Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3

EMERY


     NANDITO kami sa isang French Restaurant, ang ganda ganda dito. First time kong makapasok sa ganito, bukod kasi sa wala akong pera, hindi nila ako pinapapasok kasi baka daw maumay yung mga customers nila.

"Mr. Ezar, let's order first before we discuss our meeting." Sabi ng ka-meeting ni Sir

Matandang panot ito at halatang mayaman, ang katabi niya ay isang babae na mas matanda sakin ng kaunti at mukang mataray.

Binigyan ako ng menu ni Sir. "Order what you want."

Binigyan niya din si Quen, binuklat ko ang menu at halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa presyo.

"Ginto ba yung sangkap nila?" Wala sa sariling tanong ko. "Napakamahal.."

"Tsk, anong gusto mo? Sa mga low class kami kumain?" Nagsalita yung babae kaya sigurado akong narinig niya ako. "We're not poor like you."

Napayuko na lang ako. "Sorry po.."

"Ako na oorder.." Inagaw sakin ni Sir ang menu at siya na ang umorder.

Ilang minuto lang ay dumating na ang mga pagkain, ang bango ng mga amoy at mukang masasarap.

"Eat.." Nilagyan ni Sir ng pagkain ang plato ko. "Eat until you're full."

"Thank you po.." Nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang kami ni Quen samantalang si Sir ay kausap yung matanda at yung babae naman ay apura titig ng malagkit kay Sir.

"Magkaano-ano sila?" Pabulong kong tanong kay Quen.

"Mag asawa." Sagot nito kaya muntik ko ng maibuga yung kinakain ko. "Actually, kabit 'yang babae."

Tiningnan ko yung babae na malagkit pa ring nakatingin kay Sir. "Weh? Ang ganda niya."

"Retokada, mas maganda ka diyan." Sabi nito. "Kumain kana lang, ang chismosa mo."

"Curi–"

"–WTF!?" Agad akong napalingon kay Sir.

Tumapon yung soup sa dibdib niya.

"Hala, sir!" Agad kong pinunasan yung damit niya. "Mainit ba?"

"I'm sorry Mr. Carter." Sabi nung babae at lumapit kay Sir. "Excuse me nga!"

Tinulak ako nito dahilan para tumumba ang kinauupuan ko at sumubsob ako sa sahig.

"Emery!" Nilapitan ako ni Quen at tinulungang makatayo. "Ayos ka lang?"

"Ah Oo." Tinago ko yung kamay kong may gasgas

"I will not accept the proposal." Malamig na sabi ni Sir at tinulak yung babae kaya nasubsob ito. "Let's go."

Naunang lumabas si Sir, sumunod naman si Quen, ako naman ay nag-sorry muna sa kanila bago sumunod.

"Wtf! Ms. Salvacion!?" Inis akong tiningnan ni Sir. "Why you said sorry to them!?"

"Kasalan–"

"SHUT UP AND STOP FVCKING SAYING SORRY!" Galit na sigaw nito na ikinaigtad ko. "Quen, go to company. Use taxi."

"Tara na Em–"

"–I SAID YOU ONLY!"

"O-Opo Sir." Tiningnan ako ni Quen. "Okay lang yan.."

Kami na lang dalawa ni Sir ang nasa parking, galit pa rin siya at hindi ko alam kung bakit.

"Give me your left hand." Naglahad ito ng kamay. "Give me your left hand!"

Agad ko namang ibinigay sa kanya yung kaliwang kamay ko. Nakita niya yung gasgas ko.

"Look what she did to you but instead being mad, you fvcking saying sorry to her!" Singhal nito sakin. "Next time don't say sorry to that kind of person, don't down yourself Ms. Salvacion. It's not always your fault."

"Opo.." Tumango pa ako.

"Look at me." Agad akong tumingin sa kanya. Hindi na siya galit pero walang emosyon ang muka niya. "I'm not mad at you okay? Sorry for shouting."

"Okay lang po Sir, naiintindihan ko po kung galit kayo." Ngumiti ako. "Nasira ko po yung meeting–"

"–I don't care about that meeting and I'm not mad because of that." Masungit na sabi nito. "Masyado mong binababa ang sarili mo at doon ako nagagalit."

"Huh?"

Umiling lang ito at pinagbuksan ako ng kotse. "Get in, we need to clean your wound."

"Wag na po S–" Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng isara niya yung kotse.

Umikot siya patungong driver seat at sumakay. May inabot itong box sa backseat at isa iyong medicine box.

Kinuha niya ulit ang kamay kong may gasgas at sinimulang gamutin. Nahiya ako kasi, ang kinis ng balat niya at ang puti, tapos sakin dry, puro peklat at maitim. Ang laki laki din ng kamay ko at ang taba.

"Your hand is so cute." Sabi nito at tumingin sakin saglit. "Chubby.."

Imbis na mainis or ma-insecure bigla akong napangiti pero pinigilan ko din ng tumingin ulit sakin si Sir.

Nang matapos niya akong gamutin ay nagsimula na siyang magmaneho, napakunot noo ako dahil hindi ito way papuntang company.

"Sir, saan po tayo pupunta?" Kinakabahang tanong ko. "H-Hindi mo naman po ako ipapa-salvage diba?"

"Silly.." Napatulala ako dito ng tumawa siya.

Ang gwapo ni Sir.

"We're going to my house." Dagdag nito

"Bakit po pupunta tayo sa bahay nyo!?" Hysterical kong tanong.

"Calm down, I will just change my suit that's all." Balik poker face si Sir.

Isang itim at mataas na gate ang bumungad samin, binuksan iyon ng mga nakaitim na lalaki. Napamangha ako ng makita ang malawak na garden na maraming tanim, may malaking fountain sa gitna.

Para akong nasa disney, yung tipong ako yung prinsesa–Prinsesang mataba.

"Wow.." Bulalas ko ng huminto ang kotse sa malaking bahay na kulay puti.

"Let's go inside." Walang emosyong sabi ni Sir at bumaba kaya bumaba din ako.

Sinalubong kami ng limang katulong na may dalang slippers. Hinubad ni Sir ang sapatos niya at sinuot ang isang tsinelas na binigay ng katulong.

"Ah.." Hindi ko alam ang gagawin.

"Akina po ang sandals nyo." Sabi ng isa.

Hinubad ko naman yun at agad inabot sa kanya, kinuha ko yung tsinelas at agad sinuot.

Kung ano ang ganda sa labas ng bahay, doble sa loob. Ang kinang ng mga sahig, halatang mamahalin din ang mga gamit.

"Prepare food for her." Utos ni Sir sa isang katulong. "Sit down Ms. Salvacion."

"Sige po."

Umupo ako sa isang couch na malambot, si Sir naman ay umakyat sa hagdan.

"Ms. Ano pong pagkain ang gusto nyo?" Tanong ng isang katulong.

Gusto kong tumanggi kaso hindi naman ako gaanong nakakain doon sa French Restaurant.

"Kahit ano na lang." Sagot ko. "Salamat!"

Yumuko ito at umalis, nilibot kona lang yung paningin ko sa buong bahay at huminto iyon sa isang malaking Picture Frame–Family Picture ata

Sa kaliwa ay isang matandang lalaki na seryoso ang muka, sa kanan naman ay isang matandang babae na nakangiti, tapos nasa gitna si Sir na seryoso lang ang muka, may katabi siyang isang lalaki–ito yung isa sa mga nasa office niya kanina. Tanging Mama lang nila yung nakangiti.

"Ang seryoso nila masyado.." bulong ko

Nang dumating yung meryenda ay magana akong kumain, cake at carbonara kasi hehe.

"After you ate, we're going back to office." Sabi ng kadadating lang na si Sir.

Iba na ang damit niya na mas lalong bagay sa kanya. Umupo ito sa kaharap kong couch at kumuha ng isang magazine tsaka nagbasa.

"Sir, gusto nyo?" Alok ko

"I'm full." Tipid nitong sagot kaya napatango na lang ako bago nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos ako ay napadighay ako ng malakas. "Sorry po hehe."

"Just leave it there, let's go." Tumayo ito at dire-diretsong lumabas.

"Thank you po sa pagkain!" Sabi ko sa mga katulong bago kay Sir.

Nakasakay na siya sa sasakyan kaya sumakay na din ako.

"How's the food?" Tanong nito habang nagmamaneho.

"Masarap po." Nakangiting sagot ko. "Salamat po Sir."

"Drop the 'Sir' and 'Po' kapag tayong dalawa lang." Walang emosyong sabi nito. "Call me Ezar."

"Ezar?"

"Beautiful." Tumaas ang sulok ng labi nito. "It sounds like an Angel.."







A/N: TINAMAAN SI PARENG EZAR

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro