Pahina 41
Pahina 41
Young Goddess
Hurricane Thurston Part 2
'SECURE. POSSESSION. OBEY' -Y.G
Tatlong salita. Isang mensahe na katumbas ay batas.
Sa walong buwan na walang kahit anong balita ay nagpadala na ito ng mensahe sa wakas.
"Dad..." nag-angat ng tingin si Eros Thurston matapos ilapag ang hawak na knights sa chessboard.
"You can't defy her." seryosong simula ni Eros Thurston sa tatlong anak.
"...this is the first time the Young Goddess commands, don't disappoint her." malamig na dagdag ni Eros habang patuloy sa paglalaro ng chess.
Napabuntong hininga nang sabay sabay sina Thunder, Rain at Storm na gustong gusto nang puntahan ang nakababatang kapatid sa lugar kung nasaan ito ngayon.
"She's in danger, our little angel is in danger, Dad." malamig na sambit ni Rain Thurston na halata ang pagtutol sa Ama.
"Wife, I need you."
Napangisi si Eve Henderson-Thurston na kanina pang nanonood sa mag-a-ama.
"Too bad, hindi kita tutulungan, gusto kong makita kung paano mo sasagutin ang lumalabag mong anak, hahaha."
Eros Thurston smiled helplessly to his wife. Nakasandal ang napakaganda niyang asawa sa pinto na halatang inaasar ang mga anak na lalong napasimangot
"Mom, I.will.go." madiin na sambit ni Storm ng seryoso.
"Oh, yeah, baby, this way." itinaas ni Eve ang hawak na pinaglalaruang dagger na naaaliw sa mga anak.
"Mom." iling ni Storm at hinilot ang sintido.
"Yes, I'm your Mother."
"Your daughter is in danger." sambit ni Thunder na parang pinaiintindi iyon sa ina.
"Yes, my daughter got a boyfriend and her possessive brothers are throwing tantrums in front of me. What do you think of me? Thinking of you? Char! Hahahahahaha." -Eve
"Pfft~ wife, come here. I miss you." -Eros
"Oh! You're thinking of me! I'm thinking too, Master Hubby." -Eve
Nakita na lang nila na nakakandong na ang kanilang makulit na ina sa kanilang ama.
Nakabusangot na umupo ang magkakapatid sa kanya kanya nilang trono dahil hindi mawala sa isip nila ang sinabing katotohanan ng kanilang ina.
"Simone, huh?" ngisi ni Thunder at nagsalin ng whiskey sa kanyang wine glass.
"Our stubborn lady is not naive anymore." buntong hininga ni Storm at inangat ang wine glass na sinalinan ng whiskey ng kapatid.
"How I wish." seryosong sambit ni Rain habang inaalog alog ang hawak na wine glass.
Napangisi si Eros sa usapan ng mga anak.
"Don't touch her possessions, babies. That's bad." lumawak ang ngisi ng magkakapatid sa makahulugang sinabi ng kanilang ina.
"Too bad, Mom, your husband is on our side." ngising baling ni Rain kay Eros na nakangisi.
"Master Hubby!" -Eve
"I'll talk to that man, wife." -Eros
"Bloody talk, you mean. Gah! Let my daughter alone!" sermon ni Eve.
"She's my daughter, so..." malambing na sambit ni Eros na nagpairap kay Eve.
"That's his daughter, Mom. Hear that?" ngisi ni Rain na para bang ini-engganyo ang ama sa binabalak maging si Storm at Thunder na kaninang nakasimangot.
"Coming from the dudes who can't do anything right now." panunuya ni Eve at nagkrus ng braso.
Bumalik ang pagkayamot ng tatlo.
Ngiting tagumpay na bumaling si Eve sa kanyang asawa na sumusukong tinaas ang mga kamay.
"You really know how to shut us." nakangiting sambit ni Eros.
"Well, that's the Young Goddess’ command. Malaking problema kung hindi niyo pagbibigyan." dagdag ni Eve at pinagpatuloy ang paglalaro ni Eros ng chess. Ipinatong ni Eros ang ulo sa balikat ng asawa at hinayaan ito.
"Don't underestimate her precious monsters." kalmadong sambit ni Eros at dinampian ng halik ang pisngi ng asawa.
"I'm glad she found them, I want to meet her legendary monsters." sagot ni Thunder na tumango-tango.
"They are cute. Hihihi. No wonder she's very fond of them." bungisngis ni Eve.
"What? You’ve seen them, Mom?" naguguluhang tanong ng magkakapatid na Thurston.
"Look at these photos." nilabas ni Eve ang maraming photocopies na may mga masasaya at makukulit na larawang pinadala ni Cane sa kanilang ina.
Nag-uunahang lumapit sina Thunder, Rain at Storm. Maging si Eros ay umayos ng upo at tiningnan ang mga larawan.
"She's...very happy." manghang komento ni Storm.
"Yes, she is." magaang sambit ni Rain at napangiti sa malawak na ngiti ng kanilang kapatid sa bawat larawan.
"Very happy." dagdag na sambit ni Thunder kay Rain.
Napangiti rin si Eros sa mga larawan.
"It looks like my daughter has gone through a lot of experiences, too." mahinang sambit ni Eros.
"Yeah, so boys behave. Let her play, just do her commands."
"No wonder she's protecting them with all her might." tipid na ngiting sambit ni Storm.
"We are her pawns in this game, she's my daughter anyway. Everything is in her control." seryosong sambit ni Eros.
"The moment na ipinadala ng inyong kapatid ang mga pictures na 'to, alam ko na ang gusto niyang iparating." malumanay na sambit ni Eve sa mga anak at kumuha ng isang larawan at ngumiti.
"Protect her happiness." sabay sabay na sambit ni Thunder, Rain at Storm.
Sabay sabay na tumayo ang magkakapatid.
Hindi na nag-aksaya ng panahon ang magkakapatid at inihanda ang pinakamalalakas nilang tauhan na palihim na ipapadala sa kagustuhan ng kanilang kapatid.
Naghiwa-hiwalay ang mga ito at inanunsyo ang pinadalang 'batas'.
"A new law has arrived from the Young Goddess. Obey."
MYSTERIUM
Reyna Yuka’s Point of View
Pangalawang araw na mula nang makarating dito ang mga usap-usapang halimaw at sa araw ding ito ay tuluyan na naming nakumbinsi si Haring Alazar, ang Hari ng KIN Palacio sa pakikipagtulungan ni Haring Hasil, Haring Visal at Haring Adams.
At sa araw na ito, walang ibang ginawa ang apat na halimaw kundi mag ensayo, kung hindi mag-e-ensayo ay nagmumukmok.
"Aaaah! Hindi ko na kaya! Pupuntahan ko na ang aking binibini!" (Taki) paulit-ulit na maktol ng isa sa kanila. Siya ang pinakamaingay na nilalang na nakilala ko at inalog-alog pa ang dalawang balikat ng kasama niya.
"Aah Taki nahihilo na ako sa’yo." (Lihtan) pagpapatigil nito sa kasama.
"Mahaaaal-" (Tenere)
Nakatanggap sila ng tag-iisang batok kay Simone. Di ko mapigilang matawa sa kanila.
"Magsitigil kayong mga baliw kayo! Nag-iisip ako, damn!" yamot na sambit niya, parang maamong tupa na naglayuan at tumahimik yung tatlo.
Halata sa kanila ang takot kay Simone ngunit...
"SIMONE! SIMONE! SIMONEEEEEE~" Lihtan, Tenere, Taki
"Anak ng..." -Simone
Bandang huli ay nakita na lang namin na hinahabol nila si Simone at nang maabutan ay dinaganan.
"Simoneeee pupuntahan na ba natin si Cane?"- Lihtan
"Mahaaaaal." -Tenere
"SIMONE!! SIMONE!! SIMONE!!" -Taki
"Pfft~" napabaling ako sa gilid ko at di ko namalayang nasa tabi ko na pala ang Hari ng Hydor.
"Haring Visal." pormal na bati ko rito.
"Hindi talaga sila mabubuhay kapag wala si Cane." sambit nito.
Binalik ko ang tingin sa mga ito at tumango.
"Gusto ko nang makita si Cane, Simone." -Lihtan
"Ang aking binibini! Simoneeeee!" -Taki
"Mahaaaal! Tara na kasi! Puntahan na natin si Cane!" -Tenere
Hindi pa rin ako makapaniwala sa natanggap naming balita mula sa Prinsipe ng Dessertum, na walang iba kundi si Prinsipe Rodolpo.
Lahat ng pangyayari sa pagitan ng limang Hari at sa binibining iyon.
Mula sa paglutas sa epidemyang kumalat, paglikas sa mamamayan ng Dessertum, pagpapasuko sa malupit na Heneral ng Tamir, ang pag-anib ng hukbo ng Hari ng Tamir sa binibining iyon at pagbubuwis ng mga buhay nila upang maisakatuparan ang layunin at higit sa lahat ay ang walang takot na pagharap sa limang Hari at sa batalyong mga kawal mula sa iba't ibang Kaharian.
Sino ka ba talaga...binibining Cane?
"What the..."
"May problema ba Simone?" nabalik ang atensyon ko sa mga apat at nakitang natigilan si Simone at hindi makapaniwalang nililibot ang tingin sa buong paligid.
Nagkatinginan kami ni Haring Visal at sabay na nilapitan ang mga ito.
"She...seriously holy shit! They are fvcking here!"
"SIMONE! INGLES KA NG INGLES! AYOKO NG GANYAN KA!" bulyaw ni Ginoong Taki at nagmamaktol na paulit ulit na padyak pa nito.
Isang imahe ng nangungunsuming ina sa tatlong isip batang anak ang nakikita ko sa aming harapan.
Ngunit...sinong nandito? Sino ang tinutukoy niya?
TAMIR
Prinsesa Brena’s Point of View
Marahang kumatok ako sa silid ng binibining pula ang buhok. Siya na lamang ang hinihintay sa malaking salo-salo.
"Binibining Cane?" tawag sa kanya ni Andrea.
Unti-unting bumukas ang pinto.
Natigilan kami nang makita ang suot nito.
"Paumanhin, natagalan ako sa pag-aayos." mabining ngumiti siya sa amin.
Pinagmasdan ko ang suot nitong itim na kasuotan at aaminin kong hindi ko mahanap ang sarili kong tinig habang pinagmamasdan ito. Nahahaluan ng kulay ginto ang magandang tela bilang disenyo. Mas lalong lumitaw ang magandang balat nito. Nakapusod ang kanyang buhok at may iilang hibla na nakabagsak. Ang natural na mapulang labi nito ay mas lalong pumula dahil sa pinturang nilapat, ang mata nito na mas lalong nadepina dahil sa paggamit ng itim na pangguhit, at sa palagay ko'y hindi na ito gumamit ng kahit ano sa pisngi at taming abo na lamang ang ginamit.
At higit sa lahat ay ang kasuotan nitong tila ba sadyang nilikha para lamang sa kanya. Sakto sa balingkinitan nitong katawan.
Simple lang ang mga alahas na suot niya ngunit mas nakadagdag ito sa nakaka-intemidang presenya nito.
Napalunok ako.
"Waaah! Napakaganda mo, binibining Cane!" manghang sambit ni Andrea.
"Tayo na." nauna na akong tumalikod at huminga nang malalim bago nagsimulang lumakad.
"Hm, salamat, Prinsesa Andrea. Napakaganda mo rin."
"Talaga? Hahahaha! Bagay tayo."
Malapit talaga sila sa isa't isa ng kapatid kong si Andrea.
"Napakaganda mo rin, Prinsesa Brena." natigilan ako nang puriin ako nito.
"S-Salamat."
Napangiti ako. Sa totoo lang, nahihiya ako sa binibining ito dahil sa hindi naging maganda ang una naming tagpo.
Kinain lamang ako ng selos. Ngayon alam ko na kung bakit gusto'ng gusto siya ng iniibig kong Prinsipe. Si Prinsipe Simone, hindi man siya Prinsipe ay para sa akin ay Prinsipe siya...
Huminto ako bago lumuwas, at tiningnan ito.
"Mainit ang lahat ng mata sa’yo, mag-iingat ka, binibining pula ang buhok." hahakbang na sana ako nang bigla nitong kunin ang kamay ko. Nang mag-angat ako ng tingin dito ay nabigla ako...
"Salamat sa pag-aalala." wala sa sariling tumango ako at lumunok.
"Hahahahaha. Nakakatawa ang itsura mo, Brena! Sabi ko sa’yo, mabait si binibining Cane!" nakangiting sambit ni Prinsesa Andrea.
"A-Ano ka ba, t-tara na nga.." hinila ko na si Andrea na patuloy akong tinutukso.
Natahimik ang lahat nang makita ang nasa likuran namin.
"Oh, binibining Cane." tawag sa kanya ni Haring Esteban at sinenyasan na lumapit. Napansin ko ang tronong nasa tabi ng Hari na okupado dahil sa doon daw nakaupo ang kanyang Reyna na matagal nang patay. Tumatayo ang balahibo ko sa t'wing napapatingin sa tronong iyon.
Nakita kong may okupadong trono sa kabilang gilid ni Haring Esteban na sa tingin ko ay ang nakalaang upuan ni binibining Cane.
Nakita ko ang mga matang nakasunod sa kanya habang taas noo at eleganteng naglalakad palapit sa Hari ng Phantor.
Pagkamangha, inggit, galit.
Dahil sa suot nitong itim na kasuotan ay mas lalong naging pukaw-pansin. Hindi tulad ng mga ayos at kasuotan ng mga Reyna at Prinsesa na iba iba ang mga kulay at halatang pinaghandaan nang lubos ang kasuotan, alahas at mukha.
Malayo sa itim at simpleng ayos nito.
Nang makaupo ito sa pinaghilang upuan ni Kasmar ay nakangiting sinuyod nito ang paligid.
"Paumanhin sa paghihintay." itinaas nito ang kopita at tipid na ngumiti saka elegante ang galaw at marahang ininom.
"Walang kaso, magandang binibini." may mapaglarong ngiti na sambit ni Prinsipe Cad, ang Prinsipe ng Werran Tribe.
Tss...
Pormal ang lahat, ngunit hindi nawawala ang mga mapanuring mata na nakasunod sa bawat galaw ng binibining nasa tabi ni Haring Esteban.
Nakita kong tumayo si Prinsesa Veron.
"Nais kong mag-alay ng tugtugin, kung inyong mamarapatin." nakangiting sambit nito.
Gaya ng inaasahan ko ay gagawin nito ang lahat makuha lang ang atensyon ng lahat. Sinulyapan ko si Cane na tahimik na sumisimsim habang nakatingin kay Prinsesa Veron na parang nababagot? O guni guni ko lamang?
"Ang natatanging galing ng Prinsesa ng Tamir sa larangan ng tugtugin ay talagang kahanga-hanga." puri ni Prinsipe Mazi, ang Prinsipe ng Phantor na nasa tabi ni Cane na kanina pang pasulyap sulyap dito.
"Iparinig mo sa amin, Prinsesa Veron." Pagsang-ayon ng mga Hari't Reyna.
"Ngunit mas maganda kung may isang sasabay sa aking tumugtog. Ssayaw habang ako'y tumutugtog."
Hindi maganda ang pakiramdam ko rito.
Naramdaman ko ang pagkapit ng kapatid kong si Andrea sa kamay ko.
Kaming dalawa lamang ang Prinsesang natitira! Ibig niya na naman kaming ipahiya tulad noon upang makuha ang atensyon at papuri ng lahat!
Napakasama mo talaga, Veron!
Narinig kong nagtikhiman ang mga nasa tabi namin, hiyang hiya man ay tatayo na sana ako nang...
"Hindi ko alam kung papasa ako sa pagsasayaw. Maaari ko bang subukan?" nakangiting tanong ng binibining pula ang buhok.
Cane...
Halatang hindi makapaniwala rin ang lahat at nagulat sa suhestyon niya.
Napasinghap ang lahat nang hugutin nito ang espadang nakasabit sa bewang ni Tasyo na nakatayo sa gilid niya. Halata ang kaba at gulat ng dalawa niyang bantay na si Kasmar at Tasyo.
Naglakad ito papalapit kay Prinsesa Veron na napaatras at namutla.
"Simulan na natin." seryoso niyang sambit kay Prinsesa Veron.
"H-Hah?"
"H'wag mo masyadong galingan ah? Baka biglang mapa-hip hop ako."
Pfft~
Di ko alam ngunit pigil ko ang tawa ko habang nakatingin kay Prinsesa Veron na nakaawang ang labi at hindi makabawi sa gulat. Nakita ko ang mabilis na pagkindat ng binibining pula ang buhok sa direksyon naming magkapatid.
Kung ganoon ay napansin niya.
Hindi halata na naobserbahan niya 'yon dahil abala ito kanina pa sa pakikipag-inuman kay Haring Esteban at Prinsipe Mazi. Hanga ako sa lakas nitong uminom. Sa pagkakaalam ko ay mas matapang ang mga iniinom ng mga Hari't Prinsipe.
Nang dumapo ang tingin ko sa kapatid ko ay halos maghugis puso na ang mga mata.
Nagsimula nang tumugtog si Prinsesa Veron habang nakangising hawak ang naylon.
Nakakamangha naman talaga itong tumugtog, hindi ko na maitatanggi iyon. Hindi man ako pamilyar sa tinutugtog niya ay nasisiguro kong mahirap iyon sabayan ng sayaw. Mabilis ang tunog.
Nananadya talaga ang Veron na ito.
Nanatiling nakatayo at hindi gumagalaw si binibining Cane habang nakatagilid ang ulong nakatingin sa hawak na naylon.
Mapang-insultong tumigil si Prinsesa Veron sa pagtugtog.
"Mas mabuting umupo ka na lamang." ngisi ni Veron.
"Ngunit gusto kong sumayaw at kailangan mong tumugtog." nakangusong sambit nito kay Veron.
Pfft!
"Pagbigyan mo na ang binibini, Prinsesa Veron." nakangiting pahayag ni Haring Esteban.
Walang nagawa si Veron kundi tumugtog muli ngunit halata rito ang pagkairita. Lihim kaming nagdiwang ng kapatid ko.
Nakita namin na pumikit ito nang marahan at winasiwas ang hawak na espada at sa pagdilat ay kasabay ang mabilis at eleganteng sayaw na parang kaisa ang hangin.
Seryoso ang mukha.
Bawat galaw ng katawan niya'y tiyak na makakapagpatulala sa kahit sino at makakapagpalunok at sa oras na mapunta sa kanya ang tingin ay hindi mo na maaalis pa.
Sa pag-ikot niya ay siyang pagbaksak ng mahaba niyang buhok na tumama sa sinag ng araw.
Ang hawak niyang espada na sa halip na pamaypay ay nakakamangha.
Ano pa bang hindi niya kayang gawin?
Maayos ang paggalaw niya ng baywang, malambot ang katawan na parang hindi na bago sa kanya ang pagsasayaw.
Pasimpleng tiningnan ko ang mga Prinsipe na nakatulala at sunod sunod na napalunok.
Ang binibining ito ay isang patalim sa puso ng mga lalaki. Wala man siyang gawin...
Narinig kong bumagal ang tunog. Pagtingin ko kay Veron ay parang nablangko at nanlalaki ang mga mata. Buti nga sa’yo.
Dahil sa pagbagal ay naging mabagal ang pagsayaw ng binibining sumasayaw na nagpakawala ng ngiti.
Nakuha pa nitong gumiling sa mabagal na paraan. Nakangiti man ay seryoso ang mga mata.
Nakita namin ang pagsenyas niya sa mga bantay niyang tulala rin at ang sunod naming nakita ay ang paghagis ni Kasmar ng isa pang espada na mabilis na nasalo nito.
Namalayan ko na lamang na wala ng musika ang tumutugtog at ang patuloy nitong pagsasayaw gamit ang dalawang espada na parang sa bawat hampas sa hangin ay may kalaban.
Nakakakaba at nakakapanlamig ang nakakamangha niyang sayaw.
Sa huli ay ang sabay niyang paghagis sa taas ng dalawang espadang hawak at kasabay ng pagtaas ng palda ay ang pagbaon ng dalawang espada sa semento magkabilang gilid niya. Hindi siya yumuko. Hindi siya nagbigay pugay.
Ang lahat ay nakatulala.
Nabalot ng ilang sandaling katahimikan bago siya nagsalita.
"Sana'y nagustuhan niyo ang ipinakita ko." mabini niyang sambit at taas noong tumindig.
"Matagal na panahon na akong hindi sumasayaw, mukhang kailangan ko na muling mag-ensayo." kumakamot sa pisngi na dagdag niya nang wala pa ring magsalita.
Bigla akong nakarinig ng palakpak mula sa katabi ko.
"Waaah! Ang galing! Ang ganda ng sayaw mo, binibining Cane!" maligayang hiyaw ni Andrea hanggang sa gumaya na rin ng palakpakan ang lahat.
"Mahusay kang tumugtog, Prinsesa Veron." puri niya kay Veron na hilaw na ngiti ang sinukli.
Natapos ang salo salo nang puri papuri ang maririnig karamihan mula sa mga Prinsipe.
"May nobyo ka na ba, binibini?" sa tanong ni Prinsipe Xin ay natahimik ang mga nakarinig na halatang interesado.
Sumimsim muna ito at nilingon ang magkapatid na Prinsipe na si Xin at Cad ng Werran Tribe.
Ngumiti ito nang matamis at kumislap ang mga mata na sinabayan ng mabilis na pagtango.
Narinig ko ang pagkabasag ng mga puso sa paligid.
Hay...
Walang pag-asa. Napapailing na nagtanguan kami ng aking kapatid.
Third Person’s Point of View
Bumagal ang paglakad ni Cane at napangiti. Pasimple siyang tumingin sa mataas na pader at doon ay may apat na ulo ang kanina pang nanonood at tuwang tuwa.
Nanigas sa likod ng pinagtataguang pader ang apat na makulit na halimaw na tila nahuli sa isang krimeng nagawa.
"Waaaah! Aking binibini! Nakita niyo 'yon? Nakita niya 'yon? Nakit-"
Mabilis na tinakpan ni Simone ang maingay na bibig ng katabi at sinamaan ng tingin.
"Manahimik kang baliw ka."
Sunod sunod na tumango si Taki na tuwang tuwa pa rin.
"Ngumiti si Cane sa atin hindi ba? Paano niya nalamang nandito tayo?" nasisiyahang bulong at tanong ni Lihtan kay Simone.
"Ang dami mong tanong sa buhay, isa ka pang baliw ka! Bakit ba nasa tabi ko kayong dalawa?"
"Dahil marami kang sagot sa buhay, Simone." inosenteng sagot ni Lihtan.
"Hindi mo naman sinabi agad, Mahal, na ako ang gusto mong makatabi. Tara dito sa tabi ko." lambing pa ni Tenere.
"Arrgh!" sumusukong ginulo ni Simone ang kanyang buhok.
"Simone..." -Taki
"Ano na naman?"
"Yung katabi ng aking binibini, sino 'yon?" turo ni Taki.
"Tingnan mo makatingin yung mga Prinsipe kay Cane, Mahal." ngisi ni Tenere.
Kung kanina ay si Simone ang pumipigil sa tatlo. Ngayon ito naman ang pilit na pinipigil.
"Waaah! Simone, saan ka pupunta?" -Taki habang pigil ang braso ni Simone
"Hawakan mo sa kamay, Lihtan! Hindi sa mata!" -Tenere
"Mas importanteng takpan natin ang mata niya upang di siya masyadong masaktan." sambit ni Lihtan kay Tenere.
"Ha? Ganoon ba 'yon?" puno ng katanungang tanong ni Tenere na tanging si Lihtan lang ang makakasagot!
"Fvck! Bitawan niyo akong mga baliw kayo!" pagwawala ni Simone na naging resulta ng pagbagsak nila sa pinapatungang kahoy.
Pasimpleng napasulyap si Cane sa pader at hindi na napigilang tumawa nang malakas dahil sa nakitang pinaggagawa ng mga ito at pagbagsak mula sa pagdungaw sa pader.
"Pfft~! Hahahahahaha." takang taka naman ang lahat sa biglaang pagtawa ng binibining pula ang buhok.
"Binibini?" untag ni Haring Esteban.
"Hahahaha, ano nga ulit 'yon?" tanong niya kay Haring Esteban na naguguluhan.
"Bakit ka tumatawa?" Hindi mapigilang tanong ni Haring Han.
"Ang cute niyo kasi, hahaha."
"Kyot?" salubong ang kilay na tanong ni Haring Arturo na kanina pang tahimik at salubong ang kilay.
Mas lalong lumakas ang tawa niya nang marinig ang sinabi ni Haring Arturo.
"Opo ang kyot niyo, hehehe."
"Tss." mas lalong sumama ang timpla ni Prinsesa Veron sa pagtawa nito.
"Ah! Ang maganda kong pangupo!" reklamo ni Tenere habang hawak ang pwetan.
"Shit!" hilong sapo ni Simone sa ulo.
"Waaaah!" ngawa ni Taki habang nakalagay ang kamay sa kasu-kasuhan.
Sunod sunod na napalunok si Lihtan at mabilis na nagtago sa likod ni Taki.
"Ah! L-Lihtan wag kang malikot." -Taki
"Nakakatakot si Simone, Taki." -Lihtan
"Matagal na 'yang ganyan." -Taki
"Pfff~! Kalma, MAHAL! Mga bata 'yan!" -Tenere
Napabuga ng hangin si Simone at hinilot ang sintido.
"Damn lunatics."
"Ano 'yung lonateks, Simone?" kuryosong tanong ni Lihtan, sinamaan siyang muli ng tingin ni Simone.
"Sasabihin ko sa’yo kung lalapit ka sa akin." nakangising sambit ni Simone.
"Di bale na lang pala w-wag mo na sagutin." Mabilis na tanggi ni Lihtan at napalunok.
"Ano na ang gagawin natin ngayon, Simoneeeeee?" tanong ni Taki.
Sabay sabay silang nagtago nang may makitang paparating na nagkalat na kawal.
"Napakapalad natin Edong, isa tayo sa nakatalagang bantay sa binibining pula ang buhok!"
"Hahahaha! Tama kayo riyan."
Nagkatinginan ang apat na nakatago at sa isang iglap ay wala ng malay ang apat na kawal ng Tamir.
"Parating na kami, aking binibini!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro