Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32

PENELOPE


     NANG MAKARATING KAMI sa Hospital ay halos gusto kong sakalin si Colm pati na din yung Nurse na tumawag sakin.

Putangina nila!

"Fvck you Colm! I told you, wag mona silang papuntahin dahil hindi naman malala ang lagay ko!" Inis na sabi sa kanya ni Wyatt

Hubad baro si Wyatt kaya putok na putok ang malaki niyang katawan at nakabalandra sa lahat ang walo niyang abs.

May benda siya sa kanang balikat at may cast siya sa kanang kamay.

"Daddy, we're glad that you're okay." Parang nakahinga ng maluwag si Paxton. "You sure walang masakit pa sayo?"

"I'm fine young man." Tugon ni Wyatt at bumaling ang tingin sakin. "Sorry Penelope."

"Dade, bakit dito ka bumili ng Pizza at Ice cream?" Tanong sa kanya ni Parsia. "Napano ka din? Nigaya mo katangahan ko?"

Natawa lang si Wyatt.

Pero salamat na din at ayos na siya.

Hinarap ko si Colm at nginitian ng matamis. "Putanginamo!"

Napangiwi lang ito, inirapan ko siya bago lapitan si Wyatt.

"Medyo nagulo yung pizza mo pero makakain pa naman." Sabi nito at nilapag sa harap ko yung pinabili ko.

"Thank you?" Nakangiting sabi ko. "Kaya pala ang tagal mo, nakipag-barilan kapa."

"Tinambangan ako eh." Natawa ito. "Buti na lang at magaling ako."

"Halika na uwi na tayo." Aya ko. "Ako na mag-da-drive.."

"Yes Honey."

Tumayo na siya, nagbayad muna siya ng bill bago kami sumakay ng sasakyan niyang puro butas dahil sa tama ng bala.

"Mame, marunong ka talaga mag-drive ah?" Paninigurado ni Parsia. "Ayoko pang mamatay, hindi pa ako nagkaka-boypren."

"Anak, marunong ako." Natatawang sabi ko at nagsimulang mag drive.

Dinig ko ang pabulong na dasal ni Parsia kaya napairap na lang ako. Walang tiwala sa Nanay niyang maganda.

"Sila Tito ba ang may gawa?" Tanong ko kay Wyatt habang nasa daan pa rin ang tingin.

"Yes." Seryosong sagot nito. "Kailangan kona talagang bilisan, baka hindi pa tayo kasal, byuda kana."

"Dapat mag ingat ka, baka kakalibing mo pa lang maghanap na ako ng foreigner na gwapo–"

"–PENELOPE!"

Nilingon ko ito saglit at nakita kong nakasimangot siya, mahina na lang akong natawa.

"Hindi ka pwedeng magpakasal, hindi ko hahayaang mamatay ako." Sabi nito. "Gagawa pa tayo ng kapatid nung dalawa."

"Gagawa kayong kapatid namin?" Sabad ni Maldita. "Wag muna, kailangan mag-seven muna ako."

"Narinig mo?" Nginisihan ko si Wyatt. "Kapatid kasi agad iniisip mo, hindi pa nga kita sinasagot."

"Wala ka naman yatang balak sagutin ako." Kita ko ang paghaba ng nguso nito. "Pero kahit ganon, hindi ako titigil, kailangan kitang mapasagot at mapakasalan."

"Hintay lang brad, sa ngayon friend muna tayo."

"Friend na may Anak? Wow astig."

Nang makarating sa bahay ay nagmamadaling bumaba ang maldita.

"Thank you po Lord kasi buhay pa ako." Nakangiting sabi ni Parsia habang nakatingin sa langit.

"Wala kang tiwala sakin." Binatukan ko siya. "Gusto mo hindi ulit kita pansinin."

"Mame naman eh, malay ko bang may alam ka sa pag-da-drive ng kotse!" Nagmartsa ito papasok ng bahay.

Napasimangot na lang ako bago pumasok din. Umupo si Wyatt sa couch at agad namang kumandong paharap sa kanya si Parsia.

"Dade, para saan yan?" Tinuro nito yung cast.

"Para sa sugat ni Dade." Tugon ni Wyatt.

Napahawak si Parsia sa noo niyang may gasgas pa din. "Bakit ako may sugat pero walang ganyan?"

"Wag mong pangarapin." Binuksan ko yung pizza at sinimulang kainin.

"Mame penge!" Mabilis pa sa alas kwatrong kumuha si Parsia. "Thank you love you."

"Nang uuto kapa!" Inirapan ko siya at ngumiti. "Love ka din ni Mame."

"How about me Mommy?" Naka-pout na tanong ni Paxton.

"Syempre love ka rin ni Mommy." Tugon ko. "Kuha kana."

"How about me Honey?" Parang batang tanong ni Wyatt.

"Maghintay ka muna kumpare."

Akmang aangal pa siya pero mabilis kong pinasakan ng pizza ang bunganga niya, napasimangot siya pero nginisihan ko lang siya.

"Dapat Mame love mona si Dade." Sabi ni Parsia. "Kunwari kapa eh."

"Matutong maghintay ang Dade mo."

"Pakipot na naman si Mame."

"Kumain kana lang diyan, napakadaldal mo!"

Nag-make face lang ito.

Sutil na bata!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro