Pahina 31
Pahina 31
Prinsesa Andrea
Third Person's Point of View
"Nandito ba ang kinukwento mo, Prinsipe Taki?" tanong ni Prinsesa Veron.
Nakahalumbabang umiling si Taki habang nakatingin sa bulaklak na hawak at pasimpleng sinuyod ang mga mata, kanina ay nakita niya si Cane na nasa tabi ng kapatid ni Visal.
"Maglahad ka naman ng tungkol sa sarili mo, Prinsipe Taki." pilit ang ngiting suhestyon ni Prinsesa Veron dahil puro ang bukambibig ng kaharap ay 'Cane, Cane, Cane'.
Natahimik naman si Taki at ngumuso, tila namomoblema dahil walang maisip dahil ang kalahati ng utak niya ay puro si Cane at ang kalahati naman ay sa mga kaibigan niyang sina Tenere, Lihtan at Simone. Walang natira sa kanya kaya problemadong problemado siya nang matanto iyon!
"Waaaah! Wala akong alam tungkol sa sarili ko ngunit sabi ng aking, ah ni Cane ay si Taki ay magandang lalaki, Hehehe." makulit na kwento nito. Napasimangot ang Prinsesang kaharap.
'Cane na naman' inis na sambit isipan ni Prinsesa Veron.
Hindi maalis alis ang atensyon ni Prinsesa Veron dito. At hindi mapigilang mapaisip kung sino ang tinutukoy nito nang paulit ulit, kakaiba rin ang kislap ng mga mata ng Prinsipeng kaharap niya at ang ngiti nito habang nagkukwento.
"Anong masasabi mo sa akin?" biglang tanong niya rito.
"Ah..." pinagmasdan siya ni Taki. Napalunok si Prinsesa Veron dahil sa seryosong paninitig nito.
"Maganda." sambit nito sa kanya. Isa iyong papuri ngunit nakaramdam siya ng hindi mapaliwanag na panliliit sa sarili niya.
Sa isang banda, ay nakakailang plato ng iba't ibang putahe ang ating inosenteng Lihtan habang patuloy sa masayang pagdaldal.
"Tiyak na magugustuhan ito ni Cane." sambit niya habang kumakain.
Hindi maiwasang makaramdam ng inggit ang Prinsesang si Alissa sa taong tinutukoy nito.
"P-Paano kayo nagkakilala, Prinsipe Lihtan?"
Natigil sa pagnguya si Lihtan.
"Sa gubat, nakita ko siya at inalagaan niya ako noong magkasakit ako hanggang sa gumaling at siya rin ang nagbigay ng pangalan sa akin." nakangiting kwento ni Lihtan habang nagniningning ang mga mata.
Binalik niya ang mga mata sa Prinsesang kasama at sinserong ngumiti.
"Mabuting tao si Cane." sambit niya rito, at doon ay tuluyang nagwala ang puso ng Prinsesang kasama ni Lihtan...
Sa isang mesa naman ay, napapalibutan ng maraming babae si Tenere.
"Prinsipe Tenere, napakakisig mo." malambing na sambit ng binibining nasa tabi niya habang haplos ang kanyang matipunong dibdib. Nginisihan niya ang binibini na halos himatayin dahil doon.
That's Tenere for you...
Pinagsalin siya ng alak ng isa sa mga ito at pinagsilbihan.
Nakangising itinaas niya ang kanyang kopita at uminom, palihim na sinuyod niya ang tingin sa paligid at napahalakhak nang matanaw ni Simone na tulad ng kanyang sitwasyon ay napapalibutan ng maraming babae. Maliban kina Taki at Lihtan na isa lang ang mga kasama dahil ayaw ng dalawang Prinsesang sina Veron at Alissa ng may kahati.
'Ano kayang kinukwento ng dalawang 'yon?' isip isip niya nang makitang tila aliw na aliw sa pagdaldal ang dalawang kasama.
Tumayo siya at saglit na nagpaalam sa mga kasamang binibini at nagtungo sa seryosong si Simone na hindi nakikipag-usap.
Sabay sabay na nag-angat ng tingin ang mga binibining kasama ni Simone kay Tenere at naghugis puso ang mga mata sa pagngisi.
"Damn playboy." bulong ni Simone sa sarili at inisang inom ang hawak na kopita.
"May sinasabi ka, Simone?" -Tenere
"Tss, umalis ka nga ditong baliw ka." -Simone
Umupo siya sa tabi nito.
Tipid na napangiti ang Prinsesang nasa tabi ni Simone, nagpalipat lipat ang tingin ni Tenere sa mga ito.
"Tenere." pakilala niya sa Prinsesa.
"Kinagagalak kitang makilala, Prinsipe Tenere. Ako si Brena."
"Prinsesa Brena." tango niya rito at mapanuksong tiningnan si Simone na sinamaan siya ng tingin
"Kung wala kang magawa, bumalik ka sa pinanggalingan mo." -Simone
"Hahahahahaha. Grabe ka, Simone. Wala akong ginagawa." tukso niya pa rito.
"Nakakatuwa naman kayo mag-usap, magkaibigan ba kayo?" nangingiting tanong ni Prinsesa Brena.
"Mas malalim pa ang relasyon namin sa pagkakaibigan, Prinsesa Brena." sagot ni Tenere at malisyoso at malagkit na nginisihan si Simone na kinikilabutan sa ngiting binibigay niya.
"Hahaha, matagal na ba kayong magkaibigan?" interesadong tanong ni Prinsesa Brena.
"Hahahahaha. Hindi ko alam, hindi namin binibilang 'yon dahil masaya ang pagsasama namin." ngisi muli ni Tenere, nakatanggap siya ng batok kay Simone.
"Yung bibig mo." -Simone
"Ganyan siya maglambing, mapanakit, hahahaha." -Tenere
Busangot na uminom sa kanyang kopita si Simone. Binalingan ni Tenere si Simone at tinapik ang balikat ni Simone dahil ramdam niya ang pagiging tensyonado nito at alam niya ang dahilan.
"H'wag ka masyadong mag-alala." sambit ni Tenere.
Bumuntong hininga si Simone na hindi pinakinggan ang sinabi nito.
"Hindi mo pa lubusang alam ang takbo ng isip ng babaeng 'yon, tss."
Natigilan naman si Tenere sa sinabing 'yon ni Simone at biglang kinabahan.
"Anong ibig mong sabihin?"
Tiningnan siya nito nang seryoso at diretso sa mga mata at bigla siyang nginisihan.
"Simone, ano nga 'yon?" pangungulit ni Tenere.
Hindi naman maintindihan ni Prinsesa Brena ang pinag-uusapan ng dalawa.
Nahihiwagaang pinagmasdan niya ang dalawa lalo na ang lalaking katabi niya na kanina niya lang narinig na nagsalita.
"Hindi ko rin alam ang takbo ng isip ng babaeng 'yon."
"Sino ang babaeng pinag-uusapan niyo?" tanong niya sa mga ito at parang doon lamang naalala ng mga ito na may kasama sila.
Bumuntong hininga si Simone at muling uminom, hindi mapakali ang sarili dahil wala sa paningin niya ang pinangangalagaan niya.
Hurricane's Point of View
Pwersahang sinira ko ang rehas gamit ang palakol na pinuslit ko kanina sa isang pirata na nakasalubong ko kanina. Aaminin kong ginamitan ko ng dahas ang piratang 'yon, saka na ako hihingi ng pasensya.
Mas nilakasan ko pa, hanggang sa tuluyan na itong nasira. Mabilis na lumuhod ako sa dating Hari ng Hydor, at tinanggal ang telang nakabalot dito nang paikot. Nanlalamig ang mga kamay ko sa sobrang kaba.
Nang matanggal ko ang pagkakatakip sa mukha nito ay tinapat ko ang daliri ko sa ilong nito at pinakiramdaman ang paghinga nito. Mas lalo akong kinabahan, hinawakan ko ang kamay nito at pinakiramdaman ang palapulsuhan nito. Humihina na ang tibok...
"Haring Valdemor."
Bakas sa sobrang nipis nitong katawan ang hirap na dinanas, at hindi ko namalayang bumagsak na ang luha ko sa mukha nito. Nakita ko ang hirap at pilit na pagmulat nito.
"S-Sino ka?" paos na tanong nito.
"Ako ang apo niyo. Hinihintay na kayo ni Lola Dalya."
"Dalya... Ang aking Dalya..."
Suminghap ako ng hangin at umiiyak na tumango.
"Kailangan niyong lumaban. Miss na miss na niya kayo."
"Gusto ko siyang Makita." may pagmamakaawang pakiusap nito sa akin at pilit na may hinahanap ang mga mata.
"Magkikita kayo..." sambit ko rito at huminga nang malalim.
"N-natatakot ako."
"H'wag kayong matakot." pumikit ako ng mariin "...tumingin kayo sa mga mata ko at makinig sa akin." sambit ko rito at diretso itong tiningnan sa mga mata.
Nakita ko ang pagkatulala nito, batid ko ang pag-iiba ng mga mata ko. Patawad, Mom. Susuwayin kita ngayon.
"Kailangan mong huminga nang dahan dahan, hindi ka matatakot at magiging maayos din ang lahat." seryosong sambit ko rito.
Napapikit ako nang mariin sa pagpintig ng ulo ko at pananakit. Ang epekto ng hipnotismo ay nararamdaman ko na. Ito ang pangalawang beses na ginawa ko ito at ipinagbawal ng aking ina na gamitin dahil sa nangyari noon.
Pinilit kong tumayo at pinulot ang maskara ko at binuhat si Haring Valdemor na nakatulala at tulad ng sinabi ko ay humihinga nang marahan kahit nahihirapan at nabawasan na rin ang panginginig ng katawan sa takot.
Sa bawat nilalakaran ko sa pasilyo ay nadaranan ko ang mga walang malay na kawal.
Hindi ko gustong gamitin ang kakayahang kong ito. Hindi naman ganito ang epekto sa akin, pero dahil nasa bingit na si Lolo Val ay ito ang epekto sa akin. At may isang pakiramdam na umuusbong sa akin, nagiging agresibo ako na kailangan ko kontrolin sa t'wing ginagawa ko ito. Ayoko nang maulit ang nangyari noon.
Namana ko ito kay Mom, umiitim ang mga mata niya kapag nagagalit. Ganoon din ako pero nasa sa akin kung gagamitin ko, at maaari ring di ko mapigilan kapag sobra na ang galit na mararamdaman ko.
Maraming natatakot tumingin sa mga mata ko, at hindi pa ito nakikita ni Simone, maging nina Lihtan, Tenere at Taki.
I'm fighting with my own demon, my fears and with myself because I can be the scariest person, ruthless and merciless.
----------◎----------
"Sino ka?"
Someone's Point of View
Tinutok ko ang pana ko sa babaeng nasa harapan ko na may buhat na tao. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin, sumalubong sa akin ang malamig at itim na mga mata nito, kahit na may maskarang nakaharang sa mukha nito ay hindi mapagtatakpan no'n ang nakakabighaning ganda nito. Bumaba ang mga mata ko sa mga walang malay na kawal.
Bahagyang gumalaw ang buhat nito, nakita ko ang pagbabago ng mukha nito nang bumaba ang tingin sa buhat.
"Lolo Val." malumanay na tawag niya dito. Unti unti kong ibinaba ang pana ko.
"T-Tulungan ko kayo makatakas."
Nag-angat siya ng tingin at ngumiti.
"Salamat."
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya tinutulungan. Napakagaan ng loob ko sa kanya. Sinulyapan ko ito na seryoso sa gilid ko.
"Hindi ka ba nabibigatan?" marahang tanong ko dahil, lalaki ang buhat niya.
"Hindi naman. Hehehe. Magaan lang si Lolo Val ngunit bibigat din siya kapag nagkita na sila ni Lola Dalya dahil patatabain ko sila."
Di ko maiwasang matawa.
"Anong pangalan mo?" tanong niya habang diretso ang tingin sa nilalakaran naming pasilyo.
"A-Andrea."
"Salamat, Prinsesa Andrea."
"Paano mo nalamang isa akong Prinsesa?!"
"Hula ko lamang." bungisngis na sagot niya.
Tiningnan ko ang kasuotan ko na napaka-ordinaryo at napanguso.
"H'wag mo ipagkakalat ito ah?"
Kapag nalaman ito ng aking Inang Reyna ay ikukulong ako noon!
"Hahaha, oo naman."
"I-Ikaw? Sino ka? Isa ka bang Prinsesa?" kuryosong tanong ko dahil labis akong nahihiwagaan dito.
"Ako si Cane, simpleng babae, walang permanenteng tirahan at pagala gala kasama ang mga kaibigan ko. Hehehe."
Mas lalo akong nahiwagaan sa kanya at napangiti.
May dinaanan kaming pasilyo, at laking gulat ko nang makitang nasa likod na kami ng palasyo.
"Prinsesa Cane!" tawag sa kanya ng isang batang pamilyar sa akin!
"Prinsipe Visal?!" gulat na tawag ko rito.
"Sino ka?" naguguluhang tanong nito na mas lalo kong kinagulat.
"Anong nangyari sa'yo? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko ulit at tiningnan ang kanyang kabuoan. Anong nangyari sa mabagsik na Prinsipeng ito? Bakit napakaamo niya ngayon?
"Waaah! Prinsesa Cane, sino siya?" ngawa nito kay Cane na may kausap na dalawang lalaki.
"Mauna na ho kayo, at ingatan niyo siya." nakangiting habilin niya sa mga ito.
"M-Masusunod..."
Naputol ang pag-uusap nila nang makarinig kami ng mga malakas na pagsabog at ingay sa buong Kaharian! Anong nangyayari?
"Kailangan niyo nang makaalis sa lalong madaling panahon. Sinusugod ang Hydor." seryosong sambit niya at may kinuhang espada sa ilalim ng kanyang kasuotan at tumalon at pumatong sa kakaibang nilalang na mabalahibo at ang mga mata ay kasing itim ng mga mata ni Cane.
Nilingon niya kami at parang nagdadalawang isip.
"Babalik ako." sambit niya bago sila umalis.
Pareho kaming naiwang tulala ni Prinsipe Visal.
"Sino ang binibining 'yon?"
"Hindi ko rin lubusang alam." seryosong sagot ni Prinsipe Visal at tinalikuran ako.
"Saan ka pupunta?!"
"Gagawin ko ang tungkulin ko bilang Prinsipe."
"Sama ako!" nasasabik na sambit ko.
Dire-diretso siyang nagtungo sa bulwagan. Agad na tinutukan kami ng mga patalim at nang makilala kami ay binaba nila ang kanilang mga sandata, marahil siguro dahil sa kasuotan namin? Kaya mukha kaming kahina-hinala.
Hindi ko nilingon ang aking Amang Hari at Inang Reyna dahil nababatid kong sobrang sama ng tingin sa akin.
"Hey..." malamig sa sambit ng ginoong humarang sa amin. May apat na ginoo ang nasa harapan namin na kinasinghap ko dahil sa nakakatulala ang kanilang kakisigan!
"Nasaan ang aking binibini?" parang di mapakali na sambit ng isa sa kanila.
Nanatili akong nakanganga at tulala sa mga ito.
"Nasaan si Cane, Visal? Ayos lang ba siya?" tanong ng napakaamong boses.
"Visal, anong nangyayari?" baritono at seryosong tanong ng kasunod.
"Hey, tinatanong kita bata, nasaan si Cane?" malamig na tanong muli ng naunang humarang kanina.
Hindi ko namalayang pigil ko na pala ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa amin. Hindi ko na masilip ang mukha ni Visal dahil hindi ako makahinga sa sobra nilang kakisigan!
"Waaaah! Nasaan siya Visal? Ang aking binibini. Huhuhuhu." ngawa pa nung isa at mas lalong nilapit ang mukha, halos maduling na ako sa sobrang lapit nilaaaaa.
"....." -Visal
Bigla siyang sabay sabay na inalog nung apat, yung isa (Simone) sinakal si Visal sa leeg yung dalawa (Taki/Lihtan) inalog ang tag-isang balikat ni Visal at yung isa (Tenere) pisil pisil ang magkabilang pisngi ni Visal.
"Waaah... A-ack sandali lang! Simone, Lihtan, Taki, Tenere! Aah."
"K-Kaaalis lang ni Cane..." napaatras ako nang sabay sabay na tumingin sa akin ang apat na makikisig na ginoo.
"Ha? Saan siya pumunta?" nag-uunahan silang lumapit sa akin.
"D-Di ko alam n-ngunit sabi niya babalik siya." sambit ko. Ilang segundo nila akong tinitigan na siyang kinapula ng mukha ko, ngayon lamang ako napaapektuhan ng ganito sa isang lalaki.
Nakita kong sabay sabay silang tila huminahon, akala ko ay makakahinga na ako nang maayos dahil bahagyang lumayo na sila ngunit muli na naman nila akong tinanong.
"Sino ka? Paano mo nakilala si Cane?" sabay sabay na tanong ng apat at nilingon si Prinsipe Visal na nagkibit balikat. Hindi talaga ako naaalala ng demonyitong Prinsipe na ito.
"Ako si Andrea, Prinsesa ng Kaharian ng 'Montanus' at uh...tinulungan ko si Cane?" sambit ko dahil di ako sigurado kung nakatulong nga ako. Dahil kung iisipin ay tanging pagsunod at pagdaldal lamang ang ginawa ko kanina na siyang kinangiwi ko nang maalala 'yon.
"Waaaah! Tinulungan mo aking binibini! Maraming salamat, Prinsesa Andrea!" nagulat ako nang yakapin ako nito (Taki) bigla at...
"Salamat Prinsesa Andrea..." nakangiting sambit ng katabi niya (Lihtan).
"Salamat magandang Prinsesa Andrea." ngising sambit pa ng kasunod.
"Thanks." seryosong sambit ng panghuli.
"Ah eh uh w-walang anuman?" nalilitong sagot ko at tipid na ngumiti at nilingon si Prinsipe Visal.
"Ah naaalala na kita! Ikaw yung pumasok sa kwarto ko noon!" -Prinsipe Visal
"Naliligaw ako no'n! Ang sama mo!" sinamaan ko ito ng tingin at napanguso dahil naliligaw ako noong una naming kita at aksidenteng nakita ko siyang nagbibihis, likod lang naman 'yon.
"Tss." nilingon ni Prinsipe Visal ang apat na ginoo at bahagyang sumeryoso.
"Inaatake ang Hydor kaya naman hindi tayo makakaalis nang ligtas at maayos lalo pa sa mga importanteng panauhin at may kailangan akong harapin kaya maiiwan ko na muna kayo, tandaan niyo ang mga bilin ni Cane."
"Oo natatandaan ko ang una. Hehehe. Sabi ng aking binibini bago kami kumain ay ipakain muna namin sa iba para masigurong walang lason!" -Taki
"Pangalawa sabi ni Cane, bawal uminom ng alak at maaari lang inumin ay tubig at ipapainom muna iyon sa katabi bago inumin, ngunit...uminom si Simone ng alak. Madaya si Simone." -Lihtan
"Hahahahahaha. Bakit bigla kang namutla mahal? May pangatlo pa, huwag gagamitin ang kakayahan natin ngayong gabi at pang apat, h'wag tatanggalin ang maskara." -Tenere
"T-Tss." -Simone
Napanganga ako sa mga naririnig kong pag-uusap nila. Si Cane? Binilin 'yon sa kanila? Anong relasyon nila sa binibining 'yon? At parang hindi man lang sila nababahala o natatakot sa mga nangyayari, tulad ng babaeng 'yon.
"Pupuntahan ko muna ang aking Ama. Mag-iingat kayo." sambit ni Prinsipe Visal.
Si Prinsipe Visal na makita ko pa lang noon ay kumukulo na ang dugo ko dahil sa kasamaan ng ugali ngunit ngayon ay para na lamang siyang normal na tao makipag-usap, parang ibang tao at hindi ko na makilala. Ang laki ng pinagbago niya.
"Ingat ka, Visal! Kapag may problema, nandito lang kami! Payting!"
"Payting, Visal!"
"Payting bata! Layas."
Kinawayan pa nila ito na akala mo ay napakalayo ng pupuntahan. Napangiti ako sa kanila.
Nang ilibot ko ang mga mata ko ay nakita ko ang masamang tingin ng mga Prinsesa sa akin. Anong problema nila? Tss. Nagulat ako nang ipaghila ako ng upuan ng isa sa kanila.
"Ako si Tenere, maupo ka, Prinsesa Andrea." ngising pakilala nito, napalunok ako sa kakisigan nito at dahan dahang umupo kasama sila.
"Salamat."
"Nakalimutan na namin magpakilala! Paumanhin, Prinsesa Andrea! Ako nga pala si Taki! Si Taki na kausap mo kanina! Si Taki na yakap ka kanina! Si Taki na ngayon ay katabi mo na! Ako si Taki! Taki! Taki! Kinagagalak kang makilala ni Taki! Taki! TAKI!!!" punong puno ng sigla na pakilala nito, napahawak ako sa dibdib ko sa kahanga hangang enerhiya nito
"Ako si Lihtan, masaya kaming makilala ka, Prinsesa Andrea." maamong pakilala ng katabi niya.
"Simone." malamig at seryosong pakilala ng panghuli.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa mga ito.
"Simone..." napalingon kami kay Prinsesa Yuka na nasa gilid na pala nung Simone. Sa tabi ni Prinsesa Yuka ay naroon si Tasyo at Kasmar ang isa sa mga pinakamalakas na mangdirigma ng Mysterium.
Nagulat ako ng biglang magtayuan sina Lihtan, Tenere at Taki at nilagay sa kanilang likuran si Simone na parang pinoprotektahan mula kay Prinsesa Yuka.
"Anong ginagawa niyo mga baliw?" bagot na tanong ni Simone.
"Diyan ka lang! Di mo makukuha si Simone!" -Taki
"Sa amin lang si Simone." -Lihtan
"Tama! Sa amin lang!" -Tenere
"Damn these crazy monsters." -Simone
"Ha! Ha! Ha! Ha! Di namin siya kukunin sa inyo, h'wag kayo mag-alala." natatawang sambit ni Kasmar.
"Lumayas kayo diyan." sambit ni Simone na pilit tinutulak ang mga nasa harap.
"Hindi nga, Simone! H'wag matigas ang ulo! Magagalit si Cane!" saway ni Lihtan dito, nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ni Simone.
"M-Magagalit?"
"Oo, kaya diyan ka lang" seryosong sambit ni Lihtan. Nakita kong natulala si Simone na kunot ang noo at bubulong bulong at hinayaan na lang 'yung tatlo.
"Anong kailangan niyo sa mahal ko?" tanong ni Tenere, nakita ko na binatukan siya ni Simone.
"Aray naman! Batukan mo nga 'yan, Lihtan!" binatukan ni Lihtan si Simone.
"What the-?"
"Magpakabait ka riyan, Simone. Kami na bahala rito, hehehehe." nakita kong ginulo ni Taki ang buhok ni Simone.
Napahawak si Simone sa kanyang noo na hindi maipaliwanag ang mukha. Hahaha.
Sobra sobra ang pagpipigil ko ng tawa! Nakakatuwa at nakakaaliw sila panoorin!
"Kayo nga..." sabay na sambit ni Prinsipe Hasil at Prinsipe Lucien ng makarating sa amin.
Kilala rin nila ang mga ito?
"Anong ginagawa niyo rito?" malamig na tanong ni Simone at masama ang tingin sa dalawang Prinsipe.
"Kayo ang dapat naming tanungin, anong ginagawa niyo rito?" balik tanong ni Prinsipe Hasil.
"Nandito kami para sa pagkain." sagot ni Lihtan.
Binalot kami ng katahimikan at tiningnan kung seryoso nga ba sila sa mga sinasabi nila. Walang dudang seryoso sila sa kanilang dahilan.
"Hahahahahahahahahahahaha." tawanan namin, hindi ko na rin napigilang makiisa sa tawanan nila. Halos maiyak na ako sa katatawa! Ngayon na lamang ulit ako natawa nang ganito.
Nang ibalik namin ang tingin sa mga ito ay nakatingin sila sa entrada na parang may hinihintay at sabay sabay na bumuntong hininga.
Nakikita ko kung gaano kaimportante sa kanila si Cane.
"Ayos na ang lahat, mga rebelde ang mga sumugod." sambit ni Prinsipe Visal nang makalapit kila Simone at tumingin din sa entrada.
Nakita kong nabawasan ang mga kawal at bumalik ang musika at kasiyahan.
"Gusto ko nang makita ang aking binibini." -Taki
"Ako rin." -Lihtan
"Hay." -Tenere
"Ang mga iyonm, mag-iingat kayo sa kanila, lalo pa't hindi pa natin alam ang motibo nila." sambit ni Prinsipe Visal habang nakatanaw sa babaeng may pulang buhok at ang apat nitong mga kasama na kararating lang mula sa pagharap sa mga rebelde.
"Hayaan mo sila sa buhay nila. H'wag lang sila magkakamali." bagot na sambit ni Simone.
Sabay sabay silang tumango na parang sumasang-ayon sa sinabi ni Simone. Sino ba talaga ang mga taong ito?
"Waaaah! Aking binibini!"
Napalingon ang lahat sa entrada kung saan pumasok si Cane. Ngayong maliwanag na ay malinaw kong nakikita ang nakakatulalang ganda nito. Tumigil ang musika at ang lahat ay nakatingin sa direksyon nito. Inayos niya ang kanyang maskara at tipid na ngumiti sa mga nakatingin sa kanya at sinuyod ang tingin sa paligid hanggang sa huminto ang mga mata sa direksyon namin kung saan kumakaway si Lihtan at Taki.
Naglakad siya patungo sa amin, suot ang napakaganda niyang ngiti.
Mabilis siyang sinugod ng sabay sabay na yakap nina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.
"Waaaah! Aking binibini."
"Caneeeeee."
Napangiti ako sa nakikita ko. Nakakatuwa silang pagmasdan.
"Prinsipe Lucien, Prinsipe Hasil, Prinsesa Yuka, Kasmar at Tasyo..." masayang tawag niya sa mga ito at binigyan din ng tag-iisang yakap.
"Masaya akong makita kayo, hehehe." sambit ni Cane ng matapos mayakap ang mga ito.
"Masaya rin kaming makita ka, Prinsesa Cane." namumulang sambit ni Prinsipe Lucien, maging si Prinsipe Hasil ay namumula rin.
Muling niyakap ni Prinsesa Yuka si Cane.
"Hindi pa ako nakakapagsalamat sa inyo. Maraming salamat sa pagtulong niyo sa amin, binibining Cane." sinserong sambit ni Prinsesa Yuka.
Nakangiting tumango si Cane.
"Akala namin ay hindi na namin kayo makikita rito, Prinsesa Cane. Batid naming impostor ang mga iyon.." sambit ni Prinsipe Hasil.
Tumingin sa ibang direksyon si Cane, kung saan nakaupo ang babaeng may pulang buhok na seryosong nakaupo.
Ngumuso siya at ngumiti na lamang. Ngunit may kakaiba sa ngiti niya na nakapagpalunok sa akin, at ang mga mata niya na ngayon ay bughaw na at hindi itim? Namamalikmata lang ba ako no'n. Nagkatinginan kami ni Prinsipe Visal.
Huminga nang malalim si Cane.
"May pabor na hihilingin sana ako." marahang sambit ni Cane habang nakatingin kay Prinsesa Yuka.
"Ano 'yon? Kahit ano pa 'yan ay gagawin ko." seryosong sambit ni Prinsesa Yuka.
"Hindi na ligtas ang mga kasama namin sa kagubatan, at kanina lamang ay nalaman kong natuklasan na ni Haring Daimon ang teritoryong nakatayo sa gitna ng kagubutan. Maaari mo ba silang tanggapin sa inyong Kaharian, Prinsesa Yuka?" seryosong sambit ni Cane.
"Makakaasa ka, binibining Cane, tatanggapin namin sila."
"Salamat."
"Cane, paano ang mga onymus?" nag-aalalang tanong ni Lihtan.
Muling napabuntong hininga si Cane at napahawak sa kanyang noo na parang nahihirapan magdesisyon.
"Sanay silang manirahan sa kagubatan, at alam kong hindi nila gugustuhing umalis doon. Maraming magtatangka sa kanila, at dumadami na rin sila. Kung mayroon lang sanang lugar na para lang sa kanila."
Hindi namin alam ang mga pinag-uusapan nila at parepareho silang malalim ang iniisip sa pinag-uusapan.
"Maari 'yon, aking binibini!" biglang sambit ni Taki na parang nagliliwanag ang mukha o imahinasyon ko na naman 'yon???
May binulong si Taki sa mga ito.
"Ang galing ng naisip mo, Taki." nakangiting sang-ayon ni Lihtan.
"Akalain mo 'yon? May utak ka pala?" ngisi ni Simone at ginulo ang buhok ni Taki.
"Hahahaha. Maganda 'yang naisip mo, Taki! TAMSAP!" -Tenere
"Tamsap, Taki!" -Cane
"TAMSAP!" -Taki
Parang wala na silang kaproble-problema.
Napangiwi ako sa suot ko dahil naiiba talaga ang ayos ko, hawak ko pa ang pana ko. Si Prinsipe Visal ay maayos na ang suot samantalang ako...
Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko.
"Mahilig ka sa pana?" nakangiting tanong ni Cane.
"Oo, paborito ko ito."
"Sa susunod na tatakas ka, sasamahan kitang mag-ensayo gamit ito. Hehehe. Nararamdaman ko ang galing mo rito lalo na nang panain mo sa kamay ang isa sa mga kawal kanina."
"Sige, tatakas ako ulit ako."
"Cane, tinuturuan mong maging pasaway ang Prinsesang kaharap mo." -Simone
Nauwi sa tawanan ang pag-uusap namin. Inakbayan ako ni Cane, at nagulat ako sa sinabi niya...
"Maligayang kaarawan, Prinsesa Andrea..." nakangiting bati niya sa akin na kinalaki ng mga mata ko!
"Waaaah! Maligayang kaarawan, Prinsesa Andrea!" niyakap ako ni Taki.
"Maligayang kaarawan, Prinsesa Andrea." sunod na niyakap ako ni Lihtan.
"Maligayang kaarawan, Prinsesa Andrea." niyakap din ako ni Tenere.
"Maligayang kaarawan, Prinsesa Andrea." niyakap din ako ni Simone.
"Maligayang kaarawan, Prinsesa Andrea, bati na tayo ah?" bati rin ni Prinsipe Visal at niyakap ako
"Maligayang kaarawan, Prinsesa Andrea." bati rin nila Prinsesa Yuka at niyakap din ako.
"P-Paano mo nalaman?" di makapaniwalang tanong ko kay Cane.
"Gusto kang supresahin ni GoddessNiMaster." mas naguluhan ako sa sinabi ni Cane.
Sino 'yon?
"Pinasasabi ni GoddessNiMaster na patuloy kang lumaban, at hinahangad namin ang kasiyahan mo. You deserve all the happiness in the world at mahal ka namin kaya naman..." -Cane
"PAYTING!" sabay sabay na sambit nila, maging sina Prinsipe Lucien, Prinsipe Hasil at sina Prinsesa Yuka ay naki-payting din.
Pinalakpakan pa nila ako...
"S-Salamat... Salamat."
Nakita ko na lamang ang sarili ko na tawa nang tawa habang kasayaw sila Cane. Hawak ni Cane ang dalawang kamay ko habang sumasayaw nang di ko maintindihan. Magulong sumasayaw din ang mga kasama niyang nakapaikot sa amin na para bang walang makakapigil sa pagsasaya nila at ang importante ay masaya sila.
Tulad nila ay hindi ko na rin inisip ang mga nasa paligid at masayang nakigulo sa kanila at nakiisa sa kasiyahan nila. Pakiramdam ko ay malaya ako kasama sila at ligtas anuman ang mangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro