Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

 

  "MALANDI KANG BABAE KA!" Napaiyak na lang ako ng tadyakan niya ako sa tagiliran. "Pati Hardinero, nilalandi mo!"

"Marco, tama na." Hagulgol ko habang pino-protektahan ang katawan ko. "Nag uusap lang kami."

"Peste kang babae ka! Puro ka kalandian!" Sinabunutan ako nito at nginudngod. "Kung hindi ko lang kailangan ng pera mo, hiniwalayan na kita!"

"Hindi kapa ba tapos diyan?" Maarteng tanong ng pinsan ko. "Bilis na, Let's fvck na lang."

"Hindi ka kakain." Dinuraan ako ni Marco bago lapitan si Thina.

Lumabas sila ng kwarto kaya naiwan akong mag isa habang magang maga ang katawan.

Bago mamatay ang mga parents ko ay ipinakasal nila ako kay Marco. Noon akala ko ay mabait siya pero hindi, babaero siya at lagi akong binubugbog. Sa loob ng ilang taon ay laging ganon ang eksena namin.

Sinubukan kong humingi ng tulong sa mga kasambahay namin pero ayaw nila akong tulungan. Sa bagay sino bang tutulong sa isang kagaya ko na pangit, maraming tagyawat sa muka at payat.

Pero yung bago naming hardinero ay nag alok ng tulong, itatakas niya daw ako mamayang gabi kaya pumayag ako. Sawang sawa na ako sa impyernong bahay na'to.

*

  NANG SUMAPIT ang gabi ay binuksan ko ang malaking bintana sa kwarto ko. Iniladlad ko ang kumot na ginawa kong tali.

Kumapit ako doon at unti unting bumaba, pero malapit na ako sa ibaba ay biglang napunit ang kumot kaya dire diretso akong bumagsak. Tumama ang likod ko sa isang bato kaya napangiwi na lang ako.

"SIR! TUMATAKAS SI MA'AM!"

Mabilis akong tumayo at tumakbo palapit sa gate ng marinig ko ang boses ng isang katulong.

"PENELOPE!" Napaiyak ako ng marinig ko ang boses ni Marco.

Malapit na ako sa gate ng humarang ang dalawang guard at mabilis akong hinawakan sa kamay.

"Please po, paalisin nyo na ako." Pagmamakaawa ako. "Patakasin nyo po ako."

"Ma'am, sipain mo kami." Bulong ng isang Guard. "Hindi na namin masikmura ang ginagawa sa inyo ni Sir."

"Sipa na po, nandiyan na si Sir." Sabi naman nung isa

Sinipa ko naman sila, binitawan nila ako kaya nagtatakbo ako palabas ng gate.

"HULIHIN NYO SIYA!"

Hinahabol ako ni Marco at ng iba pang Guard kaya binilisan kopa lalo ang takbo ko.

Biglang may humila sa buhok ko at kahit hindi ko makita ay siguradong asawa ko siya.

"Hindi ka pwedeng tumakas sakin, hangga't hindi mopa napapasa ang mga yaman mo sakin!" Galit na sabi ni Marco. "Mananatili ka sa poder ko!"

"BITAWAN MO AKO!" Malakas ko siyang tinulak atsaka tumakbo ulit.

May nakita akong isang truck ng basura kaya agad akong humarang sa gitna. Tumigil ang truck kaya nagmamadali akong sumakay.

"Kuya, mag-drive ka po bilis." Umiiyak kong sabi. "Sige na po."

"Pero Miss."

Sinira ko ang kwintas ko na bigay ni Mama at nilagay sa palad niya. "Totoong diamond po yan, ialis nyo lang ako dito sayo na po yan."

Tumango naman ito at agad nag drive. Buong byahe ay umiiyak lang ako, masaya akong nakaalis na sa poder ni Marco pero kailangan kopa ring magtago dahil siguradong hahanapin niya ako.

Huminto ang truck kaya agad akong bumaba at naglakad-lakad hanggang sa mapadpad ako sa maraming pulubi.

"Anong tinitingin tingin mo diyan!?" Sinamaan ako ng tingin ng isang babae. "Aagawin mo pagkain ko!?"

"H-Hindi po." Biglang tumunog ang tiyan ko. "P-pwede pong pahingi."

"Oh!" Inabot nito ang isang burger sakin na agad kong kinuha at kinain. "Galing basurahan yan."

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. "B-Basura?"

"Obvious naman." Inirapan ako nito. "Kaming mga pulubi ay puro sa basura galing ang pagkain, swertihan na lang kung may magbibigay samin ng malinis na pagkain."

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain, masarap naman eh.

"Tagasaan ka? Bakit ang dami mong sugat at pasa?" Tanong nito

"Ayoko ng bumalik samin." Tanging sagot ko. "Ayoko na." Tumingin ako sa kanya. "P-Pwede ba akong sumama sayo?"

"Pulubi lang ako, wala akong mapapakain sayo."

"Ayos lang."

Simula noon ay sumama na ako kay Crizel, naging isang pulubi ako sa loob ng maraming taon...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro