Pahina 46
Pahina 46
Infected Bodies
Hurricane's Point of View
Nang sa wakas ay makalabas kami sa barrier nang maayos ay mabilis kaming sinugod ng mga 'infected bodies'.
Infected bodies, ang tawag sa mga dumadaming bilang ng mga tulad ni Haring Arturo. Parang isang nakakahawang sakit na sa oras na makagat ng mga ito ang alinmang parte ng katawan ng isang tao ay magiging tulad ng mga ito.
Naglalakad kami ngayon, at di tulad kanina na hindi mabilang ang mga sumugod sa amin.
Nangunguna ako sa paglakad dahil ako ang may hawak sa compass.
Napangiwi ako nang makita na masama pa rin ang tingin ni Simone sa compass na hawak ko.
Gusto niya kasi na siya ang humawak. Kaya lang hindi gumagana sa t'wing siya ang hahawak. Ganoon din kina Lihtan, Tenere at Taki. Tanging sa akin lang talaga nagliliwanag at nagtuturo ng direksyon ang compass. Kaya gustuhin man nilang sila ang manguna sa paglalakad ay hindi pwede, hehehe.
'Binibini...' narinig kong seryosong sambit ni Anue Knight.
(Hmm?)
'Nakita ko ang mga alaala mo, ang mga nakaraan mo.'
Napatigil ako sa paglalakad na kinataka nila. Nagpatuloy muli ako sa paglalakad at sinundan ang tinuturo ng compass.
'Ngunit kahit na nasa loob ako ng isip mo ay hindi ko pa rin alam ang iniisip mo ngayon.'
(....) nanatili akong tahimik na naglalakad habang ang atensyon ko ay nasa compass.
"Ayos ka lang, Cane?" nakangiting tumango ako kay Lihtan.
'Binibini, paumanhin sa aking panghihimasok.'
(Ayos lang, hindi talaga maiiwasan, hehehe. Ingat ka na lang sa mga masasaksihan mo.)
'A-Anong ibig mong sabihin, binibini?'
(Dahil baka hindi kayanin ng sikmura mo.) puno ng kaseryosohang babala ko na nakapagpatahimik dito.
"Pfft~!" pigil tawa ko nang ilang oras nang hindi dumadaldal si Anue Knight sa isip.
Nasobrahan ko yata sa pananakot, hehehe.
Pagtingin ko kay Simone ay nakasimangot na nakatingin sa akin.
"Bakit ka tumatawa, aking binibini?"
"Hehehe, natakot si Anue sa sinabi ko, ilang oras nang tahimik."
"Cane, sigurado ka na tinakot mo lang?" -Lihtan
"Medyo seryoso ako no'n, hehehe."
"Sabi ko na eh. Seryoso ka kapag nananakot." -Lihtan
"Ano ba sabi niya, Cane?" tanong ni Tenere, tulad nito ay mukhang interesado rin ang tatlo.
Natahimik ako saglit.
"Nakita niya ang mga nakaraan ko." medyo seryosong sambit ko at sinabayan ng ngiti.
"That damn guy." inis na sambit ni Simone.
"Ayos lang, natatakot lang ako para sa kanya dahil sa ginagawa niyang paghalungkat sa nakaraan ko."
"Anong...ikinatatakot mo, Cane?" -Tenere
"Baka bangungutin siya, hahahahaha hehehehe." napakamot ako sa kilay dahil hindi sila natawa.
Napanguso ako.
Napatingin ako kay Simone nang kunin niya isang kamay ko.
"Tss, takutin mo pag gingulo ka." seryosong sambit ni Simone. Tumango ako nang sunod sunod sa bilin niya
"Di ba siya magugutom sa isip mo, Cane?" -Lihtan
"Lihtan, hanggang ngayon pagkain pa rin nasa isip mo!" -Tenere
"May pagkain ka pa riyan, Lihtan. Pahingi! Pahingi si Taki!" -Taki
"Caneee tikman mo ito." nakangiting inabot ni Lihtan sa akin ang hawak niyang tobleron.
Binuksan ko at nakita kong inaabangan ni Lihtan na kainin ko. Hehehe.
Kumagat ako. Sarap talaga!
"Sabi ni Kuya Rain, paborito mo 'yan, Cane." sambit ni Lihtan.
Hmm. Hanggang saan kaya ang inabot ng kwentuhan nila? Hindi madaldal ang mga kapatid ko.
"Aah~ 'yan pala 'yung toblelon na paborito ng aking binibini. Sabi nga ni Kuya Thunder paborito mo 'yan, aking binibini." -Taki
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nagkukwentuhan. Mabagal na ngumunguya ako at napabuntong hininga.
"Anong mga sinabi nila?" curious na tanong ko.
"Marami, Cane!" -Lihtan
Napagpasyahan kong hindi na alamin. Tinawag ko si Anue Knight sa isip ko.
'B--Bini--b-ini..?'
(Pfft~! Itatanong ko lang kung ilang araw bago kami makarating sa sinasabi mong lugar na pinagmulan ng lahat.)
Narinig ko ang pagtikhim nito.
'Sa tingin ko ay kung walang hahadlang na kalaban sa inyo ay pitong araw naroon na kayo. Ngunit kung may hindi inaasahang mangyari ay maaaring abutin kayo ng buwan.'
(Kalaban? Sa tingin ko hindi ang mga infected bodies ang mga sinasabi mong kalaban.)
'Infected bodies?'
(Tama, iyon ang tawag namin sa mga sumusugod sa amin. Ginaya ko lang sila Thunder, hehehe, alam mo na? Worldwide na nagra-rampage yung mga tulad nila. Ang mga tao roon ay 'zombies' din ang tawag sa 'infected bodies'.)
'Ah! Hahahahahaha!'
(Hihihihi!)
'Binibini, bakit b-biglang dumilim dito?'
(Ah! Hahahahahaha! Talaga? Sinusubukan ko lang, pwede ko pala gawin lahat ng gusto ko habang nandyan ka sa isip ko, hehehe.)
'B-Bully huhuhuhu.'
Napangisi ako. Akala niya ba palalampasin ko ang pagpasok niya nang walang pasabi at pahintulot sa isip ko? Delikado para sa kanya 'yon.
Biglang napunta sa harapan ko si Taki na madilim ang mukha na sinalo ang espadang patungo sa akin.
"Ha. Tingnan mo ang nahuli natin, Samantha!" masayang sambit ng babaeng pumana sa direksyon ko.
"Tss. Be careful, Khasopea. Muntik nang matamaan ang magandang mukha ng binibini." sambit ng isa pang lalaking sumulpot.
"Tss! I don't care, Hendrix! Hey, masyado mong pinagtuunan ng pansin ang mukha mo! Nasusuka ako!" nakangising sambit nung Khasopea na tinatawag nila.
"Hindi ako interesado sa mukha ko." bagot na sagot ko rito na kinaasar nito.
"She's really a beauty, Varron."
"Yeah, she is Jeon."
"Alexandra, can we keep the beauty?"
Anim ang nakaharang sa aming harapan. Tatlong babae. Tatlong lalaki.
Napatingin ako sa hawak kong tobleron na isang kagatan na lang sayang kung itatapon, hehehe, kaya naman kinain ko na, hehehe.
"Tapos na kayo?" ngumunguyang tanong ko, baka kasi hindi pa sila tapos sa pag-uusap.
Ang sama naman namin kung bigla na lang kami susugod, diba? Hehehe.
"Tinatanong ko kayo kung tapos na kayo sa usap usap niyo, nakaharang kasi kayo sa daraanan namin." nakangiting sambit ko.
Naging seryoso ang mga mukha nila.
"I think I'm in love." -Varron
"I'm thinking of killing you." malamig na sambit ni Simone na nagtatagis ang panga.
"Whoaa, someone is jealous huh?" -Jeon
"Well, he has every right. He is mine, by the way." sambit ko.
Napanganga sila sa sinabi ko.
"Mas lalo ko siyang nagugustuhan, dude! Her voice is so lovely, my heart is beating so fast!" -Hendrix
Napakurap kurap ako. Eh?
Pagtingin ko kay Simone ay lalong dumilim ang mukha nito.
Napapaligiran siya ng black aura.
"Aking binibini." hila ni Taki sa akin palayo kay Simone.
"Huh? Anong ginagawa natin dito?" taka kong tanong dahil nasa gilid kami ng puno, sampung hakbang ang layo kay Simone.
"Ayaw ni mahal na makialam tayo, nakikita mo ba kung gaano siya nakakatakot ngayon?" -Tenere
"Huh?"
"Nakakatakot si Simone, Cane. Pakiramdam ko pag nangialam kami pati kami sasapakin niya." -Lihtan
"Huhuhuhu, ang sakit mangbatok ni Simone paano pa kaya yung sapak niya, aking binibini." -Taki
Napakamot ako sa kilay ko.
"How dare you...bastards." sambit ni Simone sa mga nasa harapan.
"Samantha, Khasopea, bring that girl to me." utos nung Alexandra habang nakatingin sa akin.
"Anong gagawin natin? Ayaw ni Cane na manakit tayo ng babae?" narinig kong bulungan nila Lihtan.
"Tama ka, paano 'yan?" -Tenere
"Waaah!" -Taki
Napapailing na tumayo ako mula sa pagkakatago.
"Ako na ang magvo-volunteer na lumapit sa'yo. Di mo na kailangan palapitin ang dalawang babae, hehehe." sambit ko.
"Diyan lang kayo." bilin ko sa kanila at naglakad patungo sa tatlong babae. Nilagpasan ko ang tatlong kaharap ni Simone.
Nang huminto ako sa kanilang harapan ay bigla akong napailag sa atake ng dalawang babae.
"You arrogant bitch!" -Khasopea
Nakakasama naman ng loob, ako na nga nag volunteer lumapit ako pa masama?
Hahay buhay!
Nanatiling nanonood yung tinatawag nilang Alexandra.
Sinilip ko si Simone at napangiwi dahil pinag-iinitan yung tatlo na hindi magawang makaatake.
Simone is known of having a sadistic side. Kaya naman kinatatakutan at ilag din sa kanya ang Underworld Society. He has a very bad temper.
Naaalala ko pa noon. Maraming Mafia Heir at Mafia Boss na nagtutungo sa akin at nagrereklamo tungkol kay Simone. Once they provoked him, he's uncontrollable. Those rebellious memories of my Simone.
"Nasa harapan mo kaming kalaban mo, kung saan saan ka tumitingin!!" -Samantha
Nadaplisan ako sa pisngi. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo ko.
"Oh, that pretty face of yours." -Khasopea
"That sword." walang emosyong sambit nung Alexandra habang nakatingin sa espadang umiilaw pala sa likuran ko.
"Gusto mo?" nakangiting tanong ko at nilabas sa saya ang espada. Inabot ko ito sa leader nila.
Hindi makapaniwalang tiningnan nila ako.
"Ipapahiram ko saglit sa inyo."
"What a crazy bitch. Are you insane?" -Samantha
"Insane agad? Ako na nga nagpapahiram! Grabe! Ano? Sapakan na lang?"
"What..the.." -Khasopea
"Joke lang, hahaha! Masyado kayong seryoso!"
Naglakad ako patungo sa leader nila at inabot ang espadang hawak ko.
"Leader!" -sigaw nila
"Handa ka na ba?" tanong ko.
"What?" -Alexandra
"Kunin mo na, baka magustuhan ka niya."
"What do you mean?" -Alexandra
"I don't know if he's friendly tho."
Bigla niyang kinuha ang hawak kong espada.
"What the?!"
Napangiwi ako nang maibagsak niya ang espada at pilit na hinuhugot sa lupa.
"Well? Mukhang ayaw niya sa'yo, hehehe. Bakit di niyo tulungan ang leader niyo?" baling ko sa dalawang babae.
"Samantha! Khasopea!"
Tinulungan nila ang leader nila na hilain ang espada.
"Go! Kaya niyo 'yan! Hahahahahaha! PAYTING!" cheer ko pa wohooo.
"PAYTING!" -Lihtan, Tenere, Taki na nasa malayo din. Hihihi.
"What's with this sword?! Damn! What the! My hands!!!" -Samantha
Nakita kong nalapnos ang mga kamay nila at biglang nagtalsikan. Lumipad patungo sa akin ang nagliliwanag na espada.
"Geez, he's not friendly. Guys, sorry, hehehehehehe." sambit ko at kinuha ang espada sa ere.
Nanlalaki ang nga mata nila. Para silang tarsier, huehuehue.
Pagtingin ko kay Simone ay bulagta na ang mga kalaban niya. Nakasimangot na naman siya habang nakatingin sa hawak kong espada.
Winasiwas ko ang espadang hawak ko at namangha. Ang swabe, at ang gaan! Ngayon ko lang ito susubukan. Tuwang tuwa kong binalingan ang mga sasampolan ko.
"Who the hell are you?" -Alexandra
"Yan din ang gusto kong itanong sa inyo. Hindi kayo mga infected humans. Sinong nagpadala sa inyo?"
"They are a bunch of stupid gang. Nakita ko ang tattoo nila." bagot na sambit ni Simone.
Gang?
"No way. Is she Hurricane Thurston?" -Khasopea
"Ang sabi isang bodyguard na lalaki lang ang kasama niya?" -Samantha
"Tss. So you're that damn Storm Thurston's little sister? We really underestimated you." -Alexandra
Si Storm ang may hawak sa Gangster World. Paanong napunta ang mga ito rito? They are getting really wild. Kung may gang na nandito para puntiryahin ako, hindi na malabong hindi lang sila ang nandito.
Hindi nila alam ang pinapasok nilang gulo. Parang pinain lang nila ang mga sarili nila sa sarili nilang kamatayan.
Gracious. Storm, ayokong makialam sa mga Gangster World matters mo. Huhuhu.
"Are you here to use her against the Gangster Lord? Damn...again, I won't let you escape!" bumalik na naman ang black aura ni Simone.
Napangiwi ako nang makita na humarang sa harapan ko si Simone. Ganyan talaga siya sa t'wing may nagtatangkang 'Gangs' sa akin.
Walang pinapalampas.
"Simone..." tawag ko rito.
Lumambot ang mukha niya nang lumingon sa akin.
Nginitian ko siya.
"Ayos lang. Ako na ang bahala."
"But-"
"Please, step back."
Tinitigan niya ako nang matagal at napapabuntong hiningang umatras.
"As you wish, my Young Goddess." bulong niya.
Hinarap ko ang mga nakaluhod na babae na hawak ang brasong sinugatan ng nakakapasong espada ni Simone.
"Serve this as a warning to you, sa susunod na magtagpo pa muli ang mga landas natin. Ako na mismo ang tatapos sa inyo, umalis na kayo sa lugar na ito." malamig na sambit ko sa mga ito at nilagpasan silang nanginginig sa takot.
"Tayo na..." aya ko sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad nang maramdaman kong sumunod na sila.
Napabuntong hininga ako. This is very complicated.
'Binibini, bakit binuhay mo sila?'
(....)
'May pagkakataon ka nang paslangin sila, paano kung balikan ka nila?'
(Hindi na nila 'yon gagawin, Anue Knight.)
'Paano ka nakakasiguro?'
(Dahil nakikita kong gusto pa nilang mabuhay at hindi ko kayang ipagkait 'yon sa kanila.)
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Anue Knight.
Pati buntong hininga niya naririnig ko.
"Hehehe, mahal?" malambing na tawag ni Tenere.
Pfft~!
May pag-iingat na kumapit si Tenere sa braso ni Simone.
"Oh?" kalmado ng sagot ni Simone.
"T-Totoo bang bumubuga ka ng apoy, Simone?" maingat at inosenteng tanong ni Lihtan.
Pfft~!
"What?" -Simone
"Hehehehe, k-kanina nakita namin lumiyab yung espada mo. Hehehehe, ikaw ba ang may gawa noon hehehehe?" kinakabahan at maingat na tanong ni Taki.
"Tss."
"Seryoso ka, Simone?" -Lihtan
"Mukha ba akong nagbibiro?" -Simone
"Simone, ikaw yung klase ng halimaw na hindi matukoy kung nagbibiro o seryoso, hehehe." -Taki
"Hahahahahaha." tawa ko at tumango tango.
"I-Ibig bang sabihin, Simone, bumubuga ka talaga ng apoy?" paliit nang paliit na boses ni Lihtan at lumayo kay Simone.
Nagtago sila sa likuran ko. Pfft~!
Nagkatinginan kami ni Simone. Malawak na ngumiti ako at labas ang lahat ng ngipin. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at natawa nang mahina.
Hihihihi!
Sa paglalakbay namin ay hindi sila tumigil sa kakatanong at kulit kay Simone. Hahahahahaha.
Panandaliang nabura ang ngiti ko at malungkot na tiningnan ang kalangitang unti unting nagbabago ang kulay. Naghahalo ang pula at itim. Natatalo na ang liwanag ng araw. Ang araw na nagsisilbing liwanag ng buong mundo.
Maging ang mga likas na yaman na madadapuan ng aming mata ay unti unting namamatay, nawawalan ng magandang kulay. Paano na ang mundo?
'Bakit kailangan niyo'ng protektahan ang buhay ng sanlibutan, binibini?'
"Dahil nasa amin ang lahat ng hinihiling ng isang normal na tao, at ibinibigay namin ang meron kami na wala sila. Ganoon kasi kami pinalaki nina Eros at Eve. Ang mabuhay nang may tamang pinaglalaban." nakapikit na sambit ko habang nakatingala
"Hindi kami mabubuhay ng isang normal na pamilya, tanggap namin 'yon at ito ang buhay na hindi ko pagsisisihan. Ang mundo na ginawa ni Eros para kay Eve, ang mundo nila na puno man ng dilim at karahasan...matatagpuan pa rin ang kapayapaan. Ako ang nag-iisa nilang anak na babae, at mula sa araw na 'to kasama ang mga halimaw ko, nangangako akong kahit si kamatayan ay hindi ko hahayaang hadlangan ako, hindi ako mamamatay dito." matapos ko sambitin ay dumilat ako at ngumiti.
Nilingon ko ang mga kasama ko.
"Kahit anong mangyari, mabubuhay tayo."
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap nila ako habang umiiyak.
"B-Bakit kayo umiiyak?"
Nagkatinginan kami ni Simone na nakatayo lang habang seryoso ang mga matang nakatingin sa akin.
'Binibini...'
(Anue Knight...)
'Pinaplano mo bang baguhin ang kapalaran mo?'
Hindi ako sumagot.
'Sinabi ni Eloisa sa iyo ang kapalaran mo. Kahit na alam mo ang naghihintay sa'yo rito ay nagtungo ka pa rin dito.'
Tama, hindi alam ng pamilya ko ang naging pag-uusap namin ni Eloisa sa Mental Institution.
Seryosong nakatingin ako sa ginang na nasa harapan ko. Bumaba ang mga mata ko sa maliit na nameplate nito.
"Eloisa..."
"Napakaganda mo talaga, binibini."
Marahang nginitian ko ito.
"Sa iyong ngiti, maging ang lantang bulaklak ay titingkad at gaganda ang kulay at buhay."
"Hehehe."
"Anong pangalan mo, binibini?"
"Ako po si Hurricane, pwede niyo rin po akong tawaging Cane for short, hehehe."
Kinuha nito ang dalawang kamay ko na nakapatong sa mesang nasa pagitan namin.
"Nababagay sa'yo ang dalawa mong ngalan. Hurricane, isang napakadelikadong delubyo, unos na nakakapinsala at nakakamatay na bagyo. Cane, isang tungkod na umaalalay sa isang indibidwal." nakangiting sambit ni Eloisa na nakapagpangiti sa akin.
"Magaling pumili ang mga magulang ko, hehehe."
"Binibini..."
"Po?"
"Marami akong nararamdaman sa'yo, bakit kinakalaban ka ng dilim na bumabalot sa'yo?"
Sandaling natigilan ako sa tinuran ni Eloisa. Nakatitig ito sa mga mata ko at bumaba ang mga mata nito sa kamay ko na hawak niya.
"Anong klaseng karanasan ang nangyari sa'yo? Anong nangyari sa'yo, binibini? Saan nagmumula ang matinding lungkot, pagsisisi at kadilimang bumabalot sa'yo?" malumanay na tanong nito.
"Ayos lang ako." sagot ko makalipas ang mahabang katahimikan, muli akong nag-angat ng tingin dito.
"Magbabago na ang lahat simula ngayon, sa oras na matagpuan mo sil. Isang panibagong buhay ang mabubuo niyo." nakangiting sambit ni Eloisa.
"Panibagong...buhay?"
"Ikaw ang magsisilbing lakas at ilaw nila, binibini. Marami kang matututunan at mararanasang hirap at saya kasama sila. Magkakasama niyong haharapin ang isang trahedyang darating."
Nakita kong natigilan ito sa paghaplos ng mga palad ko at ang pagbagsak ng luha nito. Naluluhang nag-angat ito ng tingin sa akin.
"Matatagpuan niyo sila, ang tatlong malulumbay na halimaw. Po-protektahan ka nila hanggang sa huli nilang hininga, at ikaw...binibini..." pinisil nito ang mga kamay ko habang sunod sunod ang bagsakan ng luha.
"Ibubuwis mo ang buhay mo alang-ala sa kanila, kamatayan ang naghihintay sa'yo, b-binibini." lumuluhang sambit nito.
"Ilang beses ko nang nakaharap si kamatayan, gusto kong malaman kung saan ko sila matatagpuan, Eloisa."
Natigilan ito sa sinabi ko.
"Gugustuhin mo pa rin kahit na...kamatayan ang magiging kapalaran mo?"
"Sa inyo na nanggaling. Nag-iisa at malungkot sila, kailangan ko silang puntahan." nakangiting sambit ko.
"At isa pa, ako ang may hawak sa kapalaran ko, Eloisa. Lalabag ako sa kamatayang sinasabi mong magiging wakas ko, hindi ako mamamatay."
Nginitian ko si Simone habang sinusuklian ang yakap nina Lihtan, Tenere at Taki.
I am Hurricane Thurston. I refuse, I decline to die. Not now...never.
Taki's Point of View
Nakasandal ako sa puno habang nakatingin sa kalangitan, gabi na at nasa kagubatan kami nang biglang may naramdaman akong pumatong sa ulo ko.
"Lihtan, pati ulo mo ba nadadagdagan ng timbang?" nakangusong tanong ko.
"Hindi, nadadagdagan ba 'yon?" -Lihtan
"Tanong natin kay Simone, bukas. Di ko rin alam, hehehe."
"Sige." nakangiting sang-ayon niya.
Maraming alam sa buhay si Simone. Maaasahan siya kahit na nakakatakot.
Hinayaan ko na lang ang ulo niya sa balikat ko.
Sabay kaming napabuntong-hininga.
"Nakakatakot si Simone." sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Lihtan dahil sa sabay na sambit namin.
"Sa tingin mo bumubuga talaga siya ng apoy, Taki?"
"Hindi ko alam, Lihtan. Kailangan nating mag-ingat."
"Tama ka, biglang lumiliyab yung espada niya." sunod sunod kaming tumango sa isa't isa.
"Bakit hindi pa kayo natutulog?"
"Tenere, S-Simone?"
Nakita namin silang dalawa sa likuran ng punong sinasandalan namin.
"Hindi ako bumubuga ng apoy." narinig naming sambit ni Simone.
Nakita naming hinugot niya ang maliit na kutsilyo na nakasiksik sa baywang niya at nagulat kami nang hiwain niya ang palad niya at dumugo.
Akala ko nagkakamali lang ako nang maamoy ko ang dugo ni Simone. Hindi ko maintindihan ang amoy, may nakakahilo at matapang na amoy ang humahalo.
Tumulo ang dugo niya sa madamong lupa hanggang sa magliyab!
Ang kamay niyang dumurugo kanina ay nababalot na rin ng apoy.
"H-Halimaw ka nga, mahal."
Tumango ako nang sunod sunod kay Tenere!
"Tss."
Nawala ang nagliliyab na apoy sa kanang kamay ni Simone. Unti unting sumarado ang hiwa niya sa kamay.
"Gusto mo bang tikman?" blangkong tanong ni Simone h-habang nakatingin sa akin.
Natatarantang umiling ako at nagtago sa likod ni Lihtan. Huhuhu.
"Ayaw Taki. Ayaw!"
"Oh, kahit kaunti? Baka mas masarap ito sa dugo ng girlfriend ko."
"Waaaaah! Hindi ko iinumin dugo niyo! Bakit ganyan kayo ng aking binibini?"
Nginisihan lang ako ni Simone. Bakit ba ang hilig nilang mang-alok?
"Hahahahahaha, tama na 'yan, mahal. Tinatakot mo ang mga bata." -Tenere
"Baka magbago pa ang isip mo." -Simone
"Hindi nga maaari." nakayukong sambit ko at seryosong nag-angat ng tingin sa kanila.
Sumeryoso naman sila.
Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Nawawala ako sa sarili. Matagal na akong hindi umiinom ng dugo ng tao at kahit pa hayop.
"Ayon kay Anue Knight, ang mga tulad mo Taki ay nabubuhay sa dugo, sa pag-inom ng dugo. Noon ay nagkaroon ng malaking hidwaan sa pagitan ng mga kauri mo at sa mga ordinaryong tao dahil sa paghihimagsik ng mga nagrerebelde niyong kauri. Kaya naman ang pinuno ng angkan niyo, ang iyong amang si 'Raki' ay ipinagbawal ang pag-inom ng dugo ng mga ordinaryong tao at hinuli ang mga hindi sumusunod sa pinatupad na utos nito. Ngunit hindi pinalagpas ng mga tao ang ginawa sa kanila, sinunog ng mga tao ang inyong tirahan." narinig kong sambit ni Lihtan at dahan dahang humarap sa akin.
"Hindi tinanggap ng mga tao ang pakikipag-ayos ng iyong ama at ina sa inyo, gumanti sila. Gabi nang isagawa nila ang paghihiganti nila. Pinatakas ka ng iyong ama at ina hanggang sa bigla ka na lang sumulpot sa harapan namin at tinakbo si Cane. Nagpakilala ka sa amin bilang si Taki. Si Taki na tinawag akong kaibigan kahit na unang kita pa lang namin."
"Lihtan..." hindi makapaniwala ko itong tiningnan.
"Sabi ni Cane, kung may gusto kang malaman dapat itanong. Kaya tinanong ko si Anue Knight, pasensya ka na Taki."
Narinig ko ang buntong hininga ni Tenere at ngumiti ito kay Lihtan.
"Hindi ka talaga nauubusan ng tanong, Lihtan, hahaha." -Tenere
"Gusto ko kasi maging tulad ni Simone, maraming alam." -Lihtan
"Tsismoso ka lang talaga." -Simone
"Tsismoso ako? Sabi ni Cane matalino ang nagtatanong." -Lihtan
"Damn...that girl." sumusukong bulong ni Simone.
"Hahahahahaha, ano papalag ka kay Lihtan, mahal?" -Tenere
"Pero sabi rin ni Cane, kung hindi ko makuha ang sagot sa pagtatanong, hintayin at alamin ko na lamang dahil dapat igalang ang kagustuhan ng iba. Kung ayaw nila ipaalam. Kaya pasensya ka na Taki kung tinanong ko kay Anue Knight."
"Ayos lang, bakit hindi ka nagtanong sa akin? Sasagutin ko naman." nakangusong sambit ko.
"Oo nga no?" -Lihtan
Napangiwi kami sa naging sagot ni Lihtan.
"Ngunit alam niyo ba..." napatingin kami kay Lihtan dahil sa pagbabago ng boses niya, na para bang nahuhulog na naman sa isang katanungan.
"Ano 'yon, Lihtan?" tanong ko at lumapit sa kanya.
"Isang beses, nakita ko si Cane na nakatingin sa malayo, tinanong ko siya kung anong iniisip niya."
Tumingin siya sa amin isa isa.
"Nag-iisip daw siya ng mga sagot. Inisip ko nang paulit ulit ang sinabi niya hanggang sa mapagod ako mag-isip. Nakakapagod pala mag-isip."
"Tinanong ko ulit si Cane, kung hindi ba siya napapagod mag-isip ng sagot. Alam niyo ba ang sinabi niya?"
Tiningnan ulit namin si Lihtan at inabangan ang sasabihin niya.
"Hindi siya susuko, sabi ko tutulungan ko siyang mag-isip. Alam niyo ba ang tanong na gusto niyang sagutin?"
Pakiramdam ko huminto ang mga paghinga namin sa pag-aabang sa sasabihin ni Lihtan.
"Ano ang nauna, itlog o manok?"
Binalot kami ng MATINDING KATAHIMIKAN.
"Lihtan...tara ditto." nakangiting sambit ni Simone.
"Huh? Bakit Simone?" -Lihtan
"Pabatok." -Simone
Namutla si Lihtan at nagtago sa likuran ko.
"Akala ko kung ano, hahahaha." -Tenere
Napakamot ako sa batok ko.
"Nagsasabi ako ng totoo, nahirapan din akong mag-isip ng sagot kaya naiintindihan ko si Cane kaya tinulungan ko siyang mag-isip kaya lang..."
"Kaya lang..?" tanong ko at nilingon si Lihtan sa likod ko.
"Ang sabi ni Cane, may mga katanungan na walang kasagutan kaya naisip namin na sumuko na lang" -Lihtan
"Ah...Hurricane, what on earth are you saying to him?" di ko maintindihang bulong ni Simone.
"Tinanong ko pa ulit si Cane, kung alin pa ang hinahanapan niya ng sagot." nakangiting kwento ni Lihtan.
"Ano pa raw?" -Tenere
"Kung matagal bang mamatay ang isang masamang damo. Matagal ba akong mamamatay? 'Yon ang tanong niya." -Lihtan
"What?!" -Simone
"Ngunit hindi naman damo ang aking binibini, Lihtan!" naguguluhang sambit ko rito.
"Tama ka, Taki. Ganyan din ang naging sagot ko kay Cane kaya lang tinawanan niya lang ako." napangiwi kami pareho ni Lihtan at tiningnan si Simone.
Nahahawa na ang aking binibini sa pagiging weird ni Simone!
"Hahahahahahahahahahahhahahaa!" -Tenere
"Lihtan, makinig ka sa akin. Wag mo masyadong seryosohin ang mga sinasabi sa'yo ni Cane." -Simone
"Simone, lahat ng biro ni Cane may halong katotohanan. Lahat ng sinasabi niya natatandaan ko. Ikaw ang makinig sa akin." -Lihtan
Pfft~! HAHAHAHAHAHA! Yung itsura ni Simone! Ang laki ng mata niya! Ang galing ni Lihtan!
"Damn...this kid." -Simone
"Supalpal na naman ang mahal ko aruuuy, hahahahahahahahahahaha!" -Tenere
Natahimik kami nang makarinig ng kaluskos at hakbang.
"Anong ginagawa niyo rito? Waaaaah! Bakit hindi niyo 'ko sinama, may meeting pala kayo!"
Mabilis ko siyang niyakap, hehehe!
"Waaaah! Aking binibini! Nagising ka ba namin sa ingay namin?" nakangiting tanong ko.
"Hindi, ginising ako ni Anue wewewewe~ May mga kalaban raw na parating. Kawawa tuloy si Anue wewewewe hehehe." bungisngis ng aking binibini. Uwaaah!
"Anong ginawa mo, Cane?" -Lihtan
"Tinakot ko nang kaunti." humihikab na sagot ni Cane at pinisil ng mahina ang pisngi ko, hihihi.
"Tara na, bago pa nila tayo maabutan." nakangiting aya niya sa amin.
Habang naglalakad kami...
"Hanggang diyan lang kayo." mabilis na humarang ako kay Cane nang biglang maglabasan ang maraming anino sa dilim.
"Wala ba talagang taympers? Antok pa ako. Masama ang kinukulang sa tulog!" sambit ni Cane.
"Ganoon ba 'yon, Cane?" -Lihtan
"Oo, hehehe." -Cane
"Ano 'yung taympers, Cane?" -Lihtan
"Lihtan, mamaya na ang mga tanong mo, hahaha." -Tenere
"Alam ko ang makakapagpatahimik kay, Lihtan!" sambit ko, hehehe.
"What?" -Simone
"EDI PAGKAIN! HAHAHAHAHAHA!" sagot ko.
"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" -Tenere
"Eh alam niyo ba ang ginagawa sa mga istorbo ng tulog?" nakangising tanong ng aking binibini.
"Ano Cane?" -Lihtan
"Syempre pinapatulog din nang mahimbing!" sagot ni Cane.
Sabay sabay kaming tumango maging si Simone ay tumango rin, hehehe! Mukhang nagustuhan niya rin ang ideya ni Cane ngunit ayan na naman ang nakakatakot na ngisi ni Simone.
"Shall we start?" ngisi ni Simone.
Natigilan ako, parang may sariling isip ang katawan ko at nagkatinginan kami nina Tenere at Lihtan. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba dahil sa malakas na pwersang nagmumula sa naglalakad na nababalot ng kapa.
"A-Aking binibini."
Nabigla kami nang humarang ang likod ni Cane sa amin at hinarap ang nilalang na nakakapa na para bang inaasahan na niya ang pagdating nito.
Sino ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro