Pahina 28
Pahina 28
Prinsipe Visal
"Mmm, interasado ka sa binibining iyon, hindi ba?"
Visal's Point of View
Lihim na nagulat ako sa tanong na narinig ko mula sa likuran ko. Malamig na tiningnan ko ito at tinaliman ng tingin, tss.
"Anong relasyon nila sa kanya?"
Narinig ko ang pagngisi sa likuran ko.
"Ha, ha, ngayon ka lamang nagtanong at nagsalita nang kusa? Interesado ka nga." may himig na panunukso nito, tss. Mabuti na lamang at gabi na.
"Hindi nakatulong ang dilim ng gabi sa pagtago ng pamumula ng mukha mo, Visal."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Hahahaha."
"Tss."
"Noong unang apak mo rito'y gusto mong umalis, ngayon? Pangatlong araw mo na mukhang wala ka nang balak umalis...o? Saan ka pupunta?"
"Inaantok na ako."
"Sayang, kukwentuhan pa naman kita tungkol sa aking apo. Hahaha."
Reyna ba talaga ito? Hindi ako pamilyar sa nilalang na ito at hindi ako makapaniwalang buhay ito at may naninirahan dito.
Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil bumalik ako sa pagkakaupo.
Blangkong tiningnan ko ito sa pagngisi nito na natutuwa sa pang-iinis sa akin.
Wala pang gumanyan sa akin. Ni tingnan sa aming Kaharian ay hindi magawa ng mga tulad nila.
Binalik ko ang tingin sa iba, at kusang huminto ang mga mata ko sa babaeng 'yon na palaging kasama ang apat na lalaki sa tabi niya.
Nararamdaman ko na may kakaiba talaga sa apat na 'yon, at ang babaeng 'yon...
"Napakaganda niya hindi ba?" -Reyna Dalya
Napalunok ako at pinanatiling seryoso ang mukha ko.
'Napakaganda niya, lalo na sa t'wing ngumingiti siya, napapatulala ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko'
Na sa t'wing magagalit ako, magwawala at mang-uutos tulad ng parati kong ginagawang pagmamalupit ay hindi ko magawa dahil pakiramdam ko'y nakatingin siya at hindi ako maaaring magkamali! Hindi mawala sa isip ko ang maamo niyang mukha, ang mga mata niyang tila walang kinatatakutan, determinado, mapang-unawa at may bahid ng kainosentihan at kabagsikan.
Iba ang dala ng presensya niya, hindi ko maipaliwanag...
Hindi ko maintindihan...
Lagi siyang nakangiti at nakatawa. T'wing daraan siya ay mapapangiti ang lahat, na magkakaroon ka ng dahilan sumaya kahit sobrang lungkot mo na.
Naalala ko ang mga nakaraang araw ng pananatili ko.
Siya ang kauna-unahang ngumiti sa akin at kumausap na para bang normal at pantay lang ang pagkatao namin. Batid kong ayaw ng karamihan sa akin, ngunit siya ay walang pakialam at nilalapitan ako, kinakamusta at kinakausap. Laging nakasunod sa kanya ang apat na lalaki, laging nakabuntot saan man siya pumunta.
Sino siya? Sino sila?
Ayon sa nalaman ko ay naligaw din sila sa kagubatang ito at dinala sa kuta nilang nagsisilbi nilang teritoryo.
"Sabihin na lang natin na mangingialam ang apat na makikisig na ginoong 'yan kapag si Cane ang usapan. Hahaha. Kahit saan magtungo ang binibining 'yon ay susundan nila. Nasisiguro kong oras na tumalon sa napakalalim na dagat ang binibining 'yon, hindi magdadalawang isip na tumalon nang sabay sabay ang apat na 'yan. Kapag may panganib, haharang agad sila. Ganoon din si Cane." narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
"Ganoon din si Cane, Visal. Hahaha. Sa oras na nanganganib o nasaktan ang apat na ginoo na 'yan ay kikilos agad 'yan, hindi mananahimik at papapigil. Kung titingnan at iisipin, hindi mo agad mapapansin ngunit lagi niyang inaalala at pinoprotektahan ang mga kasama niya."
Pinanood ko sila ng mga kasama niya na nagtatawanan.
"Kahanga-hanga...hindi ba, Visal?"
Iniwan ako nito ng tulala.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo ni Reyna Dalya sa anak ng umagaw sa kanilang Kaharian. Ang Hydor. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari bago ako mapadpad sa lugar na ito. Kumuyom ang kamao ko...
Paano mo nagawa ito sa akin, Rael? Aking Kapatid?!
Hindi ko namalayang nakatulog ako at paggising ko ay umaga na pagdilat ko.
"Magandang buhay!"
"C-Cane..."
Tumingin siya sa gilid ko kaya't bumaba ang tingin ko sa pagkain na nasa tabi ko. Palagi niya akong binibigyan ng pagkain dahil walang naglalakas na loob na lumapit sa akin.
"Kain ka na, Visal!"
"S-Salamat..."
Tinitigan ako nito sa aking mga mata ng diretso habang nakanguso.
"Malungkot ang mga mata mo, Visal." natigilan ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin.
Anong sinasabi niya?
Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at umupo sa tabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya naman ay napatingin ako sa kanya na nakanguso pa rin at nakatulala. Nakakatulala ang ganda niya.
"Bakit ka nagpapanggap na masama, Visal?" mahinahong tanong niya na kinabigla ko.
"Anong sinasabi mo?" kunot noong tanong ko ngunit napaiwas ng tumingin siya sa akin. Bakit hindi ko siya matingnan? Bakit kinakabahan ako?
"Yung ginagawa mo? Naninigaw, nagagalit at pagpapanggap na masamang bata. Hehehe."
"Masama akong tao." seryosong sambit ko.
"Walang masamang tao ang umiiyak, naniniwala akong mabuti kang bata, Visal."
Bata? Tsss.
Totoo ba ang sinabi niya? Ako ay mabuti?
Pinalaki akong malupit ng aking Ama, kaya hindi ko alam kung totoong mabuti ako. Hindi ko na mabilang at matandaan ang mga kasamaang nagawa ko. Nasasabi niya lang ito dahil hindi niya ako lubusang kilala kaya nagkakamali siya.
"Lahat tayo may kanya kanyang pinagdaraanan, magkakaiba man ng kinakaharap ngunit pareho lamang tayong lumalaban at tao. Wala tayong pagkakaiba, matatagpuan mo ang kasiyahan kung magpapakatotoo ka, Visal, kaya naman...h'wag kang matakot."
"Walang maaaring dumikta sa'yo, Visal. Gusto kong makilala ka, gusto kong makilala si Visal. Siguro, mahiyain siyang bata, masiyahin, matulungin at may magandang ngiti? Sa tingin mo, Visal?"
Noong bata pa ako, sa t'wing nakikita akong nakangiti ng aking Ama ay nagagalit ito. Ang sabi niya kahinaan iyon, hindi ko dapat ipakita na masaya ako. Hindi ako maaaring makiusap, kailangan maging malupit ako. Na dapat akong galangin at katakutan, hindi ako maaaring magkaroon ng kaibigan at siya lamang ang dapat kong pagkatiwalaan. Bawal ngumiti, at bawal umiyak.
Iyon ang sabi niya.
Nagulat ako nang iharang niya ang isang palad niya sa mga mata ko.
"Iiyak mo lang 'yan, Visal." malumanay na sambit niya. Doon ko lamang naramdaman na lumuluha na pala ako.
"Aww, what a poor baby."
Napasimangot ako sa narinig ko.
"Omy! Little Simone. Hihihi." bungisngis niya at pinisil ang magkabilang pisngi ko na basa ng luha
"Tss. No way." -Simone
Nagulat ako nang may tumalon sa puno, napanganga ako nang makita sila na isa isang bumagsak.
"Magandang buhay! Visal! Ako si Taki! Si Taki na nasa nasa taas ng puno kanina! Si Taki na tumalon mula sa puno kanina! Si Taki na cute na nasa harapan mo na! AKO.SI.TAKI! TAKI! TAKIIIII!!!"
"Pfft." -Cane
"Damn." -Simone
"Hahahahaha, ako si Tenere, Visal! Ang pinakamakisig sa amin at ako ang mahal ni Simone." -Tenere
Napanganga ako sa sinabi nito at nagpalipat lipat ang tingin ko kay Simone at Tenere.
"K-Kayo?" gulat na tanong ko.
Malakas na binatukan ni Simone si Tenere.
"Aaah! Mahal naman!! Totoo na 'yon ah! Ang sakit! Parang wala tayong pinagsaluhang-" bago pa nito matapos ang sasabihin ay natahimik sa pagtaas ng kamao ni Simone.
"Ako si Lihtan, masanay ka na sa kanila. Ganyan maglambingan sina Simone at Tenere, Visal. Alam mo ba? Araw araw silang ganyan at naiintindihan namin na ganyan-" natigil si Lihtan sa pagdaldal ng sabay kaming mapatingala sa taong nasa gilid namin.
Namutla si Lihtan at napalunok.
"Lihtan." nakasimangot na tawag ni Simone.
"Siya si Simone, Visal. Hehehe." nakangusong turo ni Lihtan kay Simone at unti unting nagtago sa likuran ni Cane kasama sina Tenere at Taki na tawa nang tawa.
"Damn crazy monsters." bulong ni Simone at tumingin nang diretso sa akin habang nakakunot ang noo. Napalunok ako.
Siya talaga ang lagi kong nakikita na seryoso, madalang ngumiti at tumawa.
Tumingin si Simone kay Cane habang kunot ang noo at binalik ang tingin sa akin.
"Simone." matigas at malamig na pakilala niya sa akin at nakipagkamay sa akin. Mas matangkad ito sa akin kaya nakatingala ako.
Bumaba ang tingin ni Simone sa pagkain na nasa damuhan na wala pang bawas.
"Kumain ka na bago pa lumamig." seryosong sambit ni Simone.
Napalunok ako at tumango.
Nakakatakot siya.
"Waaah! Ang pangit mo, Simone!" nagulat ako sa sinabi ni Cane.
Maging si Simone na napanganga at nagulat din.
"Wala man lang smile diyan! Pangit mo!"
"Damn. What the hell, Cane?" di makapaniwalang sambit ni Simone.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" -Tenere/Taki/Lihtan
Biglang umalis Simone nang nagdadabog at bagsak ang mukha.
Sumunod sa kanya si Cane nang nakanguso.
Naiwan ako kasama sina Lihtan, Taki at Tenere na nakangiti sa akin.
Hurricane's Point of View
"Simone~"
"Tss."
"Hehehehe, gandang lalaki si Simone!"
"..."
Awww!
Nakarating kami sa ilog. Huminto siya kaya huminto rin ako.
Bigla siyang humarap sa akin nang nakasimangot.
"Is he cute for you?" kunot noong tanong ni Simone. Napaawang ang labi ko.
"Si Visal?" naninimbang na tanong ko at nakasimangot na tumango siya.
Si Simone ay...
"Am I not cute anymore?" parang batang tanong ni Simone.
Salubong ang kilay ni Simone, tila nagtatampo ang mga mata, nakanguso nang kaunti ang labi at namumula ang mukha.
Huminto ang mata ko sa labi niya.
Napahinga ako nang malalim at nakapamulsang pinagmasdan si Simone.
"Why so adorable, Simone?"
Lumakad ako palapit sa kanya at hinalikan ang ilong niya at mataman siyang tiningnan sa mga mata niyang kulay stokolate at kay sarap tingnan magdamag.
"C-Cane."
"Hmm?"
Namula ang buong mukha niya at biglang nahiya at di malaman ang gagawin. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. Pagkatapos ay marahang kinulong ang mukha niya sa mga palad ko at pinisil nang mahina.
Ayaw ni Simone nang ginugulo ang buhok niya at hinahawakan ang mukha niya kaya natutuwa ako dahil hinahayaan niya ako.
"You're still my Simone. You're mine, right?" nakangiting tanong ko.
"I'm yours, Cane." seryoso niyang sagot at ngumisi.
"Cute si Visal, hehehe." sambit ko at hindi ko pa rin inaalis ang mga palad sa mga pisngi niya.
"Tss."
"Hahahahaha." hinila ko siya at tabi kaming umupo habang nakaharap sa ilog.
Humilig ako sa balikat ni Simone.
"Napakahiwaga ng lahat, Simone." nakapikit na sambit ko.
Alam kong naiintindihan ni Simone ang ibig kong sabihin.
"Saan na naman napadpad ang isip mo?" buntong hiningang tanong niya.
"Napakalayo at labo."
"Cane, hindi mo kailangang pasanin ang lahat."
Nanahimik na lang ako. Ang daming bumabagabag sa akin.
"Tss. Ang tigas ng ulo mo."
Tinawanan ko si Simone at tiningala. Salubong man ang kilay ay kita ko ang pag-aalala niya.
Napangiti ako.
"May first kiss ka na ba, Simone?"
"W-What?"
"Tinatanong ko kung meron?"
Namula nang todo ang mukha niya hahaha. I'll take that as a no. Hahaha.
"Mabuti naman." tinapik ko ang balikat niya at tumayo at inabot ang kamay ko.
"Tayo na, Simone." malambing na aya ko habang pigil ang ngisi.
Hila ko ang kamay niya habang papunta kami kanila Lihtan, Tenere, Taki at Visal na nagku-kwentuhan.
Umupo kami ni Simone.
"Parang maganda ang dating ng mahal ko ah? Anong nangyari, Cane?" usisa ni Tenere na at tumaas baba ang dalawang kilay. Hahaha.
"Sira."
"Anong pinagkukwentuhan niyo?" tanong ko.
"Aking binibini! Ang sama ng kapatid ni Visal!" -Taki na niyugyog nang kaunti ang braso ko
"Oo nga, Cane, pinagtangkaan siyang patayin ng kapatid niya." malungkot na sumbong ni Lihtan
Nakita ko ang pagyuko ni Visal.
Napabuntong hininga ako at nalungkot sa nalaman.
"Anong plano mo?" gulat na nag-angat ito ng tingin sa akin.
"H-Ha?"
"Anong plano mo? Magmumukmok ka na lang ba at hahayaan ang mga nangyayari?" taka kong tanong kay Visal at napanguso ako dahil sabay sabay na tumingin sa akin sina Lihtan, Tenere, Taki at Simone.
"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" nakangusong tanong ko. Bakit ganyan sila tumingin?
Sabay sabay na umiling sila at ngumiti sa akin.
"B-Babalik ako sa Kaharian."
Binalik ko ang tingin kay Visal.
"At sa tingin mo hahayaan kitang umapak nang mag-isa roon? Pagtapak mo pa lang doon nasisiguro kong bulagta ka na at walang buhay. Gusto mo ba no'n?" tanong ko.
Napanganga ito sa sinabi ko.
"Kung ganoon, anong gagawin ko?" naguguluhang tanong sa sarili ni Visal.
Ginulo ko ang buhok niya at inakbayan siya at humalakhak.
"Maghanda ka muna bago sumabak at patunayan mo ang sarili mo, Kamahalan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro