Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12


LORELEI


     "SIGURADO kaba talagang gusto nila ako?" Paninigurado ko kay Malcolm. "Yung pangit kong ito?"

"You're not ugly, tsk." Umirap ito sa akin. "Come on."

"Ihh, iba na lang ang ipakilala mo." Binawi ko ang kamay kong hawak niya. "Kunwari yun talaga ak–"

"–Why are you afraid to my family?" Seryosong tanong nito. "It is because of chismis?"

"Oo," napakamot ako sa batok ko. "Kasi sabi nila pumapatay kayo tapos kampon kayo ng Mafia, may sabi sabi din na masasama kayo at mapanlait sa kapuwa."

"Tell me who said that and I will fvcking cut their tongue." Sabi nito. "Isa lang ang totoo sa chismis, and that's, we're part of Mafia but we don't kill innocent."

"Tingnan mo, ede killer nga kayo," Bahagya akong lumayo dito. "Baka patayin mo ako."

"Damn!" Napahilamos ito sa mukha niya. "Lorelei kung papatayin kita, sa sarap lang, okay?"

"Tarantado!"

"Stop cursing." Hinawakan ako nito sa kamay. "They are waiting, don't be afraid, your handsome husband is with you."

"Hangin mo, tol."

Hinila na ako nito patungo sa loob ng library, napalunok na lang ako nang makapasok kami. Nakaupo ang buong Pamilya niya sa mahabang sofa, lahat sila ay nakaitim at may nakakatakot na awra

Actually, super familiar nung Mommy ni Malcolm, parang nakita ko na somewhere.

"Is that her?" Walang emosyong tanong ng Nanay ni Malcolm at tiningnan ako mula ulo hanggang paa

Nakaitim sila, mukhang handa na nila akong paglamayan

"Lorelei right?" Tanong naman ng Papa niya

"Y-Yes, Sir." Utal kong sagot. "L-Lorelei E-Estrella po."

"Stop shuttering," Bulong ni Malcolm kaya siniko ko siya sa tiyan. "Aww."

OA naman nito.

"Welcome to the Family!" Tili ng Mommy niya at tumayo. "Ang tagal kana naming gustong makilala, we're happy to meet you darling."

"Salamat po." Mabait naman pala

"You're so gorgeous iha." Inagaw ako nito kay Malcolm. "Anak ko talaga si Malcolm, ang galing niyang pumili ng maganda."

Maganda? Saan banda? Sa kuko?

"Lorelei!" Masayang lumambitin sa binti ko si Neia. "Miss agad kita."

"Miss din kita batang madaldal." Tugon ko dito

"Alam mo, ang tagal naming gustong makipag-bonding sa iyo ni Neia." Yumukod ito at binuhat si Neia. "Come on darling, let's shopping."

"Mom, I want quality time with my Wife!" Sabad ni Malcolm

"Maria, don't leave me here, I want quality time with you too." Pakikisali din ni Mr. Sullivan

Nakanguso ito. Cute

"Shut up, Nicol." Inirapan ni Ma'am Maria si Sir Nicol. "Araw araw na tayong magkasama, gumawa ka naman ng sarili mong buhay."

"Pero you're my buhay." Tugon dito ni Sir Nicol

"Manahimik!" Sabi ni Ma'am Maria. "I want quality time with Lorelei, kaya behave kayo diyan."

"Sama na lang kami, promise we won't bother you both." Sabi ni Sir Nicol. "Please Maria Mahal,"

"Fine." Inirapan ito ni Ma'am Maria. "Kayo ang magiging bodyguard namin, let's go."

Hinila ako nito palabas ng bahay habang kalong si Neia, sumakay kami ng Van. Nang makasakay si Malcolm at Sir Nicol ay agad ng umandar ang Van

"Alam mo ba Lorelei Darling, si Malcolm ay naglasing at sumigaw nang sumigaw sa loob ng bahay." Kwento ni Ma'am Maria. "Sigaw nang sigaw ng Lorelei, he's funny that time."

Natatawang napalingon ako kay Malcolm na nakasimangot

"Mom, you don't need to tell that to my Wife." Ungot ni Malcolm. "Ang daldal mo talaga."

"Shut up Malcolm," Masungit na sabi dito ni Ma'am Maria.

Kuwento lang ng kuwento si Ma'am Maria hanggang sa makarating kami ng mall

Syempre, yung mga tao nakatingin na naman sa amin. Iba talaga kapag sikat ang mga kasama.

"Apo, maglakad ka muna." Binaba ni Ma'am Maria si Neia. "Ang bigat mona."

"Ako na lang bubuhat sa–"

Pinutol ni Neia ang sasabihin ko. "–Ayaw, baka mabali buto mo."

Grabe naman itong bata na ito.

Dumiretso kami sa bilihan ng mga damit.

"Assist my daughter in law." Sabi ni Ma'am Maria sa dalawang staff. "Nicol and Malcolm, maupo lang kayo diyan at maghintay."

"Yeah, yeah."

"Daughter In Law kaba talaga ni Ma'am Maria?" Tanong ng isang babaeng staff habang binibigyan ako ng dress

"Sino yung asawa mo?" Tanong naman nung isa

"Si Malcolm." Tugon ko na ikinaawang ng bibig nila.

"Gurl, seryoso? Baka naman may inampon sila at yun yung asawa mo?" Tumawa sila pareho. "Hindi ako maniniwala."

"Oo nga, mahilig sa mga magaganda si Sir Colm, hindi ko naman sinasabing pangit ka ah? Losyang lang. Look girl, kung ako pa ay papatulan ni Sir Colm pero ikaw?" Tumawa ulit sila pareho. "Gosh, kung asawa ng katulong pwedeng pwede k–"

"–Wife." Bigla na lang sumulpot si Malcolm mula sa kung saan. "Takasan na natin sila Mommy, I want to spend more time with you."

Napatingin ako sa dalawang katulong, nanlalaki ang mga mata nila pareho kaya nginisihan ko sila.

"I know you want to spend more time with me Hubby." Paglalambing ko kay Malcolm. "But later na ah? Baka magalit sa atin sila Mommy. Don't worry hubby, mamaya lalambingin kita okay?"

"Sabi mo eh." Ngising ngising sabi nito

Tanginang lalaking ito

"Okay, I'll go to our Mom." Hinalikan ko siya sa pisngi na lalo niyang ikinangisi. "Behave okay?"

"Yes Wife." Sumeryoso ang mukha nito. "I will talk to these two ladies first."

"Okay Hubby, mwa."

Lumayas na ako doon, nang makalayo ako ay napapagpag ako sa katawan ko.

"Anong kalandian yun Lorelei?" Diring diring tanong ko sa sarili ko. "Kadiri, kinikilabutan ako. Makapagtago na lang mamaya."





A/N: KALANDIAN JPEG

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro