Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

A/N: Hi! It's been a while mafias! How are you? Thank you so much for waiting for this update. Will update this story every sunday <33
**

Chapter 13: Enemy


"ATE Let's go to the park," masayang aya ni Levin while tugging my shirt.

"Nakapagpaalam ka na ba sa kuya mo?" I asked.

Napailing ito. "Hindi pa po, e. Wait po." Nilibot nito ang tingin sa paligid pero hindi niya makita si Agon. Levin walked towards the guards in the front door and gently tugged his pants. "Kuya, sa'n po si Kuya Agon?"

Napatitig sandali sa 'kin ang tauhan ni Agon bago ibinaling ang tingin kay Levin. "Ah sir, may pinuntahan lang si Kuya Agon mo, Sir Levin," he said smiling widely.

"Ganoon po ba?" Napakamot ng ulo si Levin. "Okay po. Thank you," malungkot na aniya. Bumalik siya sa 'kin. "Wala po pala si kuya. Bawal akong lumabas."

Nahabag ako sa mukha ni Levin dahil bigla itong walang ganang kumausap ng kahit sino. Tahimik siyang naglakad papunta sa k'warto niya at walang lingon sa 'kin.

Ilalabas ko ba siya? Malapit lang naman.

Sa lapit ng park dito ay hindi naman siguro kami mapapahamak. Marami namang tauhan si Agon kaya siguro safe naman. Wala naman sigurong makakalusot sa higpit nilang magbantay knowing them.

Nakangiti kong tinungo ang kuwarto ni Levin at kumatok.

"Levin?"

"Pasok po."

Pinihit ko ang door knob at natagpuang nakatingin sa malayo si Levin. In that kind of position, kamukhang-kamukha niya ang kuya nito with his serious expression. He's radiating the same aura as Agon but when he glanced at me with a smile, bigla itong nawala.

"Ate, I want to go outside," malungkot na aniya at nilingon ulit ang labas.

"Gusto mo talagang lumabas?" tanong ko.

He glanced back at me and nodded. "But kuya will be mad if I go outside." Napayuko si Levin dahil bigla itong nilukob ng lungkot.

"Tara?"

"But kuya will. . ."

"Ako na ang bahala. Tara na," nakangiti kong wika at hinila siya palabas ng mansiyon.

Nakasunod lang ang sampung bodyguard sa likod at tahimik na nagmamasid sa paligid. May mga nauuna at romuronda sa kung saan kami patungo at ang iba ay nasa tabi namin.

Malapit lang naman ang parke kaya siguro ay okay lang.

Yeah, that's right. Okay lang itong ginagawa ko. I convince myself.

"Ate, dun tayo!" Turo ni Levin at kumaripas ng takbo.

Napangiti ako sa ginawa ng bata. His smile and laughter is like a music. Masaya ko siyang pinagmasdan habang tumatakbo at tuluyang umakyat sa slides.

I felt sad looking at Levin. Seing him this happy made me wonder if he had this smile nong wala pa ako. Nakakalaro ba siya ng ganito? Nakakatawa ba siya ng malaya? Nakalalabas ba siya na hindi iniisip ang galit ng Kuya Agon niya?

Napatitig ako sa mga bodyguard na nagtatago sa paligid at nagmamasid. Kailan pa siya naging malaya, eh, bawat pitik niya ay may mga matang nakaantabay sa kaniya.

I want Levin to breathe. I want him to enjoy his youth without restrictions. I want him to live everyday with that smile painted on his face.

"Ate come here! This is so fun!" he exclaimed excitedly. Tumakbo ito sa isang see saw pero ilang sandali lang ay pumunta ito sa swing. Walang mapaglagyan ang excitement niya sa bawat sulok ng park.

"Careful, Levin. Baka madapa ka," paalala ko sa kaniya.

He's just a kid, anyway.

We played almost an hour and seems like seconds. Nakakita ako ng isang sorbetero sa hindi kalayuan kaya agad akong napatayo para bimili ng ice cream.

"Levin don't go anywhere, ha? I'll buy you some ice cream." Napatango ito at sinundan ako ng tingin hanggamg sa makarating sa pakay. "Manong, magkano po?" tanong ko agad.

"Bente po, ma'am."

"Dalawa nga po, manong."

Pinagmasdan ko siyang lagyan ng ice cream ang kulay pink na apa.

"Kapatid mo po, ma'am?" tanong niya bigla habang abala sa paglagay ng ice cream sa apa. Hindi ko alam kung sino amg tinutukoy niya o ako ba ang kausap niya.

Hindi ko kita mula rito ang mukha niya dahil nakayuko ito ay natatakpan ng umbrero amg kabuuan ng mukha niya. Nakasuot siya ng puting long sleeve na may mga maliliit na butas at may iilang mantsa.

"Ha?" Napaisip ako bigla at biglang sumagi si Levin. Nilingon ko kung saan siya naroroon at napangiti. Baka iyon ang tinutukoy niya at nakita niya kami kaninang naglalaro. "We are not related by blood but he's almost a little brother to me."

"Ito po ma'am." He handed me that one ice cream at kumuha ulit ng isang apa para lagyan ng ice cream. Doon ko din nakita ang mukha nitong nakangiti sa 'kin.

What I noticed about his face was his scar on his right eye. Bilugan ang mukha nito at singkit ang mga mata. I think he was in his mid 30s by looking at his features.

"Mukhang malapit talaga kayo ma'am sa isa't isa. Nakatutuwamg tingnan kayo kanina habang naglalaro," aniya kasabay ng pagbigay ng isa pang ice cream sa 'kin. Pinatong ko na sa lagayan ang perang dala ko.

Kukuha pa siya san ng sukli sa isang daan pero inumahan ko na. "Naku, kuya, d'yan na po."

He smiled. "Naku, salamat po ma'am.  Ingat ho kayo," aniya na ikinangiti ko na lang bago tumalikod.

Levin rushed at me when he saw me coming. Inabot ko agad sa kaniya ang ice cream when I felt something odd. Nilibot ko ang tingin but it seems normal at wala namang kahit anong threat for our safety.

Maraming bodyguards kaya alam kong magiging safe kami ni Levin, kumbinsi ko sa sarili.

Inubos ko agad ang ice cream dahil hindi mawala-wala ang kung ano sa pakiramdam ko. I felt unsafe here.

Wala namang kahina-hinalang tao sa paligid pero bakit ganito itong nararamdaman ko? Should we leave?

"Levin, let's go home?" yaya ko ng mapansing ubos na niya ang ice cream. "Kailangan mo ng magpalit ng damit, ang dungis-dungis mo na. You stink," biro ko sabay takip ng ilong gamit ang daliri.

He smelled his shirt and look at me innocently. "I'm not mabaho, ate."

I chuckled for his cuteness. "Uwi na tayo. Basa na ang damit mo. You need to change, hmm. Let's go?"

Nauna na akong tumayo at nilahad ang kamay. Agad niya naman kinuha iyon at ngumiti.

"Can you be kuya's girlfriend, ate?" he innocently asked me.

Ang dapat na hakbang na gagawin ko ay nanatili sa ere sa narinig mula kay Levin.

Ilang ulit akong napakurap sa tanong nito. Girlfriend?

Suddenly, my silly mind begun to create a series of sweet scenarios together with Agon. I swallowed the lump on my throat and force myself to respond from Levin's question.

"W-why are you a-asking me that, hmm?" I cleared my throat. "Alam mo, siguro gutom ka na, let's go home at para malagyan na 'to ng laman." I touched his belly and plastered a smile.

This silly kid. Ano-ano ba ang mga pinagtuturo ng mga kaibigan ni Agon dito? He's aware of girlfriend and boyfriend thingy in such a young age.

Tsk. Those idiots creature!

Napapailing na lang ako habang papalapit na sa gate ng mansyon. Ilang hakbang nalang ay malapit na kami pero isang putok ng baril ang gumambala sa payapa naming paglalakad pabalik.

"Oh my god!" I was startled but immediately grab Levin's hand and tightly hug him.

Mabilis na pinalibutan kami ng mga tauhan ni Agon kasabay ng paglabas ng kani-kanilang mga armas.

Nanginginig man sa kaba ay sinilip ko sa maliit na siwang na gawa ng katawan nila ang kung sino mang nagpaputok.

"Protect Levin at all cost!" maotoridad na ani ng tauhan ni Agon.

"Ma'am, pasok na po tayo. Mas ligtas si Sir Levin sa loob ng mansyon," wika ng isa niyang tauhan na nagpatango sa 'kin.

All I can hear now was my heart beating fast and loud. Nanginginig ang tuhod ko sa takot hindi para sa sariling kaligtasan ngunit para kay Levin na yakap-yakap ko ngayon.

"Ate, what's going on? Is that kuya's enemy?" sambit ni Levin.

Napatango ako. "Y-yeah but don't worry, okay? We are safe. You are safe here with me, hmm?" pilit kong pinakalma ang boses.

Two men guided us towards the gate and the rest was covering us, protecting us for any bullet that will strike in our direction.

We are not certain on the enemies location pero bigla na lang may isang itim na kotse ang humarurot sa daan at pinaputukan kami.

Parang sadyang bumagal ang oras at kitang-kita ng mga mata ko ang lalaki sa passenger's seat ng kotse na nagpapaulan ng bala sa 'min.

Nagtagpo ang mga mata namin at mapanuya itong nakangisi na naging dahilan ng panglalaki ng mata ko sa oras na makilala ko ang mukha nito.

That scar on his right eye.

Ang mamang sorbetero. . .

"Take cover!" rinig kong sigaw ng mga tauhan ni Agon. Kasabay no'n ang paglabasan ng ibang tauhan niya sa loob ng mansyon.

Nagpaulan din ng bala ang mga tauhan ni Agon sa kotse ngunit hindi ko masabi kung natamaan ba ang kalaban dahil isang kisap lang ay malayo na ito sa'min.

Napabuga ako ng hangin at binalingan ng tingin si Levin. "Are you okay? Wala ka bang tama?" alalang tanong ko.

Levin nodded. "I'm okay, ate. But. . ." Napatingin ito sa 'kin and pointed my left arm. "but you are bleeding."

Doon ko lang napansin na may mahapding kung ano sa braso ko. Napatitig ako ro'n. May isang daplis sa braso.

Hindi ko napansin na nadaplisan na pala ako but thanks God that it was me and not Levin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro