CHAPTER 50
LORELEI
"WE'RE HERE." anunsiyo ni Malcolm nang huminto kami sa tapat ng gate nila Mama
Napahawak ako ng mahigpita suot ko dahil sa kaba at the same time tuwa. Finally, makikita kona si Mama at Liam ulit
Bumaba ng sasakyan si Malcolm kaya bumaba na din ako. Binuksan nito ang pinto ng backseat at binuhat pababa si Cole
"Let's go?" Aya nito
Tumango lang ako. Habang naglalakad papasok ng gate ay pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.
"They are not mad." Napatingin ako kay Malcolm ng hawakan nito ang nanlalamig kong kamay habang kami ay naglalakad. "Nasabihan kona si Mama na nakabalik kana. They are excited."
Napatango ako. Napahinga ako ng malalim bago dahan dahang ngumiti.
Nang makapasok kami sa bahay ay nakita namin si Mama at Liam na nag uusap sa sala. Namumuti na ang buhok ni Mama pero ang ganda pa din. Si Liam naman ay ang tangkad na at binatang binata na. Napansin kong mas kahawig niya si Papa kaysa sa Step Father ko
"Ma..." Tawag ko dito. "Liam.."
Nakuha ko naman ang atensiyon ng dalawa. Napahinto ang mga ito bago napatulala sa akin
Lumuluhang tumakbo ako palapit sa kanila at parehas silang niyakap
"Sorry po kung iniwan ko kayo." Parang batang hagulgol ko. "Sorry Liam kung iniwan ka ni Ate."
"Anak ko.." Mas lalong lumakas ang iyak ko nang tawagin ako ni Mama na Anak. "Nandito kana. Alam mo bang alalang alala kami sa iyo huh? Pero salamat sa Diyos at dininig niya ang panalangin kong ligtas ka at nasa maayos na kalagayan."
Humiwalay ako sa yakap at pinagmasdan sila pareho.
"Kamusta na po kayo?" Tanong ko. "Ikaw Liam? Kamusta ang pag aaral mo?"
"Ate ang taba mo na." Sabi ni Liam. "Ang itim mona pero ang ganda mo pa din. Namiss kita ng sobra Ate."
"Tangkad mona utol." Ginulo ko ang buhok niya. "Uhugin ka lang nung iniwan kita. Ngayon mukhang nanliligaw kana."
"Bakla iyan." Sabi ni Mama. "Ayaw na ayaw sa mga babae. Maarte din iyang kapatid mo."
"Mama hindi po ako bakla!" Maktol ni Liam at ngumuso. "Ayoko lang sa kanila kasi gusto ko kaibigan lang po. Baka naman po ten years old pa lang ako 'no?"
Natawa na lang ako bago punasan ang luha ko. "Masaya ako at maayos po kayo ni Liam."
"Hon, nandiyan na ba si Leley?" Parang huminto ang mundo ko nang marinig ang boses na iyon
Isa lang ang taong kilala kong tunatawag sa akin ng Leley. Si Papa.
Dahan dahan kong pinihit ang katawan ko para tingnan ang taong nagsalita. Pakiramdam ko nananaginip ako o hindi kaya ay minumulto
"Leley.." Ngumiti ito bago dahan dahang lumapit sa akin. "Anak.."
"Papa?" Paninigurado at tumango naman ito. "Papa ko? P-Paano po?"
"Salamat na lang sa asawa mo at Pamilya ng Asawa mo." Sagot nito kaya napatingin ako kay Malcolm
Ngumiti si Malcolm sa akin. "I'll explain everything later."
Mahigpit kong niyakap si Papa. At napaluha ako nang mapagtanto kong totoo siya. Buhay ang Papa ko. Ang unang lalaking itinuring akong Prinsesa.
"Papa ko.." Parang batang ngumawa ako. "A-Akala ko iniwan mona po talaga ako. Alam mo bang ang sama na ng ugali ni Mama noong mga panahong inakala kong patay kana? Totoo ka naman po diba? Papa huwag mo na kaming iwan. Bahala ka manlalalaki ulit si Mama."
"Leley hindi na aalis si Papa. Magkasama na tayo ng Mama mo." Humiwalay ito sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. "Maniwala ka, hindi ginusto ng Mana mo ang lahat ng mga ginawa niya sa iyo. Sana ay mapatawad mo siya."
"Hindi naman po ako nagtanim ng galit kay Mama." Sagot ko. "Pero siguro medyo po nung nangaliwa siya."
"Lei hindi ako nangaliwa." Sabi ni Mama. "Totoo mong kapatid si Liam. Anak namin siya ng Papa mo."
Napatanga na lang ako sa sinabi nito. Kaya pala habang lumalaki ay nagiging kahawig niya si Papa.
"Habang nasa Mental Hospital ang Papa mo at wala sa katinuan ayun ginapang ko." Dagdag pa ni Mama. "Pogi kasi ng Papa mo eh."
"Mama naman!" Reklamo ni Liam. "Ang bastos po."
Sabay sabay kaming napalingon sa isang pinto nang makarinig kami ng nabasag na plato doon.
"Umaatake na naman ang mga mababait. Naku!" Gigil na sabi ni Mama
Nagtungo kami sa kusina. Napatanga na lang ako nang makita ang Anak ko na madungis ang mukha dahil sa pagkain at ngayon ay nakatingin sa basong basag na nasa harap niya.
"Mama iinom lang po ako." Sabi nito. "Nadulas po sa kamay ko."
"Hoy chanak! Sino ka!?" Tanong dito ni Mama
"Hindi po ako chanak." Umiling ito. "Tao po ako. Kurutin mo man po ako."
Akmang hahakbang ito at matatapakan ang basag na baso pero mabilis itong nabuhat ni Malcolm.
"Nasaktan kaba?" Alalang tanong nito kay Cole na agad namang umiling. "You should wait for us. Paano kung tumama sa ulo mo yung bubog?"
"Sorry po." Nakangusong sabi nito
"Ma, Pa. Apo niyo po yan." Sabi ko sa mga magulang ko. "Si Cole."
Kuminang naman ang mga mata ni Mama. Mabilis nitong nilapitan si Malcolm at kinuha si Cole dito
"Sorry Apo." Malambing ditong sabi ni Mama. "Ako si Lola mo. Ang guwapo mo naman."
"Maganda Mama ko po eh tapos pogi si Papa ko po." Sagot nito
Kinuha ko naman yung walis tambo at dustpan sa gilid. Winalis ko yung bubog sa sahig at tinapon sa trash can
Napatingin ako kila Papa na masayang kinakausap ang Anak ko. Yung Anak ko namang guwapo ayun todo pa-cute
"Happy?" Tanong ni Malcolm na nasa tabi kona
Nakangiting nilingon ko siya. "Thank you sa lahat Malcolm."
"It's nothing. I will do everything just to make you happy." Nakangiting saad nito. "Your Family is your happiness and I don't want to ruin your happiness. That's how much I love Lorelei. I'm willing to do everything."
Ngumiti lang ako sa kaniya. Tumingkayad ako at pinatakan siya ng halik sa labi na ikinatulala niya.
"Magtitiwala na ako sa iyo." Nakangiting sabi ko sa kaniya. "Ingatan mo sana kami ni Cole."
"I will Wife. I will. I promise."
A/N: NANGANGAMOY ENDING NA. SAD BA OR HAPPY? HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro