Pahina 57
Pahina 57
DECLARATION
Hurricane’s Point of View
Hindi ko inalis ang mga mata sa nilalang na pinagmulan ng kaguluhan at kasamaan sa mundo ng mga mortal, ang ama ng lalaking mahal ko. Naramdaman ko ang paglikot ng espadang nasa baywang ko na tila kinikilala ang nasa harapan.
Umahon sa kinatatayuan at bumaba sa trono ang Panginoon ng Dark Realm. Marahang inalis ko ang kamay ni Simone sa baywang ko.
“No.” nag-aalalang tutol ni Simone. Seryosong tiningnan ko si Simone. Kahit kailan ayokong ipakita at gawin ito sa kanya, sa kanila.
“Don't defy me, that's an... order.” natigilan ang gwapong mukha ng lalaking mahal ko. Gusto kong damhin ang perpektong panga niya, haplusin ang mukha niya at pahinahunin.
“Cane.” Rinig kong tawag ni Lihtan.
Patawad...
Humakbang ako at sinalubong ang nakatakdang tadhana ko. Ang tadhana kong wakasan ang nilalang na nasa harapan ko.
Sinalubong ko ang itim na mga mata nito.
“Still not enough.” Tatlong salita, ang unang lumabas sa labi nito.
Ngumisi ito at...
“Kneel.”
!!!!
“Cane!!”
“You damn bastard!” pinwersa kong itaas ang kamay ko kay Simone.
“Walang lalapit.” Mariing pahayag ko at nanginginig ang mga tuhod na nilabanan ang makapangyarihan salita nito at unti unting tumayo.
“Again, kneel!”
Bago ako mapaluhod nang tuluyan ay tinungkod ko ang espada ko at nakayukong ngumisi. Tumingala ako at hindi itinago ang ngisi. Hindi ko maintindihan pero para bang may nagtutulak sa aking mas kalabanin ito, may kung anong nagigising sa katauhan ko.
Nakita ko na lang ang sarili kong diretsong nakatayo na para bang hindi ako ang nakikita ko sa sarili ko. Hinaplos ko ang leeg ko at pinatunog, bakit pakiramdam ko bago ang pakiramdam na ito?
Bumaba ang mga mata ko sa espadang nakabaon at hinugot.
“Destroy that place. Kill everyone.” Malamig at madilim na utos nito.
Napahalakhak ako, halakhak na di ko inakalang maririnig ko sa sarili ko.
“No need.” Kumpas ko sa kamay ko.
“My Lord! The place does not exist anymore! All the half demons are...gone.” Nakaluhod at nanginginig sa takot na balita ng alagad nito.
“And the mortals?” malamig na tanong nito.
“They are all in the safe zone.” nakayukong sagot ng nanginginig sa takot na alagad.
Bumaling sa akin ang madilim na mukha nito.
“You...what have you done?”
Walang emosyong tiningnan ko ito, dumagundong at kumalat ang mabigat na aura nito. Nagkagulo ang buong Realm.
“Lord Sebastian...” napabaling ako sa nagmamay-ari ng boses at kumunot ang noo ko.
Old Friend?
“Lord Gilbert, anong ibig sabihin nito?” malamig na sambit ni Lord Sebastian.
“Mahalagang panauhin ko ang binibini.” nakangiting sambit nito.
“Hahaha! Tama! Tama! Isa itong kasiyahan, bakit hindi muna natin isantabi ang mga personal na problema?” magiliw at nakangising sambit ni Regis.
“Lord Sebastian...” seryosong tawag rin ni Lord Archangel at saglit na sinulyapan ako.
“Brother, you've got a very interesting woman.”
Brother?
“Are you Lucifer?” tanong ko at pinag-aralan ang mukha nito.
“You knew me?! Great!”
Lumapit ito sa akin at bago pa nito mahawakan ang kamay ko ay may mabilis na kamay ang pumigil sa pulso nito, si Taki na singtingkad ng dugo ang mata at matalas na nakatingin dito.
Yumanig ang mga kinatatayuan namin. Nang lingunin ko ang pinagmulan ay nakita ko ang pagyanig at pagguho ng bawat hakbang ni Tenere na nakayuko at kuyom ang kamao.
Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na rin sina Lihtan at Simone.
“The day after tomorrow...” ang huling salitang iniwan nito bago maglaho sa harapan namin kasama ng nakangising si Lucifer.
Seryosong tiningnan ako ni Lord Archangel.
“Tell me your identity, lady.” seryosong sambit nito.
Tumikhim si Lord Gilbert.
“Hurricane, daughter of Eros Thurston.” natigilan ang mga ito at umawang ang mga labi.
“His daughter...” manghang litanya ni Lord Archangel.
“You knew my Father?” di ko maiwasang magulat.
“Yes, the man who surpassed the strength of the Immortal God of War, Lord Gilbert.” nakangiting sambit ni Lord Archangel at nilingon si Lord Gilbert.
Huminga ako nang malalim. Kung ganoon, matagal na silang magkakilala ng aking ama noong mga panahong akala ko, isa lang itong nagtutulak ng kariton para ipang-hanapbuhay? Noong mga panahong nagtitinda ito ng balot? Tokneneng? Kikiam? Fishball? Hotdogs? Sa mundo namin?
“What do you mean? Isang tao ang ama ko, wala siyang kapangyarihan?” naguguluhang tanong ko, ngumiti si Lord Gilbert at Lord Archangel.
“Oh! I remember, I heard a long time ago there is this man who made an uproar in the whole realm. His murderous killing intent made the Immortal Gods sense it!” -Lord Regis
Dugdugdug.
Nagawa iyon ni Dad? Napalunok ako. I knew my father is a very dangerous and scary when he's angry, maging ang bagsik nito ay ramdam sa mundo ng mga immortal.
“Nakuha ng iyong ama ang atensyon ko. Tanda ko pa ang nakamaskarang mukha nito sa gitna ng malakas na ulan at hangin, sa mga paang kinatatayuan niya nagkalat ang maraming walang buhay. Hinamon ko ang iyong ama. Lakas laban sa lakas at nagawa ako nitong talunin.” pagbabalik-tanaw ni Lord Gilbert.
“We acknowledged him and made an offer.” seryosong sambit ni Lord Archangel.
Offer?
“To make him the God of Humans, a special title for a human who managed to surpassed the strength of an Immortal God. We will give him a tremendous power. Lord Sebastian is very interested in him but he politely declined our offer.” seryosong sambit ni Lord Archangel at tiningnan ako.
“Ngayon alam ko na kung paano ka nakapunta rito ng walang restriksyon.” tumatangong dagdag ni Lord Archangel.
“We gave your father a privilege to enter here, you're his bloodline.” nakangiting sambit ni Lord Archangel.
Pinakatitigan ni Lord Archangel ang mga mata ko.
“But why do I smell a little amount of dark immortal blood on you, daughter of Eros?” salubong ang kilay na sambit ni Lord Archangel.
“My mother is Eve Henderson.” Seryosong sambit ko na muli nitong kinagulat.
Humalakhak si Lord Gilbert.
“That's also my reaction, Archangel! Who would have thought, right? Right? Hahahaha!”
Napabuntong hininga ako at napahawak sa ulo ko. Pinroseso ko ang mga nalaman ko.
“I want to meet your parents, Lady Cane!” -Lord Regis
Bago pa makalapit si Regis ay humarang si Simone at sinamaan ng tingin ito.
“Get lost!”
“Ayos ka lang, Cane?” seryosong tanong ni Lihtan at lumapit sa tainga ko “...Cane, nakakapagod maging seryoso pwede na ba kaming tumigil?” bulong ni Lihtan, napasapo ako sa noo ko dahil nawala sa isip ko at nalimutan na masunurin ang mga ito.
“Okay, pwede na kayong bumalik sa dati.”
“Salamat Cane!” nakangiting sambit ni Lihtan
“Waaaaah! Aking binibini! Ang galing ni Ama!”
Nakangiting tumango ako. Tama, nakakahanga sila.
“Cane, totoo bang ligtas na sila?” tanong ni Tenere.
“Inaasahan ko nang magagawa nila iyon dahil sa oras na mag-desisyon sila, walang makakapigil sa kanila.” Lalo na dahil sa pinagsamang pwersa nina Thunder, Storm at Rain, walang imposible sa pagbura ng isang bansa.
Inangat ko ang tingin sa dating kaibigan.
“Hmm...” tiningnan ko ang nakangiting mukha ni Lord Gilbert.
“Maglaban tayo.” Seryosong sambit ko na kinagulat niya
“L-Little Friend, alam kong naguguluha-”
Seryosong tinutok ko ang espada ko sa leeg niya, sa isang iglap ay tumutok rin ang maraming espada sa direksyon ko na galing sa mga alagad nito.
“Aaah, katulad ka rin ng iyong ina, matigas ang ulo.” buntong hininga ni Lord Gilbert.
“Gilbert, napakarami mong pinagkaabalahan sa nakikita ko.” Salubong ang kilay na litanya ni Lord Archangel dahil sa walang kaalaman sa aktibidad ni Lord Gilbert, kiming ngumiti si Lord Gilbert.
“Kung ganoon, nasa mundo ka ng mga mortal at wala sa seklusyon.” tango ni Lord Regis na parang may binabalak din. Napabuntong hininga muli ako at binaba ang espada at muling nagtanong.
“Naglaban kayo ni Mom?”
“Hah! Sa tingin mo ay palalagpasin ako ni Eros oras na masaktan ko ang ni dulo ng daliri ng asawa niya? Ayokong mapunta sa hindi magandang panig ni Eros.” umiilimg na paliwanag ni Lord Gilbert.
“Hindi mo pa rin sinukuan si Eros, Gilbert.” seryosong sambit ni Lord Archangel na kinabura ng ngiti ni Lord Gilbert.
“Totoo ang balita na may isang mortal na gusto mong pagmanahan ng iyong posisyon, Lord Gilbert?” di makapaniwalang sambit ni Lord Regis.
“Kaya ba nagkakilala tayo, sinadya mo bang magkrus ang landas natin, sinadya mo ba?” seryosong tanong ko.
Nang hindi ito sumagot ay muli kong tinutok ang espada ko.
“Maglaban tayo.”
“Calm down, Cane.” pagpapahinahon ni Simone sa akin at sinamaan ng tingin si Lord Gilbert.
“Just do what my Young Goddess say!”
“H-Hey, young man, hindi ka ba nag-aalalang masaktan ang binibini?”
“Ayokong nagagalit siya, ikaw ang tamang pagbuntungan niya.” puno ng kaseryosohan na sambit ni Simone.
Oh, Simone, Simone...
Hinugot ko ang espada ko at bago pa tuluyang tumama sa tapat ng puso ni Lord Gilbert ay mabilis itong umiwas.
Nanlaki ang mga mata nito.
Sa huli ay lumaban ng atake.
Tanging kalansing ng espada lamang ang naririnig sa paligid. Bumalik sa isip ko ang iniwang salita kanina para sa akin.
“Still not enough.”
Nandilim ang isip ko at parang sirang plakang paulit-ulit kong naririnig iyon. Hindi ko matatanggap ang salitang iyon!
Natauhan ako dahil sa isang sigaw.
“Cane!”
Nakita ko ang gulat na mukha ni Lord Gilbert na awang ang labi at nakabagsak habang nakatutok ang talim ng espada ko sa leeg nito.
Nang tingnan ko ang mga nasa paligid ay magkakatulad ang mga ekspresyon ng lahat. Agad kong binawi ang espada ko at umatras.
“Thanks.” tinalikuran ko ito nang maramdaman ko ang pagsugod nito sa likuran ko, at muling nagsalubong ang mga espadang hawak namin.
Seryoso kong tiningnan ang kislap ng mga mata nito.
“I admit you're strong, pero kulang pa rin kung gusto mong mapabagsak ang Panginoon ng Dark Realm...” ngisi nito.
Kulang?
Ginantihan ko ito ng ngisi.
“Sinong nagsabing nag-iisa ako?” bigla itong natigilan at namutla nang mapatingin sa likuran ko.
“...”
Mahina akong natawa at nanatili ang ngisi.
“Ano sa tingin mo ang mangyayari sa oras na ikumpas ko ang kamay ko?”
Nabura ang ngisi ni Lord Gilbert.
“Hindi patas ang naiisip mo.”
Lumawak ang ngisi ko.
“Sa tingin mo ba may salitang patas sa oras na kaharap ko ang demonyo? Pero wag kang mag-alala, nasa tamang isip pa ako. Pero hayaan mong ilabas ko ang inis ko sa’yo...”
“L-Little Friend...”
“Matagal mo na akong kilala. Sinadya mong magkrus ang landas natin at bigla kang nawala ng walang pasabi. Pinahanap kita sa lahat ng junkshop sa Pilipinas!” nakasimangot na sigaw ko nang maalala ang pagkabigo ko at ang buong akala ko ay wala na ito.
“Pinagtirik pa kita ng kandila! Nandito ka pala?! Buhay ka! Malakas ka pa sa kalabaw!”
Napangiwi ito.
“K-Kalabaw?! Grabe ka manghambing!”
“Manahimik ka! H'wag mong maliitin ang kalabaw! Masarap ang karne ng kalabaw!!”
Napalunok ito at sumusukong binaba ang espada.
“Wala akong magawa nang malaman ni Eros at nag-alala ito para sa’yo.”
Ibinaba ko ang espada ko nang marinig iyon.
“At alam kong darating ang araw na dadalhin ka ng tadhana mo ngayon dito. Alam ni Eros iyon, at binigay niya sa mga kamay mo ang desisyong igagalang ng iyong ama.”
Nakita kong tinanggal nito ang telang nakabalot sa leeg nito at may bakas na kamay.
“Galit na galit ang iyong ama nang malaman ang propesiya tungkol sa iyo. Kahit alam kong hindi ko ikamamatay ang sakal na ito ay pakiramdam ko, kaharap ko ang kamatayan ko noong panahon na ‘yon. Hanggang sa magulat ako nang sa kabila ng galit nito ay tinanong nito kung anong magagawa niya para sa iyo. Labis akong humahanga sa iyong Ama..”
“Alam niya ang magiging laban mo, ang malawakang delubyo at digmaan.”
Kaya pala nang araw na ‘yon napansin ko ang pagbabago ng organisasyon na para bang may pinaghahandaang digmaan. Dumami ang bilang ng mga tauhan namin at pinagsanib ang mga Mafia Bosses sa iba't ibang bansa. Lumawak ang pagkuha sa mga may potensyal makipaglaban at nagkaroon ng Unibersidad para sa mga gustong mapabilang sa organisasyon. Mas lumawak pa nang tumulong sina Thunder, Storm, Rain at Mom.
Lalo pa nang may mga pagkakataong personal akong ini-ensayo ni Dad hanggang sa maubusan ako ng lakas. Pagkatapos ng mahabang pagsasanay ay bubuhatin ako nito at hahalikan sa noo at ihihiga sa kwarto at bubulong kung gaano ako nito kamahal.
Di ko namalayan ang pagbagsak ng luha ko dahil sa mga ginawa ng pamilya ko para sa akin.
“Dad...” napayuko ako.
“When you were a child, I was always worried. You don't like asking for help. You always do things on your own and sometimes, I'm wondering what's going on your mind. You are really like your mother.” napangiti ako habang nakikinig
“Daughters cause so much worry.” buntong hininga nito at pinatong ang kamay sa ulo ko habang nananatiling nakatingin sa digmaang nagaganap.
“I'm always feeling sorry for you. Look how dangerous and ruthless the world we are living. I did not want this such life for my family.”
Dad...
“To protect you, he prepared everything. You are very precious to him.”
Nagtagumpay nga itong bumuo ng batalyong tauhan para sa digmaan.
Ngumiti ako.
“He's my father.” may pagmanalaking sambit ko at binalik sa gilid ko ang espada at inabot ang kamay kay Lord Gilbert.
“It's nice to see you again.”
--
Hinawakan ko ang kwintas na nasa leeg ko nang matigilan ako dahil sa bumalot na yakap mula sa likod ko.
“You know I will do everything for you, my love. If you want to rule, save or even kill the world I will make it. Just say the word, my Young Goddess.” seryosong sambit ni Simone at siniksik ang mukha sa leeg ko. Tumindig ang balahibo ko sa pagpapahag niya ng sinabi.
Ngumiti ako at tumingala sa magandang tanawin at binaba ang tingin sa kamay niyang nasa baywang ko. Nilapat ko ang kamay ko at nagdikit ang singsing naming dalawa.
Nang bigla siyang bumulong habang nakapatong ang noo sa balikat ko.
“I recently discovered something. Do you know what is the meaning of making a contract by our kind?”
Natigilan ako. Humigpit ang yakap niya sa akin.
“You know, I'm very damn in love with you, and I swear you're the only one for me so...” naramdaman ko ang pagbasa ng balikat ko.
Umikot ako at nakita ang mga mata niyang puno ng debosyon at pagmamahal.
“I'm giving myself to you by means. If you live, I live and if you...” nahihirapang sambit nito. Napahawak ako sa labi ko nang makita ang umaapoy na marka sa likod ng palad ko hanggang sa unti unting pumasok sa balat ko.
“I'm not going anywhere, so...” kinabig ko ang labi nito at malalim na hinalikan. Ginantihan niya ng mas malalim at ramdam ko ang pagka-domenante sa bawat halik na binibigay niya.
“Simone...”
Muli ako nitong hinalikan, halos hindi ko na mahabol ang paghinga ko dahil sa maikling segundong hihiwalay siya ay agad niya muling hahabulin at kakabigin ng malambing at marahas na halik.
Marahang dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang pagbabago ng mga mata niya na kasing dilim ng gabi. Nang makita ko ito ay nakaramdam ako ng kapayapaan.
“My Simone is becoming aggressive and rebellious.” nakangiting sambit ko at namamanghang nakatingin sa gwapong mukha nito at aliw na pinisil ang magkabilang pisngi nito.
“W-What are you doing?” nasiyahan ako dahil pagkautal nito at nang matapos ay tiningnan ko ang sining na iniwan ko sa leeg niya, at mas lalo akong nasiyahan dahil sa pamumula ng mukha niya.
“Hehehe, you're so cute. Don't be shy. You're dealing with a ‘Thurston’ anyway.” mahinang halakhak ko at hinalikan ang noo niya.
“I'm the man here.” bulong niya na hindi ko narinig.
“Anong sinabi mo?” kuryosong tanong ko, at hinapit ang baywang niya. Mas lalo siyang namula.
“I said I love you...so much.” iling niya habang nakangiti. Na-miss ko ang ngiti niya na suntok sa buwan lang nakikita at para sa akin niya lang binibigay.
“Aww! Pinapakilig mo ako, Simone!”
Ngumiti siya nang matamis at biglang nagseryoso. Nilipat ko ang kamay ko sa leeg niya at ang mga kamay niyang nanatili sa baywang ko.
“You're looking for that sword, right?” seryosong tanong niya.
Ang espadang maaaring kumitil kina Lihtan, Tenere at Taki. Sumeryoso ako.
“...”
“I saw it and it's very dangerous, that sword is full of hatred, rage and sorrow of the souls.”
“Those souls are thirsty for revenge.”
“Revenge?” seryosong tumango si Simone.
“They want to kill every descendant Lords of the Monstrous Realm.”
Tiningnan ko si Simone. Hindi ko alam kung anong nangyari noong wala siya at kung paano niya nalaman. Kailangan kong makita sina Lord Gilbert at Lord Regis na nangakong makikipag-alyansa. At si Lord Archangel, ay hiniling na hindi sumali sa nalalapit na digmaan sa Immortal Realm.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro