Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 40


LORELEI


    "MAMA!" Napatingin ako sa Anak ko na masayang lumalapit sa akin

Kasunod nito si Malcolm at Pekto.

Tumalon paakyat ng kama si Cole at kumandong paharap sa akin.

"Mama dili man ikaw po galit diba?" Tanong nito

Umiling ako. "Bakit naman ako magagalit sa baby ko? Hindi galit si Mama sa iyo. Promise po."

"Gihigugma taka." Sinapo nito ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi

"Gihigugma taka." Inayos ko ang buhok niya at nginitian siya

"Can you leave us for a while? We need to talk." Naagaw ni Malcolm ang pansin namin nang magsalita siya. "Cole, mag uusap kami ni Mama mo."

"Hindi kayo po aaway?" Tanong nito

Umiling si Malcolm at bahagyang nginitian si Cole. "No, promise."

Tumayo naman si Cole at lumapit kay Pekto. Tiningnan ko si Pekto at tinanguan lang siya.

Umalis si Pekto kasama si Cole. Si Malcolm naman ay unti unting lumapit sa akin.

"Hanggang diyan ka lang." Walang emosyong sabi ko kaya napahinto siya. "Anong kailangan mo? Sabihin mo at umalis kana."

"We will go h–"

"–Ikaw lang." Putol ko sa sasabihin nito. "Mag isa kang pumunta dito kaya mag isa ka ding uuwi. Kung gusto mo isama mo si Pekto!"

"No!" Madiing sambit nito. "I will go home with you and with our child."

"Anong our child? Anak ko lang Malcolm." Tiningnan ko siya ng masama. "Semilya lang ang ambag mo bukod doon wala na!" Kinuha ko ang unan at binalibag sa kaniya. "Wala kang inambag bukod sa semilya mo at sama ng loob! Wala kang inambag sa paghihirap namin! Wala kang inambag sa paghihinagpis ko! Wala Malcolm! Kaya wala kang karapatan!"

"And now you're mad huh!?" Tumaas din ang boses nito. "You didn't let me explain that time! You just runaway with our child! You think I will not help you if I knew that you're pregnant huh!?"

"Oo dahil walanghiya ka!" Galit kong sambit. "Dahil nagpapakasaya ka lang sa piling ng Ex mong hilaw! Wala kang kwenta. Isa kang lalaking sinungaling na walang isang salita at manggagamit!"

"Stop acting like it's all my fault Lorelei! If you let me explain that day this will be not happen. " Tumiim ang mga bagang nito at alam kong nagpipigil siyang masaktan ako.  "You let your anger eat you.  You just leave me and hide my child! You let me suffer for a fvcking years Lorelei!"

"Kasalanan ko pa ganon? Gago ka pala eh!" Dumampot ulit ako ng unan at binalibag sa kaniya.  "Isusumbat mo sa akin ang paghihirap mo? Hindi mo alam ang paghihirap ko Malcolm! Alam kong hindi mo inalam yun dahil kung inalam mo pupuntahan mo ako agad at dadamayan! Wala kang alam sa akin–sa amin ng Anak ko!"

"You dont know anything about me too." Malamig na sabi nito. "Kung hindi ko lang naranasan yun, matagal ka ng nasa piling ko Lorelei. Nadamayan sana kita sa sinasabi mong yan pero hindi ko nagawa dahil doon. It's hard for me that I let you suffer but please stop blaming me on everything."

"Hangga't nandito ka isisisi ko sa iyo ang lahat kaya umalis kana pakiusap lang." Huminga ako ng malalim para mapigil ang mga luha ko. "Masaya na kami ng wala ka kaya sana mawala kana ulit. Kalimutan mona kami Malcolm dahil wala ka ng aasahan dito."

"No!" Matigas na sambit nito. "If I need to force you I will. You can't do anything about that. I'm very mad to you Lorelei."

"Mas galit ako at hindi mo mapapantayan ang pagkamuhi ko sa iyo." Matigas ko ding sambit. "Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makasama ka ulit. Nakakasuka."

"You hate me that much huh?" Natawa ito ng mapakla. "Well I hate you but I don't want my anger ate me because I love you. I still love you even you fvcking leave me, I still love you even you hide our child, I still love you even you don't love me until now."

Ramdam ko ang bawat pait ng pagbigkas niya ng mga salita. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya pero hindi pa rin niya mapapantayan ang pait na naranasan ko lalo na nung namatay si Cale.

"Patahimikin mona lang kami Malcolm." Sabi ko dito. "Umalis kana lang, hindi ko ipagdadamot si Cole sa iyo pero please lang huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin."

"I won't do that." Tumalikod ito. "Just tell me if you're not mad anymore. We will talk."

Tuluyan na itong lumabas ng kuwarto namin ni Cole. Napahawak na lang ako sa ulo ko at napahinga ng malalim.

Huminga ako ng tatlong beses bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko si Cole na masayang nakakandong sa Ama niya habang nagce-cellphone

"Cole, tulog kana." Sabi ko dito. "Halika na, anong oras na."

Umiling ito. "Maya na po Mama ko. Laro pa kami ni Papa."

"Pasok ka lang sa kuwarto ah?" Tumango ito. "Good night baby."

"Good night po." Nag flying kiss ito sa akin

Nginitian ko lang siya bago balingan si Pekto. "Bantayan mo ang Anak ko, baka tangayin eh."

Tumalikod na ako at pumasok sa kuwarto namin ni Cole. Humiga ako sa kama at pumikit

Pakiramdam ko ay sobrang napagod ako ngayong araw. Pakiramdam ko masyado akong na-drain.

Sana umalis na siya bukas..







A/N: WHAT IF HANGGANG PARENTING NA LANG SILA?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro