Pahina 29
Pahina 29
Mighty 'Hurricane'
Hurricane's Point of View
Malakas na humikab ako at umunat, pagtingin ko sa tabi ko ay tulog pa si Lola Dalya. Nakangiting tumayo ako at kinumutan ito ng maayos at nagtungo sa palikuran at naghilamos.
Paglabas ko...
"Anong meron, Lihtan?" taka kong tanong dahil may pinagtitinginan ang mga nasa paligid.
Sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Lihtan.
Kalaunan ay napangiti. Nakita ko si Taki na malawak ang ngiti na tumatakbo patungo sa amin habang nasa likuran niya si Tenere at Simone.
"Para sa aking binibini!"
May inilagay siyang puti na rosas sa kaliwang tainga ko.
"Hehehe, salamat Taki."
Nakangiting tiningnan nila ako, binalik ko ang tingin sa ginagawa ni Visal.
"Determinadong magpakitang gilas ang batang Prinsipe. Hahaha." -Tenere
"Ang bata niya pa." nakangusong sambit ko. Wala sa itsura ni Visal na labing tatlong gulang pa lamang ito.
Hindi niya naranasang maging malayang bata. Lahat kontrolado.
"Mukhang uulan nang malakas ngayon." puna ko sa makulimlim na kalangitan.
Naalala ko ang mga kakaibang nilalang sa kagubatan. May ligtas at maayos kaya silang sinisilungan t'wing tag-ulan?
Naputol ang pag-aalala ko nang makita si Visal na malawak ang ngiti na tumatakbo patungo sa amin.
"Prinsesa Cane!"
Pawis na pawis na nakarating ito sa harapan namin at hindi napawi ang magandang ngiti.
"Para sa'yo." inabot ni Visal sa akin ang isang bugkos ng pulang rosas.
"Hehehe, salamat Visal."
Mas lalo itong ngumiti, at namula ang mukha habang nakatitig sa akin.
"Napagpasyahan ko na tumulong sa kanila at nagdesisyon na rin ako." -Visal
"Anong nakapagdesisyon?"
"Na magiging asawa kita, Prinsesa Cane! Dadalhin kita sa aming Kaharian."
MATINDING KATAHIMIKAN.
"HINDI!!" sabay sabay na tutol nina Lihtan, Taki, Tenere at Simone.
Nanatili akong gulat. Nakita ko na lamang ang sarili ko na buhat ni Taki na nakanguso at takbo ako.
"PRINSESA CANE!! IBALIK MO SIYA!!" -Visal
"WAAAAH! HINDI!! T___T HINDI!!" -Taki
"Taki!" -sigaw ni Lihtan kay Taki. Ngayon ko lang narinig na nasigaw si Lihtan at parang natataranta!
Nagulat ako nang ibigay ako ni Taki kay Lihtan at ang sunod na ginawa ni Lihtan ay sobra kong kinamangha at gulat.
Hinagis ako ni Lihtan sa ere nang napakataas at nasalo ako ni Tenere.
"Uwaaaah!"
Tumalon nang napakataas si Tenere at lumapag kami sa mataas na bato.
Teamwork ba ang ginagawa nila?
Nakita ko si Simone na salubong ang kilay na nakikipagtagisan ng tingin kay Visal. Feeling ko may kuryenteng nakakonekta sa mga mata nila.
Natawa ako sa ginagawa nila. Namangha ako sa kinatatayuan namin. Dahan dahan akong binaba ni Tenere.
"Napakaganda rito, Tenere!" tuwang sambit ko.
Napakasarap sa pakiramdam ng sariwang hangin at ng magandang tanawin sa harapin namin.
"Mabuti naman at nagustuhan mo, Cane." nakangiting sambit ni Tenere at nakayukong hawak ang kanyang batok.
"Salamat at dinala mo ako rito, Tenere. Ang ganda rito at payapa."
"Gusto mo bang dalhin kita sa magagandang lugar? Marami akong natuklasang magandang tanawin, Cane!"
"Sige, sige! Waaah! Gusto ko 'yan!" palakpak ko at humalakhak siya at ginulo ang buhok ko.
"Pasan ka sa likod ko at kapit ka, Cane." sabik na sumampa ako sa likuran ni Tenere.
"SAAN MO DADALHIN ANG AKING BINIBINI?! TENERE! WAAAAH!" maktol ni Taki. Hahahaha. Nakita ko si Lihtan na nagpapaawang nakatingin kay Tenere at halata na gusto ring umangkas. Hahaha.
"PRINSESA CANE!!" tumatalon na sigaw ni Visal. Sa tabi niya ay si Simone na nakahalukipkip.
"HAHAHAHAHAHAHA!!! Paaalam!" pang-aasar ni Tenere.
Natatawang kinawayan ko sila hanggang sa makalayo na kami.
"Cane, salamat." biglang sambit ni Tenere.
"Ha?"
Tiningnan ko siya at nakita ang sinserong ngiti niya at ang mga matang tila kontento at ramdam ko ang di maipaliwanag na saya niya.
"Dahil noon ay nagsisisi akong nabuhay, ngunit nang makilala kita, nang makilala ko kayo, nagpapasalamat akong nabuhay. Dati kinahihiya ko ang pagiging halimaw ko at ang paa kong ito ngunit ngayon, sobrang saya ko na ganito ako, na nagagawa kong tumalon ng malaya at mataas at nagagawa kitang italon nang mataas at dalhin sa mga magagandang tanawin na ito."
Natawa ako nang mahina.
"Masaya akong malaman na masaya ka, Tenere." tango ko at mahinang sinakal siya. Hahaha.
"Tatalon ako nang napakataas, Cane, at sa oras na gusto mong tumakas, itatalon kita nang mataas at itatakas kita. Kung dumating man ang sitwasyon na 'yon, itatalon kita at dadalhin sa ligtas na lugar."
Napangiti ako sa sinabi ni Tenere. Pinatong ko ang baba ko sa balikat ni Tenere at ngumuso.
"Kung gusto niyong mapanatili ang kaligtasan ko ay panatilihin niyong ligtas at masaya kayo dahil natatakot ako sa mga maaari kong gawin kapag napahamak kayo." mahinahong sambit ko.
Lumapag kami sa mas magandang lugar kung saan may paraiso akong natatanaw. Napakaganda...
Nilingon ko si Tenere dahil bigla itong tumahimik. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin at kalaunan ay bumuntong hininga at marahang ngumiti sa akin.
Lumapit siya sa akin at inayos ang bulaklak na nilagay ni Taki at muling ngumiti kaya ngumiti rin ako.
"Tara na, hinihintay na nila tayo."
Pumapatak na ang ulan, nilagay ko ang isang kamay ko sa noo ni Tenere para makakita siya nang maayos.
Nang biglang...
"T-Tenere, ang kwintas mo!"
Nahinto sa pagtalon si Tenere at namumutla ang mukha na natulala.
"S-Sorry Tenere, patawad. Patawad." Tarantang sambit ko.
Para itong natauhan at naguguluhang tumingin sa akin.
"Cane, di mo kasalanan. Ayos lang." mahinahong sambit niya.
"Hindi. Importante 'yon sa'yo."
Importante ang kwintas na 'yon kay Tenere. Nakikita kong lagi niya iyong hinahawakan t'wing masaya. Mahalaga sa kanya 'yon!
"C-Cane, ayos lang. H'wag kang mag-aalala." sambit ni Tenere.
"Wag ka nang umiyak." tarantang sambit niya.
Binalik ko ang tingin sa pinaglaglagan ng kwintas ni Tenere. Basang basa na kami ng ulan, ilang saglit pa ay biglang huminto ang ulan.
Napasinghot ako. Nasisiguro akong bigay ni Matilda ang kwintas na 'yon kay Tenere kaya importante 'yon.
Nakabalik kami sa kuta.
Napayuko ako. Kailangan kong mahanap 'yon.
Dahil iyon na lang ang nag-iisang alaala ni Tenere sa kanyang ina. Hindi 'yon maayos.
"Patawad, Tenere."
"Cane, ayos lang. Wag mo nang isipin 'yon. Ayos lang."
Mas lalong bumigat ang loob ko.
"Hey, what happened Cane?" nag-aalalang tanong ni Simone.
Malungkot na tiningnan ko sila at napayuko.
"Tenere?" tawag ni Lihtan kay Tenere.
"Aking binibini..."
"P-Prinsesa Cane."
"N-Nahulog ang kwintas ko, hindi niya kasalanan." sambit ni Tenere nang mahinahon.
"May kalumaan na rin iyon, kaya hindi malabong mapigtas iyon nang di inaasahan kaya wag mo nang alalahanin 'yon, Cane. Ayos lang Cane. Wag mo nang isipin 'yon."
"Waaah, h'wag ka na malungkot, aking binibini. Di mo kasalan. Huhuhuhu." -Taki
"Tama sila, Cane, h'wag mo na sisihin ang sarili mo. Di mo kasalanan." -Lihtan
"Aww!" mahinang daing ko nang pitikin ni Simone ang noo ko. Salubong ang kilay na nakatingin ito sa akin.
"Makinig ka sa mga baliw na 'yan, tss. Walang may kasalanan, kulit mo." -Simone
"SIMONE! BAKIT MO PINITIK ANG NOO NG PRINSESA CANE KO!" -Visal
Binatukan ni Lihtan si Simone, na ginaya ni Taki at Tenere.
"What the-"
Sinamaan nila ng tingin si Simone. Biglang napaatras si Simone.
"Pfft." pigil tawa ko sa itsura nila.
Sabay sabay silang napatingin sa akin na parang nakahinga nang maluwag.
"Tss. Magpalit ka na nga doon, sinasapian na naman ang mga baliw na 'to." marahang tulak ni Simone sa akin.
Pagpasok ko ay...
"Cane? Bakit basang basa ka? Magpalit ka. Hay, ikaw na bata ka oh." -Lola Dalya
"Hehehe."
Naligo ako at nagpalit. Humiga ako at ipinikit ang mga mata ko at di ko namalayang natangay na ako ng antok.
"Di pa gising si Cane?" -Lihtan
"Oo, natutulog pa sa loob. Gaano kayo katagal mag-aantay diyan? Hahaha." -Lola Dalya
"Waaah, di pa kumakain ang aking binibini." -Taki
"Iwan niyo na lang sa akin, at ako na ang magdadala ng mga iyan sa loob." -Lola Dalya
"Hehehehe, may niluto ako para kay Prinsesa Cane." -Visal
"Hahahaha. Oh sige, ilapag niyo na riyan at magsipasok sa mga kwarto niyo." -Lola Dalya
"Simone, tara na. Madaya ka na naman." -Lihtan
"Tss." -Simone
Narinig ko ang mga papalayo nilang mga yabag at pagbukas ng pinto.
"Gising ka na pala, Cane. Maupo ka na at kumain."
Bumangon ako at tumango.
"Salamat. Ah, Lola Dalya?"
"Ano 'yon, apo?" tanong nito habang inaayos ang mga pagkain sa mesa.
Napabuntong hininga ako.
"Nasa labas po ba kanina si Tenere?" di ko kasi narinig ang boses niya.
"Nasa labas kanina, nag-aalala rin sa iyo ngunit tahimik na naghihintay lamang. May problema ba?"
Umiling na lang ako.
"Wala po, d-di ko po kasi siya narinig. Hehehe."
"Hmm, oh siya sige kumain ka na at matutulog na ako."
"Sige po, good night."
Kumain ako nang tahimik, at inubos ang lahat ng pagkain na inihanda nila. Sumulyap ako kay Lola Dalya na mahimbing na ang tulog at nagtungo sa pinto.
Paglabas ko ay sobrang dilim na ng paligid.
Bago pa mamatay ang maliit na apoy na nagsisilbing liwanag ay dinagdagan ko na ng kahoy.
May walong oras pa ako para mahanap ang kwintas ni Tenere. Natatandaan ko ang layo ng maaaring pagbagsakan non. Huminga ako nang malalim at naglakad, dala ko ang maliit kong flashlight.
Naglakad ako nang naglakad, di ko pinansin ang pagsusugat ng balat ko dahil sa mga nakaharang na matutulis na tinik, sanga at dahon.
Magdadalawang oras na akong naglalakad, nang makarinig ako ng mga boses...
"H'wag mong latiguhin nang sobra, Akil! Hahahahaha."
"Pinahirapan pa tayo ng mga ito!"
"Hahahahahaha! Malaking halaga ito!"
Dahan dahan akong naglakad sa pinanggagalingan ng mga boses, at naestatwa sa nakita...
"Hilain na ang mga iyan!"
Nadurog ang puso ko ng marinig ang nakakahabag na atungol at hirap na itsura ng mga ito. Kumalat ang dugo nila sa kanilang puting balahibo...
Hindi...
"Bilis-"
"Anong-"
Third Person's Point of View
Nanigas sa kinatatayuan at napatigil sa paghila ang mga mananabas nang biglang maputol ang makapal na lubid na nakatali sa mga leeg ng nahuli nilang mga kakaibang hayop.
"S-Sino ka?!"
Natulala sila ng masilayan ang mukha babaeng kaharap na nasisinagan ng liwanag ng buwan. Sumalubong sa kanila ang itim na mga mata ng binibining kaharap nila na matalas ang mga matang nakatingin sa kanila.
"Saan niyo sila dadalhin?" malamig na tanong ni Cane sa mga ito at itinutok ang espada sa leeg ng kaharap.
Napaatras ang mga ito.
"Sagot!!!!" dumagundong ang galit at nakakapangilabot na sigaw ni Cane.
Nabalot ng matinding takot ang sampung mananabas at hindi makagalaw sa kanilang kinatatayuan.
"Kapag tinatanong ka, sasagot ka! Nasaan ang iba sa kanila?! At saan niyo sila dadalhin?!!!" hinila niya ang kwelyo ng isa sa mga ito, at hinagis sa puno. Sa tindi ng lakas ng paghagis nito ay nagkabali bali ang buto at agad na nawalan ng malay.
Bumaba ang tingin ni Cane sa apat na halos hindi makatayo na hayop, hindi. Hindi hayop ang tingin niya sa mga ito.
Mas lalong nagdilim ang mukha ni Cane ng makita ang mga sugat mg mga ito.
Tiimbagang na nag angat siya ng tingin sa mga mananabas.
"Damn. Fvckers."
"Aaaaah!"
"Waaag!!"
"Arrgh!"
Bumulagta isa isa ang mga mananabas, natumba ang isang natitira at nanginginig sa takot na nakatingin sa itim niyang mga mata na walang emosyong nakatingin sa kanya.
"I--It-turo ko kung n-nasaan ang iba! W-wag mo akong patayin..."
"Subukan mong magkamali ng turo." mas lalong nabalot ng takot ang kaharap sa mapanganib na banta ni Cane.
Umalis sa harapan niya ang binibini, at natulala siya sa sunod na ginawa ng binibini. Nagtungo ito sa mga bihag nilang mababangis na hayop at tinanggal ang mga lubid sa leeg ng mga ito at sa laki ng bawat isa noon ay binuhat nito ang mga ito sa tila kariton.
Nang malagay ni Cane ang mga ito ay binalikan niya ang mananabas na natira at tinali ang leeg.
"Ngayon wala ka nang kawala. Subukan mong linlangin ako, Makikita mo. Lakad."
Nanginginig na sumunod ang mananabas.
Palihim na sinulyapan ng mananabas ang binibini na tulak ang kariton na sakay ng apat na mababangis na hayop na natugis nila.
"A-Ang apat n-na iyan pa lamang ang nahuhuli namin, ngunit alam namin ang kanilang kuta."
Hindi niya narinig na sumagot ang binibini.
Nanginginig na huminga nang malalim ang mananabas.
Huminto sila sa teritoryo ng mga ito. Hindi mabilang na pares ng mga mata ang sumalubong sa kanila at labas ang mga pangil. Natumba sa kinatatayuan ang mananabas, nanatiling nakatayo si Cane at sinuyod ang kuta ng mga ito.
Sa itsura ng mga ito ay handa na silang sakmalin at patayin. Bago pa sila sugurin ng hindi mabilang na mababangis na hayop ay tumalon ang apat na sugatan na nasa kariton at humarang sa harapan ni Cane at...
"Awoooo! Woooh!" himig ng apat na kauri ng mga nasa harapan nilang halimaw.
Hindi maintindihan ang lenggwahe, ang ibig sabihin ngunit kahanga-hangang huminahon ang lahat ng mga ito.
Yumuko si Cane sa mga ito, na tila nagbibigay galang.
Nakita ng mananabas ang pagluhod ni Cane at sinuri ang sugat ng mga nasa harapang hayop.
Nagulat ang mananabas ng lingunin siya ni Cane na walang emosyon ang mukha.
"Kumuha ka ng tubig, at ng kahit anong dahon na makikita mo"
Natatarantang tumango ang mananabas at tumango.
Napabuntong hininga si Cane, at marahang hinaplos ang malambot na balahibo ng mga ito. Pinunit niya ang mahaba niyang manggas at laylayan ng palda.
Ilang saglit pa'y nakarating na ang mananabas na nakita ang ginawa niyang pagpunit sa kasuotan. Malamig na tiningnan siya ni Cane.
"Hubarin mo ang damit mo"
"H-Ha?"
Nagsalubong ang kilay ni Cane sa mananabas kaya natataranta itong sumunod.
Seryosong nilapatan at ginamot ni Cane ang mga sugatan na hayop, na maamong maamo na nakatingin sa kanya.
Nakahinga nang maluwag ang dalagang si Cane nang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.
"Gumawa ka ng apoy, magluluto ako." humihikab na utos ni Cane sa mananabas.
Mabilis na sumunod ito sa kanya, tumayo siya at naghanap ng maaaring iluto sa mga ito. Nagpapasalamat siya na sagana sa isda ang ilog na malapit sa kweba, maraming sangkap.
Nang mailuto at mapalamig nang katamtaman ang naluto ay nilatag niya ang maraming dahon ng saging at nilagay ang mga inihaw niyang isda, at may mga gulay ding kasama.
"Kain na kayo. Hehehe."
Ilang saglit pa'y nag-uunahan ang mga ito sa pagkain. Inabutan niya rin ang apat na sugatan at ang mananabas na nakatulala sa kanya.
Hindi sinasadyang nagawi ang mga mata ni Cane sa isa sa mga kumakaing nilalang at nanlaki ang mga mata nang makita ang kumikinang na kwintas sa leeg ng isa sa mga ito.
"Ang kwintas..." nagtungo siya rito at hinawakan ang kwintas.
Umupo nang maayos ang isa sa mga mababangis na nilalang.
"Maaari ko bang makuha ito? Sa kaibigan ko ito..."
Napangiti siya sa pagdila nito sa kanyang mukha, at pagyuko na binibigyang pahintulot siyang kunin ang kwintas.
Nakahinga siya nang maluwag nang makuha ang mahalagang kwintas ni Tenere.
Sumandal siya sa bato at unti unting dinalaw ng antok.
"CANE! CANE!!!"
Nagkakagulo ang lahat ng malamang nawawala si Cane.
"Fvck! Where the hell are you, Cane?!" gigil na bulong ni Simone.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Reyna Dalya na nababahala sa pagkawala ni Cane at sa mga seryosong mukha ng apat na ginoo na walang kangiti-ngiti sa mukha na kaunting pitik na lang ay magwawala na.
"Hahanapin namin siya." malamig na sagot ni Lihtan.
Natigilan ang lahat ng may matanaw na paparating na kakaibang hayop.
"A-Ang mga iyan ang nakita namin sa pampang!" sambit ni Sabel.
"Damn. Cane!"
Nakita nila ang dalagang si Cane na nasa likuran ng isa mga kakaibang nilalang.
Mahimbing ang tulog ni Can nang magising siya sa mga sigawan at pagdila sa mukha niya na tila ginigising siya.
Nakangusong napakamot siya sa kanyang pisngi at humihikab na umunat at nagdilat ng mga mata.
Bumungad sa mga mata ng dalagang si Cane ang mga gulat at ngangang reaksyon ng lahat ng nasa paligid.
Bangag na kakaway sana siya sa mga ito nang makita ang kamay niyang nakakuyom. Pagbukas niya ng kanyang palad ay nakita niya ang kwintas. Nangingiting kinuha niya ang kamay ni Tenere at nilagay sa palad nito ang kwintas.
"Ang kwintas mo pala."
"C-Cane..."
Muli itong humikab at sa pagharap niya ay nakita niya ang apat na nakakalakad na nang maayos, tila doon lang siya natauhan.
Mahinang napahampas siya ng kanyang noo at bumuntong hininga at doon lamang naalala muli ang mga nangyari.
"Awooo! Wooo~"
"AWOOOH! AWOOOH~!"
Atungol ng apat na kakaibang nilalang sa harapan ng dalagang si Cane na umupo nang maayos, nakalabas ang dila at naglilikot ang mga buntot.
Napangiti siya sa maamo at cute na mukha ng mga ito.
"Salamat sa paghatid sa ak-"
Naputol ang pasasalamat niya sa mga ito nang maglabasan ang hindi mabilang na kakaibang uri ng nilalang na kauri ng apat na nasa harapan ni Cane.
Napasinghap ang mga nasa paligid...
"AWOOH! AWOOOOH~~"
"AWOOOOOOOOH~"
Natulala ang lahat ng umupo nang maayos ang mga ito at yumuko, maging ang apat na nasa harapan ni Cane na tila nagbibigay pugay at galang sa dalagang si Cane na hindi makapaniwala sa nangyayari, at hindi rin makagalaw sa kinatatayuan.
Ramdam ng lahat ang nag-uumapaw na respeto at tila pagsamba ng mga ito sa dalagang nasa harapan nila. Para bang handang sumunod sa kanilang kinikilang taga-pagligtas...
Hindi makapaniwala at tigalgal ang lahat ng nasusukupan ni Reyna Dalya. Ang lahat. Nangingilabot at buong paghangang nakasaksi sa mga nangyayari...
Para bang napakataas na tao ang kanilang nasa harapang binibini.
Marahang ipinikit ni Cane ang kanyang mga mata at ngumiti, at sinuklian ang pagbibigay galang ng mga ito at yumuko.
Na para bang ipinapakita na hindi siya mataas na tao upang sambahin, at ibababa ang sarili para maging kapantay ang pagkatao niya sa lahat ng nilalang na nasa paligid niya, na ang lahat ay may karapatan na bigyang galang, irespeto at tratuhin nang maayos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro