw ka sa kaniya," wika ni Sister Ales.

Naging mabilis ang proseso ng mga dokumento sa pag-aampon sa 'kin at inabot lang nga ilang araw.

"Analiza, huwag maging pasaway, ha," mangiyak-ngiyak na ani ni Sister Ales. "Ang mga bilin ko, palagi mong tandaan."

Nakangiti akong napatango habang hawak ang mga bag na naglalaman ng gamit ko. "Maraming salamat sa pag-aalaga, Sister! Mami-miss kita sobra!" Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap bago tumalikod.

May bago na akong pamilya simula sa araw na 'to. At sobrang bait pa!

"Mauuna na kami, Sister," paalam ng bago kong mommy.

May kaunti silang pag-uusap at agad kaming pumasok sa kotse. Muli kong nilingon ang bahay ampunan at kumaway sa mga kasama ko bago umalis ang sinasakyan ko.

"Hay! Ang bagal! Dalian mo!" inis na sigaw ni mommy.

Nabigla ako. Hindi naman ganito ang mga pinakita niyang asal sa 'min. Bakit nag-iba? Dumagundong ang dibdib ko. Iba ito sa inaasahan ko.

"Oh? Ano? Tinitingin-tingin mo r'yan?!" paasik niya ng malingunan ako. Tinapon niya sa gawi ko ang shades na suot niya kanina.

Nangiligid ang luha ko. Nananaginip ba ako? Bakit parang pakitang tao lang ang lahat ng iyon?

"M-mommy. . ."

"Huwag mo akong tawaging mommy! Hindi kita anak! Pwe! Kung hindi lang sana malaki ang ibabayad sa'kin! Tsk! Bilisan mo Norman!"

Napaipod ako sa gilid ng back seat ng kotse sa talim ng tingin niya sa 'kin. Nawala lang 'yon ng may tumawag sa cellphone niya. Agad na nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya at parang valiw na napangisi.

"Hello! Nakakuha na ako ng bata." Tumango siya. "Oo. Ano?!" biglang sigaw niya.

Hindi rinig kung ano ang pinag-uusapan nila ng kausap niya sa kabilang linya. Mas lalo lamang tumambol ang dibdib ko ng makita ang galit sa mukha niya.

"Putangina! Umatras? Ano ba naman 'yan! Paano na 'to? Maghanap ka ng bagong buyer! Ayokong nag-aalaga ng bata! Letse!" sigaw niya sa telepono.

Buyer?! Sino ang ibebenta? Ako ba?!

Napakutkot ako kuko sa kabang nararamdaman at hindi ko pansin na nandito na kami sa isang bahay. Bumungad ang isang malaking mansyon.

"Lumabas ka ryan kung ayaw mong kaladkarin kita hanggang sa maubos 'yang buhok mo! At huwag na huwag mong babalaking mag-ingay kung ayaw mong putulin ko ang dila mo!" asik niya at lumabas ng kotse.

Wala akong nagawa kundi sundin ang sinasabi niya kahit na gulong-gulo pa rin ako sa nangyayari. Nanginginig kong binuhat ang mga dala ko at sumunod sa kaniya.

Bawat tunog ng takong niya ay may kaakibat na takot na umiipon sa loob ko.

Magara ang bahay pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Tinandaan ko kung saan ang mga pinto at ang daan paakyat sa kung saan niya ako dinala.

"Pasok! Huwag kang lalabas diyan kung ayaw mong walang makain!"

Tinulak niya ako kaya napahiga ako sa sahig ng kwarto. Natalim niya akong tinitigan.

"Huwag kang gagawa ng ingay kung ayaw mong kagayn ko ng plaster 'yang bibig mo! Naiintindihan mo?!"

Napatango ako. Doon na lamang akong umiyak ng sinara na niya ang pinto.

"Sister Ales!" hikbi ko.

Nabitawan ko ang mga bag at kinalampag ang pinto pero walang nagbubukas. Maganda ang kuwarto, kumpleto at may malambot na higaan, pero wala akong pakialam d'yan.

Tangka ko sanang bubuksan ang bintana pero may jandadong nakakabit.

Paano na ako nito?!

Nagdaan ang ilang araw at para akong preso. Bubuksan lang ang pinto kapag mag ipapasok na pagkain ang ilang mga maid. Hindi ko alam pero ang mukha nila tuwing nagbibigay ng pagkain ay may bahid ng awa at panghihinayang.

Narinig ko pang ibebenta nga talaga ako, kaya mas lalo akong nagpursiging makatakas sa lugar na 'to. Napag-alaman ko pang hindi Cally ang totoong pangalan ng nag-ampon sa 'kin kundi Belinda.

Alas dose na ng gabi pero heto ako gising na gising. Hindi ko kinain ang hapunang binigay ng mga katulong at kinuha ang tinidor.

Malakas ang tibok ng puso ko at namamawis na ako ng malamig sa nararamdaman ko. Halos dalawang oras ko ng sinusundot ang kandado pero walang nangyayari. Nauubusan na sana ako ng pag-asa ng makarinig ako ng pagbukas no'n.

Nanlalaki ang mata ko at dahan-dahang binuksan 'yon. Agad na sumalubong ang malamig na hangin sa mukha ko.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumalon sa ikalawang palapag. Tanging isang backpack lang dala-dala ko para mas mabilis akong makatakas.

Nagpagulong-gulong ako sa madamong parte ng likod ng bahay na 'to. Nakaramdam ako ng sakit sa paa at hapdi sa mga tuhod at braso pero hindi ko na ininda 'yon.

Mabilis akong tumakbo patago sa mga puno. Takbo lang ako nang takbo, ni hindi ko na alam kung ilang kilometro na ang layo ko hanggang sa madapa ako sa tapat ng isang malapad na mansyon.

"Dios ko!" bulalas ng isang matanda. "Ineng bakit nasa labas ka ng dis-oras ng gabi? Maglalakad-lakad lang sana ako dahil hindi ako makatulog!" kabadong aniya.

Dinaluhan niya ako at tinayo. "Manang, tulungan ninyo po ako."

"Ha? Bakit? Anong nangyari?"

Napatigil ako bigla. Kung sasabihin kong na nanggaling ako sa ampunan ay baka ibalik ako ulit do'n. Napalunok ako.

"M-may. . .ano. . .n-nagugutom po ako. N-naghahanap po ako ng pagkain at. . .trabaho," utal na sabi ko at napahawak sa tiyan.

Ilang segundo akong tinitigan ng matanda. "Kay bata-bata mo pa. Wala ka bang magulang?" Napailing ito. "Naku, halika na muna sa loob at mahamog  dito sa labas. Doon natin pag-usapan ang lahat."

Parang nabunutan ako ng tinik ng inakay ako nito papasok sa isang magarang  bahay. Nilingon ko pa ang daan kung may nakasunod sa 'kin pero wala akong makita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro