Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pahina 54

Pahina 54
Monstrous Realm

Binuksan ni Eros Thurston ang silid ng kanyang bunsong anak. Seryosong tiningnan nito ang kama ng anak at binasa ang iniwang sulat.

We'll be back.

Hurricane’s Point of View

Mahigpit na kumapit ako kay Calih dahil pakiramdam ko ay matatangay ako. Nakasakay kami ngayon kay Calih at patungo sa...buwan!

‘Kailangan niyong makarating sa buwan, naroon ang unang entrada.’ -Anue Knight

“Wag kang matakot, Cane.” Naramdaman ko ang pagyakap ni Lihtan sa akin. Ang matipunong braso niya ay nakapatong sa balikat ko.

“Aking binibini! Tingnan mo! Ang ganda ng mga bituin!” unti unti kong dinilat ang mga mata ko at namangha.

“Wooow!” nahugot ko ang hininga ko sa sobrang ganda at mangha.

“Ang ganda...” nilingon ko si Tenere na lumilipad at nakitang nakatingin pala sa akin. Nakangiting tumango ako dahil ang ganda talaga.

“Ang swerte mo talaga Simone.” hindi ko narinig ang sinabi ni Tenere pero sigurado akong meron. Nakita ko ang pagngisi ni Tenere bago umuna.

“Ayos lang ba si Tenere?” wala sa sariling tanong ko at tiningnan si Taki na nakatingin sa akin.

“Tama si Tenere.” narinig kong bulong ni Lihtan at humigpit nang kaunti ang yakap sa akin.

“Alam mo ba ang mangyayari sa oras na pakawalan ang isang bagay, ang iniingatan at lubos mong mahal, aking binibini?” nakangiting tanong ni Taki na kinakunot ng noo ko.

“Maraming may gustong makuha ‘yon, at sa oras na makawala ito, hindi na sila magpipigil. Pero...mukhang malabong mangyari pero malay mo, hehehe!”

“Wag mo na silang pansinin, Cane. Mabuti na lang inosente ka.” rinig kong bulong ulit ni Lihtan.

Ako? Inosente?

“Huh?”

“May mga bagay na hindi mo na kailangang alamin, Cane.” Mas lalo akong napamaang.

Ano bang sinasabi nila?

Wala akong maintindihan.

Bigla akong nasinag sa nakakasilaw na liwanag na galing sa buwan.

“Oh, tingnan mo nga naman ang panauhin ko ngayon.” sambit ng napakagandang babae. Kumikinang ang buong anyo nito. Puti ang buhok, asul ang mga mata. Para itong dyosa.

“S—Sino ka?” tanong ni Tenere na nasa unahan.

“Ako ang dyosa ng buwan o ang tinatawag na Goddess of Moon. Ako ang bantay at pumipili ng makakapasok sa entrada ng mundo ng immortal, kagalang-galang na halimaw.”

Ngumiti ang mapulang labi nito at lumipat ang tingin sa amin.

“Mukhang kumpleto na kayo. Maaari na kayong pumasok ngunit hindi kasama ang magandang babaeng kasama niyo.”

Tama si Anue Knight.

‘Hindi ka hahayaang makapasok dahil hindi para sa mga mortal ang mundo ng mga immortal. ’Yon ay kung makukumbinsi niyo ang bantay ng buwan.’

“Hindi maaari! Kasama namin siya!” -Tenere

“Ikinalulungkot ko-” magalang ngunit seryoso nitong sagot kay Tenere.

“May pag-aari akong kinuha sa akin na kailangan ko bawiin at nasa mundo niyo iyon.” sambit ko.

“....”

Tiningnan ako sa mga mata ng immortal na bantay.

“Hindi ko maintindihan, may pamilyar na pakiramdam akong nagmumula sa’yo, mortal.”

“Papapasukin niyo na ba ang aking binibini?” natataranta at makaawa ni Taki.

“Hindi ko alam kung sino ka o bakit mo kasama ang mga kagalang-galang na halimaw ngunit bibigyan kita ng permiso.”

Nawala ang dyosa ng buwan at parang hinigop kami ng buwan at sa isang iglap ay nasa mundo na kami ng mga immortal.

Pero bago ‘yon ay nag-iwan ito ng salita.

“Mas makabubuting itago mo ang iyong mukha, mortal.”

Tinaklob ni Tenere ang suot kong kapa, na magtatago sa mukha ko.

“Mukhang hanggang dito kailangan kang itago, Cane.” Seryosong sambit ni Tenere.

Naputol ang kaguluhan sa utak ko nang huminto si Calih at lumapag.

Inalalayan nila akong bumaba.

“MALIGAYANG PAGDATING!”

Humarang sa harapan ko sina Lihtan, Tenere at Taki.

“Sino kayo?” seryosong tanong ni Taki sa mga hindi mabilang na nakaluhod sa harapan namin!

‘Sila ay mula sa Monstrous Realm, binibini.’

(Paano nila nalaman na nandito kami?)

‘Dahil mararamdaman ng lahat ng mga Monstrous ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Malalaman ng buong Realm ang pagdating ng iyong mga halimaw.’

Higit higit ko na pala ang paghinga ko. Hindi ako makapaniwalang ganito makapangyarihan sina Lihtan, Tenere at Taki!

May mga nakalutang at nakaluhod na nagbibigay pugay sa kanilang tatlo. Hanggang sa dumami nang dumami ang mga nakaluhod.

Nahati sa gitna ang mga ito at may naglakad sa gitna na sa tingin ko ay ang mga nagsisilbing lider ng Realm. Lumuhod ang tatlong nasa tatlumpong gulang sa harapan nina Lihtan, Tenere at Taki.

“B-Ba’t kayo lumuluhod?” naguguluhang tanong nila Lihtan. Bigla na lang nagsikapit ang mga ginagalang nilang halimaw sa akin.

“Cane, ang weird nila!” bulong ni Lihtan.

“Alam kong kasamba-samba ang kagwapuhan ko pero di na nila kailangan gawin ito, Cane!” napangiwi ako sa sinabi ni Tenere.

“Aking binibini, ba’t ganyan sila? Naguguluhan si Taki!” sambit ni Taki.

Umugong ang bulungan na nagtataka kung sino akong kinakapitan ng mga ginagalang nilang halimaw.

“Mga kauri niyo sila, mababait sila.”

“T-Talaga? Oo nga ‘no?” -Tenere

“Kakampi natin sila, Cane?” -Lihtan

“MAGANDANG BUHAY! MAGKAKAKAMPI TAYO! ANG GALING!” -Taki

Kitang kita ko ang pagningning ng mga mata ng lahat at parang sobrang na-touch?

“Narinig mo ‘yon? Pinuri tayo ng ating mga Panginoon!”

“Pinuri tayo!”

“Mabuhay ang ating mga Panginoon!”

“MABUHAY!”

“Tama ka, Cane. Mabait sila.” Nakangiting tumango ako.

“Hayaan niyong magpakilala ako, aming mga kagalang-galang. Ako ang nagsisilbing Elder o isa sa mga nangangasiwa ng mga Monstrous! Ako si Fernan at ito nama’y sina Elder Herald at Elder Ru.”

“Kinagagalak namin kayong makilala, ako si Tenere.”

“Lihtan ang pangalan ko,”

“Ako ulit si Taki!”

Nakita kong nakatingin ang lahat sa akin.

“Hurricane.” mahinang pakilala ko at bahagyang yumuko.

Umatras ako nang kaunti nang biglang may sumubok na silipin ang mukha ko.

“Wag!” sabay sabay na sigaw nina Lihtan, Tenere at Taki. Namutla ang isa sa mga Elder na nagtangka.

“P-PATAWAD!”

“Lihtan, Tenere, Taki.” mahinahong saway ko dahil parang hihimatayin na sa takot ang Elder.

Parang hindi makapaniwala ang lahat nang umamo ang tatlo at...

“Waaaah! Patawad sa pagsigaw namin!” -Taki

“Hindi na mauulit.” -Lihtan

Sinilip ko si Tenere na supladong nakahalukipkip. Di ko maiwasang maalala si Simone.

“Tenere?” tawag ko

“P-Paumanhin din, di na mauulit. Wag niyo lang ulit uulitin.”

“MASUSUNOD!”

Napangiti ako at pipisilin ko sana ang pisngi nito dahil sa pagsusungit nang maalala ko kung nasaan kami. Parang nalungkot naman ito nang ibaba ko ang kamay ko.

Sa mundong ito ay isa lang akong mortal at kailangan kong mag-ingat sa kilos ko.

“Ihahatid na namin kayo sa inyong bawat palasyo.” -Elder Ru, magalang sa sambit nito.

Bawat palasyo?

“Anong ibig mong sabihin? Magkakahiwalay kami?” maaasahan talaga ang pagiging palatanong ni Lihtan na nagpangiti sa akin.

“Tama po.” Sagot ng huli.

“Magkakasama kami.” Seryosong desisyon ni Tenere.

Nagkatinginan ang tatlong Elder. May kung ano akong nabasa sa mga reaksyon.

Sa huli ay dinala kami ng lahat sa napakatayog na palasyo.

“Maaari niyo na kaming iwan.” Sambit ni Tenere nang nasa loob na kami ng napakalawak na silid.

Nang makaalis na ang mga Elder ay binaba ko ang taklob ko at ngumuso.

“Wag nang makulit, Cane. Kailangan nating mag-ingat na hindi makita ang mukha mo.” Mas lalo akong ngumuso, bakit ba parating kailangan kong itago ang mukha ko?

“Tama si Tenere, aking binibini. Mahirap na.”

“Pero bakit? Di naman ako kilala rito.”

“Cane, makinig ka sa amin. Kukuha ako ng pagkain mo, dito ka lang.” Pinat ni Lihtan ang ulo ko at lumabas.

Bakit parang baliktad na ngayon?

Nakita ko na lang ang sarili kong napapailing na nakangiti.

Naglakad ako at inilibot ang tingin sa malawak na silid.

“Anong gagawin natin ngayon, Cane?” tanong ni Tenere at umupo sa magarang upuan na kulay silver at kumikinang.

“Kailangan muna nating pag-aralan ang mundong ito at napansin kong parang may tunggalian sa bawat uri niyo rito.” Marahang tumango ako at nilagay sa likod ang mga kamay ko at humarap sa kanilang dalawa ni Taki na nakatingin sa akin.

“Ang kailangan natin ay pwersa at koneksyon sa mundong ito.” Sabay na tumango sila.

Napabuntong hininga ako at umupo sa tapat nila.

“Wag kang mag-alala, aking binibini. Makikita natin si Simone.” Tipid na napangiti ako. Sa mundong ito, wala akong kakayahang gawin ang gusto ko, ang kagustuhang makita ka Simone...

“Kayo na ang bahala sa akin!” matamis na ngumiti ako.

Sabay na natigilan silang dalawa at nakangiting tumango.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Lihtan na may tulak-tulak na napakaraming pagkain.

“Kain na tayo Cane.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro