Pahina 27
Pahina 27
Pain and Punishment (2)
"Naayos mo na ba ang pinagagawa ko?"
"Oo." nakakapangilabot na ngisi ang sumilay sa mga labi ng dalawa sa dilim.
"Sa wakas..."
Kasalukuyang nagkakagulo sa kaharian ng Hydor dahil sa pagkawala ng batang Prinsipe.
Ang pinakabatang anak ni Haring Daimon.
"HALUGHUGIN ANG LAHAT NG SULOK NG KAHARIAN!! HANAPIN SIYA!! HANAPIN!!" galit na sigaw ni Haring Daimon.
"Ako na ang bahala, Amang Hari." seryosong sambit ni Prinsipe Rael, ang panganay nitong anak.
Walang pakialam na nakikinig ang ikalawang anak ni Haring Daimon na si Prinsesa Feya at tumayo.
"Sa tingin ko'y hindi ako kailangan dito, mauuna na ako." malamig na sambit ni Prinsesa Feya.
"Prinsesa Feya, umayos ka! Nawawala ang ating kapatid!" gigil na sambit ni Prinsipe Rael.
"Kaya mo naman iyan, Prinsipe Rael. Ikaw pa ba?" ngising sambit ni Prinsesa Feya at pagod na tumingin sa mga ito.
"At isa pa, maaari bang hayaan niyo muna ako? Hindi na ako makahinga lalo pa't ipinagkalulo niyo na ako, anim na araw na lang ikakasal na 'ko sa matandang Hari ng Tamir!" galit na sigaw nito at umalis sa silid ng kanyang Ama.
"Visal, Visal! Bakit mo pa ngayon naisipang mawala?" nanghihinang usal ni Prinsesa Feya nang makarating sa kanyang silid.
"Amang Hari, ipagkatiwala niyo sa akin ang lahat." sambit ni Prinsipe Rael.
"Inaasahan kita, Prinsipe Rael at ang preparasyon, h'wag mong hahayaang makarating ang problemang ito at kumalat!"
"Masusunod!" nakayukong sagot ni Prinsipe Rael at ngumisi.
Hurricane's Point of View
"HAHAHAHAHAHAHA!!"
Napangiti ako sa halakhakan ng mga nagkakasiyahang nasasakupan ni Lola Dalya. Nakaupo ako sa tapat ng apoy habang umiinom ng alak na ipinagmamalaki nila.
"Hindi pwede sa mga bata ito." sambit ni Tenere sa nakasimangot na sina Lihtan at Taki. Hahaha.
Magkatabi sila ni Simone at nagtatagayan, habang napapagitnaan ako nina Lihtan at Taki.
"Ngunit gusto kong tikman ang iniinom ng aking binibini. Huhuhuhu." ngawa ni Taki.
Kahit gusto ko siyang bigyan ay hindi ko magawa. Iba kasing malasing si Taki. Isang beses, magkakasama kaming umiinom at mabilis silang tamaan ni Lihtan at hahaha nakakatakot sila lasingin. Hahaha.
"Hey, tama na 'yan." ngumuso ako kay Simone at tinuloy ang pag -hot. Hehehe.
Di naman ako tinatamaan agad dahil pangmatagalan ako sa tagayan, noon kasama ko pa uminom ang mga kapatid ko, isang beses sa isang buwan. Safety ko na rin 'yon pagkatapos non matutulog na kami. Aww, I miss my brothers hehehe ang balita ko natagpuan na nila ang mga babae nila. Dadating ang araw na makikilala ko rin sila hihihi tapos aagawin ko sila kanila Thunder, Rain at Storm. Dang! Ang ganda ng naisip ko, gusto ko makita ang mga nakabusangot nilang mukha hehehe.
Natawa ako mag isa sa mga naiisip kong kalokohan.
"Ayos ka lang, Cane?" alalang tanong ni Lihtan.
"May naalala lang." natatawang sagot ko.
"Nagkakasiyahan ba kayo rito?" tanong ni Lola Dalya at umupo rin kasama naming. Nasa tapat kami ng apoy at nakapabilog na nagkakasiyahan din.
"Hindi masaya si Taki." sambit ni Taki.
"Ayos lang si Lihtan." sambit ni Lihtan.
Sumimangot si Taki kay Lihtan
"Hahahahaha." tawa ko at inabutan silang dalawa ng tag-isang baso lang.
"Cane!" saway nina Tenere at Simone.
"Isang baso lang, hehehe."
Di ko matiis ang cuteness nila eh. Hihihi!
Agad nilang kinuha na parang bata na tuwang tuwa na napagbigyan.
"Binibining Cane, may nobyo ka na ba?" tanong ng isa sa mga mamamayan ng 'Hydór'.
Lahat ng mga mata ay napunta sa akin, pati ang mga maiingay na tugtog at sayawan ay tumigil.
Pakiramdam ko, nasa hot seat ako? Huminga ako nang malalim at napakamot sa noo.
"Wala pero may pinopormahan ako. Hehehe." nakangiting sagot ko.
Napanganga sila sa sinabi ko. E? Anong mali sa sinabi ko?
"Ano? May nililigawan ka? Bakit ikaw? Sino?" sunod sunod nilang tanong na biglang bigla.
Natawa ako nang malakas.
"Sa pamilya namin, may batas kami na sa oras na matagpuan namin ang taong gusto namin ay paghihirapan naming makuha, at gagawin namin ang lahat para mapa-samin." uminom muli ako ng alak at nangingiting tiningnan silang lahat na parang hindi makapaniwala. Hahaha.
We handle and own with care, that's a Thurston for you.
I will treat my man like my Father said. Hehehe.
We, Henderson/Thurston is possessive when it comes to our possession. When it comes to our woman or man but hindi naman 'yung sa paraan na masasakal namin ang mga ito.
Uminom muli ako sa aking kopita at napahinga nang malalim habang nakangiti. Hihihi.
"Wala sa pamilya namin ang sumusuko basta basta, kaya naman sa oras na dumiskarte na ako sa lalaking naiibigan ko, maghanda na siya dahil sisiguruhin kong babagsak siya at ako ang sasalo sa kanya." seryosong sambit ko at namumungay ang mga matang ngumiti muli.
Humikab ako, inaantok na 'ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko na nakatingin pa rin silang lahat sa akin. Nakatulala.
Huh??
"Bakit?" nagtatakang tanong ko at napatingin kay Simone na nahuli ko ring nakatulala at nang makitang nakatingin ako ay nagbaba siya ng tingin. Hindi ko makita nang maayos ang reaksyon niya.
"Ngayon lamang ako nakakilala ng isang binibining didiskarte sa isang lalaki?" di makapaniwalang sambit nila.
"Ibang klase ang aking binibini, kahanga hanga." sambit ni Taki na tinanguan ni Lihtan.
Nahuli ko ang pagngisi ni Tenere kay Simone na tahimik na umiinom nang sunod sunod.
"Ikaw, Simone? May nobya ka ba?" tanong niya kay Simone.
Nakita ko ang pag-aabang ng sagot ng mga kababaihan.
"Tss, w-wala."
Lihim akong napangiti at uminom muli. Wala namang magagalit, Simone kapag dumiskarte ako pero ayos lang naman na may kakompetensya. Napangisi ako.
Napatingin ako kay Lola Dalya na humahanga ang mga matang nakatingin sa akin.
"May mga kapatid ka ba, binibining Cane?" tanong ng mga kababaihan.
Nakangiting tumango ako.
"May tatlo akong mga kapatid, pinakabata at nag-iisang babae ako."
"Waaah! Ipakilala mo naman sa amin? Siguradong napakakikisig ng mga iyon." parang nangangarap na sambit nila.
"Magaling din ba silang makipaglaban tulad mo?" tanong ulit nila.
"Magaling at malakas, ang ama at ina namin ang naghubog at ensayo sa amin."
"Sino ang pinakamalakas?" tanong muli nila.
Napatigil ako sa pagtungga sana ng alak.
"Kahit kailan hindi kami pinaglaban laban ng mga magulang namin dahil baka umabot ng dekada kung paghaharapin nila kami, at hindi rin namin magagawang saktan ang isa't isa." sagot ko.
Hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan naming pag-eensayo.
"Nakakahanga!" sambit ng mga kababaihan. Napangiti ako at napabuntong hininga.
"Galing kami sa Hydor kanina lamang." nabaling ang usapan sa sinabi ni Pado.
Seryosong nag-angat ito ng mukha at nagtagis ang panga.
"Usap usapan ang babaeng may pulang buhok at ang apat na halimaw na nasa palasyo ngayon."
Bumaba ang mga mata ko sa kopitang hawak ko.
"Magkakaroon ng salo salo at dadalo ang lahat ng makakapangyarihang hari mula sa KIN Palacio, Hideus, Mysterium at marami pa.."
Nag-angat ako ng tingin kay Lihtan sa paghawak niya ng kamay ko. Seryoso ang mga mata ni Lihtan na nakikinig. Kinuha rin ni Taki ang kamay ko at tulad ni Lihtan ay seryoso rin.
Hindi ko alam kung bakit.
Pero marahang pinisil ko ang kamay nila.
Nangangamba ba sila? Para saan at bakit?
"Mukhang nabigo tayo, ang akala ko ay sila ang ating magiging pag-asa."
"Nagkamali tayo mga kasama."
"Ngayong nasa puder ni Daimon ang mga ito ay mas lalong lumawak at lumakas ang impluwensya nito." mahinang sambit ni Lola Dalya at bahagyang tumingin sa akin. Siya lang ang nakakaalam ng katauhan namin.
Napatingin ako kay Lola Dalya at nalipat ang mga mata ko sa matang kanina pang nakatingin sa akin at nagbabantay.
Bumuntong hininga si Simone at muling nagsalin sa kanyang kopita nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Kunot noong napanguso ako at matamis na ngumiti kay Simone, bigla niyang nabuga ang iniinom niya na kinahalakhak ko.
"HAHAHAHAHAHAHA!!" tawa ko, sinamaan niya ako ng tingin.
Oh, Simone...
Alam kong ramdam din nila ang panibagong haharapin namin. Wala naman silang dapat ikapangamba.
Mas lalo akong napahalakhak nang maalala na may nagpapanggap na katauhan namin.
"Hahahahahahaha." naiinis ako, oo pero gusto kong matunghayan ang mga gagawin ng mga ito lalo pa't napakainteresante ng mga nangyayari ngayon.
"Tss." napangiwi ako nang kaunti sa pag-uunahan ng mga babae na abutan siya ng pamunas.
Nakahalumbaba na pinagmasdan ko si Simone. Nakita ko ang paglunok niya at pagtanggi na punasan siya at siya na ang nagpunas ng sarili niya.
"Pfft." napatingin ako kay Lola Dalya na pailing iling na parang pinahihiwatig na alam niya ang ginagawa ko.
Hahaha.
"Bukas na gaganapin ang selebrasyon at pagtitipon, sasamantalahin naming makaimbak ng makakain, Reyna Dalya."
"Salamat Pado." nakangiting pasasalamat ni Reyna Dalya.
"Matakaw kasi si Lihtan, hehehe." -Taki
Napasimangot at nahihiyang ngumuso si Lihtan. Totoong matakaw si Lihtan, hehehe
Hmm, dahil sa sobrang init ng panahon ay hirap sa pagkain ang lahat. Tagtuyot at hirap makahanap ng malinis na inumin.
"Sasama ako sa pagkuha ng pagkain."
"Waaaah! Sama rin ako sa aking binibini, hehehe." -Taki
"Ako, sasama rin sa'yo, Cane." -Lihtan
"Hindi ako papahuli, nakakapanghinayang kung hindi ako masisilayan ang gandang lalaki ko." -Tenere
"Tss." -Simone
Hindi pa ako nakakapunta sa Hydor at mas maganda na may maitulong kami sa pag-imbak ng mga pagkain.
~*~
Naglalakad ako kasama sina Lani at Sabel, kagagaling lang namin sa ilog at naligo.
"Anong nangyayari roon?" taka rin nilang tanong.
Para silang may pinagkakaguluhan sa kuta.
"Kilala ko ang batang Prinsipe na 'yan! Si Prinsipe Visal, ang anak ng demonyong si Daimon!"
"Saan niyo nakita 'yan?"
"Nakita naming inaanod sa dagat at nakabalot! Akala namin ay wala nang buhay!"
"Masama ang batang 'yan. Anak ng demonyo, nasaksihan ko ang kalupitan niyan."
Narinig kong usapan ng mga ito. Nakita ko ang walang malay na Prinsipe na tinutukoy nila at basang basa.
Nagulat ako nang may telang pumatong sa ulo ko at pinatuyo ang buhok ko. Pagtingin ko ay si Taki iyon na nakangiti sa akin. Nasa tabi ko na pala sila.
"Reyna Dalya."
Bumalik ang tingin ko sa nagaganap. Nakita namin ang seryosong mukha ni Lola Dalya at binalot ng tela ang batang Prinsipe na tinatawag nilang Visal.
"Dalhin sa aking silid."
"Ngunit Reyna Dalya-"
"Ngayon na." pinal na sambit ni Lola Dalya at tinalikuran ang lahat.
Tahimik na nanonood lang kami. Wala silang nagawa kundi sumunod. Iba iba ang nakikita kong reaksyon sa mga ito.
Karamihan ay tutol sa pagtulong ni Lola Dalya.
Nagkatinginan kaming lima at tahimik na umupo na lang sa upuang kahoy.
Sa pagdating ng batang Prinsipe ay parang nawalan ng sigla ang paligid. Naiintindihan namin, sino nga naman ba ang matutuwa? Nag-aalala ako kay Lola Dalya.
"Cane, bakit may kalmot ka sa braso?" nag-aalalang tanong ni Lihtan.
Nalipat ang tingin nila sa braso ko na may maliit na kalmot.
"WAAAAH! ANONG NANGYARI SA'YO, AKING BINIBINI!"
Nakita kong naglingunan ang mga nasa paligid sa amin.
"May kakaibang mabangis na hayop na umatake sa amin kanina habang naliligo kami." balisang sambit ni Lani nang makarating sila sa harapan namin.
"Anong ibig niyong sabihin?" madilim ang mukhang tanong nila Simone.
Napanguso ako at kumamot sa kilay ko. Huhuhu. Bubuga na naman ng apoy si Simone.
"Di namin maintindihan. Biglang nag-atrasan ang mga ito kalaunan."
Pinalobo ko ang pisngi ko at dahan dahang tumingin sa apat na adonis na nakapameyang sa harapan ko.
Bakit parang pinapagalitan ako ng mga mata nila. Huhuhuhu.
Di na sila cute.
"Hehehehe."
Sabay sabay silang napabuga ng hangin.
"Mapanganib na rin ang lugar na ito sa atin kung ganoon?"
"Narinig niyo 'yon? May gumagalang mabangis na hayop."
Napatingin ako kay Sabel nang hawakan nito ang kamay ko.
"Salamat sa pagharang mo sa amin, Cane."
"W-Wala 'yon."
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Lani. Namutla ako at kiming ngumiti.
"Anong nangyari sa kanya?" malamig na tanong ni Simone.
"N-Nahilo siya." namumulang sagot ni Sabel.
"Hindi naman sila mananakit. Tulad lang din nila tayo na pinangangalagaan ang kanilang teritoryo/" mahinahong sambit ko. Naalala ko ang mga mata ng pinakapinuno ng kakaibang hayop na 'yon. Itim na itim ang mga mata, puti ang balahibo na parang napakalambot hawakan, may mahabang pangil at kuko. Hindi sila lobo, alam ko 'yon. Sayang lang at hindi ko nahawakan ang balahibo nila.
"Sayang hindi ko nahawakan." nanghihinayang na sambit ko pa. Nakakapanghinayang, di ko maiwasang malungkot dahil sigurado akong malambot ang balahibo nila at masarap higaan. Hehehe.
Narinig ko ang sabay sabay na pagbuntong hininga nina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.
Napanguso ako.
Narinig ko ang hagikhikan sa paligid at ngiti ng mga ito sa amin. Napangiti rin ako dahil kahit papaano ay nawala ang negatibong hangin sa paligid.
Third Person's Point of View
Nagising ang batang Prinsipe sa isang hindi pamilyar na silid.
"N-Nasaan ako?!"
Bumaba ang tingin niya sa suot niya at pinilit na bumangon at lumabas. Pagbukas niya ay hindi niya inaasahan ang nakita. Naghintuan ang lahat at napatingin sa kanya.
Kunot noong tiningnan niya ang mga ito.
"Sino kayo?! Nasaan ako?!" madilim na sigaw niya.
"Nasa teritoryo ka naming." malamig na sambit ng taong nasa likuran niya.
"Reyna Dalya..." pugay ng mga nasasakupan nito.
Seryosong tiningnan ng batang Prinsipe ang kaharap.
"Ikaw ba ang may pakana nito?! Alam niyo ba ang kaparusahan ng kapangahasang ito?!"
"Natagpuan kang palutang lutang sa karagatan." mahinahon ngunit may diing sambit ni Reyna Dalya.
"At anong lugar ito? Mga rebelde?! Hindi ako naniniwala!"
"Walang silbi ang pagwawala mo. Hindi kita pipigilang umalis kaya naman, makakaalis ka na."
Tahimik na nagmamasid lamang si Cane na nakaupo sa sanga ng puno kasama sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.
"Reyna Dalya! Paano kung isuplong tayo ng batang yan?"
"Yun ay kung makakaalis siya dito ng buhay lalo pa't maraming mababangis na halimaw sa kagubatan."
"Hindi niyo ako masisindak, mga mabababang uri na nilalang! Oras na malaman ito ng aking Ama ay humanda kayo!"
"What a pain." malamig na sambit ni Simone.
"Mukhang malakas na siya, sumisigaw na eh." tawang sambit ni Tenere.
"Oo nga, pero mas nakakatakot sumigaw si Simone." -Taki
"Nakakatakot nga si Simone." -Lihtan
"Pfft!" -Cane
"Tss." -Simone
"T-Teka! May gumagalaw sa likod ko, pakuha nga, Taki." -Tenere
"Sige hehehe! U-Uwaaaah! Ano ito!!!"- Taki
"Shit! Damn! Wag kayong malikot!" -Simone
"Ano yan? Ano yan?" -Cane
"Uod!" -Lihtan
"WAAAAAH! UOD! Lumayo ka sakin uod! Waaaaaah!!" -Taki
"Aaaah!! Uod!!!" -Tenere
"N-Nasaan na?!" -Simone
"Nasa leeg mo, Lihtan!!" -Taki
"H-Haaa?" -Lihtan
"Yipieee, caterpillar!!" -Cane
"AAAAAAAH!!!"
Sabay sabay silang bumulusok pabagsak. Naunang bumagsak si Simone, sumunod si Tenere, Taki, Lihtan at panghuli si Cane na tawa nang tawa habang hawak ang caterpillar na kinatatakutan ng apat.
"Fuck! Damn! A-Ang bigat niyo! Magsilayas kayo sa likuran ko!!"- Simone
"Waaah! Ang sarap ng ganito." -Taki
"Mahal, magkayakap na tayo. Hahahahaha." -Tenere
"Ayos lang ako dito, magaan si Cane." -Lihtan
"WALANGYA KAYO!! Lumayas kayo ang bigat niyo!" -Simone
"Grabe ka, Simone ah? Mabigat ako?" -Cane
Umalis sa pagkakaupo si Cane, at sa isang iglap naglayuan ang tatlo mula sa pagkakadagan kay Simone.
"Humanda.Kayong.Tatlong.Baliw.Kayo!!!"
"WAAAAH!!!!"
Naiwang nakatayo si Cane na natatawa sa paghahabulan ng mga ito at napangiti habang hawak ang kanyang caterpillar. Nag-angat siya ng tingin dahil sa naramdamang paninitig sa direksyon niya.
"Hehehehe. Magandang buhay sa inyo?" masayang bati niya at kumaway sa mga ito.
Nakatulala ang batang Prinsipe na nasa harapan na niya pala.
"Ako si Cane! Ikaw? Anong pangalan mo, batang Prinsipe?" marahang tanong niya rito.
Nanatiling tulala ang batang Prinsipe at lumakas ang kabog ng dibdib habang kaharap ang anghel na nasa harapan niya. May pula itong buhok, asul na mga mata, mahabang pilikmata, matangos na ilong, mapulang labi at ang boses nito na napakasarap sa pandinig. Ang mga mata nitong nakakapanghina at nakakapagpaamo sinumang kaharap.
"V-Visal." utal na pakilala niya sa unang pagkakataon
"Visal." tawag ni Cane sa pangalan nito at ngumiti.
"Lola Dalya, magandang buhay! Kumain ka na? May bago akong niluto! Makabubuti iyon sa'yo." malambing na sambit ni Cane at nilapitan ito at nilagpasan ang tulalang si Visal.
"Hahaha. Talaga ba, apo?"
"Opo! Wala kayong bilib sa'kin? Tanungin niyo sila, di ba masarap yung luto ko?" tila batang nagpapakamping tanong niya sa lahat. Natawa ang mga ito.
"Masarap ang gawa ni binibining Cane." sambit ng matandang nakaupo sa wheelchair na gawa sa kahoy.
"Tingnan niyo si Lola Mildred, gumanda, lumakas at kuminis kaya kumain ka na Lola Dalya."
"Hahahaha, oh siya sige sige."
'Sino ang babaeng ito?' nakatulalang tanong sa sarili ni Prinsipe Visal.
Bakit kinakabahan siya sa presensya nito? Na parang mapapasunod siya nito? Na parang nababasa nito ang lahat at wala kang kawala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro