CHAPTER 8
: May nagbabasa ba nito? Huhu sana meron :<
***
Chapter 8: Malling
HABANG nasa biyahe ay kuwento nang kuwento si Levin kung gaano niya kagusto ang lumabas katulad na lang ng ganito.
He was so excited just by looking at him. He wanted to play along with other kids at matawag na bestfriend katulad ng mga kaibigan ng kuya niya.
This little kid was deprieved of everything. Sabik siyang makakita ng kalaro except sa mga tauhan ni Agon.
Habang tinitingnan siyang nagkuk'wento ay naaawa rin ako. Hindi kagaya niya, noong nasa edad ko siya ay nagagawa ko ang mga gusto ko.
I can play all day whenever I want. I can do malling and go to places that I want to see. Lahat ng gusto ko ay tinutupad nina daddy at mommy. I have a kuya, a loving mom and caring dad na gagawin ang lahat para sa akin.
Unlike him, he had never have a mom nor a dad besides him growing. In this early age, he experience the cruelty of the world and he can't help but to go with it, to suffer in it.
Idagdag pa ang ginagawa ng kuya niya without Levin knowing. Sa sitwasyong ito, niyakap ko na lang ito ng walang pasabi. Mahigpit kong pinalupot ang kamay ko sa katawan nito.
Napatigil siya sa pagkukuwento at taka akong tiningala. "What's wrong, Ate Jeyk?" inosente nitong turan.
Napailing ako. "Nothing's wrong, Levin. I just wanted to hug you now. Can we stay like this for a while?"
Naramdaman ko ang pagtango nito at pinalibot niya rin ang maliit na kamay sa bewang ko. It feels like I am her older sister. Ramdam ko rin ang kaparehong yakap nila ni kuya.
Biglang nangiligid ang luha ko at nanikip ang dibdib. How I miss this kind of embraced. The soothing warmth of this hug that relaxes my system. Tila inaanod ang mga problema at pinagdaanan ko sa isang mainit na yakap na ito.
Napapikit ako at lalong dinama ang magandang pakiramdamn na iyon na nais kong maranasan oras-oras. Malungkot akong napangiti.
Matagal-tagal na ring may yumakap sa akin ng ganito, at bata pa talaga ang nakapagparamdam nito sa akin.
I hope kuya was here. I really missed him and his hugs, but, I know it will never happened again. He will not come back to death even I begged for my life.
Pasimple kong pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Ilang ulit akong napakurap para huwag nang maiyak. Bago kinalas ang pagkakayakap kay Levin ay binalik ko ang mga ngiti sa labi. I don't want him to see me crying like this.
"Okay na po ba ang hug kong iyon, Ate Jeyk? Did you feel better na po?" he asked and touch my left cheek by his small hands.
Pilit kong pinipigilan ang luha nang humarap si Levin sa akin at sa ginawa niyang iyon. It was a small gesture but it really melts my heart. Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang mapatitig ako sa inosente nitong mga mata.
Ilang beses akong napatango unable to speak some words dahil baka tuluyang mabasag ang boses ko.
Levin smiled on my response and continue telling me sorts of things. Tango at tawa lang ang naging tugon ko sa mga kuwento niya. He really loves it when someone was paying attention to him. Iyon ang napapansin ko sa kaniya.
Mas dumarami ang kinukuwento niya if he found out that you like hearing those things that he was telling in front of you. Panaka-naka akong tumatawa sa mga istorya niya. Bata pa lang pero kuhang-kuha na ang pagpapatawa ng isang matanda.
Sometimes, I was amazed for what he was saying. Hindi ko kasi alam kung saan ba nanggaling iyon.
Napaligon ako bigla sa likod ng kotseng sinasakyan namin. Naka-convoy ang tatlong itim na sasakyang lulan ang mga tauhan ni Agon. Hindi ko alam kung over acting lang ba siya o ano pero sobra-sobra naman yata ang tatlong sasakyan na nakabuntot sa amin.
Ilan ba ang mga tauhan nito? Parang hindi kasi ito nakukulangan sa sobrang dami. I wonder if he know them all.
Nabalik ko na ang tingin sa unahan at tumigil na iyon sa harap ng isang mall. Nagsibabaan ang mga tauhan ni Agon kaya nasaksihan ko ang mga nagtatakang tingin ng mga taong malapit sa amin, inaabangan kung sino ang lulan ng sasakyang ito.
Parang ayaw ko tuloy bumaba sa atensyong nakukuha namin. Nakahihiya. Baka akala nila ay anak ng presidente ang lulan ng sasakyang ito.
Napabaling bigla ang tingin ko kay Levin na masayang-masayang pumapalakpak habang nakatingin sa labas ng bintana. Tuwang-tuwa siya na nakikita sa at atat na ata na lumabas. Nang mabuksan ang pinto ay hindi na ako nagulat nang hilahin agad ako nito at tumakbo papasok sa mall.
Buti na lang at sneakers at jeans ang suot ko kaya nasusundan ko ang bawat galaw ni Levin. If not, siguro ay putol na ang takong ng heels ko o hindi kaya at puro na ako paltos sa takbuhan naming dalawa.
May iilang nakasunod sa aming mga tauhan at hindi ko na alam kung saan ba nagpunta ang iba. They are insuring the safety of Levin because if not, they will be buried six feet under the ground if Agon will say so.
Since this is a public place, their guns are underneath their shirts, pants or wherever they want to hide it. They should not cause commotion here dahil baka matakot at mag-panic ang mga tao sa mall. Saka, kapag nagkataon man ay baka malagot sila sa boss nila.
"Ate Jeyk! Ate Jeyk! Punta tayo roon, oh!" tumatalong ani Levin while pointing the play station.
Natawa ako sa mukha ni Levin ngayon. Naupo ako sa harap nito at pinisil ang ilong. Thank goodness at physically fit ako, hindi ako hinihingal agad sa ginagawa namin. Malapad pa naman itong mall.
"You want to go there?"
Napatango ito. "Yes, ate! I badly wanted to go there!"
I chuckled and put my hands on his hair and disheveled it. "Okay but in one condition. Don't go somewhere without me knowing, hmm?" Ilang ulit itong tumango. "I can't hear you," biro ko.
"Ma'am yes, ma'am!" Sumaludo ito animo'y isang sundalo kaya mas lalo akong natawa.
Where did he learned this kind of gesture? Ah. I remembered Nick and Ardeen doing this when Agon was commanding them to do something. This kid can catch up easily that's why people should be careful for what they are saying in front of him.
Levin run on the play station that made Agon's bodyguard to be alerted. Akma na sana silang tatakbo para lumapit sa bata when I gestured my hand that they don't need to do it.
Baka mataranta ang mga magulang nasa loob ng play station dahil sa rami nila.
Ngumiti ako sa kanila. "Ako na." Napatango sila sa akin at bahagyang yumuko bilang respeto.
Tumakbo na ako kung saan si Levin. He was smiling widely playing kaya pinabayaan ko na lang. Napunta siya roon sa baril-barilan at tuwang-tuwa ang bata. Amaze na amaze ito sa nilalaro at nagsisigaw pa.
Geez, bakit ba mahilig ito sa baril?
May mga batang tuloy lumapit sa kaniya para panoorin ang ginagawa niya. Sa kaunting oras na iyon ay nagka-instant kaibigan si Levin with his age. He can get along with his peers easily kaya iyon ang ipinagpapasalamat ko. Hindi siya mahihirapang makipagkaibigan pagdating ng panahon.
Sinubukan lahat ni Levin ang mga laro na kaya niya. Nakisali rin ako dahil inaya ako nito hanggang sa dumating ang oras na pagod na pagod na siya. Alas-dos pa lang ng hapon pero parang gusto na niuang matulog.
I secretly chuckled. Ang cute-cute niya. Punong-puno siya ng pawis kaya pinunasan ko ito at nilagyan ng towel sa likod. Namumula rin ang pisngi niya, siguro ay naiinitan talaga. I was tempted to pinched his rosy cheeks for a moment but I managed not to.
"Did Levin have a good time today?" I asked.
"Yes po, Ate Jeyk. I enjoy my birthday today."
Napatigil ako sa sinabi nito. His birthday? Oh gosh. Bakit hindi ko alam 'yon. Did Agon know about this? Kaya ba parang alam na alam nito kanina na aayain ako ni Levin na lumabas? Kung ganoon ngang alam niya, bakit hindi siya sumama? He's Levin family after all. Iba pa rin kapag naka-bonding ang pamilya tuwing may ganitong sitwasyon.
That ruthless devil! Inalis ko na lang sa isip ang lalaking iyon. Hindi niya naman ikababait ang pag-iisip at pagmumura ko sa kaniya. Sayang lang oras ko.
"Ate Jeyk, I want to sleep na," antok na ani Levin. He yawned at muntikan pang matalisod dahil sa paraan nito nang paglalakad. Napangiti ako sa kakyutan ng batang 'to. Pagod na pagod sa paglalaro.
I squatted at nilapat ang kamay sa ulo nito."Gusto mo bang pasanin kita?" Napatigil ito bigla at napaisip. Nagpalinga-linga rin siya tila hinahanap ang mga tauhan ng kuya niya.
"But kuya will be mad at me. Sabi niya hindi na ako baby kaya dapat hindi ako magpapakarga sa kahit sino. I'm a vig boy na kasi, Ate Jeyk," he reasoned out.
"Hindi niya naman malalaman. Secret lang natin 'to," kunwa'y bulong ko at kinindatan siya na ikinakinang mg mata niya.
He nodded multiple times while having the gesture of keeping quiet. Nakalagay ang hintuturo nito sa bibig at nakangiti, mukhang tuwang-tuwa sa maliit naming sekreto na namamagitan sa aming dalawa.
Ang sarap niya kurutin. Napaka-cute na bata.
Tumalikod na ako sa kaniya at tinapik ang likuran ko. "Sakay na. I promised, secret lang natin 'to." Ngumiti ako sa kaniya kaya sumampa sa siya sa likuran ko.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang tatayo na ako. Sa maliit niyang katawan, hindi ko aakalaing mabigat pala siya kapag kinarga. Kamuntikan pa akong matumba para mabalanse ang timbang naming dalawa ni Levin.
Nang maayos na ang pagkakatayo ko ay sinulyapan ko siya na nakakapit sa leeg ko. Binati niya ako ng ngiti, tuwang-tuwa sa puwresto sa likuran ko.
"Kumapit ka, Levin. Baka mahulog ka, hmm? Lagot tayo sa kuya mo kapag nahulog ka."
"Yes po, ate! Kakapit po ako nang mahigpit," sagot nito.
Ngiti na lang din ang sinagot ko at naglakad na. I noticed Agon's men approaching me at balak kunin si Levin pero sinenyasan kong okay lang ako. They all nodded and headed to our car but they are all cautious. Lahat ay nagmamatyag sa paligid as of something was going to happen.
Gusto ko sanang sabihin na huwag naman silang over acting dahil baka matakot ang mga taong makakakota sa kanila pero sinarili ko na lang 'yon. Sino ba ako para sundin nila, 'di ba? Isa lamang akong hamak na babaeng benenta ng walang hiyang tiyahin ko.
I hated to admit it but I'm powerless here. Isang pitik lang ng daliri ni Agon sa akin ay tatakas agad ang buhay sa katawan ko. He was the law and ruling the life and death of me.
Months ago, I wanted to die kahit na mahuli pa ako sa pagtakas but now, it was all different. Something inside me wanted to stay here in this dark side of society.
I don't want to leave Levin, napamahal na ako sa batang ito. Nakakainis man pero para na talaga siyang kapatid ko. I wanted to protect him and give the things thay he had no experience with. I wanted to see him happy and to see him grow as a fine man.
Nang marating ang sasakyan ay binuksan ng isa sa mga tauhan ni Agon ang backseat. Nalingunan ko si Levin na mahimbing na natuutlog sa balikat ko, halatang pagod na pagod na ang bata.
"Careful," paalala ko sa kumuha sa kaniya sa likuran ko.
Nauna na akong maupo sa likuran at dahan-dahan nilang pinatong sa hita ko ang natutulog na bata. Hindi man lang nakaramdam si Levin sa paglipat sa kaniya, natitiyak kong mahimbing na ang tulog nito.
I caress his jet black hair while the car's engine started. I smiled when I imagined him to be a fine man with these features. Mukhang pagkakaguluhan ng mga kababehan paglaki. Ang tangos ng ilong, mahaba ang pilik mata, manipis ang mga kilay at labi na parang babae. Paglaki niyo ay nasisiguro kong mas lalong madidipena ang mga kaakit-akit na katangiang nasa mukha niya.
Napasulyap ako sa bintana at napansin ang mga tauhan ni Agon. May nakalabas sa bintana kaya nagtama ang mata naming dalawa. May sinisenyas siya sa akin na hindi ko maintindihan kaya nangunot lang ang noo ko sa sinasabi niya.
He was pointing something at aktong nagda-drive saka inekes ang dalawang braso. Ilang ulit kong inintindi iyon at nakuha ko ang ibig niyang sabihin.
Nakaramdam ako bigla ng kaba kaya napatitig ako sa driver namin. Ngayon ko lang napansin na kanina ay dalawa ang tauhang nakabatay rito sa kotseng ito pero ngayon ay isa na lang siya.
Napapunta ang tingin ko sa kamay ng nagmamaneho dahil ang driver namin kanina ay may malaking sunog sa kaliwang kamay. Mas lalo akong kinabahan nang makitang wala roon ang peklat.
I stared on Levin and moved him closer to me. Tulog pa rin ang bata, walang kamuwang-muwang sa kasalukuyang nangyayari.
Halos mapatalon ako nang sumulyap sa rear view mirror ang lalaki at ngumisi sa akin. I can't breathe properly because of nervousness. My instinct says that I need to protect Levin for all cost, even if my life was at stake.
"Who are y-you?" I asked trembling in fear.
Bumilis ang takbo ng kotse tila inuunahan ang mga nakasunod na tauhan ni Agon. Rinig na rinig ko na ang tibok ng puso ko sa kabang nararamdaman at hindi na makapag-isip ng maayos.
Nakarinig ako nang pagtawa mula sa kaniya imbes na sagot sa tanong kong iyon. Naglabas siya ng baril kaya mabilis kong niyakap si Levin na naging dahil para magising ito.
"Ate? We are home na po ba?" he muttered inocently.
Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon kaya nagpumilit siyang kumalas sa pagkakayakap.
"L-Levin. . ."
"What's wrong, ate?" puna niya matapis mapansin ang hindi ko maipintang mukha. Napasulyap siya sa driver na nakatingin din sa kaniua. "You are not our driver. Who are you?" diretsang tanong ni Levin.
I was amazed because he immedieatly realized it. E, ako, hindi ko napansin nang pumasok ako sa kotseng ito. Tangina naman! Pero hindi ito amg oras para sa paghangang iyan, Levin's life was in danger right now.
Halos mawalan ako ng lakas nang ngumisi sa kaniya ang lalaki. "Kapatid ka nga talaga ni del Vecho, sharp, as always," he commented. Napabaling ang tingin nito sa akin kaya hinawakan ko si Levin. "Who is she? Is this your nanny?" patunhkol nito sa akin at binalik ang tingin kay Levin.
"She's my kuya's girlfriend!" sagot ni Levin na ikinalaki ng mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro