18
Grabe yung si Andy at Parsia HAHAHAHA. Kaedad ni Andy si Penelope, masyadong child abuse yun
PENELOPE
NAGDA-DALAWANG ISIP ako kung sisiputin ko si Wyandel, ang hirap niyang pagkatiwalaan pero si Paxton ang pinag uusapan...ang Anak ko
"Saan kaba pupunta?" Tanong ni Andy. "Tanghaling tapat oh."
"Basta." Tanging sagot ko
"Makikipagkita si Mame doon sa poging bumili samin kahapon." Sabat nung maldita.
"Hindi ah!"
"Bakit ayaw mo akong isama?"
Inirapan ko lang siya. "Sige na Andy, ikaw ng bahala kay Parsia ah?"
"Sige."
Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa lugar kung saan kami magkikita ni Wyandel. Nakita ko siyang nakaupo doon at naghihintay
"Akala ko hindi ka sisipot eh." Sabi nito at tumayo.
"Ano na? Paano ko makikita si Paxton?" Tanong ko
"Magiging Mascot ka." Tugon nito. "Is it okay to you?"
"Basta kahit ano, gusto kong makita at mayakap si Paxton."
"Soon Penelope, we just need time. Alam kong hirap kang pagkatiwalaan na kami pero sana subukan mo ulit." Ngumiti ito ng maliit. "This is for you and for your son."
Kimi lang akong ngumiti at tumango.
"Sinasabi kona nga ba!" Sabay kaming napalingon sa likuran namin.
"Hoy, bakit ka sumunod!?" Sita ko dito. "Napakakulit mo talaga!"
"Kuyang pogi, pinopormahan mo Mame ko?" Sinamaan ng tingin ni Parsia si Wyandel.
"No.." Natawa si Wyandel. "I'm sure your father will kill me–"
"–Wag mo akong i-english!"
"Parsia, tumigil kana." Binuhat ko siya. "Uuwi na kami Wyandel."
"Okay, tomorrow is the celebration, six PM here again."
"Sige."
Tinalikuran kona siya, dinig kopa ang pagbulong bulong ni Parsia pero hindi ko siya pinansin.
"Mame, kahit ganito ugali ko wag mo akong ipagpapalit sa magiging Asawa mo ah?" Sinapo nito ang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. "Hindi mo naman ako ipagpapalit sa lalaki diba?"
"Bakit ko naman gagawin yun? Kahit naman ganyan ka, para namang kaya kitang iwan." Natatawang hinalikan ko siya sa pisngi. "Hinding hindi ako mag aasawa Anak."
"Dapat lang.."
Natawa na lang ako sa inasta nito.
THIRD PERSON POV
SUMAPIT ANG KINABUKASAN NG ALAS SAIS, umalis si Penelope sa bahay nila pero lingid sa kaalaman niya ay may nakasunod sa kanyang malditang bata.
Kagaya ng napag-usapan ay nagkita ulit sila ni Wyandel sa lugar na yun, pinagsuot siya ni Wyandel ng isang barney mascot.
"Malapit lang dito ang venue." Hinawakan siya sa kamay ni Wyandel para alalayan. "Can you walk?"
"Oo kaya ko."
Nang makarating sa venue ay kinabahan ng sobra si Penelope, first time niyang makikita ang Anak niya.
Si Wyandel din ay kinakabahan, pinatulog lang naman niya yung secretary ni Wyatt na dapat ay magiging mascot.
"BARNEY MASCOT IS HERE!" Sigaw ng MC.
Halos maiyak si Penelope ng makita ang isang gwapong batang lalaki papalapit sa kanya.
"Ang Anak ko.." Tuluyan ng tumulo ang luha niya ng yakapin siya nito.
"Barney.."
Niyakap din ito ni Penelope, may mascot mang nakaharang sa pagitan nila ngunit damang dama niya ang katawan ng Anak niya.
"Baby ko.."
Napahiwalay lang sila sa isa't isa ng kuhanin siya ni Wyatt. Napatitig na lang si Penelope sa lalaking sobra niyang kinasusuklaman.
Malaki ang pinagbago nito, mas naging nakakatakot ang awra nito, mas lalo niya itong kinasuklaman. Ito ang dahilan ng tuluyang pagkasira ng buhay niya, kung bakit nawala sa piling niya ang Panganay niya.
SA KABILANG BANDA naman ay may isang malditang nakatago sa ilalim ng table nila Wyatt at pasimpleng umuumit ng pagkain.
Nakita ni PX ang kamay nito kaya sinilip niya ito, napaawang na lang si Paxton ng makita ang isang batang babaeng kahawig niya.
"Huwag kang maingay." Hinila siya ni Parsia papasok sa ilalim ng table.
"What are you doing here?" Tanong sa kanya ni Paxton.
Syempre inirapan siya ng malditang bata. "Tagalog."
"Anong ginagawa mo dito? Bakit nagtatago ka diyan?"
"Bawal akong makita ni Mame, sasampalin ako nun." Sagot nito. "Ikaw may Birthday diba? Happy Birthday."
"Thank you." Ngumiti sa kanya si PX kaya napangiti din siya. "Gusto mo pa ng pagkain?"
"Oo, yung masarap ah?"
"Ikukuha kita wait."
Lumabas si Paxton at kumuha ng maraming pagkain, nang makitang busy ang lahat ay pumasok ulit siya sa ilalim ng lamesa
"Wow, sana all mayaman."
Natawa lang si Paxton sa inasta nito.
"SIR!!!!!" Parehas napadungaw ang dalawang bata ng makarinig ng sigaw.
"What the fvck are you doing there?" Kunot noong tanong ni Wyatt sa sekretaryo. "You're the mascot right?"
"Patay.." Bulong ni Wyandel
Lahat ay napalingon kay Penelope–sa Barney na mascot.
"If you're here.." Kumunot ang noo ni Wyana. "Sino ang nasa loob ng mascot?"
"Maybe one of our enemy." Naging alisto ang lahat.
Napalunok si Penelope ng palibutan siya ng tauhan ni Wyatt at tutukan ng baril. Gusto mang tulungan ni Wyandel si Penelope ay hindi niya magawa dahil siguradong mabubugbog siya ng Kuya at Daddy niya.
"Katapusan kona.." Bulong ni Penelope.
"Who the fvck are you?" Kunot noong tanong dito ni Wyatt.
"Take off her mascot." Suggest ni Persephone.
Hinawakan siya ng mga tauhan ni Wyatt, sinubukan niyang magpumiglas para hindi siya makilala pero huli na.
Tuluyang natanggal ang nasa ulo niya at lumitaw ang muka niya. Lahat ay natahimik at natulala.
"Penelope.." Wyatt murmured.
"MAME!!!" Umeksena ang batang maldita. "Pwede ba akong magmura Mame?"
Wala sa sariling tumango si Penelope.
"GAGO KAYO AH? SINASAKTAN NYO MAME KO!" Sigaw nito na ikinabigla ng lahat. "BITAWAN NYO MAME KO!"
Wala sa sariling binitawan siya ng mga tauhan ni Wyatt, agad namang hinubad ni Penelope ang mascot at nilapitan ang malditang Anak.
"Bakit kana naman sumunod!?" Sita niya dito
"Makasarili ka, pupunta kang handaan tapos hindi mo ako aayain?" Inirapan siya ni Parsia
"Penelope–"
Mabilis niyang binuhat ang Anak at tumakbo palabas ng venue. Isa lang ang nasa isip ni Penelope at yun ay ang makalayo sa kanila.
Samantalang sa venue naman, lahat ay shock pa rin pero naputol yun ng magsalita si Paxton
"Daddy, did you see a little girl?" Tanong nito. "She looks like me po."
"Why don't you ask your Tito Wyandel?" Napatiim bagang si Wyatt habang matalim na nagkatingin sa kapatid.
Pasipol sipol namang umiwas ng tingin si Wyandel
"Wyandel!" Sinamaan siya ng tingin ng Ina. "Magpaliwanag ka!"
"A birds can swim." Sabi lang nito at nagmamadaling tumakbo.
"GET THAT FVCKING ASSHOLE!" Galit na sigaw ni Wyatt
Napa-sign of the cross na lang si Wyandel. Dahil siguradong patay siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro