Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

LORELEI

   KATATAPOS ko lang maligo, ang lagkit ko kasi dahil nag ayos ako ng mga gamit ko. Sira kasi yung electric fan ko kay ayun naligo ako sa pawis

"Hayst," Yumuko ako para tingnan ang electric fan ko. "Ngayon kapa bumigay ah? Galing mong ta-timing."

"Lorelei?" Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon

Tumayo naman ako at agad iyong binuksan, tumambad sa akin ang topless na si Malcolm

"Bakit ka nakahubad?" Kunot noong tanong ko dito. "Hindi mo ba alam na ang daming nakakita niyang katawan mo?"

"We have dinner." Sagot lang nito. "Let's go–"

"–Mamaya na, inaayos ko pa yung Electric fan ko."

"I don't care." Hinila ako nito basta hanggang sa makapasok kami sa apartment niya.

"Sit, I will get our food." Pumasok ito sa isang pinto

Napasimangot naman ako at umupo na lang sa upuan na nasa harap ko, may maliit na lamesa sa harap ko at may upuan din.

Inilibot ko ang paningin ko sa apartment niya, ang gulo, magulo pa sa buhay ko. Halatang tamad na tamad maglinis.

"Here." Inilapag ni Malcolm ang mga pagkain sa lamesa bago umupo. "Let's eat."

"Grabe naman, ang yaman mong tao pero salahula ka." Nakangiwing sabi ko dito. "Hindi mo man lang linisin ang apartment mo,"

"No fvcking way," Parang nandidiring sabi pa nito. "I will call one of my maid later, sa kanila ko ipapalinis ang apartment."

Sumubo ako ng pagkain. "Magkano bayad mo sa maglilinis?"

Mukhang pwede ko bang pagkakitaan itong Asawa ko 'kuno'

"Ten thousan–"

"–Ako na maglilinis." Putol ko sa sasabihin niya. "Pagkatapos nating kumain."

"Why?" Takang tanong nito. "You're my Wife, pwede kang manghingi na lang sa akin. I'm rich Lorelei."

"Manahimik ka, gusto ko paghirapan yung mga perang nakukuha ko, atsaka baka isipin mo at ng Pamilya mo na mukha akong pera." Sabi ko dito

"Okay, if that what you want."

Napangisi na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. May pambili na ako ng mga bagong gamit, pati na din sa groceries at pang abot kila Mama.

Nang matapos kaming kumain ay nagsimula na akong maglinis ng apartment ni Malcolm, wala ng pahi-pahinga kailangan ko agad kumayod.

"Malcolm, pakiabot ng walis at dustpan." Utos ko dito

"What?" Kumunot ang mga noo nito. "Babayaran kita, bakit uutusan mo ako?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Nakiusap naman ako,"

"Tsk."

Tumayo ito at padabog na kinuha ang walis at dustpan, binaba niya ito sa tabi ko bago maupo at mag cellphone ulit

Grabe katamaran ng isang ito, sama pa ng ugali, pero mabait naman.

"Ang tamad mo, kalalaki mong tao." Sabi ko dito. "Buti na lang hindi ko tanggap na kasal tayo, ayoko pa naman sa lalaki ay yung tamad at walang kusa–"

"–Sinasabi mo bang tamad ako?"

"Oo."

Nagpatuloy na lang ako sa paglilinis hanggang sa matapos ako, pagod akong umupo sa sofa at sumandal

"Bayad?" Naglahad ako ng kamay. "Diyes mil, kagaya ng sabi mo."

Hindi ko nito kumibo at patuloy lang sa pag-ce-cellphone, Inis naman akong tumayo at pumunta sa harap niya

Nagpameywang ako. "Malcolm, bayad mo."

Deadma

"MALCOLM!"

"What!?" Inis ako nitong tiningnan. "Hindi kaba marunong maghintay?"

"Uuwi na kasi ako, gagawin ko pa yung electric fan k–ANO BA!?"

Bigla niya na lang akong hinapit sa beywang at inupo sa kandungan niya.

"Malcolm, ano ba!"

"Look, Wife." Hinarap niya sa akin ang cellphone niya. "Naningin ako ng electric fan sa Online Shop, Anong gusto mo sa mga iyan?"

"Patingin nga,"

Kinuha ko sa kaniya ang cellphone at ako ang nag scroll

"If you don't want Electric Fan, I can buy you aircon." Sabi nito sabay haplos sa buhok ko

"Electric fan na lang," Tugon ko. "Itong color blue,"

"Okay."

Kinuha nito sa akin ang cellphone at inorder ang electric fan.

"Tomorrow is the delivery." Sabi nito. "Dito kana lang matulog, para may electric fan ka din."

"Nako, style mo bulok," Umalis ako sa pagkakakandong sa kaniya. "Nilalandi mo ako Malcolm."

"Ang hirap mo naman kasing landiin." Natawa ito at tumayo. "Come on, hatid na kita sa apartment mo."

"Huwag na, diyan lang naman ako sa kabila."

Kinuha ko ang wallet niya sa ibabaw ng lamesa at kumuha ng sampung libo, winagayway ko iyon bago tumakbo palabas ng apartment niya.

Pumasok ako sa apartment ko at nag lock ng pinto.

Diba, konting kembot lang, may ten thousand na ako.

*

   KINABUKASAN ay maaga akong gumising, tumawag kasi si Mama at pinapasundo niya si Liam dahil may date daw sila ng gagong step father ko.

Wala namang problema yun dahil day off ko at isa pa hindi ko babantayan sa bahay namin, dadalhin ko dito si Liam at kukuhanin na lang mamaya nila Mama.

"Where are you going?" Mukha agad ni Malcolm ang nakita ko nang makalabas ako

"Uuwi." Sagot ko. "Kukuhanin ko yung Kapatid ko."

"I'll come with you,"

"Bahal ka, mag-ji-jeep lang ako."

Tumango lang ito bago ako sabayan sa paglalakad, naglakad kami hanggang sa kanto, kung saan may dumadaang jeep.

"Sitio Dos po, dalawa." Inabot ko ang bayad sa driver

Nasa dulo kami ni Malcolm, siya ang nasa tapat ng driver.

"Wala bang Aircon dito?" Reklamo ng kapatid ko

Napairap na lang ako, iba talaga kapag mayayaman.

Napatingin ako sa katabi kong matanda dahil dumidikit ang kamay nito sa hita ko. Kahit naka-leggings ako ay dama ko pa rin.

Umusog ako ng kaunti kay Malcolm pero dumidikit pa din ito.

"Let's change our sit." Malamig na sabi ni Malcolm

Tumayo ito kaya umusog ako palapit sa puwesto niya. Pagkaupo nito ay bigla na lang nitong sinakal ang matanda sa tabi ko.

"Malcolm!" Hinawakan ko ito sa braso

"Next time, I will fvcking break your fvcking neck!" Galit na sabi nito at pabalibag na binitawan ang matandang lalaki.

"Para po." Sabi ko sa driver kahit nasa Sitio Uno pa lang kami

Hinila ko pababa si Malcolm at sinamaan ng tingin.

"Sira ba ulo mo? Paano kung napatay mo yung matanda?" Sita ko dito

"Then I will be the happiest man in the world." Sagot nito

"Siraulo ka talag–"

"–What do you want me to do? Watching him to fvcking touch your legs huh?" Huminga ito ng malalim. "No men can touch you except from me!"

"Oo na, Salamat. Makasigaw ka naman."

"Magpapasundo tayo mamaya, hindi puwedeng mag-jeep ulit tayo, baka pasabugin ko lahat ng jeep dito."

"Para kang Angry Bird."

Inirapan ko siya at naunang naglakad.





A/N: MALCOLM NEHEMIA "TAMAD BIPOLAR" SULLIVAN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro