CHAPTER 44
Chapter 44: Kidnapped
"WHAT are you doing?" I asked.
"Dito ka lang, I don't want you to be in danger again," mabilis na sagot ni Agon, parang alam na alam na agad ang laman ng utak ko.
Pinagmasdan ko ang pagpapasahan nila ng baril at ng mga bala. They move with precision, as if they knew each other's thoughts.
"Let's make it quick. I have a party to attend to," Raji seriously said.
"Sus! Pupunta ka lang sa 18th birthday ng chicks mo," kantyaw ni Ardeen.
Tinapunan siya ng masamang tingin ni Raji. "Open your mouth again and I will bomb your entire head," banta niya
Napataas bigla ng dalawang kamay sina Nick at Ardeen.
"Whoa! Ards, stop running your mouth to Raji." Nagkunwaring bubulong si Nick, pero rinig naman naming lahat. "Baka hindi makascore kay bebe girl kaya mainit ang ulo."
Nakarinig ako ng pagkasa ng baril at nagtago sa likod ko ang dalawang tanga.
"Babe! Protect us from the Beast!" sigaw ni Nick.
"The Devil's Beast was aggressive! He needs to fuck a girl to cool his head down," bulong sa 'kin ni Ardeen.
If ever Raji would hear what he said, patay siya literal sa kaibigan niyang 'to. These two idiots! Napasapo na lang ako sa noo sa mga kalokohan nilang dalawa.
'Yan nakukuha nila kapag kinukunsyume nila si Raji. Tsk.
Napatitig ulit ako kay Agon, at sa pagkakataong ito ay nadakip niya ang tingin ko. Gusto kong umapela at ibubuka na sana ang bibig nang magsalita siya.
"No."
"But——"
"It's a no, wife. Stop it. You can't convince me this time," panapos na sabi ni Agon.
Napanguso ako. Hindi pa nga ako tapos magsalita.
I watched them the whole time getting fully equipped. Nakatanga lang ako at parang hangin habang nag-uusap sila kaya mas lalo humaba ang nguso ko.
Malimit na napapasulyap si Agon at ngingisi-ngising nakatingin sa'kin tila nang-aasar. Tuwang-tuwa pa yata sa paglukot ng mukha ko habang nakakrus ang dalawang kamay sa dibdib.
He moved closer to me and whispered in my ear.
"Tigilan mo 'yan, you're tempting me, baby," aniya at malagkit na nakatingin sa labi kong nakanguso.
Mahina ko siyang pinalo sa dibdib. "Manyak!" I rolled my eyes.
Agon chuckled. "Huwag matigas ang ulo. I want you to be safe here with Levin, hmm?" masuyong aniya while caressing my cheek with his thumb.
I nodded.
They purposely freed Karen to track down Jandron and Jogo's hideout. May nakasunod ngayon kay Karen at bawat galaw niya ay nalalaman agad namin.
My eyes darted to the wall clock, it's already 5 in the morning, and in 1 more hour, the sun is ready to cast its light in the surroundings.
The sky outside was still cloaked with darkness, and a faint trace of dawn was peeking behind the trees.
"Be careful," sambit ko at napahawak sa braso ni Agon.
A sudden surge of anxiety filled my system while looking at his back. I can't explain what I'm feeling. I bit my lip when Agon lifted my chin.
"I will always come home safe and sound, always remember that." Agon kissed my lips, it was slow but full of assurance, taking my negative thoughts away. "I can't sit back when my family's safety is at risk. They will pay for this. Hindi ka pwede nilang saktan, or even Levin, hindi ako makapapayag."
Agon's gaze softened while reaching for my hair and tucking it behind my ears. Those precious eyes, gustong-gusto kong pakatitigan 'yon buong maghapon.
"I'll come back, baby. I need you to be safe here."
"But I don't feel safe if you're not here," I whispered.
Isang tauhan ni Agon ang pumunta sa'min bigla. "Boss, ready na po lahat."
Agon nodded.
A warm hand cupped my face again. "Take care of Levin. We will be back. Lock down the mansion after this and don't let anyone unauthorized in until we come back. This mansion has a new security system. I've explained it clearly a while ago, hmm?"
Napatango ako ng ilang ulit. I guess I can't go to where he was heading.
"Take care, hon. Be safe."
He gave a small nod and gave me another kiss after pulling away. Naglakad na siya patungo sa sasakyan niyang itim. Nandoon na rin ang mga kaibigan niya sa dalawang itim na SUV kasama ang mga tauhan nila.
Kumaway pa si Nick at Ardeen as if they will go on a vacation. Raji just nodded at me after closing his car's window. Their engines roared in the chilly morning air. The convoy started to roll down out of the mansion's premises.
Nang hindi ko na makita ang mga sasakyan nila ay pumasok ulit ako sa mansyon. May mga nakabantay sa labas ng bahay ng mga tauhan ni Agon pero hindi pa rin nawawala ang pangamba sa loob ko.
I check Levin's room, he's sleeping soundly before I lock the door. Parang walang nangyari kanina na engkwentro sa himbing ng tulog niya.
I did what Agon said. Pumasok ako sa kwarto niya at na roon ang mga monitor ng CCTV sa buong paligid—mapalabas man o sa loob ng bahay na 'to.
I stayed there for about a half hour monitoring the surroundings, but nothing is unusual. My stomach growled, at agad na napasapo ang kamay ko roon.
Magtitimpla na lang ako ng kape.
When I was about to close Agon's room, I heard a faint footstep behind me. I heightened my senses and acted normal.
Naglakad ako patungo sa kwarto but before that I pressed the hidden button to lock Levin's door. Mabilis na bumaba ang isang metal door na nakaharang sa mismong pinto ng kwarto niya.
No one can enter his room except us, who knows how to unlock it from outside. Agon teaches Levin how to operate his new secured room. Walang nakakaalam kahit tauhan man namin. Tanging kaming lima lang ang nakakaalam nito.
Levin's room has a secret passage leading him outside this premises. Jaki was trained and knows if danger is out of hand. Gising na rin kanina si Jaki when Agon injected something into him. Malakas ang kutob kong binabantayan niya ng maagi si Levin.
Besides, hindi magugutom si Levin if may ganitong pangyayari. Kumpleto ang loob ng pagkain at inumin. He is a smart kid.
I immediately got my gun and hid behind my room's door when I entered. I silently waited for him to set foot in my room.
A built of a man come into view, nakahawak siya ng baril pero hindi niya ako napansin sa likod ng pinto.
I forcefully kicked his gun, at agad niyang nabitiwan 'yon. Tumilapon ang baril niya sa gilid ng kama. He lunged at me, but I was able to counter his attacks.
"Anong kailangan mo?!" I dangerously asked.
I didn't receive any answers instead, he launched a series of rapid punches. Nanlaki ang mata ko ng masipa niya ang hawak kong baril.
Fuck!
I kicked aim ing his chest at halos matumba siya sa ginawa kong iyon kung hindi niya agad nabalanse ang pagtayo niya.
Saan na ba ang mga tauhan ni Agon? Bakit walang nakakapansin sa ingay na nagagawa namin dito sa kwarto? And how the hell did he get inside this mansion?
Wala akong nakitang pumasok sa bahay na 'to!
He lunged forward, launching heavy blows. I managed to deflect some of it, but he's too strong for me. Napaluhod ako nang matamaan niya ang tyan ko. Halos mawalan ako ng malay sa ginawa niyang 'yon.
What a brute force!
I blocked another set of punches and kicks using my forearm, and the sting of it lingered on my system.
My eyes widened when I noticed the knife he was holding, getting ready to stab me, but I quickly rolled away from him.
Pinilit kong tumayo at napatras papunta sa pinto. I was about to run down the staircase when I felt a sudden pain in the back of my neck.
Shit!
Nang mapalingon ako ay hindi ko napansin na isa pa siyang kasamahan at mas malaki pa sa kaniya. Before I knew it, my strength was like getting sucked up, the surroundings seemed blurry.
"Nakuha na namin ang asawa ni Del Vecho," rinig ko bago ako kainin ng kadiliman.
Levin. . .huwag kang lalabas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro