Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pahina 55

Pahina 55
The Monstrous Lords

Hurricane's Point of View

Mula sa pagtanaw sa magandang mga tanawin sa bintana ay napalingon ako nang bumukas ang pinto ng silid ko at niluwa noon ang mga nakasimangot na mukha ng tatlo. Lihim akong nangiti na hindi nakaligtas sa mata ni Taki.

"Uwaah! Aking binibini."

"Kamusta?" tanong ko at pinag-krus ang mga braso ko ko.

"Tama ka, Cane. Kanina noong nasa pag-pupulong kami, hindi magkakasundo ang mga Elders at ang lahat ng mga uri namin." buntong hininga ni Tenere.

"Cane, ginawa ko yung sinabi mo. Naka-seryoso lang ako roon na nakikinig tapos tahimik lang ako, Cane." Nakangiting kwento ni Lihtan.

"Magaling, Lihtan. Hehehe!" ginulo ko ang buhok nito na mas lalong kinangiti niya.

Binalingan ko si Tenere na parang may malalim na iniisip.

"Ano sa palagay mo, Tenere?" gulat na napatingin siya sa akin.

"Ha?"

Tiningnan ko silang tatlo.

"Wala akong karapatan manghimasok sa problema rito dahil hindi ako nagmula dito pero..." ngumiti ako sa kanila.

"Siguro hindi naman masama kung gampanan at solusyonan niyo muna ang mga nangyayari rito. Alam kong ang pinunta natin dito ay ang makita si Simone, pero sana hindi niyo talikuran ang mga kauri niyo."

"Cane..." usal ni Lihtan

"Maipapangako niyo bang aayusin niyo ang problema ng nasasakupan niyo?" nakangiting tanong ko.

"P-Pangako! Aking binibini!" mabilis na sagot ni Taki. Pinisil ko ang matangos na ilong nito.

"Kung ganoon, inaasahan ko kayo. Hehe."

"P-Pero Cane, kailangan ka naming. Hindi kami bihasa sa mga ganitong bagay." -Tenere

"Kung may maitutulong ako sabihin niyo lang, hindi ko kayo tatalikuran." Napangiti sila sa sinabi ko at nilahad ang mga nalaman nila.

Nilagay ko sa baba ko ang kamay ko.

"Hmm..." tiningnan ko sila nang mabuti at pumalakpak.

"Cane?"

"Tuturuan ko kayo kung paano mamuno. Magsisimula tayo..."

Buong atensyong nakikinig sila sa mga sinasabi ko at tumatango. Kahit hindi nila aminin sa akin, alam kong masaya silang may mga natitira pang katulad nila.

Sinong mag-aakala? Na darating ang panahon na magiging isa silang mga pinuno? Ang bilis ng panahon.

Noon, mga pagala-gala lang kami.

"Cane, tingnan mo ang pirma ko." pakita ni Lihtan ng pirma niya.

"Magaling, Lihtan!"

"Cane, patingin ng pirma mo." -Tenere

"Waaah! Gusto ko rin makita, aking binibini!"

Nasa magkabila ko sina Lihtan at Tenere at nakatayo sa likod si Taki. Natatawang pumayag ako at kinuha ang manipis na brush at sinawsaw sa ink at sinulat sa malinis na papel ang pirma ko.

Manghang tiningnan nila ang pirma ko na para bang napakagandang bagay nito sa paningin nila.

"Cane, gawan mo ko ng pirma tapos gagayahin ko." nagniningning na sambit ni Lihtan. Napanguso ako dahil kahinaan ko talaga ang pagpapa-kyot ng mga ito.

"Masusunod po, matakaw kong Lihtan. Alam mong di ko kayo matitiis pag nagpa-kyot na kayo!"

"Waaaaah! Waaaah! Ako rin! Gusto rin ni Taki!" -Taki

"Gusto ko rin, Cane!" -Tenere

"Okay, okay. Igagawa ko kayo."

Napuno ang araw namin ng ngiti pero sa gitna ng saya ay di ko maiwasang mapatingin sa pinto. Kung nandito siya siguro ay nakasandal siya roon habang nakasimangot na nakatingin sa amin at sinasaway kami.

Tiningnan ko ang seryosong pagpipirma ni Lihtan, Tenere at Taki. Tumayo ako, sabay sabay na nag-angat sila ng tingin sa akin.

"Ituloy niyo lang 'yan. Ikukuha ko kayo ng maiinom."

Nakangiting tumango sila at pinagpatuloy ang ginagawa.

Napakamot ako sa kilay ko dahil wala akong makitang kahit anong maiinom sa hinilang cart ni Lihtan. Nagtataka na talaga ako kung paanong hindi tinatablan ng taba si Lihtan, nadadagdag ba sa abs niya 'yon? Simot na simot ang mga dala niya.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto, tinaklob ko ang ulo ko at tiningnan ang kahabaan ng hall.

Napaka-engrande ng palasyong ito.

May mga nakita akong nakaangat, mga babaeng kauri ni Tenere na nililinis ang bawat sulok.

Huminto ang mga nakakita sa akin at nagbigay galang.

"Ano pong maitutulong namin, kagalang-galang na bisita."

Eh?

"Ah! Gusto ko sanang ikuha ng maiinom ang mga kaibigan ko." magalang na sagot ko.

Lahat sila'y nakayuko at hindi nag-aangat ng tingin sa akin na parang takot na takot.

"Cane!" rinig kong tawag ni Tenere. Mabilis na pinuntahan nila ang kinatatayuan ko.

"Aking binibini!"

"Cane..."

Napabuntong hininga ako at tinanggal ang taklob ko at nakasimangot na tiningnan silang tatlo.

Nagulat sila sa ginawa ko at natigilan nang seryoso ko silang tingnan.

"Utusan niyo silang tingnan ako."

"Ngunit Cane-" tiningnan ko nang seryoso si Tenere.

Napabuntong hininga ako at binalik ang taklob ko at umalis.

"C-Cane..." natatarantang humarang si Lihtan sa akin.

"Hindi niyo ako maaaring itago nang matagal. Walang mangyayaring masama sa akin dito. Gusto ko lang makita ang mga kauri niyo at normal na makasalamuha sila. Hindi para katakutan. Gusto ko kasabay kayo at hindi tinatago ako." Malungkot na paliwanag ko.

Bigla akong niyakap ni Lihtan.

"Naiintindihan namin, Cane. Wag ka nang malungkot. Patawad, Cane."

"Aking binibini, wag ka nang malungkot. Di ka na namin itatago." tulak ni Taki kay Lihtan at pumalit na yakap sa akin.

Nakita kong napayuko si Tenere.

"Patawad Cane, di ko alam." Nag-angat ng tingin si Tenere at malungkot na ngumiti.

Nagiging makasarili ba ako? Naiintindihan kong gusto nila akong protektahan sa paraang alam nila pero ayokong maging dahilan ng distraksyon nila lalo na sa problema nila ngayon.

"Bukas Cane, ipapasyal kita sa palasyo ko." -Tenere

"Hindi! Sa palasyo ko kami pupunta ng aking binibini!" -Taki

"Maraming pagkain sa palasyo ko, Cane!" -Lihtan

Natawa ako sa pagtatalo nilang tatlo. Nakatulala naman ang mga nakatingin sa kanila. Binaba ko ang taklob ko. Parang nakakita ng multo ang mga Monstrous? At nakaawang ang mga bibig na nakatingin sa akin.

Matamis na ngumiti ako.

"Ako si Hurricane, kaibigan nila ako. Kinagagalak ko kayong makilala, ulit! Hehehe!"







Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. May flower crown sa ulo ko at nakakulot ang dulo ng pula kong buhok, simula ng makarating kami rito ay hindi na bumalik sa kulay tsokolate ang buhok ko. Nakasuot ako ng kulay asul na dress na hanggang tuhod. Kumikinang sa ganda ang mga palamuti nito, off-shoulder at sa likuran ay may puting ribbon.

Napatingin ako kay Dainty na suminghap.

Siya ang nag-aayos sa akin dahil aalis kami ngayon tulad ng pangako nila Lihtan na ipapasyal ako sa kanilang mga palasyo.

"P-Paumanhin! Napaka-ganda niyo po kasi! Di ko mapigilang matulala at humanga!" nahihiyang sambit nito.

"Kaya pala ayaw kayong ipakita ng aming mga Panginoon!"

"Kung makikita kayo ng mga taga-ibang Realm! Tiyak na matutulala ang mga iyon sa iyo!"

"Akala ko ang pinakamaganda sa buong mundo ng immortal ay si Goddess Mariah ngunit nang makita kita, binibini! Nagbago ang pananaw ko!"

Goddess Mariah?

"Napakaraming nanliligaw kay Goddess Mariah! Halos ang buong Realm ay gusto siyang mapang-asawa, ngunit balita ko'y may gusto ito sa batang Panginoon ng Dark Realm. Ano nga ulit ang ngalan niyon? Simone? Balita ko ay nakakatakot daw ito at-"

"Anong...sinabi mo?" walang emosyong tiningnan ko si Dainty sa harap ng salamin. Bigla itong namutla, huminga ako nang malalim at kinuyom ang kamao ko.

"M-May nasabi po ba akong hindi m-maganda? Patawad po!" bigla itong lumuhod.

"Ituloy mo ang kwento mo at tumayo ka."

Natatarantang tumango at tumayo ito.

"M-May gusto si Goddess Mariah sa batang Panginoon ng Dark Realm at balitang nagkakamabutihan..."

Bumaba ang mga mata ko sa singsing na suot ko.

Tumayo ako at hinawakan sa magkabilang braso si Dainty.

"Wag kang matakot, hindi ako galit. Nabigla lang ako."

"Kilala mo ba ang batang Panginoon, binibini?"

"Mahabang kwento. Sige ipaalam mo nang tapos mo na ako ayusan."

"S-Sige po."

Nang maiwan akong mag-isa ay tiningnan ko ulit ang suot kong singsing.

Napag-desisyunan ko nang lumabas at mabilis na yumukod ang tatlong Elder. Nang makilala at makita ako ng mga ito ay mas lalong tumindi ang espesyal na trato ng mga ito sa akin.

"Goddess Hurricane, naghihintay na po sila sa inyo." -Elder Herald.

Goddess?

"Don't. Wag niyo akong tawagin ng ganyan, hindi pa panahon. Hehe." Naguguluhang tiningnan nila ako.

I'm a Young Goddess of Thurston Organization. Wala ako sa lebel ng aking ina.

"Tawagin niyo nalang akong Cane." nagkatinginan ang tatlong Elders.

"Lady Cane?" nakangiti at magalang na suhestyon ni Elder Ru.

Hmm.

"Okay! Hehe!" pagpayag ko.

Habang naglalakad kami ay may binuksang impormasyon si Elder Fernan.

"Lady Cane, magkakaroon ng malawak na pagtitipon bukas para sa pagdiriwang ng pagbabalik ng aming mga Panginoon. Kumalat na sa buong Realm ang pagbabalik ng aming mga Panginoon."

"Oh..." tango ko sa nalaman, siguradong matutuwa na naman si Lihtan nito.

"Ang Light Realm, Glory Realm, at Phantom Realm ay dadalo maging ang Dark Realm." napahinto ako sa narinig ko.

Nilingon ko ang tatlong Elders.

"Dark Realm?"

Seryosong tumango ang tatlong Elders.

"Nangangamba kami sa mangyayari, Lady Cane." napangisi ako na kinagulat ng mga ito. Mabilis na binura ko ang ngising naglalaro sa labi ko.

"Ituloy niyo lang ang paghahanda at presparasyon para sa pagdiriwang."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakitang kumakaway sina Taki at Lihtan sa direksyon ko.

"Ang ganda ng aking binibini!"

"Tayo na Cane!"

Nagulat ako nang umangat ako at mapaupo sa pegasus! Inangat ako ni Lihtan!

"WAAAAAH! AKO RIN! LIHTAN! LIHTAN!" -Taki

"May paa ka, Taki!" -Lihtan

"Pfft!" swabeng lumipad si Tenere at sumakay sa pegasus.

Sa huli ay pinagbigyan na ni Lihtan si Taki.

Mahaba-habang galaan ito.




Third Person's Point of View

Like a wildfire, mabilis na kumalat ang balita ng pagbabalik ng tatlong Monstrous Lords sa Realm.

"Hey, brother." nakangising tawag ni Lucifer ngunit hindi siya nito binigyang atensyon at pinagpatuloy ang paglagpas ng lakad.

"Tss, oh come on my devil brother!"

"Stop pestering me and do what you fucking promised!" bayolenteng hinila ni Simone ang kwelyo ng kapatid.

"You know the restriction that our Father did, right?" ngisi ni Lucifer.

"It's not like I don't want to help you to return on 'that' place."

"Damn! I'll give you two fucking days! Oras na hindi ako makawala rito, makikita niyo. Pababagsakin ko ang lugar na 'to." Nakaramdam ng kaba si Lucifer. Di niya inakalang ang mga demonyo ay nakakaramdam din pala ng takot. Napangisi si Lucifer dahil isa sa mga nalaman niyang ugali ng kapatid ay kapag sinabi nito ay tiyak na gagawin nito.

Tulad na lang ng pagsapak nito sa kanilang ama.

Wala talagang kinatatakutan kahit ang pinakademonyo sa kanila ang kanyang kapatid. Pakiramdam ni Lucifer, mula nang makilala niya si Simone ay hindi na siya mababagot at ang mga susunod na araw ay laging interesante.

"Kailangan nating dumalo bukas, may gaganaping selebrasyon. Nandirito na ang mga kaibigan mong halimaw."

Bumakas ang matinding gulat sa gwapong mukha ni Simone at nabitawan si Lucifer. Nakangising pinagpag ni Lucifer ang kwelyo.

"At siya nga pala, makakapunta ka lang doon kung isasama mo si Mariah ayon sa kagustuhan ng ating Ama."

Aalis na sana si Lucifer nang magulat ito nang magtanong si Simone ng mahinahon.

"Nandito ba siya?" nakayukong tanong ni Simone.

"Hindi ito lugar para sa mga dugong mortal, kapatid. Mamamatay ang sinumang sumubok." Naiwang nakayuko si Simone at gigil na sinuntok ang pader.

"Damn it."

"Simone, are you okay?" walang emosyong nilingon ni Simone ang kinatatayuan ni Goddess Mariah.

"Tss." napigil ang pagtalikod ni Simone nang may pumigil na hangin sa braso niya. Isa sa mga kapangyarihan ni Goddess Mariah ang pagkontrol sa hangin, isa sa mga kayang gawin ng mga nagmula sa Glory Realm.

"Why can't you appreciate me? Every man is dying to get my damn affection! But you...you're treating me like trash! I am Goddess Mariah! I am the most beautiful girl here!" hindi na nakayanan ni Goddess Mariah ang pagsabog ng inis dahil mula nang makilala niya ito ay ito ang kauna-unahang hindi tumitingin sa kanya ng may pag-hanga pero sa kabila noon ay nagustuhan niya ito dahil iba ito sa lahat ng lalaking nakilala niya.

"You're not my bride! You're not her! You are not! Just leave me alone! I don't want anyone! I don't want your affection! I want her! I'm fucking madly inlove with her! No one can change it! No. One!!" natigalgal ang babae. Kitang kita niya sa lalaki ang kasiguraduhan na walang makapagbabago noon. Kitang kita niya ang maraming emosyon sa mga mata ng lalaki. Hindi namalayan ni Goddess Mariah ang pagkabasa ng pisngi at nakita na lang ang sariling mag-isa.

"Sino siya para ipakita mo ang emosyon na 'yan?" puno ng katanungang usal ni Goddess Mariah.

Napapailing na sinundan ng tingin ni Lucifer si Goddess Mariah. Hindi niya maintindihan ang kapatid kung bakit hindi man lang tinatablan sa ganda ng babae. Nakangising nilapitan ni Lucifer si Goddess Mariah at inakbayan.

"Get off of me! You pervert!" nagmartsa paalis ang babae.

LIGHT REALM

Nakatanggap ng imbitasyon ang Light Realm. Laking gulat ng mga Elders ang biglang pagpapakita ng kanilang Panginoon.

Tatlumpong taon itong hindi nagpakita dahil nasa seklusyon at nagpapalakas. Bakas man ang katandaan ay mas lalong lumakas ang pinaparamdam nitong lakas sa paligid.

"Lord Gilbert!" pagbibigay pugay ng sampung Elders na nasa gitna ng diskusyon. Hindi sila makapaniwalang makikita ang kanilang Panginoon.

"Dadalo ako sa Monstrous Realm."

Nakita nila ang nakangiting mukha ng kanilang Panginoon.

"Hahahaha, ang paborito kong bata!" halakhak ng kanilang Panginoon. Iniwan nitong tulala ang lahat.

"Oh, Eros, dumating na ang araw." ngiti ni Lord Gilbert.


MONSTROUS REALM

Napahinto si Cane nang may makitang batang nadapa. Agad niyang nilapitan ang batang lalaki na parang may tinataguan.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa batang sasamaan sana siya ng tingin nang matulala ito.

"Lord Regis! Lord Regis!" nakita ni Cane na parang may hinahanap ang mga gwardya na sa tingin niya ay hindi mula sa Monstrous Realm.

"Cane!" agad siyang nilapitan ni Taki na nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"Ayoko na ng taguan! Iba na lang laruin nat-eh? Sino ka? Ba't ka nakayakap sa aking binibini?!"

"Ssshh! Wag kang maingay, Taki! Itago mo muna siya! Dali!" mabilis na sumunod naman si Taki kahit nagtataka.

"Mawalang galang po, mula kami sa Phantom Realm may hinahanap kaming-" natulala ang mga gwardya ng Phantom Realm nang humarap ang babaeng tinatanong nila.

Biglang may sumulpot sa harapan nila na galing sa itaas. Mabilis na humarang si Tenere.

"Anong kailangan niyo sa kanya?" seryosong tanong ni Tenere. Napaatras sa takot ang mga gwardya.

"Itatanong lang sana namin kung nakita n-niya si Lord Regis..." sagot ng isa sa mga gwardya.

Nilingon ni Tenere si Cane.

Inosenteng umiling si Cane. Napabuntong hininga si Tenere at binalik ang tingin sa mga gwardya.

"Anong kaguluhan ito? Sino kayo para gambalain ang aming Panginoon?" dumating ang mga Elders.

Nanlaki ang mga mata ng mga gwardya at namutla.

Mabilis na nagluhuran ang mga ito.

"PATAWAD!"

Kinumpas ni Tenere ang kamay.

"Makakaalis na kayo."

Nang maiwan silang dalawa ay siyang pagdating ni Lihtan.

"Cane!"

Nagpakita naman si Taki at binaba ang buhat na bata.

"Sino yang kasama mo, Taki?" -Lihtan.

"Ako si Regis. Anong pangalan mo magandang dyosa?" kinuha nito ang kamay ni Cane at hinalikan ang likod.

"Hoy! Wag mong hawakan si Cane!" nilayo ni Lihtan, Tenere at Taki si Cane na natawa sa ginawa ng batang si Regis.

"Ikaw ba ang hinahanap ng mga gwardya?" nakangiting tanong ni Cane.

"Naglalaro rin siya ng taguan, Cane?" bulong ni Lihtan.

"Oo, hahaha." Bulong na sagot ni Cane sa tenga ni Lihtan.

"Ngayon lang kita nakita rito, ba't nandito ka magandang dyosa?"

"Kasi dito lang siya sa amin! Hmmp! Bumalik ka sa pinanggalingan mo!" -Taki

"Saan mo naman napulot yan, Cane?" -Tenere

"Hoy! Pag di kayo tumigil patatahimikin ko kayo!"

"Sige nga!" Lihtan/Tenere/Taki

"Okay tama na, hahahaha! Anong ginagawa mo rito, Lord Regis?" nakangiting tanong ni Cane.

"May gaganaping selebrasyon bukas, kaya umuna ako rito para mag-imbestiga." paliwanag nito.

"Imbestiga?" -Cane

Biglang nagbago ang anyo ng batang kaharap nila at napalitan ng makisig na binata.

"Ako si Lord Regis, ang Panginoon ng Phantom Realm."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro