Pahina 51
Pahina 51
Real Monster, Part Two
Hurricane's Point of View
Tiningnan ko mula itaas pababa ang mga bagong panauhin at hininto ang mga mata sa babaeng tinawag ni Kuya Scientist na 'Lady Natalie'.
Sinulyapan ko ang limang nasa likuran nito na mariing nakatingin kina Lihtan at Taki.
"Magpakilala kayo, sino kayo? Anong ginagawa niyo sa aming teritoryo."
Gumala nang matagal ang mga mata ng babaeng nagngangalang Lady Natalie sa akin at sa espadang hawak ko at nagsalubong ang mga kilay.
"Dr. Marquis, sino sila?" lingon nito sa namumutlang scientist.
"Hurricane Thurston. Call me Hurricane." nakangiting sambit ko na mabilis na nagpalingon sa kanya patungo sa akin.
"Thurston...isa kang 'Thurston'." napangisi at aliw na tiningnan ito. Natatawa sa salitang binitiwan nito.
Kung ganoon, isa ang mga ito sa gustong kumuha kay Simone. Napaseryoso ako, mabuti na lamang wala na sina Simone at Tenere rito.
Sa ngayon, kailangang mawala sa aming landas ang mga ito.
"Mr. Marquis." baling ko kay kuyang scientist na gulat na lumingon sa akin, nginitian ko ito.
"Huh?"
"Work for us, under our organization. Ire-recruit kita. Mas maraming benefits sa amin."
"Huuuh?"
"Tama ka ng desisyon, di ka magsisisi. Ang requirements mo lang ay kung mabubuhay ka ngayon, hired ka na."
Lumuwa ang mga mata nito at bagsak ang panga na tiningnan ako.
Sunod kong binalingan ay ang mga nasa harapan namin.
"Paumanhin sa paghihintay ngunit kailangan ko na kayong tapusin dahil nakakaabala kayo sa pakay ko." magalang na sambit ko at yumukod.
"Damn insolent bitch." gigil na saad nito at sinugod ako gamit ang espada nitong itim na itim.
"Cane!/Aking binibini!"
Nakita kong nakatapat nina Lihtan at Taki ang dalawang kasama ng kaharap kong babaeng nagbabaga ang matang nakatingin sa akin samantalang ang iba'y nanonood lamang.
"Lihtan.. Taki.." tawag ko nang seryoso
"Tatapusin natin ito." malamig na sambit ko. Hindi ko nakita ang reaksyon nila o nakarinig ng kahit anong sagot. Diretso lang ang tingin ko ngunit di nakaligtas sa aking mga mata ang natitigilang mukha ng mga kaharap namin habang nakatingin sa likuran ko.
Winasiwas ko ang espadang hawak ko at nilandas ang daliri sa talim ng espada, naglandas ang dugo ko rito.
"Isa ka sa mga hangal na lumapastangan sa uri ng mga halimaw, walang kapatawaran." Napaatras ito nang malayo sa unang hampas ng espadang muntik na nitong hindi masalo.
"Lady Natalie!"
"Damn, this is interesting. Let's see." ngisi nito na ginantihan ko ng ngisi na ginaganahan.
Naging mabangis ang anyo nito at sinugod ako. Sinulyapan ko si Taki na nilabas ang espada niyang nababalot ng dugo, at si Lihtan gamit ang dalawang espadang nasisiguro kong galing kay Thunder.
Hindi ko pa nasusubukan ang buong kakayahan ng espadang hawak ko ngunit sisiguruhin kong hindi ko ito bibiguin.
"Hurricane Thurston." natigilan ako nang madinig ang pamilyar na tinig na kanina lamang ay kausap ko sa earpiece.
Nilingon ko ang nag mamay ari ng boses na 'yon, at natagpuan itong nakangising naglalakad patungo sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo ng nagngangalang Lady Natalie at nagbigay galang sa bagong dating.
"Sadyang napakamapaglaro ng mundo."
Walang emosyon ko itong pinagmasdan.
"Hindi kailanman sumagi sa isip ko na ikaw ang babaeng nasa propesiyang nakatakdang kumalaban sa aming Panginoon kasama ng iyong mga Halimaw at higit sa lahat, kasama mo ang nilalang na matagal na naming hinahanap."
"Sino ang iyong tinutukoy, Dr. Trojan?" naguguluhang tanong nung Lady Natalie.
Humigpit ang pagkakakapit ko sa aking espada at ramdam ko ang pagbabago ng mga mata ko na nakapagpatigil sa mga ito.
"Ikaw ay may dugong 'Henderson'. Ang iyong mga mata ay isa sa mga nagtataglay ng itim na mata." makahulugang sambit nito at humakbang palapit, sa isang iglap ay nasa harapan ko na si Taki at tinutok ang sandata rito.
Alam ko ang pinagmulan ng mga mata kong ito. Ayon sa aking ina, ang mga ninuno namin noon ay nakipag-kontrata sa mga demonyo upang mas katakutan at magkaroon ng mga pambihirang kakayahan. Ang sinumang biyayaan ng ganitong mga mata ay ang mamumuno sa Henderson Famiglia.
At higit sa lahat ang sinumang biniyayaan ng ganitong mga mata ay tanda ng pagkakaroon ng koneksyon sa nagbigay ng ganitong uri ng sumpa.
Kung hindi sana naging sakim ang mga ninuno namin. Napabuntong hininga ako at napailing, nakakatawang isipin na ang lalaking pinakamamahal ko ay mula sa demonyong nagbigay ng sumpa na ito.
"Nasaan ang pangalawang anak ng aming Panginoon?" madilim na tanong nito na kinangisi ko.
Damn, I can't give you up, Simone.
Mahal na mahal kita, ilalaban kita ng patayan. Wala akong pakialam sa kanila.
"Sino ang tinutukoy niya, Cane?" natigilan ako ng marinig ang tanong ni Lihtan.
"Gusto nilang kunin si Simone." narinig kong sagot ni Taki.
"A-Anong sabi mo? Totoo bang kukunin niyo sa amin si Simone?" -Lihtan
Walang sumagot kay Lihtan. Paglingon ko rito ay nakita ko ang masamang tingin na pinupukol nito sa nagngangalang Dr. Trojan.
"Sa atin lang si Simone, di ba Taki?" -Lihtan
Napalunok ako nang makita ang pagngisi ni Taki.
"Oo, Lihtan, sa atin lang si Simone." -Taki
"Kaya ba pinaalis mo si Simone, Cane? Dahil kukunin nila si Simone?" -Lihtan
Wala sa sariling tumango ako.
"H'wag kang mag-alala, Cane. Di nila makukuha si Simone!" determinadong sambit ni Lihtan na nagpaawang ng labi ko lalo na nang ngumiti ito sa akin.
"Wag kang matakot, Cane!" napakurap kurap ako at napanguso.
Pfft! Aaah! Takot? Ilang beses ko na ba itong naramdaman t'wing kasama sila? Napakamot ako sa kilay ko, parang sa isang iglap dahil sa ngiti at sinabi ni Lihtan ay nawala ang bigat ng nararamdaman ko.
Nakangiting nilingon ko si Lihtan at Taki.
"Salamat."
"Mamaya ka na dapat magpasalamat, Cane." kunot noong sambit ni Lihtan.
"Eh?"
"Dahil di pa kami nagsisimula." dagdag ni Lihtan na sinang-ayunan ni Taki.
"Tama si Lihtan, aking binibini!" -Taki
Bakit parang nakikita ko ang pinaghalong ugali nina Tenere at Simone kay Lihtan? Napaawang ang labi ko dahil ang cool nila nang sabihin 'yon.
Sumabog ang isang nakakairitang halakhak na nagmumula sa bagong dating. Ngunit ang sunod na nakapagulat sa akin ay ang pagyanig ng kinatatayuan ko na naging dahilan ng pagkahati ng kinatatayuan namin. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na malayo at magkakahiwalay na kami ni Lihtan at Taki.
"Cane!" sabay na sigaw nina Lihtan at Taki.
Nilingon ko sila at naramdaman ko ang talim na nasa leeg ko.
"CANE!!"
Nakita ko ang pagtalsik ni Lihtan dahil sa kamaong tumama sa sikmura nito. At si Taki na sapo ang brasong dumurugo.
"Nandirito ang kalaban niyo, mga hangal." sambit ng mga kaharap nina Lihtan at Taki.
How dare them? Nakita ko sa di kalayuan ang nasisiyahang mukha ni Dr. Trojan.
"Panoorin mo kung paano ko tapusin ang mga halimaw na nasa iyong pangangalaga, binibini. At ang pagkakaiba ng kakayahan namin higit sa inyo." sambit ng babaeng kaharap ko.
"Sino...ang tatapusin nino?" malamig na tanong ko at tiningnan ito nang mariin.
Walang tinging binato ko ang dalawang shuriken na nasa ulo ko sa dalawang umaatake kina Lihtan at Taki at saka hinampas ang ulo ko sa babaeng kaharap ko na kinatigalgal nilang lahat.
Damn.
Third Person's Point of View
Pinalagutok ng dalagang si Cane ang kanyang leeg at sa pagdilat muli ng mga mata ay sumalubong sa kanila ang nakakapangilabot nitong itim na mga mata.
"Die." bumaon ang espada nito sa puso ni Lady Natalie na hindi inaasahan ang mga nangyari. Unti unting bumagsak ang katawan nito hanggang sa mag-kulay itim na hindi na niya binigyang pansin. Ramdam ng lahat ang nag-aalab na galit ng binibining may pulang buhok.
Nanginginig sa takot na nanonod si Dr. Marquis sa dalaga.
Akmang lalapit sana sina Lihtan at Taki nang mabilis silang harangan ng dalawang kaharap nila na may katulad ng kakayahan na mayron sila.
Nawalan ng emosyong hinarap ni Taki ang nilalang na nakaharang sa kanyang harapan, ang hadlang na makapunta sa tabi ng kanyang binibini na may katulad niyang kakayahan.
Nakaramdam ng kilabot ang nilalang na si Draco sa tingin na binibigay ng kaharap ngunit pinanatili nito ang diretsong tingin.
Lumabas ang sandatang nababalot ng dugo sa mga kamay ni Taki at tinutok sa leeg ng kalaban at ngumisi.
"Hindi kita kauri ngunit may kakayahan kang tulad ng akin. Wala kang karapatang gamitin iyan." tila mula sa hukay na pahayag ng baritonong nagmumula kay Taki.
"Wala kang karapatang harangan ako." Sunod na pahayag pa nito at sa bilis nito'y muntik nang tumama sa leeg ni Draco ang espada nito kung hindi lamang nito maagap at mabilis na nasalo.
Walang makitang bakas ng naglalaban sa pagitan ni Taki at ni Draco, tanging anino lamang ang nakikita ng mga matang nanonood na seryosong nagmamasid. Hindi maiwasang mamangha ni Dr. Trojan dahil tunay na natatapatan ng halimaw si Draco at lalong sumisidhi ito sa kagustuhang makuha ang halimaw.
Nakita ni Dr. Trojan ang pagtayong muli ni Lady Natalie. Pinagmasdan ng docktor ang binibining kaharap ni Lady Natalie na nagmamay-ari ng itim na mga mata.Mula sa pagkakatago ay nasaksihan ni Dr. Marquis ang pagtayong muli ni Lady Natalie. Ngayong nasaksihan na niya ito ay nakumpirma nitong naging matagumpay si Dr. Trojan na labis na kinainis niya dahil nalamangan na naman siya nito.
Ngunit...
Nang balingan ng dalawang doktor ang binibining may pulang buhok ay tila hindi na ito nabigla sa nasaksihan.
"As expected." bulong sa sarili ni Cane.
Samantala...
Tinanggal ni Lihtan ang gloves na iniingatan niya na mula kay Cane at sa muling pagkakataon ay nakita niya ang mga kamay niyang hindi ordinaryo na dati niyang tinuturing na sumpa ngunit ngayon ay isa ng biyaya para sa kanya dahil mapo-protektahan niya si Cane gamit ang mga ito. Napangiti si Lihtan na nagpakunot sa noo ng nilalang na kaharap nito ngunit natigilan nang mag-angat ng tingin ang halimaw na kanyang kaharap, tila nasasabik na tapusin siya.
"Ayaw ni Cane sa'yo." sambit ni Lihtan.
"Ang ayaw ni Cane, ayaw ko rin." nakangiting pahayag ni Lihtan na nagbigay inis sa nilalang na si Xerces kaya nama'y sinugod niya ito ng kanyang kamao na sinalubong ni Lihtan ng kanyang kamao. Sa isang iglap, ang nakangiting maamong mukha ng kaharap ay nabalot ng malamig na ekspresyon.
"Tatapusin ko kayong lahat." pahayag ni Lihtan sa tainga ng kalaban na nagbigay kilabot dito dahil sa banta nitong naninigurong mangyayari iyon.
Dahil sa pagsasalubong ng lakas ay nagdulot ito ng pagyanig sa paligid at malakas na hampas ng hangin, ngunit sa kabilang banda'y hindi alintana ng dalawang naglalaban na anino na lamang ang nakikita.
"Humans are really the most terrifying creature just because of being afraid to die and being weak they want even more power."
"Life really is interesting, right, Anue Knight?"
Wala siyang natanggap na sagot.
"Anue, snobbers mo ah."
"Sinong kinakausap mo." walang emosyong sambit ni Lady Natalie.
Binalingan ni Cane ito at inabot ang espada rito.
"Kunin mo siya, kung magugustuhan ka niya." masayang sambit ni Cane.
"Natalie don't!" Pigil ni Dr. Trojan, ngunit huli na ang lahat.
"He likes you." may ngising sambit ni Hurricane.
"What the hell?!" pilit na tinatanggal ni Lady Natalie ang espada sa mga palad ngunit sa hindi malamang dahilan ay ayaw nitong maalis.
"You know, matagal ko nang gustong subukan ang mga talents niya. I'm quite impressed, now let's see what's going next? Is he going to devour you or destroy you?" nakangising sambit ni Hurricane Thurston.
"W-What do you mean?" Kinakabahan na tanong ng kaharap ko, diretso ang labi ng doktor na si Trojan sa hindi inaasahang senaryo.
"Akala ko noon ay napakabait niya." Buntong hininga pa ni Hurricane.
"Don't talk as if this thing is alive! You psycho bitch!" gigil na litanya ni Lady Natalie.
(Binibini, bakit hindi mo na lang tapusin ang iyong nasa harapan, ano ba ang gusto mong gawin ko?) Naiinip na kwestyon ni Anue Knight, dahil kung gugustuhin nito ay kanina pang tapos ito ngunit hindi magawa dahil sa walang binibigay na utos ang binibining nangangalaga sa kanya.
Napabuntong hininga si Hurricane Thurston. Ngayon niya lang nalaman na mainipin at sabik sa labanan ang kanina pang naghihimutok na si Anue Knight.
"Fine, you can do whatever you want, Anue Knight." naiiling na sambit sa kawalan ni Hurricane at nilagpasan ang nasa harapan. Nagulantang ang mga nakasaksi nang maging abo ang katawan ni Lady Natalie.
"Who's next?" nakangiting sambit nito.
"Simone!" habol ni Tenere rito at hinila ang kwelyo ni Simone.
"Fvck! Back off!!" nakatanggap ng malakas na sapak si Simone. Dahil doon ay bumalik ang dating kulay ng mga mata nito.
"What the hell, Tenere?!"
"Hindi makakatulong ang pagpapadalos-dalos mo! May dahilan kung bakit nandito tayo!" -Tenere
"Damn reasons! Babalik ako ro'n!" -Simone
"Kinu-kwestyon mo ba ang utos ni Cane, Simone?!" natigilan si Simone at sa isang iglap ay umamo. Nanatiling seryoso si Tenere na nakatingin kay Simone
Napalunok si Reyna Yuka na naabutan ang lahat, maging ang mga nasa MYSTERIUM ay kinakabahan sa mga nangyayari. Ngayon lang nila nakitang nagtalo ang dalawang ginoo na tila handa nang magwala.
"Fvck'n no! Hindi ko yon magagawa! G-Gusto ko lang..." nanghihinang sambit ni Simone.
"Kahit na kaibigan kita, di ko magugustuhan ang pagsuway mo, Simone. At kung magmamatigas ka pa rin, haharapin kita nang tapatan." mariing sambit ni Tenere.
Napabuntong hininga si Tenere sa nakikitang miserableng si Simone.
"Wala ka bang tiwala sa dalawang batang iyon? Wag mo silang maliitin." Nag-angat ng mukha si Simone at ang sinabi nito ang nakapagpatigil kay Tenere.
"Malaki ang tiwala ko sa inyo." sambit ni Simone.
"Hindi ko alam ang sinabi niya sa inyo, patawad. Hindi ako mananatili rito habang naroon ang babaeng mahal ko." tipid na ngiti ni Simone, at tinanggal ang kamay ni Tenere sa kanyang leeg.
"Simone..." seryosong sambit ni Tenere at bumuntong hininga at diretsong tiningnan ang mga mata ni Simone na walang makakapagbago sa desisyon.
"Ayokong suwayin si Cane." malamig na sambit ni Tenere.
Ngumisi si Tenere.
"Pero ayaw rin kitang pigilan, mahal! Ano ba yan! Ano bang gagawin ko sa inyo?!" napapakamot na usal ni Tenere.
"Bahala na! Tara na!" hinila ni Tenere ang kaibigan sa braso at tumalon.
"Panginoon..." walang emosyong pagbibigay galang ng kanyang panganay na anak.
Nanatiling walang emosyon ang tinawag na 'Panginoon' at nanatiling nakatingin sa senaryong nagaganap. Ang itim na usok na nagpapakita ng labanang nagaganap sa pagitan ng kanyang mga alagad at sa mga halimaw, at higit sa lahat ay ang binibining may pulang buhok.
Napangisi ang Panginoon ng Kadiliman.
Lahat ay alam niya, ang lahat. Mula sa umpisa hanggang mga nangyayari ngayon. Ang buong paglalakbay ng binibini na nakatakdang pumaslang sa kanya ayon sa propesiya maliban sa isang bagay.
Ang kanyang pangalawang anak, ang anak nila ni Henrietta Giovanni, isang taga-lupa at ang pinakamahusay at mailap na assassin sa buong mundo. Si Henrietta Giovanni, na hindi hawak ng kahit anong organisasyon, mabuti man o masama ang kalakaran. Nakilala niya ito sa mundo ng mga tao at inangkin. Nasisiyahan at paborito niya ito ngunit nang tangkain nitong itakas ang kanilang anak ay pinaslang niya ito. Hindi na niya muling nakita pa ang anak, ngunit nang maramdaman nito ang madilim na galit ng batang si Simone na hawak ng isang sindikato ay nagkaroon ito ng pagkakataong mahanap muli ang kanyang pangalawang anak na gusto niyang pumalit sa kanyang trono ay bigla itong nawala na parang bula.
Dahil sa Thurston Organization, dahil sa paghadlang ng organisasyong iyon ay naging mahirap ang paghahanap sa kanyang pangalawang anak na isang misteryo pa rin kung paano nagawa ng mga ito lalo na nang makaharap nito si Eros Thurston.
Isang ordinaryong tao lamang na kumakalaban sa kanya at tinatago ang kanyang anak.
At ngayon, ang anak nitong babae...
Ang nakatakdang pumaslang sa kanya.
"Napaka-interesanteng pamilya, nakakapanghinayang." walang emosyong sambit ng tinatawag na Panginoon.
"Salubungin mo ang iyong kapatid, Lucifer at dalhin sa kung saan siya nararapat." Agad na tumalina ang anak nitong si Lucifer.
"Masusunod! Panginoon."
Natigilan si Tenere nang may maramdamang paparating na delikadong pwersa na patungo sa kanila. Nakaramdam siya ng matinding kaba at panganib. Nagkamali ba siya ng desisyon?
"Thank you." narinig niyang seryosong sambit ni Simone. Alam na niya ang ibig sabihin ng lenggwahe dahil itinuro ito ni Cane sa kanila.
Napangisi na lang si Tenere.
"Kung hindi lang kita mahal." nakatanggap ng malutong na mura si Tenere.
Natigilan si Tenere nang...
"Sa wakas nagkita na tayo, kapatid." kinilabutan si Tenere nang may makitang lumilipad na nilalang sa kanilang harapan at may itim na pakpak. Dahil sa pagkabigla ay bumulusok sila sa lupa.
"Damn."
"P-Patawad, mahal! Kasi naman ginulat ako noon!"
Inis na binalingan ni Simone ang gumambala sa kanila, ni hindi na pinansin ang itim na pakpak nito sa sobrang pagkainis.
"You fvck'n creature! Get lost!!" namumula sa inis sa sigaw ni Simone.
Napahawak sa dibdib si Tenere sa sigaw ng kanyang mahal na kaibigan.
Nanatiling walang emosyon ang estranghero.
"Ako si Lucifer, ang iyong nakakatandang kapatid." walang emosyong pakilala nito na hindi maproseso ng utak ni Tenere. Nakita ni Tenere na natigilan si Simone.
"Narito ako upang dalhin ka sa ating Panginoon, ang ating Ama. Matagal na nitong hinihintay ang iyong pagbabalik." walang emosyong dagdag nito.
"What the fvck are you saying, you damn shit?" walang emosyong tanong ni Simone.
Napangiwi si Tenere, dahil nasisiguro niyang bawat salitang lalabas sa bibig ni Simone ay puro mura.
"Ngayong nagbalik ka na, sisiguruhin kong tatapusin kita at patutunayan na ako ang nararapat sa trono." mas lalong tumingkad ang itim nitong mga mata.
"I don't fvck'n know what you are saying, umalis ka sa harapan namin. Nakaharang ka." Ngumisi ang nagngangalang Lucifer.
"Patungo ka ba sa magandang binibining iyon?" tumigas ang anyo nina Simone at Tenere.
Hindi nagustuhan ni Simone ang paraan ng pagkakasabi nito at susugurin sana ito nang pigilan siya ni Tenere.
"Kung kapatid ka nga ni Simone, bumuga ka ng apoy!" seryosong sambit ni Tenere.
Nabalot ng katahimikan ang paligid.
Nakatanggap ng batok si Tenere.
"Aray naman, mahaaaaal!!!"
"Puro ka kalokohan."
Napanguso si Tenere habang sapo ang ulo.
"Kailangan mong sumama sa akin." seryosong sambit ni Lucifer.
"Hindi mo makukuha si Simone." walang bakas ng kahit anong paglalaro na tutol ni Tenere at seryosong nakipagtagisan sa harapan nilang si Lucifer.
"Hindi mo ako mapipigilan, halimaw." walang emosyong sambit ni Lucifer at sa isang iglap ay humangin nang malakas dala ng pagaspas ng itim at malaki nitong pakpak at sakal ang leeg ni Tenere. Gamit ang pambihirang lakas ng mga paa ay tumalsik si Lucifer sa sipa na iyon na hindi naging dahilan upang mag-iwan ng pinsala sa huli.
Hindi maiwasang manibago ni Simone dahil ngayon niya lamang nakita si Tenere na ganoon. Lalo na dahil sa seryoso at handa na siyang kalabanin kanina, malayo sa pagiging mapaglaro nito.
Kilala niya si Tenere na mapaglaro, ngunit walang tatalo sa isa pang baliw na kaibigan na si Taki. Napabuntong hininga si Simone nang maalala ang isip batang kaibigan, lalo na ang isang matakaw na kaibigang si Lihtan.
May mga panahon mang siram ulo ang mga halimaw niyang kaibigan ay sa maraming sitwasyon ay lubos niyang naaasahan ang mga ito na humihigit sa espektasyon niya lalo na kapag nag-seryoso na ang mga ito at ginagalit na kung minsan ay maging siya ay nakakaramdam ng kaba at kilabot.
Hindi naman siya natatakot sa mga ito dahil isa pa ring baliw ang mga ito sa paningin niya, sa isang babae lang siya takot.
"Simone! Waaaah! Tulungan mo ako, Mahaaaaaaaal!"
Nilabas ni Simone ang kanyang espada at pinalibot ang dugo sa buong talim, sumiklab ang apoy sa espada nito at sinugod si Lucifer na lihim na natigilan sa nakita.
"Die." ngisi ni Simone.
"Your wings are damn annoying." singhal ni Simone dahil sa kalamangan nito dahil sa pakpak nitong malayang nakakalipad, layo at atake.
Napangisi si Lucifer.
Napabahing nang sabay sina Lihtan at Taki.
"Maligo ka mamaya, Lihtan." nguso ni Taki, magkatalikuran ang dalawa at magkadikit ang likod.
"H'wag ako, Taki. Naligo ako nung isang araw. Ikaw, di ka naligo nung isang araw." sambit ni Lihtan kay Taki na nanlaki ang mga mata.
"Waaaaah! Paano mo nalaman yan, Lihtan?!" -Taki
Muli ay sabay inatake ng dalawa ang kanilang mga kalaban na walang kapagod-pagod na para bang habang tumatagal ay lalong lumalakas.
Samantala...
Nababalot ng dugo ang buong kasuotan ni Cane, at ang tanging natitira na lamang ay si Dr. Trojan na walang emosyong nakatingin sa papalapit na dalaga.
"Trojan Demetris." natigilan ang doktor nang marinig ang tinig ng kanyang Panginoon.
"Binibigyang basbas ko na gamitin mo ang iyong buong kapangyarihang pinagkaloob ko at tapusin ang binibining kalaban mo." napangisi ang doktor nang malademonyo.
Walang emosyong pinagmasdan ni Cane ang doktor.
"Masusunod, Panginoon."
Nagsalubong ang kilay ni Hurricane nang marinig ang binigkas ng doktor.
Nakita ni Hurricane ang pagbabago ng anyo ng doktor. Pumula ang mga mata, ang mga kamay ay lumaki at may kakaibang hasang at ang mga paa nitong domoble rin ang laki, hindi maiwasan ni Cane na maalala ang isang palabas sa pelikulang 'The Hulk'. Nakaramdam ng panghihinayang ang dalaga dahil dapat ay maging kulay berde sana ito ngunit hindi nangyari.
Hindi maintindihan ng doktor ang ekspresyon ng binibining kaharap na tila ba bigong nakatingin sa kanya.
Napabuntong hininga si Anue Knight sa mga kaweirduhang naiisip ng binibining pinaglilingkuran niya.
"Tatapusin na kita, at isusunod ko ang iyong mga halimaw!"
"E di wow!" bulong ni Cane ng nakasimangot dahil nanghihinayang kung bakit hindi ito kulay BERDE!
Ano ba talagang pinaglalaban ng ating bida?
Sabay na natigilan sina Lihtan at Taki nang makarinig ng pagsabog sa di kalayuang direksyon. Gamit ang matalas na pandinig ay natigilan si Taki nang marinig ang nanginginig na sigaw ni Tenere.
"Simone!!" hingal na napaluhod si Simone at kung hindi niya nailagan ang nagbabagang malaking apoy ay wala na siya.
Napakuyom ng kamao si Simone. Nag-aalalang tiningnan siya ni Tenere at galit na binalingan si Lucifer.
"Balak mo bang patayin siya?! Hindi ba't sabi mo kapatid mo siya?"
Taimtim na tiningnan sila ni Lucifer at nginisihan.
"Gustong gusto ko siyang paslangin, halimaw ngunit hindi pa ito ang tamang panahon." binalingan ni Lucifer si Simone.
Ang nakakakilabot na itim na mga mata ng dalawa ay nagsalubong.
"Sumama ka nang matiwasay kung gusto mong buhayin ko pa ang kasama mong halimaw." nagtagis ang panga ni Simone at sinulyapan si Tenere na hindi na rin maayos ang lagay.
Kung lalaban pa siya ay...
Naalala niya ang bilin ng babaeng mahal niya sa kanya na protektahan ang mga kaibigan nila at wag gagawa ng maling desisyon dahil sa kanya. Mariing ipinikit ni Simone ang mga mata, iyon ba ang gustong iparating ng babaeng mahal niya? Alam ng dalaga na darating sila sa ganitong sitwasyon.
Kapag sinuway niya ito at napahamak ang mga kaibigan sa isang maling desisyon ay naiimahe niya ang nasasaktan at malungkot na mukha nito na labis na ikadudurog niya.
Inaasahan ni Tenere na muling magmamatigas ito ngunit kabaliktaran ang nangyari.
"Sasama na ako." malamig na desisyon ni Simone.
"Simone! Nahihibang ka na na?! Anong-"
"Tama ka ng pasya, kapatid..
"Tss." sinamaan ni Simone ng tingin si Lucifer.
"Magsisisi ka." sambit ni Simone na nagpatigil kay Lucifer.
"Simone, di mo kailangang gawin ito!" tutol ni Tenere at humarang kay Simone.
Hindi umimik si Simone at mariing tiningnan si Tenere.
"May kailangan akong gawin."
"Simone!! Simone!!!"
Tumalsik si Taki na hindi makapaniwala sa narinig.
"Taki! Ayos ka lang?" alalang sigaw ni Lihtan na hindi makalapit dahil sa nagiging marahas na atake ng kalaban.
"Simone..." bulong ni Taki at mabilis na binalingan ang kanyang binibini na nakatulala habang kaharap ang kalaban na may sinasabi rito.
Nanlaki ang mga mata ni Taki nang makitang tila napako sa kinatatayuan si Cane at paparating sa pwesto nito ang kamao ng kalaban.
Wala pang isang kisap matang niyakap ni Taki si Cane nang mahigpit, napasuka ng dugo si Taki at nawalan ng malay.
Nabingi sa kinatatayuan ang dalaga, pigil ang paghinga nang maramdaman ang mainit na yakap, ang malakas na pwersang nagpatalsik sa kanya at sa taong nakayakap sa kanya. Rinig niya ang pagkabali ng buto nito.
"Cane! Taki!" hiyaw ni Lihtan nang makita ang nangyari.
"T-Taki...gising...gising...Taki, Taki!" nanginginig na sumamo ni Cane ngunit...hindi niya narinig ang masayang tinig ng kanyang kaibigang halimaw.
Dahil sa kapabayaan na naman niya...
Walang tigil na bumuhos ang luha ni Cane. Nawala siya sa konsentrasyon dahil sa pagsabog at nang sabihin ng doktor ang nagaganap sa nangyaring pagsabog ay hindi maproseso ng isip niya ito na nagtagumpay ang mga ito na makuha si Simone.
Natatakot man ay pinili ni Dr. Marquis na lapitan ang lumuluhang binibini.
"Buhay pa siya ngunit wala tayong mabilis na panlunas. Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Dr. Marquis nang hiwain ng dalaga ang sarili palad at tinapat sa bibig ng halimaw
Umaliwalas ang mukha ng halimaw, nawala ang bakas ng mga sugat at tila payapang natutulog.
Mariing tiningnan ni Cane ang doktor.
"Bantayan mo siya."
Maraming beses at sunod sunod na tumango si Dr. Marquis lalo na nang masalubong ang itim nitong mga mata.
Walang buhay na tiningnan ni Hurricane ang nilalang na may gawa noon sa kanyang kaibigan at sa kalaban nito na malapit na sa kinaroroonan niya.
Isa lang ang naglalaro sa isip nito. Ang paslangin nang walang awa ang mga may kagagawan nito sa kanyang kaibigan.
Pinulot nito ang espada at sa isang iglap ay tumarak ang espada sa puso ng kalaban ni Taki hanggang sa maging abo. Mula sa pagkakayuko ay bumaling ang itim na mga mata kay Dr. Trojan dahil sa presensyang pinaparamdam ng binibining kaharap.
Hindi pinansin ni Cane ang mga pinsalang natatanggap. Manhid ang pakiramdam at ang tanging nasa isip lang nito ay ang tapusin ang nasa harapan.
"Cane..." sambit ni Lihtan nang makita ang kondisyon nito.
Naalala ni Lihtan ang bilin ng mga kuya nito. Nawawalan ng kontrol ang kanilang nag-iisang babaeng kapatid kapag kinakain ng galit, kahit pa ikamatay nito ay hindi titigil.
Kailangan niya itong pigilan. Buong lakas na pinatalsik ni Lihtan ang kalaban at nagtungo sa tabi nito. Bago pa man makarating ang sipa ni Dr. Trojan ay mabilis na nabuhat ni Lihtan si Cane na nagpupumiglas ngunit hindi makawala dahil sa lakas ng bisig nito.
"Tama na, Cane." mahinahong sambit ni Lihtan.
Nanginig ang mga balikat ni Cane at nadurog ang puso ni Lihtan nang marinig iyon.
"Lihtan...anong..." unti unting nanlabo ang mga paningin nito nang maramdaman ang tumurok sa leeg
Bago tuluyang mawalan ng malay ay narinig niya ang pahayag ni Lihtan.
"Ako na ang bahala, Cane..."
Saglit na binalingan ni Lihtan ang kaibigang si Taki na hinihila sa isang lugar ni Dr. Marquis upang itago. Marahang nilapag ni Lihtan si Cane at sinandal sa malaking bato bago patakan ng halik ang noo nito.
Hinarap ni Lihtan ang mga kalabang nasa harapan at walang emosyong tiningnan.
Sa hindi malamang dahilan ay may tila kung anong pwersa ang ibig kumawala sa kanyang katawan. Sabay na sumugod kay Lihtan sina Dr. Trojan at ang naiwan niyang kalaban.
Napaahon ng bahagya ang Panginoon ng kadiliman habang nanonood sa mga nangyayari at mariing tiningnan ang halimaw na natitirang nakatayo.
Yumanig ang paligid, nandilim ang paningin ni Lihtan sa galit na tinitimpi at ngayong hindi na makikita ng mga kaibigan niya ang kanyang gagawin ay wala nang makakapigil sa kanya.
Hindi man niya alam ang likas ng kakayahan ay para bang alam iyon ng katawan niya wala man siyang ideya.
Itinaas niya ang mga kamay niya at lumutang ang kanyang kalaban.
"A-Anong-AAAAAAAH!!!"
Unti unting sinara ni Lihtan ang kanyang kamao at unti unting namilipit ang kalabang hirap huminga at sa isang iglap ay sumabog. Tumalsik ang masaganang dugo ngunit walang makapang kahit anong emosyon ang halimaw na si Lihtan. Walang buhay na ngumiti si Lihtan at sunod na binalingan si Dr. Trojan na natigalgal sa nasaksihan.
Kung si Taki ay may pambihirang bilis, siya nama'y hindi na kailangan pang lumapit o gumalaw dahil kusa itong lalapit sa isang kumpas lang ng kanyang kamay.
"Sinaktan mo si Cane. Di kita mapapatawad."
"Ack! Aaack!!" sakal niya ang malaking kalaban nang walang kahirap-hirap.
Unti-unting dinilat ni Taki ang mga mata. Nasaksihan niya. Hindi lang siya kundi si Tenere na kararating lamang na naestatwa sa kinatatayuan.
Nagkalat ang dugo sa paligid at sa gitna noon ay nakatayo si Lihtan. Marahang binuhat sa matipunong bisig ang dalagang pula ang buhok. Walang malay. Mula sa walang emosyong mga mata ay nagbago nang ibaba ang tingin sa buhat na dalaga, bumalik sa pagiging maamo ang mabagsik na halimaw.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro