Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pahina 24

Pahina 24
Explosive 'Cane' and her Four Vicious Gorgeous Monsters

Tenere's Point of View

Nag-aalalang nilapitan namin si Cane dahil sa pagtahimik niya.

"Aking binibini..."

"Ayos lang ako." mahinang sambit niya.

"Hahanapin natin si Simone, bukas nang maliwanag." sambit niya na parang may malalim na iniisip at bumalik sa pagkakaupo.

Nagkatinginan kami ni Lihtan at Taki.

"Ayos lang si Simone, hindi siya sasaktan ng mga 'yon." mahinahong sambit ni Cane.

Umupo kami sa harapan niya.

"Paano ka nakakasiguro, Cane?" tanong ni Lihtan.

"Dahil may pagtingin ang Prinsesa sa kanya. Ang gusto niya ay mapasuko si Simone. Alam kong alam ni Prinsesa Yuka na sa oras na gumamit siya ng dahas ay mas lalong hindi niya makukuha si Simone."

Kalmado ang maamo at magandang mukha ni Cane ngunit walang kahit anong ngiting mababakas.

"P-Paano kung hindi nila ibalik si Simone?" nag-aalala ring tanong ni Lihtan.

"Hindi pwedeng hindi. Babawiin ko si Simone." seryosong sambit ni Cane at sunod sunod akong napalunok.

"At isa pa ayaw ni Simone ng ganoong trato. Ayaw niyang kinokontrol at ayaw ng pinipilit kaya mas lalo natin siyang dapat bawiin. Nag-aalala ako sa gagawin ni Simone kapag nagtagal pa siya roon."

"Anong mangyayari, Cane? Anong gagawin ni Simone?" tanong ko at mas lalong nag-alala.

"Baka makapatay siya. Gagawin ni Simone ang lahat ng makikita niyang paraan makaalis lang doon."

Natahimik kami sa sinabi ni Cane.

Makapatay? Gaano ka kadelikado, Simone? At ikaw Cane...

"Nag-aalala rin ako sa mga taong malapit kay Simone. Hindi siya dapat umabot ng dalawang araw doon at isa pa, pag-aari ko si Simone. Kailangan niyang bumalik sa nararapat niyang lugar." nakangusong sambit ni Cane.

"N-Nakapatay ka na ba, aking binibini?"

"Isang beses, si Hidalgo pa lamang. Hindi kami pumapatay ng walang dahilan. May sarili kaming hukuman na hahatol sa kung sinumang nagkasala."

Mas lalo akong nahiwagaan sa pagkatao ni Cane.

"Isa ako sa mga humuhukom, kasama ang mga kapatid ko at aking mga magulang."

"M-May mga kapatid ka, aking binibini?"

"May tatlo akong mga kapatid na lalaki, at ako ang pinakabata sa aming magkakapatid." may tipid na ngiting sambit ni Cane.

Tatlong lalaki?!

"Bakit ka nila hinayaang magtungo rito?" naguguluhang tanong ko.

"Hahaha, hindi nila alam pero alam ng mga magulang ko at alam kong alam na rin ng mga kapatid ko 'yon ngayon."

Natulala kami kay Cane. Anong klaseng tao ba ang pamilya mo, Cane?

"Isang araw, may narinig akong kwento tungkol sa tatlong halimaw..." tumingin siya sa amin isa isa.

"Kahit na hindi ko alam kung may katotohanan o wala, nagtungo pa rin ako rito dahil hindi matanggap ng tainga ko ang sinapit ng mga halimaw na tinutukoy sa kwento. Kaya naman gusto kong baguhin ang kwento nila. Isang kwentong napakaganda."

"Gusto niyo bang samahan akong baguhin iyon?"

"Sasamahan ka namin!"










"Magandang umaga." bati ni Cane sa tatlong mga pamilyar na babae.

"U-Uwaaah! Ang anghel at ang makikisig niyang kabalyero!"

"Saan namin matatagpuan si Kasmar?" tanong ni Cane.

Ang nakalaban ni Simone? Bakit niya hinahanap?

"Si Kasmar? Nasa kasa siya, binibini."

"Saan 'yon? Hehehe."

"Maraming bastos doon. Anong gagawin mo roon?"

"May itatanong ako. Maaari niyo bang ituro?"

Nagkatinginan ang tatlong babae.

"Maliligaw ka at maraming pasikot-sikot dito kaya naman sasamahan na lamang namin kayo."

Sumunod kami sa mga ito.

"Alam niyo bang usap-usapan kayo sa buong palasyo? Lalo ka na binibini."

"Sa pagsagot mo kay Prinsesa Yuka, maraming humanga sa katapangan mo. Hahaha."

"At nanganganib kayo, baka may mangyaring masama sa inyo dahil sa ginawa mong pagtutol sa kagustuhan ni Prinsesa Yuka."

Nanatili lang tahimik si Cane. Pansin ko rin ang mga matang sumusunod sa amin.

"Mga dayo ba kayo?"

Tumango si Cane.

"Hindi lang isang Prinsesa si Prinsesa Yuka, isa rin siyang Heneral at napakahusay sa pakikipaglaban."

"Kanina ko pang napapansin, nasaan ang isa niyong kasama?"

"Tama na 'yan Wilna, nandirito na tayo. Binibini, nakikita mo ba ang bukas na pintong 'yon? Naroon si Kasmar. Paumanhin ngunit hindi na namin kayo masasamahan hanggang sa loob."

"Salamat sa inyo." yumuko kami sa mga ito gaya ng ginawa ni Cane. Parang nagulat pa sila.

"M-Mag iingat kayo."

Sumalubong sa amin ang malakas na hiyawan, usok ng tabako, at amoy ng alak.

Tumahimik ang lahat nang madako ang tingin sa amin.

"Hindi ba't siya 'yon?"

"Napakagandang binibini."

Naglakad si Cane at sumunod kami. Huminto siya sa harapan ng taong nakalaban ni Simone.

"Kasmar..." tawag niya rito na gulat na gulat na nakatingin sa kanya at sa amin.

"Binibini? Anong ginagawa niyo sa lugar na ito?"

Pinaghila ko ng upuan si Cane at magkaharapan na sila ni Karmar. Nanatili kaming nakatayo sa likod ni Cane at nag-abang sa mga susunod na mangyayari.

Titig na titig rin sa amin ang mga babaeng katabi ni Kasmar at mapang-akit na ngumiti. Nagtataasan ang mga balahibo ko.

Sinalinan ni Cane ng alak ang kopita ni Kasmar.

"May ideya ka ba kung saang lagusan ko mahahanap si Simone?" mahinahong tanong ni Cane at walang kangitingiti.

Cane...

"Nawawala si Simone?"

Tiningnan siya ni Cane. Napalunok ng sunod sunod ang kaharap ni Cane. Ganyan ang epekto ng tingin ni Cane, para kang hinuhukay.

"Sinong nakakaalam ng lagusan patungo sa kaharian niyo?"

Ang Kaharian nilang walang pinto. Nagtungo kami roon, at gagamitin sana ni Lihtan ang lakas niya ngunit pinigilan niya kami.

Magkakagulo ang lahat ang sabi niya at may tamang panahon para gamitin namin ang kakayahan namin. Naintindihan namin ang gusto niyang iparating at ayaw niyang palalain ang sitwasyon hangga't maaari.

Nakakahanga ka, Cane.

Nagsalin sa isang kopita si Cane at uminom din ng alak.

Parang tubig lang na inisang lagok!

Tikom ang bibig ng kaharap ni Cane.

"Anong gagawin ko para ibigay mo ang sagot na hinihingi ko?" seryosong tanong ni Cane.

Parang biglang lumamig ang buong paligid.

Biglang ngumisi ng nakakaloko si Kasmar at humilig sa kinauupuan.

"Ibang klaseng binibini. Ha! Ha! Ha!"

Nagulat kami sa mayabang na ngisi ni Cane at pinatong ang dalawang siko na sinandal niya sa mesa.

"Marami ka pang malalamang interesanteng bagay sa akin. Bakit hindi mo subukan, Kasmar?"

"H-Ha! Ha! H-Ha!" tawa ng kaharap niya at gulat na gulat pa rin. Lumunok ito ng isang beses sa ngiting pinakawalan ni Cane na matalas na tumingin sa kanya.

"Nakita mo 'yon, Tenere, Lihtan? Ang galing ng aking binibini." bulong ni Taki na kumukutitap ang mga mata.

"Ganyan manakot si Cane." bulong ni Lihtan.

Mabuti na lang malakas ang bulungan sa paligid kaya hindi kami naririnig...

"-pero seryoso siya." dagdag ni Lihtan.

"Pfft." napatingin kami kay Cane na biglang natawa, naririnig niya kami. Nakahawak siya sa noo niya at mahinang natawa.

Lumingon si Cane sa amin at nginitian kami at ngumiti rin kami. Binalik niya ang tingin sa kaharap na nagtataka sa amin.

"Kasmar, kailangan namin ng tulong. Kailangan kong mabawi si Simone at kailangan mong sabihin ang nalalaman mo." napalunok si Kasmar at muling tumahimik ang paligid.

Napahilamos ng mukha si Kasmar.

"Aaah! Ano ba 'tong pinasok ko? Wala ako dapat sa ganitong sitwasyon!!" sabunot ni Kasmar sa kanyang sarili.

"Hahahahah. Bahala ka riyan Kasmar, hambog ka di ba? Wala kang kinatatakutan? Ngayon, patunayan mo. Hahaha!"

"Oo nga, Kasmar, magsalita ka na. Basta kami labas diyan!"

"Bahala ka sa buhay mo, Kasmar!"

"MANAHIMIK KAYO! HINDI KAYO NAKAKATULONG!! MGA WALANG HIYA!"

Tinawanan lang ng mga ito si Kasmar. Hindi ko magawang ilikot ang mga mata ko sa paligid dahil sa mga babaeng halos hubad na mga nakakalat.

"Binibini, mahigpit na pinagbabawal ang pagturo sa lagusan ng Kaharian at hindi rin namin alam ngunit may kilala akong nakakaalam at mahihirapan kang makakuha ng impormasyon sa taong 'yon dahil tapat iyon sa Prinsesa." seryosong sambit ni Kasmar.

"Gusto ko muling makalaban si Simone ha! Ha! Ha!"

"Hindi niya maaaring igalaw ang kaliwang braso niya sa ngayon pero kung gusto mo, ako ang papalit kay Simone."

Napanganga kami sa sinabi ni Cane.

"Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Palabiro ka, binibini."

"Hehehe. Hindi ako nagbibiro."

"Ako? Kakalabanin mo? Ayokong magkamansta ang maganda mong balat binibini."

"Kung ayaw mo ayos lang, hehehe."

Natatawang tumayo si Kasmar.

"Halina kayo't dadalhin ko kayo sa kwarto ni Tasyo." -Kasmar

"Nandirito siya?" -Cane

Nakita ko ang pagtayuan ng mga lasenggo at pagsunod, maging ng mga akbay nilang mga babae. Kailangan naming maging handa sa mga mangyayari.

Kumatok si Kasmar sa isang malaking pinto na may bahid ng dugo.

"TASYO! MAY BISITA KA!!" sigaw ni Kasmar.

"Hindi ako tumatanggap ng bisita!" -Tasyo

"MAGSISISI KA KAPAG HINDI MO NASILAYAN ANG MAGANDANG BINIBINING GUSTO MONG MAKITA!!!" -Kasmar

Biglang bumukas ang pinto.

Napuno sila ng tawanan.

Natulala ang tinawag nilang 'Tasyo'

"Tuloy ka, binibini." ngising sambit ni Tasyo.

H'wag siyang magkakamali...

Ngumiti si Cane at inabot ang kamay niya.

"Ako si Cane, kinagagalak ko kayong makilala, Tasyo."

Nagmamadaling nakipagkamay ito kay Cane.

"HAHAHAHAHAHAHA! Kinagagalak din kitang makita, binibining Cane." -Tasyo

"Dapat nakipagkamay din ako kanina." bulungan ng mga nasa gilid.

Napabuntong hininga ako.

"Pasok, pasok. Maupo ka, binibining Cane."

Nakita namin ang maraming armado sa loob. Mga nag-iinuman at nagsusugal.

Malawak kaysa sa nasa babang una naming pinasukan.

Sa pinakasentrong mesa kung saan kitang kita ng lahat pinaupo si Cane kaharap ang sinasabi nilang Tasyo na hindi humihiwalay ang mga mata sa kanya mula pa lamang kanina.

"Bigyan ng inumin ang ating napakagandang panauhin at ang kanyang mga kasama."

May mga inilapag na kopita sa amin.

"Ako lang ang iinom." seryosong sambit ni Cane.

Umugong ng bulungan sa paligid.

"Cane..." tawag ko sa kanya.

"Kapag nalalasing sila ay nambubugbog sila. Hehehe."

Nambubugbog?

"Ikaw lang ang iinom?"

"Oo, ako lang."

Naiintindihan ko na.

Paanong naiisip mo pa rin kami sa mga nangyayari? Na parang lahat kalkulado mo at nakikita, Cane?

Magkakasunod na ininom ni Cane ang tatlong umaapaw na alak na nasa kopita.

"My dear brothers will surely scold me if they found out about this." bulong ni Cane na hindi namin maintindihan at kami lang ang nakarinig.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo, binibining Cane?"

"Nais kong malaman kung paano makakapasok sa palasyo."

Nabura ang ngisi ng taong kaharap niyang si Tasyo.








"Kasmar?" kunot noong tawag niya kay Kasmar.

"Anong gagawin ko? Kahinaan ko ang magagandang-"

"Ikinalulungkot ko ngunit hindi kita matutulungan, binibining Cane." seryosong sambit ni Tasyo.

Tumatangong pinagmasdan ni Cane ang kaharap.

"Wala akong balak na manggulo, may gusto lang akong bawiin sa inyong Prinsesa."

"At hindi kita matutulungan anuman ang sabihin mo."

Bumaba ang tingin ni Cane sa tabako na nasa mesa na hindi pa nasisindihan at kinuha.

Pinanood namin kung paano niya 'yon sindihan sa baga na nasa gilid lamang at nilagay sa kanyang labi at bumuga.

Napanganga kami sa ginawa ni Cane at sa itsura niyang parang sanay na sanay, napakatapang ng tabako na 'yon!

Tatlong beses na bumuga siya.

"Pasensya na kung kinuha ko, pampakalma lang. Kailangan kong kumalma." mahinahong sambit ni Cane at sinuklay ang buhok at tinungga ang isang bote ng alak.

Biglang nag-iba ang imahe ni Cane. Para siyang handang makipagsapakan.

Sinilip ko sina Lihtan at Taki na gulat din tulad ko.

Kakaiba siya ngayon.

Nakakunot ang noo. Nanggigigil ang panga. Malamig ang tingin.

"Paano ko makakausap si Prinsesa Yuka?" malamig na tanong ni Cane.

"Kailangan mong talunin ako, kaming lahat dito. Kahit babae ka pa, ikaw lang mag-isa. Walang kahit anong armas." seryosong sagot ni Tasyo.

"Nakahanda ako." mariing sambit ni Cane.

"Cane! Hindi mo maaaring gawin yan!" tutol ko sa kanya.

"Tama si Tenere. Hindi ka lalaban mag-isa." seryosong sambit ni Taki.

"Cane, may iba pang paraan." dagdag din ni Lihtan.

"Pasenya na Tenere, Taki, Lihtan kung hindi ko pakikinggan ang pakiusap niyo." seryosong sambit ni Cane.

C-Cane...

"Hindi ko maaaring pabayaan si Simone. Nang tanggapin ko siya sa poder ko, kasama na roon ang proteksyon at pangangalaga sa kanya at hindi ko hahayaang mawalan siya ng kalayaan." mabigat, mariin at seryosong sambit ni Cane.

Tumahimik ang buong paligid.

At nakatingin sa isang tao lamang.

Kay Cane.

Si Cane na unti-unti naming nakikilala ang prinsipyo at pagkatao.

"Tinatanggap ko ang kondisyon niyo at inaasahan ko ang pagiging tapat niyong kausap." mahinahong banta ni Cane at tumayo.

"Binibini, batid kong mahalaga sa'yo ang taong 'yon ngunit mas makabubuti sa'yong wag nang ituloy ang binabalak mo."

"Buo na ang desisyon ko, walang makakapagpabago."

Natahimik si Tasyo maging si Kasmar ay hindi makaimik. Kinakabahan ako para sa'yo, Cane.

Nag-atrasan ang mga babae at ang natira lang ay ang mga lalaking malalaki ang katawan at may mga armas.

Ngunit si Cane walang kahit isang hawak.

"Sa oras na bumagsak ka ng isang beses, mangingialam kami." seryosong sambit ko at tinalikuran siya.

Naglakad kami sa gilid.

Tinali niya ang buhok niya.

Walang bakas ng takot o pag-aalinlangan.

Lagpas animnapu ang bilang ng mga nakapalibot sa kanya. Parang mga demonyong nakangisi sa kanya.

Saglit na pumikit siya at nang bumukas ang mga mata niya ay tila bumagsik.

"Sugurin siya!" utos ni Tasyo na kinatiim-bagang ko nang magsimula na silang pagtulungan si Cane na sugurin habang hawak ang kanilang mga armas.

"Cane!!" -Lihtan/Taki/Ako

Sinalo niya ang may hawak ng palakol at diretso sa mukha na sinapak, tumalsik ito sa mga kasama niya.

"N-Nakita niyo 'yon?"

"Tumalsik si Sandro."

"Pinapahanga mo ako. Kakaiba ka talaga, binibining Cane." ngising sambit ni Kasmar.

Nginisihan rin siya ni Cane.

"Sabi ko naman sa'yo subukan mo ako." seryosong sagot niya at naunang sumugod sa malapit sa kanya at sinipa na nawalan ng malay sa isang atake lang.

Dalawa pa lang ang napapabagsak niya nang walang kahirap hirap.

Sampung mga armado ang sumugod sa kanya at wala pang isang minuto ay wala ng mga malay. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya nang pabagsakin ang mga ito ng tag-iisang atake lamang.

Itinaas niya ang kamay niya at sinalo ang kutsilyo na nasa tapat ng kaliwang mata niya.

Binato niya sa kahoy at bumaon.

Sunod sunod na kutsilyo ang lumipad sa kanya at napanganga kami sa ginawa niyang pag-ilag at pag-sipa habang nasa likod ang kanyang mga kamay na nakapirmi at nakapikit lang siya!!

"P-Paanong?!"

"Paano niya n-nagawa 'yon?"

Dumilat siya at binaba ang tingin sa kutsilyong nasa paanan at tinapakan at lumipad at muli niyang sinipa at bumaon sa kahoy na maraming nakabaon na kutsilyo.

Ang lakas ng kabog ko sa mga nangyayari. Pag-aalala, takot para sa kaligtasan niya, gulat at pagkamangha sa mga ginagawa niya.

Naalala ko ang lagi niyang sinasabi na 'kaya niya ang sarili niya' 'wag kami mag-alala'.

Ito na ba 'yon?

Ito ba ang ibig mong sabihin, Cane?

"Sumugod kayong lahat." utos ni Tasyo sa maraming natitira kasama si Kasmar.

Kung kanina ay hindi niya ginagamit ang mga kamay niya. Ngayon ay sabay na sumusugod. Lahat ng matamaan, sumisigaw sa sakit. Hindi ko alam kung totoo ang mga naririnig kong pagkabali ng buto. May ilang nawawalan din ng malay.

Ang mga kamao niya ay balot na ng dugo ng mga sumusugod sa kanya, maging ang paa niya.

Nakita ko ang pagbuga ng dugo ng mga natatamaan niya.

Isang simpleng atake na nagpapahiyaw sa sakit sa mga sumusugod sa kanya.

Padagdag nang padagdag ang mga ginagawa niyang atake. Hindi na lang suntok at sipa.

Sinisiko na rin niya at tinutuhod.

Bigla siyang hinawakan sa magkabilang paa at kamay.

"Ngayon na!" sigaw ng mga nasa paligid niya sa taong nasa harapan niya at may hawak na makapal na kahoy.

"May nakalimutan kayong hawakan." malamig na sambit ni Cane at...

HINAMPAS ANG ULO SA NASA HARAPAN NIYA!

Hilong bumagsak ito.

Siniko niya ang mga nasa likod niya sa leeg na mabilis na nawalan ng malay.

Mahigpit na hindi siya pinakawalan ng mga nasa paanan niya.

Umagos ang kaunting dugo sa noo ni Cane.

Napabuntong hininga siya at yumuko. Hinampas niya ng dalawang daliri ang batok ng dalawang may hawak sa paanan niya at nawalan ng malay.

Ang natitira na lang ay si Kasmar at Tasyo na walang emosyong nakatingin kay Cane na malamig ang tingin sa kanila.

"Sino ka?" -Tasyo

"Sinagot ko na 'yan, ako si Cane."

"Saan ka nagmula? Sino ba talaga kayo?!" -Tasyo

Diretso siyang tiningnan ni Cane. Napalunok si Tasyo. Humakbang si Cane nabg seryoso patungo rito.

"Hindi mo alam ang lugar na 'yon." Makahulugan at dahan dahan niyang sagot kay Tasyo at huminto sa harapan nito. Tinagilid niya ang ulo niya at nilingon si Kasmar na seryoso ring nakatingin sa kanya.

"Matagal nang bumabagabag sa akin ito at ngayon, napatunayan ko na." seryosong sambit ni Kasmar.

Hinarap siya ni Cane, na nag aabang sasabihin niya.

"Ikaw... Ikaw ang tumapos kay Hidalgo, ang Kapitan ng Piratang Hidalgo." -Kasmar

Hindi sumagot si Cane at nakatingin lang dito.

"Narinig niyo 'yon?"

"Siya ang usap-usapang 'Anghel ng Kamatayan' na nagligtas sa maraming buhay sa KIN Palacio."

"At ikaw rin ang usap-usapang binibini na kumalaban sa kasamaan ng Prinsesa ng Hideus at nagpaamo kay Haring Agnol."

"Siya... s-siya.."

"K-Kung ganoon ang mga kasama mo ang mga..." tukoy sa amin ng mga nasa paligid.

"Nasa pangangalaga ko sila at mabubuti silang nilalang, mas tao pa sa iba." nakangiting sambit ni Cane at pinunasan ng kamay ay dugo sa noo.

"Kasmar, a-anong gagawin natin?" -Tasyo

"Hindi ko rin alam." -Kasmar

"Hindi na ba tayo maglalaban?" takang tanong ni Cane.

Sabay na bumuntong hininga ang dalawa at nagkatinginan.

Nagulat kami nang biglang lumuhod ang mga ito.

"Isang karangalan na makilala ka, binibini. Tutulungan ka namin" -Kasmar/Tasyo

Nakita namin ang pag-aliwalas ng mukha ni Cane at sumaya.

"Talaga? Waaah! Narinig niyo 'yon, Tenere, Lihtan, Taki? Makikita na natin si Simone!"

Tumakbo siya sa amin at niyakap kami.

Pare-pareho kaming hindi makagalaw.

"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo."

"Wala bang masakit sa'yo, Cane?" -Lihtan

"Oo nga, aking binibini. Ayos ka lang?" -Taki

"Wag mo nang ulitin 'yon!" sinamaan ko siya ng tingin habang hawak ang ulo niya. Tinawanan niya lang ako pero nang makita na seryoso ako ay ngumuso.



















Nagtungo kami sa isang maraming pasikot-sikot na daan, at may kadiliman din.

"Anong..."

Nagulat kami sa nagkalat na walang buhay na katawan.

"Cane!"

Bigla siyang tumakbo at nang sundan namin siya ay napahinto rin nang huminto siya. Nakita namin si Prinsesa Yuka na nakikipaglaban ng seryoso at ang mga kawal.

Sinasakop sila...

Lumingon ang Prinsesa sa amin at nagulat nang makita kami.

"PRINSESA YUKA!" mabilis na tumulong sa kanya sina Kasmar at Tasyo

Nagulat kami nang tumakbo si Cane at hinugot ang espada niya sa tagiliran niya papunta sa Prinsesa.

"Cane!!"

Lumipad siya at sinipa ang nagtangkang humampas sa likuran ng Prinsesa.

Hindi makapaniwala si Prinsesa Yuka sa ginawa niya. Seryoso ang mukha ni Cane at pumulot pa ng isang espada. Dalawa ang hawak niya at pinaikot nang mabilis.

"Taki, hanapin mo si Simone."

Seryosong tumango si Taki at mabilis na nawala sa kinatatayuan.

"Tenere, Lihtan. Mag-iingat kayo." seryosong bilin niya. Huminto ang mga mata niya kay Prinsesa Yuka na seryosong nakatingin sa kanya.

"Mga rebelyon sila at gustong sakupin kami gamit ang dahas. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon." walang emosyong sambit ni Prinsesa Yuka.

Nagtagisan sila ng tingin.

"Naiintindihan ko." malamig na sambit ni Cane at tinalikuran sila.

Winasiyas niya ang espada niya sa mga nadadaanan niya at isa isang bumagsak. Hinila niya ang damit ng isang nakaupo at takot na nakatingin sa kanya.

"Nasaan ang pinuno mo."

"H-Hindi ko alam."

"Sabihin mo, hinahanap ko siya."

"S-Sino ka?"

"Ihatid mo sa tainga niya ang mensahe ko bago kayo maubos. Sabihin mong tumigil na kayo."

Wala sa sariling tumango ang hila niya sa damit na nakaangat sa semento ang mga paa.

Nang bitawan niya ay nagmamadali itong tumakbo.

"Lihtan, ilipat mo sa ligtas na lugar ang mga makikita mong walang laban."

"Masusunod, Cane."

Huminga nang malalim si Cane.

"Tenere, sa oras na magwala si Simone pigilan niyo baka hindi ko siya kayanin ngayon."

Cane...

Nahihitsura ko na ang magiging reaksyon ni Simone...





























Simone's Point of View

Twelve years ago...

"Nasaan na?!"

"Natakasan na naman tayo!"

Hinihingal na sumandal ako sa pinagtataguan kong puno.

"Ikaw 'yon 'no?"

Muntik na akong mapasigaw ng mura nang biglang may nakabaliktad na mukha ang sumulpot sa mukha ko. Isang magandang batang babae na nakangiti nang malawak sa akin. Nakasabit ang dalawang binti niya sa sanga. Kumabog lalo nang malakas ang dibdib ko sa gulat.

"Wala kang pakialam."

"Sungit mo, hahaha."

"Tss." aalis na sana ako...

"Wag kang aalis, sisigaw ako!"

"Tss."

"Mamang pulis nandito-"

Nagmamadaling tinakpan ko ang bibig ng makulit na bata. Pahamak!

"May narinig ka bang sigaw?"

"Oo, doon banda."

"Puntahan natin."

Narinig ko ang mga paparating na pulis. Tiningnan ko nang masama ang batang babae. Naramdaman ko ang pag-nguso niya sa palad ko. Agad na binitiwan ko ito.

Hindi ko kabisado ang pasikot-sikot sa lugar na 'to.

Nagulat ako nang may biglang humila sa akin.

"Bitawan mo ko, wala akong pana-"

"May alam akong daan. Hehehe."

"Ayun! Hoy! Huminto kayo!"

"Bilisan niyo!!"

Sa dami ng daan? Sa harap pa ng pinagtataguan ko ang napili niyang daanan.

Tawa lang siya nang tawa, at nakita ko na lang ang sarili ko na nakangiti.

Hingal na napasandal ako sa pinagtataguan naming construction site.

"Hahahahaha. Nakita mo ba 'yung pag-alog ng tiyan nila?"

"Hahahahahaha. Nakakatuwa silang tingnan!"

"Umuusok yung ilong nila. Hahahaha."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang kasama kong bata na parang hindi man lang napagod.

"Ilang taon ka na, bata?" tanong ko.

"Ako si Cane, six years old. Ikaw, anong pangalan mo?"

"Simone."

"Hi, Simone!"

Simula no'n, araw araw kaming nagkikita sa puno kung saan kami nagkakilala. Kahit anong oras ako pumunta. Nandoon lang siya, minsan natutulog, kumakain, nagla-laptop. Titigil siya kapag dumating ako. Marami siyang kwento, marami siyang pagkain na halos isalpak na sa bibig ko. Kung ano-ano ang pinaggagawa sa akin.

Napangiti ako nang makitang natutulog siya. Tumabi ako at kinain ang dala niyang lunchbox. Dahil kapag hindi ko kinain, hindi siya titigil kakakulit. Six years old pa lang ang dami na niyang alam lutuin.

"Wala kang bilib sa akin, Simone."

Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" kunot noong tanong ko matapos kumain.

"Alam nila kung nasaan ako. Hehehe."

Tumango na lang ako. Sa itsura niya pa lang ay alam kong anak mayaman ito, pero kung kumilos walang pakialam kahit madumihan.

"Bakit may pasa ka, Simone?" tanong niya sa pisngi ko.

Nag-aalala siya. Nag-aalala...

"Wala kang pakialam." tinalikuran ko siya at sinabi ang pakay ko sabihin.

"Ayoko nang makita ka."

Wala akong narinig sa kanya at nagsisi ako nang lingunin ko siya. Sobrang lungkot at nasaktan siya sa sinabi ko.

Na bago sa paningin ko at ayokong makita sa mukha niya.

"Wag ka nang mag-aksaya ng panahon sa akin."

"Gusto pa kita makita, Simone."

Tinalikuran ko siya at iniwan. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi mawala sa isip ko ang mukha niya nung araw na 'yon pero kung hindi ko 'yon gagawin ay mapapahamak siya.

"Hangga't humihinga ka, Simone. Hindi ka makakawala sa akin." walang emosyon ang mukha ko nang sabihin 'yon ng pinuno ng sindikato na hawak ako.

Pikit mata tulad ng unang apak ko sa kalakarang ito ang nangyaring muli sa akin.

Cane, sorry. Paulit ulit 'yon sa utak ko.

Lumipas ang isang buwan. Hindi na ako nagpunta sa puno kung nasaan siya palagi. Minsan kapag malapit na ako ro'n hihinto ako, tatlong beses ko siyang nakitang naghihintay doon at may kasamang tatlong lalaki.

"Tito Aki, baka dumating 'yung kaibigan ko. Baka di pa siya kumakai./"

"Umuulan ng malakas, baby Cane. Iuuwi ka na namin. Hinahanap ka na ni Clarky at Master."

"Pero Tito Yuan, Tito Rage..."

"Tara na."

Malungkot na sumama siya at sumakay ng kotse. Tumalikod ako at naglakad pauwi habang nagpapaulan.

"Nakita niyo ba 'yung batang babae na nadukot?"

"Bigtime 'yon sabi ni Boss."

Hindi ko pinansin ang usapan na naririnig ko.

"Oh, Simone! Bata! Shot ka muna!"

Hindi ko ito pinansin.

"Iba talaga kapag paboritong bata ni Boss. Hahaha."

Tss.

Gustuhin ko mang umalis, wala akong ibang pupuntahan at ang paraan lang para makaalis ay kamatayan. Gusto ko nang mamatay pero paano kung balikan nila si...

Kung sana hindi nila nalaman at nahalata ang kaunting saya ko.

Narinig ko ang iyakan sa isang kwarto kung saan nakakulong ang mga batang dinirukot para i-ransom.

Pagbukas ko ay nakita ko si Doglas na sasampalin sana ang batang umiiyak nang matigilan ako sa batang babae na humarang at handang tanggapin ang sampal na hindi para sa kanya.

Pinigilan ko ang kamay ni Doglas.

"Anong ginagawa mo, Simone?!"

"Ako na ang bahala dito, pinatatawag ka."

"Sige, patahimikin mo 'yan!"

Padabog na sumara ang pinto.

Bakit nandito ka, Cane? Hindi ka dapat nandito!

"Simone..."

"Anong ginagawa mo dito?"

"May regalo daw sila sa'kin, hehehe. Na-curious ako?"

Napahawak ako sa noo ko. Di ko alam kung tanga, uto uto o padalos dalos lang talaga siya. Ang bilis niyang magtiwala.

Ang babaeng 'to.

"Ibig sabihin ikaw yung regalo? Bakit hindi ka nakabalot, Simone?" taka niyang tanong.

"Ha?"

"Hahaha, namiss kita, masungit na Simone."

"Nasaan na ang mga bantay mo?!"

"Tinakasan ko. Hihihihi."

Sumusukong tiningnan ko ito. Hindi niya alam kung anong panganib ang nangyayari sa kanya.

Tiningnan ko ang tatlong batang lalaki na kasama niya na nanginginig sa takot.

Kailangan ko siyang maitakas dito.

"Saan ka pupunta, Simone?" pigil niya sa kamay ko at nakanguso.

"Dito ako nagtatrabaho."

"Sige, wag kang magpapapagod."

Hindi makapaniwalang umalis ako, wag magpapapagod?

Huminto ako sa mga nag-iinuman at humihithit ng droga.

"Oh, ano 'yon?"

"Pagkain, pahingi."

"Bahala ka diyan kumuha, gusto mong subukan?" alok nila sa shabu.

Tss.

Iniwan ko sila pagkakuha ng mga pagkain at dinala sa kwartong kinalalagyan ng matigas na ulong babae.

Pagbukas ko ay nabitawan ko ang hawak ko nang makita na hinampas ang likod ni Cane ng makapal na kahoy.

"Itigil mo 'yan! Wag!"

Tumakbo ako kay Cane na walang malay at dumudugo ang noo. Hindi ko pinansin ang iyakan ng mga batang kasama niya at masamang tiningnan si Doglas

Nagdilim ang paningin ko at inagaw ang hawak niya at walang tigil na hinampas si Doglas.

"Anong kaguluhan ito?!"

"Pigilan niyo!"

Inawat ako at nilayo nila si Doglas sa akin na duguan ang mukha. Tumama ang malakas na sapak sa mukha ko.

"B-Boss." nanginginig sa takot na tawag nila sa sumapak sa akin.

"Wag niyo siyang saktan!" nilingon ko si Cane na nagkamalay at tinulak ang nasa harapan ko at humarang.

"Wag kang makialam!" sasampalin niya sana ito pero hinila ko siya at ako ang tumanggap sa sampal.

"S-Simone!"

"Diyan ka lang, Cane!"

"Bakit mo sinaktan si Simone!"

"Cane!"

"Mananahimik kayo o pasasabugin ko ang mga bungo niyo?!"

"Wag mo siya idadamay!" humarang ako sa takot na mabaril niya si Cane.

"Kailan ka pa natutong suwayin ako?!"

"Wag mo itutok 'yan kay Simone!"

Nagulat ako nang mapunta si Cane sa harap ko at tinulak ito. Ang laking tao ng pinuno namin at sa liit niyang 'yan, natulak niya.

Pinulot niya ang baril at tinutok sa mga ito at mas nagulat ako nang ikasa niya nang walang kahirap-hirap.

Ipinutok niya sa pagitan ng mga hita nila ang bala.

"Aaaah!"

Mangiyak ngiyak at takot na matamaan silang nag-uunahang lumabas.

"Umalis na kayo." hinila ko siya palabas at pinasunod ang mga kasama niya.

Hindi sila bubuhayin kapag nagtagal pa sila rito.

Biglang yumanig ang inaapakan namin.

"Nandyan na sila." mahinang sambit niya na hindi ko maintindihan. Nang tingnan ko siya ay seryoso ang mukha niya.

"Hanggang diyan lang kayo!"

"Dapa!" sigaw ko at hinawakan ang ulo niya.

Wala silang planong buhayin kami.

Mataas na kalibre ng baril ang gamit nila. Naabutan at nahuli nila ang tatlong bata.

Wag si Cane...

Humigpit ang hawak ni Cane sa kamay ko.

"Wag kang bibitaw." seryosong sambit niya. Wala akong makitang takot sa mala-anghel niyang mukha.

Sinipa niya diretso sa mukha ang isang nasalubong namin at humampas sa pader ang ulo.

Sunod sunod na pagyanig ang nangyari.

"May mga kalaban!"

Sigawan ng mga ito.

"Wag pakakawalan ang mga batang 'yan!"

Natulala ako sa ginawa niya.

"Hanggang diyan na lang kayo." ngisi ng marami sa harapan namin.

Nagkaputukan pero walang tumatama sa amin. Isa isang nagbagsakan ang mga nasa harapan namin. Parang hindi na nagulat si Cane sa nakita niya at hinila ako.

"TRAYDOR KA SIMONE!!"

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang na nakayakap nang mahigpit sa akin si Cane.














"C-Cane... C-Cane..." nanginginig na tawag ko sa kanya at bumaba ang tingin ko sa kamay ko na nasa likuran niya. Namutla ako nang makita ang dugo.

H-Hindi...

"Umiiyak ka, Simone." sambit niya habang pinagmamasdan ako.

"Hindi ako umiiyak."

"Umiiyak ka."

Walang tigil ang pagbagsak ng tubig sa mga mata ko. Ngayon lang ako umiyak buong buhay ko at ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot.

Binuhat ko siya sa gitna ng pagsabog ng paligid at liparang bala.

"Fvck! Cane!!"

Nanlalabo ang paningin ko na nakita ang tatlong lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang na nag-uunahang tumakbo papunta sa amin at isang babae at lalaki.

"T-Tulungan niyo siya... Tulungan niyo si Cane." umiiyak na pagmamakaawa ko at napaluhod.

Walang malay si Cane sa bisig ko at namumutla. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit.

Please wag kang mamatay...

Wala nang kukulit sa akin at magmamatigas na samahan ako. Ayos lang sa akin 'yon.

Nag-angat ako ng mukha sa malaking bisig na marahang kumuha kay Cane.

"I am his Father, young man. We will save her."

Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari basta nasa ospital kami at nasa labas ng operating room.

May kumuhang kamay sa dalawang kamay ko at may nilagay na mineral bottle.

"Inumin mo muna 'yan." sambit ng magandang babae na sa tingin ko ay Mama ni Cane.

"Your name is Simone, right?"

"P-Paano niyo po nalaman?"

"Lagi ka niyang kinukwento sa amin. Hahaha." marahang tawa nito at tiningnan ako at inakbayan.

Nasa harapan ko ang mga kuya niya na nakakrus ang mga braso. Napalunok ako.

Ang ama nila ay may kausap nang seryoso na tingin ko ay tauhan nila.

"Thank you for making our little sister happy, Simone. My name is Storm." sambit ng nasa pinakagitna at tipid na nginitian ako.

"It's nice to finally meet you. Thunder is my name."

"Same here. I'm Rain."

Hinawakan ng Mama ni Cane ang kamay kong marumi at nanlalamig.

"Si Simone na masungit. Si Simone na hindi palangiti. Si Simone na mabait minsan. Si Simone na gusto ang luto niyang walang pangalan. Si Simone na masungit. Si Simone na may malungkot na mata. Si Simone na tinatago ang ngiti. Si Simone na masungit. Si Simone na tahimik. Si Simone na mahaba ang pasensya. Si Simone na inaangkas siya. Si Simone na cute. Si Simone na masungit."

Natawa ako ng mahina. Adik ka, Cane. Kung ano anong pinagkukwento mo tungkol sa akin.

"Isang araw bigla ka na lang daw nawala at ayaw na siyang Makita. She's really upset."

Napayuko ako.

"S-Sasaktan nila si Cane."

"We understand your reasons, don't worry." malumanay na sambit ng Mama niya.

"She's going to be alright. My daughter is a fighter." sambit ng Papa ni Cane na nakatayo na pala sa harapan ko.

Ginulo nito ang buhok ko.

May kakaiba sa pamilyang ito.

Hindi ordinaryo ang mga presensya nila.

Binalik ko ang tingin sa pinto ng operating room.

Cane...

Dalawang araw. Dalawang araw na hindi ko nakita ang mga mata niyang palaging masayang nakatingin at nangungulit kahit pa man hindi nagsasalita. Ang ngiti niya at pang-aasar.

"Are you Simone?" tanong ng doktor na sumusuri sa kanya at ngumiti.

"I am her Tito, I'm Sky Henderson. T'wing nasa kanila ako ay lagi ka niyang binabanggit. Hahaha."

Cane, gaano karami ba ang dinaldal mo tungkol sa akin?

"She has trust issues, Simone."

Nagulat ako sa sinabi ng Tito niya.

"The other kids are befriending her because of their status. Naalala ko pa noong magsumbong siya sa amin. She's crying at sa t'wing naaalala ko 'yon, nakakalimutan kong doktor ako at gusto kong pagpapaluin ang mga batang 'yon. Hahaha."

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko, Cane.

Pero bakit tinuring mo akong kaibigan nang mabilis?

"Her protective brothers are really furious and they do everything to make their little angel happy. Hindi siya maluhong bata kaya naman kapag may sinabi siyang gusto niya, binibigay agad kahit na pagsuotin pa niya ng pambabae ang mga kapatid niya at make-upan ay ayos lang. Hahaha. Maging ako ay natripan niyang gawing babae. Hahaha."

Natawa ako sa sinabi ng Tito Sky niya. Crazy girl.

"Hindi na bago sa kanya ang mga nangyari. Madalas na nakikidnap ang batang 'to. Marami nang napagdaanan. Mabilis naman siyang narerescue at ngayon lang ito nangyari."

Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"She saw something special in you, Simone. She trusts you. Thank you, Simone."

Bakit ang daming nagpapasalamat sa walang silbi at kwentang tulad ko, Cane?

Tiningnan ko siya na mahimbing ang mukha. Madalas kang kidnappin pero ang gala mo pa rin.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa daliring sumusundot sa pisngi ko. Pagdilat ko ay nakita ko ang nakangiting mukha niya.

"C-Cane..."

"Binantayan mo raw ako?" nakangiting tanong niya.

Nakita ko ang buong pamilya niya na nanonood sa amin.

"Umiiyak ka na naman, Simone."

"Ha?"

Hinawakan ko ang pisngi ko na basa na pala.

"Iyakin din pala si Simone. Hehehe." pinunasan niya ang pisngi ko ng maliit at malambot niyang mga palad.

Tumayo ako.

"Simone? Saan ka pupunta? S-Sandali lang."

Lumuhod ako sa harapan ng pamilya niya.

Seryoso nila akong tiningnan.

"Tanggapin niyo akong taga-protekta ni Cane." seryosong sambit ko.

"S-Simone..."

Napayuko ako at huminga nang malalim.

"Kahit wala akong matanggap na kahit ano basta payagan niyo lang akong manatili sa tabi n-niya..."

Tiningnan ko si Cane na seryoso na rin ang mukha.

"Tanggapin mo ako, Cane. Pwede ka bang maging dahilan ko para magkaroon ng dahilan para mabuhay?"






























"SIMONE!!! SIMONE!!!"

Nagising ako sa ingay...

"Damn."

"Simone!"

"Taki."

Nakita ko ang sarili ko na nasa malambot na higaan. What the hell am I doing here?!

"Simone! Simone! Nandyan ka ba?!"

Napatingin ako sa pinto na kumakalabog at nawasak ang batong pinto.

Nakita kong magkasamang sina Lihtan at Taki.

"Nasaan tayo? At...n-nasaan si Cane?!" tanong ko at kinabahan nang hindi makita si Cane.

"Simone, kailangan tayo ni Cane!!" sigaw ni Lihtan.

"Tayo na Simone!"

Fvck! What happened to you Cane?

Cane...Cane...

"Anong nangyayari?!"

"Kahapon ka pa namin hinahanap, Simone at nandito kami upang bawiin ka." seryosong sambit ni Taki na nangunguna sa pagtakbo.

Hindi ko pinansin ang nanginginig kong binti.

"Ginawa ni Cane ang lahat para mahanap ka. Patawad Simone kung wala kaming nagawa, desidido siya sa gusto niya" sambit ni Lihtan.

"Fvck! Wala bang bintana dito?!" pagwawala ko dahil puro pader lang ang nakikita ko.

Sinuntok ni Lihtan ang pader.

Sabay sabay na tumalon kami at hindi inalintana ang taas...

"Damn it, Cane." nakita ko ang mga dugong nagkalat at walang buhay na katawan.

Maraming naglalaban at nakita ko siyang kasama si Tenere na lumalaban.

Hinataw niya nang malakas ang kalaban niya.

"Simone..." narinig kong mahinang tawag niya habang nasa harapan niya ako.

"Kami na ang bahala." malamig na sambit nina Taki, Lihtan at Tenere.

Natigilan ako nang ilapat niya ang ulo niya sa likod ko at maramdaman ang paghinga niya nang maluwag.

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko.

"Hindi mo kasalanan, Simone." sambit niya habang nasa likuran ko pa rin.

Hindi. Bakit naging pabaya ako? Dapat nasa tabi niya ako...

Bakit ganito? Ako ang dapat na pumo-protekta sa'yo pero ikaw parati ang gumagawa no'n. Hindi ko matanggap ang sinapit mo. Ang dugong dumadaloy sa ulo mo, nakapatigas ng ulo mo.

"Umiiyak ka, Simone."

"Hindi ako umiiyak."

"Tahan na, Simone. Tahan na."

Nawalan siya ng balanse at mabilis akong umikot at maagap siyang sinalo.

Blangko ang lahat sa akin at nasa kanya lang ang atensyon ko.

"Umiiyak ka." pinunasan niya ang pisngi ko na ayaw tumigil sa pagdaloy ng luha.

Kahit na gusto kong pigilan at hindi ipakita, hindi ko magawa pagdating sa kanya. Tanging siya lang ang may kakayahang gawin ito.

"Hindi ako mamamatay sa ganito lang."

Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya at naglakad habang buhat siya at nakapalibot ang tatlong baliw sa amin at sumasangga at pinatatalsik ang mga nagtatangkang lumapit sa amin.

"Kulang ako sa tulog, kasalanan mo." namumungay ang mga mata niyang paninisi sa akin at papikit pikit.

Napabuntong hininga ako.

"Matulog ka." sambit ko.

"Uumm, wag ka nang mawawala ah?" sambit niya hanggang sa makatulog.

Cane...

Madilim at malamig na tiningnan ko ang Prinsesang nakatingin sa amin at matalas na tiningnan.

"Simone, ibinilin ka sa amin ni Cane kaya naman..." tiningnan ako ng seryoso ni Tenere "...h'wag mo nang ituloy ang binabalak mo."

Nagtagis ang panga ko at binaba ang tingin sa buhat ko na mahimbing na natutulog.









Third Person's Point of View

Sabay sabay na umangat ang madilim na mukha nina Simone, Tenere, Lihtan at Taki mula sa mga nakapaligid sa kanila.

"Ngunit wala siyang sinabing hindi natin maaaring labanan ang mga ito." malamig na sambit ni Lihtan.

"Ayos lang na balian sila h'wag lang aalisan ng hininga." malamig na sambit ni Taki.

"Kaya ayos lang. Hindi ba, Simone?" seryoso at malamig na baling ni Tenere kay Simone na ngumisi nang nakakakilabot bilang pagsang-ayon.

Napaatras ang mga malalapit sa apat na nilalang. Marahang nilapag ni Simone ang dalagang si Cane at binunot ang espada sa kanyang saya.

Maging sina Tasyo, Kasmar at iba pa ay napaatras sa kilabot na hatid ng apat na nakapalibot kay Cane...

Mabilis ang kilos na tila hangin na hindi napapansin na hinataw ni Taki ang mga rebelde.

Sa isang sipa ay napuruhan ni Tenere ang mga nakikita niyang kalaban.

Malakas na hampas na nakapagpabali ng mga buto ang kamay ni Lihtan.

Si Simone na walang emosyon na naglalakad at sa bawat nilalakaran ay may mga bumabagsak.

"A-Anong klaseng nilalang ang mga 'yan?"

"AAAAAH!"

"AAAAAAAHHHHHH!!!"

Walang kawala sa bawat paningin ng apat ang mga gustong tumakas.

"P-Prinsesa Yuka..." sambit ng mga tigalgal na kawal sa Prinsesang nakaawang ang mga labi habang pinanonood ang mga rebelyong mananakop na nais sakupin ang Kaharian nila na ngayo'y isa isang pinababagsak ng apat na mababagsik na nilalang.

Bumaba ang tingin ni Prinsesa Yuka sa walang malay na si Cane at binalik ang tingin sa mga nangyayari.

'Anong relasyon mo sa apat na ito? At anong katauhan ang mayroon kayo?' usal na tanong sa sarili ni Prinsesa Yuka sa kanyang isipan...

Kumabog nang malakas ang dibdib ni Prinsesa Yuka ng saglit na malamig na tiningnan siya ni Simone at aaminin niyang sobra siyang kinilabutan.

Naubos ang mga rebelde.

Sabay sabay na bumalik ang apat sa walang malay na si Cane. Binuhat ito ni Simone at tinangunan si Tenere at marahang nilipat ang dalaga sa bisig ni Tenere at tumalon nang napakataas.

Naglakad sina Taki, Lihtan at Simone. Umatras ang mga kawal, at ang iba pang nadadaanan nila.



























Naging usap-usapan ang katauhan ng babaeng may pulang buhok na protektado at nangangalaga sa apat na mababangis na nilalang. Nakarating ang mga balitang 'yon sa sampung kaharian.

"Nagsisimula na siya..." nakangising sambit ni Haring Agnol nang makarating sa kanya ang balita.

Nakatulala sina Prinsipe Hasil at Prinsipe Lucien sa nasagap na balita.

At nang araw din na 'yon ay hindi na muling nakita pa ang binibining may pulang buhok at ang apat na mababangis na nilalang sa Kaharian ng MYSTERIUM.

Maraming nag-aabang na makita pa silang muli at ipahatid ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga tagapagligtas.

"Makakatagpo ka pa ng iba, Prinsesa Yuka." sambit ni Tasyo.

Napabuntong hininga ang Prinsesa at tipid na ngumiti. Minsan na lamang siyang magkainteres at humanga sa isang lalaki ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya ito makukuha sa kahit anong paraan.

"Nakuha ng napakagandang binibining iyon ang aking respeto at paghanga. Ha! Ha! Ha!" sambit ni Kasmar na bumalik sa kanyang pag-iinom.

Marahang uminom si Prinsesa Yuka at tumango.

"Ako rin." may ngiting sambit ng Prinsesa.

"Kung may pagkakataong muling magtagpo kami ay gusto ko siyang maging kaibigan at kung sakaling kailanganin nila ng tulong sa kahit anong unos na kanilang haharapin ay tutulungan ko sila. Bilang susunod na Reyna at hindi ko sila bibiguin bilang pasasalamat sa pagtulong nila sa atin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro