Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pahina 45

Pahina 45
Rulers of all the Rulers


Simone's Point of View

I saw her intently look at her ring. Ang singsing na binigay ko.

I hugged her from behind and placed my face near her lovely neck. Ang paborito kong lugar.

"Wag kang matakot, Simone."

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. I'm so helpless, powerless when it comes to this woman! What can I do? She's my strength and my own weaknesses.

I'm nothing without her.

At ngayon...

We are facing a great danger. At alam kong gagawin niya ang lahat kahit ikapahamak niya pa.

She's that kind of woman.

"Ayokong gumawa ka ng maling desisyon dahil sa akin, Simone."

No, my decisions always concern you.

"Parang kailan lang tayong dalawa lang ang magkasama, Simone." may ngiting sambit niya at inabot ang mukha ko

"Ngayon may Lihtan, Tenere at Taki na tayo, hindi na lang ako ang laging nagpapa-alala sa'yo." mahinang tawa pa niya.

"Gusto ko ang nakikita ko, Simone. Ikaw at ako na kasama sila. Gusto kong pangalagaan ang buhay na binuo natin dito kasama sila. Alam kong ito rin ang gusto mo, Simone."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Umikot siya at hinagkan ang magkabilang pisngi ko. Nakangiti siya at ang mga mata niyang parating nababasa ang buong pagkatao ko, ang kaluluwa ko, ang lahat sa akin.

"Lalo kitang minamahal, Simone."

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at mabilis na yumuko at tinawid ang labi ng babaeng mahal ko, higit pa sa buhay ko.

Pinagmamasdan ko siyang payapang natutulog sa kanyang higaan habang nakaupo ako sa gilid niya.

What should I do with you?

Minsan hiniling ko na sana isa ka na lang ordinaryong babae. Walang mabigat na responsibilidad.

But that's part of who you are na minahal ko. Her being responsible, her principles, being fearless.

"Simone..." nabaling ako sa gilid ng pinto at nakita sila.

Hindi ako sumagot at hinintay ang sasabihin nila.

"Maaari ka ba naming makausap?" nagsalubong ang kilay ko. Ano namang kabaliwan ang itatanong ng Taki na ito.

Nagsihabaan ang mga nguso ng tatlong baliw na nasa harapan ko.

"What?" unti unti silang matagumpay na ngumiti at hinila ako.

Napabuntong hininga ako at hinayaan na lang.

"Magkwento ka tungkol sa pamilya ni Cane, Simone." -Lihtan

Seryoso ko silang tiningnan at tatayo na sana pero sapilitan akong hinila ni Lihtan paupo. Sa lakas ng matakaw na 'to hindi ako makapalag. Sinamaan ko ito ng tingin. Nginitian lang ako. Damn.

"Hindi ka rin naman makakatulog, hehehe." -Taki

Umayos ako ng upo. Tss...

"Hindi kasi kami makatulog sa kaiisip kung paano namin magigising ang natutulog naming kapangyarihan ayon kay Anue Knight. Kahit anong gawin naming, hindi namin alam ang gagawin. Ayaw na naming pag-alalahanin si Cane, Simone." seryosong sambit ni Tenere.

Napayuko ako. These crazy monsters are frustrated as hell like me.

"Nakangiti si Simone." puna ni Lihtan.

"Tss. Ano ba ang gusto niyong malaman?"

"Nakwento ni Cane noon na isa silang 'hukom'." panimula ni Tenere.

Tumango ako.

"Ano ang isang hukom, Simone?" -Taki

"Katulad ba sila ng isang Hari at Reyna?" -Lihtan

"Prinsesa ba si Cane sa pinagmulan niyo, Simone?" -Tenere

"Hindi..." mahinang sambit ko at seryoso silang tiningnan at nagbaba ng tingin sa apoy na diningas nila.

"Simone?" -Lihtan

Huminga ako nang malalim.

"Hindi sila sakop ng mga iniisip niyo. May tinatawag na 'Presidente' sa buong mundo. May ilang bansang pinamumunuan ng mga 'Hari at Reyna' tulad dito."

"Ang mga Presidente, Hari at Reyna ang namumuno sa bawat bansa. Sila ang responsible sa lahat ng mga nangyayari sa mga bansang kinabibilangan nila. Sila ang sumisimbolong mga 'Pinuno' sa pagpapasunod, paglulunsad ng mga batas pantao, at marami pang iba na may kinalaman sa pangangalaga sa bawat nasasakupan nila."

"K-Kung ang mga binanggit mo ang mga 'Pinuno'? Ano sila Cane, mahal??" -Tenere

Nginisihan ko sila.

"Kung ang mga Presidente, Hari at Reyna ang mga 'Pinuno' ng bawat bansa. Ang pamilya niya ang sumisimbolo sa 'Kapangyarihan'. Sila ang pinakanamumuno sa lahat ng mga 'Pinuno' ng bawat bansa."

Nakita ko ang gulat na reaksyon nila. Hindi ko sila masisisi, ganyan ang reaksyon ko noon.

"Kinatatakutan at ginagalang sila, hindi lang dahil hinahangaan sila kundi dahil may kakayahan at kapangyarihan silang hatulan sila ng 'Kamatayan'."

"Bakit gagawin ng pamilya ng aking binibini 'yon, Simone?" -Taki

"Dahil lumalabag sila sa mga responsibilidad nilang pangalagaan at protektahan ang mga tao. Sila ang lumilinis sa mga sakim na 'Pinuno'."

Natahimik sila.

"Hindi alam ng buong mundo na may mga tulad nila ang nabubuhay at namumuno. Tanging ang mga 'Presidente', 'Hari at Reyna' lamang ang nakakaalam."

"Wala silang gagawing maling hakbang kung walang gagawing masama ang mga namumuno. Hindi lang paghatol sa kamatayan ng mga ito ang kaya nilang gawin. Sila rin ang pumo-protekta sa mga namumuno."

Dahil ang 'Thurston Famiglia' ang buma-balanse sa mundo.

Isang karangalan ang maglingkod sa kanila.

"Nakakahanga ang pamilya ng aking binibini!" -Taki

"Ngunit bakit malungkot ang mga mata mo, Simone?" natigilan ako sa narinig kong tanong ni Lihtan.

"May problema ba, Simone?" -Taki

"Simone..." -Tenere

Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Wala ni isang bituin.

"Noong una, sobra ang paghanga ko sa kanila hanggang sa malungkot ako dahil sa bigat ng nakapatong na responsilidad sa kanila."

Natigilan ako nang may pumatong na tag-iisang kamay sa ulo at magkabilang balikat ko.

Kunot noo ko silang tiningnan. Nakapatong ang kamay ni Taki sa ulo ko samantalang ang tag-isang kamay nina Tenere at Lihtan ay nasa magkabilang balikat ko.

"Ano namang kabaliwan ito?"

"Hahahahahaha!" -Tenere

"Simone, tutulungan din namin ang pamilya ni Cane tulad ng ginagawa mo noon at ngayon." -Lihtan

"Tama! Kasama mo kami! Tutulungan natin sila. PAYTING!" -Taki

"P-Payting."

"Pisbam, Simone." -Lihtan

"P-Pisbam."

Pinagsangga namin ang mga kamao namin.

"Kaya wag ka nang malungkot, mahal. Nakangiti na siya yieeeh! Hahahahahaha." -Tenere

Mabilis kong binura ang ngiti ko at tumikhim.

"Tss."

"Sa sinabi mo, Simone, mas lalo pa naming pag-iigihan. Magiging malakas kami, Simone." -Lihtan

"Salamat." sambit ko.

"WAAAAAH! SIMONE! SERENGHEY!" mahinang napamura ako nang dambahin ako ng yakap ni Taki.

"Mahal, halika rito sa aking matipunong bisig." -Tenere

"Payakap din ako kay Simone, Taki, Tenere." -Lihtan

Damn.

Mababaliw din ako ng tuluyan sa tatlong 'to.

Hurricane's Point of View

Pinagmasdan ko ang suot kong purong itim. Nakatali ang mahaba kong buhok. Ngayong araw ang alis namin upang magtungo sa lugar na pinagmulan ng lahat ng gulong ito.

Sunod kong kinuha ang espada hinandog ni Anue Knight.

"Anue Knight..." sambit ko habang nakatingin sa espada.

'Binibini.'

Di ko alam kung guni guni ko lang ito pero parang narinig ko ang boses ni Anue Knight.

"Cane? Tapos ka na?" narinig kong tanong ni Lihtan sa labas ng pinto.

"T-Tapos na, hehehe."

Bumukas ang pinto at pumasok sila na nagtatakang nakatingin sa gulat kong mukha.

"Anong nangyari, aking binibini?" natawa ako nang gayahin ni Taki ang gulat kong mukha.

Pfft~!

"Something wrong?" alalang tanong ni Simone at nilapitan ako.

"Wala naman, para kasing narinig ko ang boses ni Anue Knight." nakangusong sagot ko.

Napangiwi ako nang sabay sabay nilang halughugin ang buong silid.

"Anue Knight, nandyan ka ba?" -Lihtan

"Reveal yourself, Anue Knight." -Simone

"Aha~! Nasaan ka? Dito? Dito? O ditoooo?" -Taki

"Magpakita ka na sa amin, Anue wewewee~" -Tenere

"Lihtan, Tenere, Taki, b-baka guni guni ko lang 'yon at Simone di mo kailangan ilabas ang espada mo. Hehehe."

Napatigil sila sa kanya kanya nilang pwesto.

Si Lihtan na ginulo ang nagsisilbing wardrobe ko. Si Taki na nakadapa at nakasilip sa ilalim ng kama ko. Si Tenere na paikot ikot. Si Simone na alertong hawak ang espada niya.

"Guni guni ko lang siguro 'yon, hahaha."

'Hindi guni guni ang naririnig mo, binibini.'

"Cane?" -Lihtan

"Narinig niyo 'yon? Boses ni Anue Knight?"

"W-Wala kaming naririnig, Cane" -Tenere

'Hahaha ikaw lamang ang nakakarinig sa akin binibini.'

"P-Paanong nangyari 'yon?"

"Hey, what's happening?" -Simone

'Nang ihandog ko ang regalo ko sa'yo ay tuluyan na akong naging parte ng pagkatao mo, binibini'

"Aking binibini."

Ilang segundo akong natulala.

"Mukhang ako lang ang nakakarinig kay Anue Knight sa isip ko. Naririnig ko siya..." sambit ko sa mga naguguluhang kasama ko.

Napaatras ako nang sabay sabay silang lumapit sa akin. Seryoso ang mga mukha nila.

"S-Sandali, hehehe, huh?"

Nagulat ako nang idikit nila ang mga ulo nila sa ulo ko.

Eeeeh?

"A-Anong ginagawa niyo?" tanong ko.

"Anue? Paano ka nagkasya diyan?" -Lihtan

"Paano ka napunta riyan?" -Tenere

"Hey, magsalita ka." -Simone

"Anue, huehuehue! Si Taki ito! Naririnig mo ba kami?" -Taki

Napahilamos ako sa mukha ko.

'HAHAHAHAHAHA!' rinig kong halakhak ni Anue Knight sa isip ko, mas lalo kong nasapo ang mukha ko.

Umaalingawngaw ang nakakalokong tawa ni Anue Knight. Huhuhu. Para siyang kontrabida!

"Wag ka naman tumawa nang ganyan sa isip ko, nakakakilabot." di ko namalayang sambit ko.

"What?! Hey you, damn man, don't laugh! You're scaring my girlfriend!" inis na sambit ni Simone.

Aweee. Kinilig ako, hihihihi!

'Nakakatakot ang iyong kasintahan, binibini.'

(Paanong nakakapasok ka sa isip ko?)

'Binibini, nothing is impossible'

(Sabi ko nga, ba't ngayon ka lang nagsalita sa isip ko?)

'Binibini, napakahirap pasukin ang isip mo, alam mo ba yon?'

(Hindi, hehehe.)

"Hala, natatawa mag-isa ang aking binibini." -Taki

"P-Parang nangyari na ito noon?" -Tenere

Napatingin kami kay Tenere na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Iba ang pakiramdam ko sa sunod niyang sasabihin...

"Ang alin, Tenere? Anong nangyayari kay Cane?" alog ni Lihtan sa magkabilang balikat ni Tenere.

"Naalala niyo noon? Nung nasa kagubatan tayo?" -Tenere

Sabay sabay na napasinghap ang tatlo maliban kay Simone na salubong ang kilay na nakatingin din sa kanila.

"Kailangan natin iligtas si Cane!" bulaslas ni Lihtan.

"Waaaaah! Aking binibini, lumaban ka! Wag mo kaming iwan! Wag ka susuko kay Anue wewewewe!" -Taki

"Diyan ka lang, Cane!" lumabas si Tenere.

"Huh?" naguguluhang sambit ko.

Nagtatakang tiningnan ko si Simone na hindi rin alam ang mga nangyayari.

Nakita ko na lang na nakabalik na si Tenere at may hawak na palaspas na umuusok at mga kandilang may sindi na.

Wag mo sabihing...?

"UMALIS KA MASAMANG ESPIRITU! UMALIS KA SA ISIP NG AKING BINIBINI! UWAAAAH! HUHUHU!" -Taki

"Kaya mo 'yan, Cane!" -Lihtan

"Mahal! Dito ka, paalisin natin ang masamang espiritu!" -Tenere

Nakita kong seryoso talaga sila. Nalipat ang mga mata ko kay Simone na seryosong nakatingin sa hawak ni Tenere na nakaabot sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang tanggapin niya.

"Hehehe, Simone?"

"I want him out of your mind" seryosong sambit ni Simone.

Eh?

Oh...God!

Hindi ko inakalang maging si Simone. Nanginginig ako sa pagkakayuko dahil sa katatawa.

'Sa lahat ng susugod sa gyera at maraming panganib, kayo ang pinakamasaya' komento ni Anue Knight.

"Tama na, hahaha, ayos lang ako. Naririnig ko si Anue Knight, dahil parte siya ng espadang ito." nakangiti kong inangat espada.

"Alis na tayo?" yaya ko nang malagay sa likod ko ang espada.

Sabay sabay silang tumango. Pinasadahan ko ang mga kasuotan nila na itim din ang tela. Pareho ng istilo sa akin.

Black fitted jacket, black jeans at combat jeans na nahiram namin sa aming mga Reapers.

Pagbukas ko ng pinto...

"Young Goddess! Are you alright?"

"Ha?"

"Apo! Ayos ka na ba? Sabi ng iyong makisig na kaibigan ay may masamang espiritu na gumugulo sa'yo." sambit ni Lola Dalya.

Nagkukumpulan silang lahat sa labas ng silid ko. Dahan dahan kong nilingon si Tenere na nakayuko at pinaglalaruan ang sariling daliri na parang batang nahuling may ginawa na masama. Pfft~!

Oh, Tenere...

"She's fine, go back to your post. Stay alert." malamig na sambit ni Simone.

"Yes, Commander Simone! We pray for your safe comeback, Young Goddess! We'll take our leave!"

Tinanguan ko ang mga ito. Nagbigay pugay din sila kanila Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

"Paalam, hanggang sa muli!" -Taki

Nakita ko ang pagngiti ng mga Reapers, Assassins at Ninjas namin.

"Mag-iingat kayo, binibining Cane."

"Hihintayin namin kayo."

"Hindi kami titigil sa pagdarasal."

"Maraming salamat sa inyo."

Nakita namin ang pagluha ng mga Hari, Reyna, Prinsipe at Prinsesa. Maging ang mga mamamayan mula sa iba't ibang kaharian.

"Hanggang sa muli."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro