Pahina 23
Pahina 23
Unconditional Love of Simone
Simone's Point of View
Where the hell is she? I sighed. Kailangan na niyang kumain.
Biglang may bumagsak sa harapan ko. Tumalon siya mula sa mataas na puno.
Napabuntong hininga ako.
"Kakain na..." sambit ko pero tinitigan niya lang ako. Bigla akong kinabahan sa titig niya.
Seryosong pinagmasdan niya ang mukha ko na parang kinakabisado.
"Cane..." tawag ko sa kanya, huminto ang mga mata niya sa mga mata ko. Hindi ko pa rin mabasa ang mga pinaparating ng mga mata niya.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko kahit na naghuhumerintado na ang dibdib ko.
"Simone, bakit gusto kitang ipagdamot?" seryosong tanong mong na kinabigla ko.
"Ayos lang bang maging makasarili pagdating sa'yo, Simone?" sunod mong tanong Cane.
Is she trying to kill me with her questions? This girl...
"The idea of you with another girl, parang hindi matanggap ng tainga ko. I'm now wondering...why?" tanong mong muli Cane pero parang sa sarili mo 'yon tinatanong.
Sunod sunod akong napalunok. Seryoso ang maamo mong mukha na humakbang palapit sa akin.
"Hindi ko maiintidihan, Simone. Am I starting to become greedy?" atake mo na namang tanong.
Damn, what are you doing, Cane? Tumigil ka na hangga't kaya ko pa.
Tahimik na tiningnan mo ako at nakita ko ang pagbuntong hininga mo.
"Am I infected with the Thurston Syndrome?" tanong mo na hindi ko narinig.
Nakangusong tumingin ka sa akin.
"Simone, baka mahirapan akong pakawalan ka." nakangising sambit mo pa at hinila ang baywang ko na kinalaki ng mga mata ko.
Bakit ginagawa mo akong babae sa istoryang 'to?
"Hmm, hindi ko maibibigay sa'yo lahat ng kayang ibigay ni Prinsesa Yuka pero kaya naman kitang alagaan hanggang sa hindi mo na maisip na kumawala." nakangiting sambit mo.
Bumagal ang oras, Cane.
Nang ngitian mo ako, at tingnan na parang ako lang ang nakikita mo. Naglalambing ang maganda mong mata na nakatingala sa akin. Nakita kitang nakayakap na pala ang mga braso mo sa baywang ko.
Cane, ang sama mo.
Hulog na hulog na ako matagal nang panahon, at mas lalo mo akong nilulunod. Kahit pa na alam kong walang kasiguraduhan. Ang manatili sa tabi mo hanggang kamatayan ay sapat na para sa akin. Hindi na maisasalba ng kahit sino ang tulad ko. Na kahit dumating ang araw na hindi mo na ako kailangan ay mananatili ako sa dilim at magsisilbing anino mo at poprotekta sa'yo.
Kaya sabihin mo, makakawala ba ako? Hindi na, Cane. Hinding hindi na.
Inangat ko ang mga kamay ko sa tangka na yakapin ka rin pero napigil ko ngunit ikaw ang nagtuloy at nilagay ang mga braso ko payakap sa'yo.
"Hug mo ko, Simone."
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinaulo ang pakiramdam habang yakap ka at nakabaon ang ulo mo sa dibdib ko.
"You're heartbeat is very fast, Simone." manghang sambit mo.
Matagal na 'yang ganyang, Cane. Matagal na.
"Really?"
Humigpit ang yakap mo.
"Ingatan mo ang sarili mo Simone, para sa akin."
"I'm always careful, sa sarili mo sabihin 'yan Cane."
"Grabe ka na naman sa akin, Simone ah!" nakanguso mong amok.
Mahina akong natawa.
Kung pwede lang ganito na lang habambuhay. Yakap ka at kausap nang ganito. Bawing bawi ang lahat, Cane.
Bawing bawi.
"Tara na, naghihintay na sila sa atin." hinila mo ang braso ko. Pinanood ko ang paglipad at bawat bagsak ng pula mong buhok, ang maganda mong buhok na pumupula sa t'wing nasisinagan ng araw.
Bumaba ang kamay mo sa kamay ko.
Cane, ang liit at lambot ng kamay mo pero ang daming kayang gawin kahit na nakaupo lang.
Ang kamay mong hindi bumibitaw tulad ng pagkatao mo na sa oras na magsalita ka at mangako. Ang kamay mong inalok mo para iligtas ako. Na kahit nag-iisa ka lang o sino pa ang nakaabang sa'yo ay haharapin mo kahit na mag-isa ka lang.
Hinding hindi kita bibiguin Cane.
Hinding hindi.
Hurricane's Point of View
Matapos namin kumain ay pinanood ko silang nag-eensayo. Si Simone na tinuturuan si Lihtan ng mga atake gamit ang isang kamay ni Lihtan na hindi nakabalot.
Si Tenere at Taki na nagsasabayang atake at naglalaban din.
Inobserbahan ko ang mga galaw nila habang nakasandal sa puno at kasama si Dino na nasa balikat ko.
Ang mga kamay nila, ang paa, bilis at lakas. Walang duda na magaling sila at may mas igagaling pa.
Tumayo ako binitbit ang dalawang arnis ko. Napatigil sila.
"Hehehe, sali ako!"
"Ngunit aking binibini." may pagtutol na sambit ni Taki.
"Maglaban tayo, Taki."
"Waaaah! Ayaw Taki."
Bagsak ang balikat na tiningnan ko sila at bigla akong napaupo sa biglang pag-atake mula sa likuran ko!
"SIMONE!!!" sigaw nila nang makita ang ginawa ni Simone. Hahaha.
Hinagis ko ang isang arnis ko na maagap niyang nasalo at binalik sa saya ang espada niya. Natatawang sinugod ko si Simone.
"Cane!!"
"Waaaah! Aking binibini!!"
"Tss..." -Simone
Tumalon ako sa balikat ni Simone at lumapag sa likuran niya. Mabilis siyang umikot at inikot ang paa at mabilis rin akong tumalon at hinampas ang arnis sa kanya na sinalo niya rin agad. Nakapatong ako sa hita niya at walang tigil sa pagtawa.
"Ang bigat mo na."
Tumalon ako paabante at nginusuan siya.
"WAAAH! PAYTING AKING BINIBINI!! TALUNIN MO SI SIMONE!!"
"Cane, payting galingan mo."
"Cane! Talunin mo 'yung mahal ko. Hahahaha!"
Napahalakhak ako sa pagsimangot ni Simone.
Ito ang gusto ko kay Simone talagang patas lumaban kahit na ako ang kalaban. Nginisihan ko siya nang ihinto ko ang paghampas sa bandang leeg niya at nakatayo ako sa arnis na hawak niya.
"Whoaaa" -Lihtan/Taki/Tenere at sabay sabay na pumalakpak.
Dumiretso ako ng tayo sa arnis na hawak ni Simone at seryoso siyang tiningnan. Nakita ko ang paglunok niya.
Tumalon ako ng dalawang beses at nakumpirma ko ang napansin ko kanina pa sa kanya.
Tumalon ako pababa at kinuha ang braso niyang may hawak na arnis kanina at inikot.
"Aarrgh! D-Damn!"
"Kailan pa 'to?"
"Cane, anong nangyari kay Simone?" gulat na tanong nila.
Bumuntong hininga ako at binatukan si Simone.
"HAHAHAHAHAHAHA!! AKO RIN PABATOK KAY SIMONE!!"
"Sapak gusto mo?"
"Hehehe, h'wag na lang pala. Hehehe, ang bigat at sakit ng sapak mo. Huhuhu."
"Malakas sumapak si Simone, kapag sinasapak niya ako." tuwang tuwang sambit ni Tenere.
Natawa ako sa sinabing 'yon ni Tenere.
"Anong ginagawa mo, Cane?" inosenteng tanong ni Lihtan habang nakalapit ang mukha niya sa braso ni Simone na iniikot ko.
"Hehehe, minamasahe ko ang pilay niya."
"Paano mo nalaman, aking binibini?" gulat na tanong ni Taki.
"Wala sa tamang posisyon ang mga atake niya at kulang."
Natahimik sila at nang tingnan ko sila ay nakaawang ang mga bibig nila. Nginitian ko sila at binalik kay Simone ang tingin.
"Ikaw, di mo pwedeng gamitin ng dalawang araw ang braso mo, maliwanag?"
Napabuntong hininga si Simone at walang magawa kung hindi tumango. Natatawang ginulo ko ang buhok niya at itinuro ang puno na kinauupuan ko kanina.
"Doon ka muna. Ako na ang mag-eensayo sa kanila."
Sumunod naman siya at naglakad na patungo sa puno. Hinarap ko sina Lihtan, Taki at Tenere na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Magsimula na tayo." tinali ko ang buhok ko paikot at hinubad ang damit ko. May itim na sando naman akong panloob. Inipit ko pataas ang mahaba kong pang ibaba.
Nakanganga silang tatlo sa akin.
Sinipa ko pataas ang dalawang arnis at sinalo. Nanatili silang nakanganga.
"Tumayo kayo nang diretso," sambit ko.
Mabilis silang sumunod at natawa ako dahil parang hindi na sila humihinga. Ngiting ngiti pa sila.
Nakita ko si Simone na nagpipigil din ng tawa.
Nakakatuwa ang mga itsura nila.
"Hmm." dahil magkakaiba sila ng abilidad at lakas. Iba iba rin ang magiging paraan ng mga ensayo nila.
Hinawakan ko ang kamay ni Lihtan na may balot at tiningnan siya na nakatingin din sa akin.
"Maaari mo bang buhatin ang malaking bato na 'yon?" turo ko sa kanya sa malaking bato na lampas na lampas sa taas niya. Lumapit siya roon at walang kahirap hirap na binuhat gamit ang isang kamay.
"Hindi ka nabibigatan kahit kaunti, Lihtan?!" tanong ni Taki na manghang mangha rin tulad ko.
Umiling si Lihtan. Ibinaba niya na ang buhat niyang bato at naglakad ulit papunta sa amin.
"Suntukin mo ako, Lihtan."
"C-Cane?"
"Bilis na."
"Hindi ko gagawin 'yan, Cane." nabigla ako nang talikuran ako ni Lihtan.
"Lihtan, may tiwala ako sa'yo. Hindi ako masasaktan." mahinahong sambit ko.
Hinila ko siya paharap.
"Aking binibini, L-Lihtan!"
"Cane..."
Nababahalang tawag ni Taki at Tenere. Nagseryoso ang mukha ni Lihtan.
Inangat ko ang kamay niya at dinampian ng halik ang may balot niyang kamay na kinalaki ng mga mata niya.
Hahahaha, so cute!
"Naniniwala ako kay Lihtan, hindi niya ako sasaktan." nakangiting sambit ko.
"C-Cane!"
"Gusto kong ibigay mo ang buong lakas mo sa pagsuntok sa akin, Lihtan. Isang suntok lang ang hinihingi ko."
Binitiwan ko ang kamay niya ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.
"Lahat ng galit at lungkot, Lihtan."
Nakita kong nadadala na siya sa sinasabi ko at kumunot ang noo.
"Magalit ka, Lihtan. Magalit ka."
"Cane..." may himig ng pagpipigil niya sa aking magsalita.
"Ilabas mo ang galit mo sa akin." seryosong sambit ko.
Dumilim ang mukha niya at napatiim bagang. Naramdaman ko ang lakas ng pwersa ng hangin sa ginawang pagsugod ng kamao niya patungo sa mukha ko. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko.
Lumapat sa sa kaliwang pisngi ko ang kamao niya.
"C-Cane..." gulat na sambit ni Lihtan at putlang putla.
Nginitian ko siya.
"Sabi ko na eh. Hindi ako sasaktan ni Lihtan dahil mabuti siyang nilalang." hinawakan ko ang kamao niyang dumapi lang sa pisngi ko nang mahina kanina.
"A-Ayos ka lang, Cane?" alalang tanong ni Lihtan at hinawakan ang pisngi ko.
"Ayos na ayos, hehehe!"
"WAAAAH! H'WAG MO NA ULIT GAGAWIN 'YON!" ngawa ni Taki at inalog ang magkabilang balikat ko at nagdadabog ang mga paa.
"Tinakot mo naman kami, Cane." putlang sambit ni Tenere at kabang kaba ang mukha.
Nakangiting tiningnan ko sila.
"Tandaan niyo ang sasabihin kong ito Lihtan, Taki at Tenere."
Tumahimik sila at nakita ko na nakinig sila.
"H'wag na h'wag kayong magpapaalipin sa emosyon niyo, kontrolin niyo. Naniniwala akong makakaya niyo 'yon." isa isa ko silang tiningnan sa mga mata.
"Ang galit ang pinakamahirap kontrolin sa lahat na kahit ako nahihirapan, kahit anong gawin ko. Ayos lang naman magalit, hindi naman 'yon pinagbabawal hindi ba?" wala sa sariling tanong ko at tiningnan sila.
"Ayos lang magalit kung tama naman ang pinaglalaban." nakangiting sambit ko at sumuntok sa hangin at sinulyapan si Simone na nakikinig lang sa amin habang nakasandal ang ulo at seryoso.
"Di ba Simone? Hehehehe!" kindat ko rito. Hahaha, namula ang tainga niya.
Napatingin ako kay Taki dahil sa malakas niyang buntong hininga.
"Wag kayong mag-alala, sabay nating pag-aaralan ang lahat. Hehehe. Habang humihinga tayo, hindi tayo tumitigil matuto kaya naman sama sama nating haharapin ang lahat. Ayos ba 'yon? PISBAM!"
"Pisbam." -sangga ni Taki sa kamao ko at nakangiting gumaya rin sina Lihtan at Tenere
"Pisbam." natawa kami kay Simone na nakatayo na rin sa gilid namin. Nakapaikot kami.
"Pingke twer naman." parang inosenteng batang sambit ni Lihtan at naunang nakataas ang kamay.
"WAAAH! Pingke twer." natawa ako dahil sa salitan naming pagpi-pingke twer.
"Tamsap naman. Hahaha." sambit ni Tenere at ginawa namin.
"Alam ko na kasunod nito." sambit ni Simone na kinatawa namin at sabay sabay na tinaas namin ang mga kamay namin at sigaw ng...
"PAYTING!"
Matapos no'n ay si Tenere naman ang pinag-aralan ko. Hindi na niya kailangan ikontrol ang paa niya dahil mas masaya kung mas mataas ang itatalon niya.
Hihihihihihi!
Tatalon na sana siya habang buhat ako nang...
"SAMA TAKI! SAMA, SAMA!"
"Aah, Taki, Lihtan, Simone."
Natawa ako nang makita si Taki na nakasabit sa braso ni Tenere, si Lihtan na nasa kabilang braso at si Simone na nakangising nakasabit sa likuran niya.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!
"Ikaw na bahala sa amin." ngising sambit ni Simone.
"Magsibaba kayo!! Ang bigat niyo!!" bulyaw ni Tenere.
Tawa ako nang tawa sa mga nangyayari.
"Sama." nagpapawang sambit ni Lihtan na mas lalo kong kinatawa.
Mangiyak ngiyak ako sa kakatawa sa itsura namin ngayon.
Sa huli ay walang nagawa si Tenere kundi italon kami isa isa.
"Isa pa." sambit ni Simone na nakasakay sa likod ni Tenere.
Tumalon ulit si Tenere nang mataas sa mga puno at nang makabalik ay...
"Isa pa." pang-limang beses ng sambit ni Simone. Hahahahaha.
Pagod na pagod na tiningnan niya si Simone at kay Lihtan at Taki na nakangiting nakapila.
Nakaupo lang ako sa lilim ng puno at kanina pa silang pinapanood. Hahahaha. Kaawa-awang Tenere. Hahahahaha. Maraming beses ko silang pinicturan mula kanina.
Umatras si Tenere. Sabay sabay na humakbang naman sina Simone, Lihtan at Taki. Bumilis ang pag-atras ni Tenere hanggang sa nauwi sa habulan at ang tangi nilang hinahabol si Tenere.
"Alam kong habulin ako dahil sa gandang lalaki ko pero sobra naman itoooo! Aaah! Tigilan niyo koooo! Tama naaaaa!!!" sigaw ni Tenere. HAHAHAHAHAHAHA!!
Sa huli ay nakaligtas si Tenere na tumalon sa napakataas na bato at hingal na hingal. Wiling wili talaga sila sa pag-angkas kay Tenere. Hahahaha.
Sumuko na rin sila sa kakahabol kay Tenere at umupo sa tabi ko. Nilapag ko na ang DLSR ko
"Taki..."
"Ano 'yon, aking binibini?"
"Ikaw naman."
Nakangiting tiningnan niya ako pero kita ko ang pamumutla niya at sunod sunod na paglunok.
"WAAAAAAAAAH!!!"
Siya naman ngayon ang hinahabol. Hahabol din sana si Simone pero hinila ko siya pabalik sa pagkakaupo.
"Tama na, h'wag mo masyado igalaw ang braso mo."
Magkatabi namin silang pinanonood.
"HAHAHAHAHAHAHA." walang tigil kong tawa at nakita kong nakangiti rin si Simone habang pinanonood sila.
Nakita namin ang mautak na pagtalon ni Tenere sa likod Taki. Hahahahaha. Habang si Lihtan ay hindi sumusuko sa paghabol.
Natatawang humilig ako sa balikat ni Simone habang patuloy sa pagkuha ng litrato sa kanila. Naramdaman ko ang saglit na pagkabigla niya at maya maya pa'y huminahon rin.
Nakita naming natumba si Taki at dumagan si Lihtan.
Kawawang Taki. Hahahahaha.
Hingal na hingal na naglakad sila patungo sa amin.
Bagsak ang mukha ni Taki na tumabi kay Simone at pinatong din ang ulo sa kabilang balikat ni Simone.
Humiga naman si Tenere at Lihtan sa magkabilang hita ni Simone.
HAHAHAHAHAHAHA!!!
"What the hell is this?"
Hilik ang naging sagot nila kay Simone. Tulog na tulog agad. Hahahahahaha.
Nakangiting tiningala ko si Simone na nagulat sa biglang pagtingala ko na halos magdikit na ang mga ilong namin.
"Sweetdreams, Simone." mabilis na dinampian ko ng halik ang pisngi niya at nakapikit na bumalik sa pagkakahilig sa kanyang balikat.
Nagising akong mag-isa lang na nakasandal sa puno. Nasaan sila?
"Cane, Cane." nakita ko si Lihtan na tumakbo patungo sa akin.
"Si Simone..."
Binundol ako ng kaba sa paraan ng pagkakasabi ni Lihtan ng pangalan ni Simone.
Sunod na dumating ay si Tenere at Taki na parang di rin malaman ang gagawin. Naestatwa ako at parang nabingi nang marinig ang sinabi ni Tenere.
"Nawawala si Simone, Cane..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro