Pahina 20
Pahina 20
Joyful Morning
"Cane... Aking binibini." nginitian ko si Taki bago tabihan.
"May pupuntahan ka?" tanong ko. Gabi na at nasa harap siya ng ilog habang nakasandal sa puno at nakatingin sa mga bituin.
"Cane..." mahinang tawag niya sa akin. Lumipat ang tingin ko sa kanya mula sa nakababad kong mga paa.
"Masaya ako dahil hindi ka naaapektuhan sa tulad ko." nakapikit na sambit niya.
Pinagmasdan ko ang payapang mukha niya. Binuksan niya ang lalagyanan niya ng inumin na laging nakasabit sa kanyang leeg.
At binuhos. Kahit madilim ay kita ko ang matingkad na kulay nito. Kulay pula.
"Dugo 'yan ng lobo..."
"Bakit mo binuhos?"
Parang nagulat siya sa tanong ko. Napakurap-kurap ako suot ang nagtatakha kong mukha.
"Wala ka nang maiinom." napalunok siya sa tanong ko.
"Hindi ba't dapat tanungin mo ako kung bakit umiinom ako ng dugo?" di makapaniwalang tanong ni Taki sa akin.
Ganoon ba dapat 'yon?
"Ah... Bakit umiinom ka ng dugo, Taki?"
Natawa siya nang mahina habang hindi pa rin maipaliwanag ang mukha.
"Hindi ka natatakot?" tanong niya muli na kinataka ko.
"Bakit ako matatakot? Si Taki ka lang naman. Si Taki na masayahin, si Taki na mabait, si Taki na maingay. Taki. Taki. Takiiii!" panggagaya ko pa sa boses niyang makulit at nakakatuwa.
"Ibang klase talaga ang aking binibini." nakangiting sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Dahil ba sa dugo ko, kaya ka lumalayo? Natatakot kang manghina ako."
Nag-iwas siya ng tingin.
"Nagsisimula akong baguhin ang pamumuhay ko nang walang dugong iniinom. Gusto ko ang dugo mo dahil parang dumodoble ang lakas ko ngunit ayokong makita kang nasusugatan at duguan."
'Lumalakas siya? Ang galing'
"Kung ganoon ang dugo ko na lang ang tikman mo."
Namilog ang mga mata niya na kinatawa ko nang mahina.
"Alam mo ba ang sinasabi mo, aking binibini?! Hindi ko gagawin 'yan sa'yo!"
"Hahahaha."
Ngayong alam ko na ang epekto sa'yo, Taki, matutulungan na kita. Sa tingin ko, may mga baon akong injections. Inaantok lang ako sa t'wing lalapat ang labi niya sa balat ko habang sinisipsip ang dugo ko.
Napangisi ako sa plano ko at nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Taki kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin.
Narinig ko ang pag-buntong hininga niya.
"Alam mo, Taki, marinig ko lang ang pangalan mo sumasaya na 'ko." nakangiting sambit ko at diretsong tumingin sa mga mata niya.
"Ako rin, aking binibini." nakangiting sambit niya at ngiting ngiti na tumingin sa mga bituin na tulad ng mga mata niya ay kumikislap sa ganda.
Tumingin rin ako sa kalangitan at binagsak ang katawan ko sa damo at nanatiling nakababad ang mga paa ko habang nakaunan sa magkabilang braso ko.
Mom, Dad, Kuya Storm, Kuya Thunder, Kuya Rain, ang saya saya ko rito. Namimiss ko na kayo pero alam ko namang magkikita pa rin tayo. At nahanap ko na sila, hindi pa rin ako makapaniwala. Kasama ko na sila at sinusumpa kong poprotektahan at hinding hindi ko sila iiwan. Mahahalaga sila sa akin.
"Maaari ba akong humiling sa'yo, aking binibini?" mahinang tanong ni Taki.
"Ano 'yon?" tanong ko nang nakapikit at nag-aabang sa sasabihin niya.
"H'wag mo na muling gagawin 'yon."
"Hm, ang alin, Taki?"
"Ang pag-harang. Ang pagprotekta mo sa akin."
"...."
"H'wag mo nang gagawin 'yon ah?"
"...."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Tulog ka na, Cane? Aking binibini?"
Napabuntong hininga na naman siya. At naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin at maya maya'y dahan dahang binaba at inihiga nang maayos. Hinalikan niya ang noo ko at pagkatapos ay umalis na sa tabi ko.
Idinilat ko ang mga mata ko.
"Mukhang malabo ang hinihiling mo, Taki." nakalabing bulong ko sa aking sarili.
Kinaumagahan, matapos kong magbihis ng bagong kasuotan ay binuksan ko ang bag ko at may nakapa akong matigas.
"Omygosh! Waaaaah!"
"What the!! Cane?! What happened?!" -Simone
"Cane! Bakit ka sumigaw?" -Tenere
"Cane, may masakit ba sa'yo?" -Lihtan
"AKING BINIBINI! ANO 'YANG HAWAK MO?" -Taki
Tinutok ko sa kanila at...
*click*
*flash*
"Whoaa." manghang sambit ko at kinuha ang nakadikit na sticky note sa camera.
For Our Daughter.
Love,
Mom and Dad.
Napangiti ako sa nabasa ko at tumingala kanila Simone at binigay ang photocopy. Kinuha ni Taki. Napasimangot si Simone habang yung tatlo ay gulat at mangha sa hawak.
Hahahahahaha.
"Ang ganda kong lalaki kahit pa gulat." tango ni Tenere.
"Ilusyon mo lang 'yon." -Simone
"Wala nang makatatalo sa gandang lalaki ko, Simone." ngising sambit ni Tenere at sinuklay ang buhok na parang pinapamukha 'yon kay Simone.
"Wala ka pa ring panama sa akin. Sa mukha pa lang talo ka na." -Simone
Napanganga ako sa sagutan nila. Nagpalipat lipat ang tingin namin nina Lihtan at Taki sa dalawang nagtatalo sa gandang lalaki nila.
N-Ngayon ko lang narinig na nagsalita ng ganyan si Simone
Naramdaman ko ang paghila ni Taki sa kamay ko. Nakaupo na pala sila. Pinaupo nila ako sa gitna nila at tahimik na nanood sa debate na nagaganap sa aming harapan.
"Espesyal ako at pinagpala sa kakisigan, kaya nga nabihag ka sa alindog ko," di ko alam pero feeling ko ang landi ng boses ni Tenere
Hihihihi!
"Halimaw ako sa kakisigan, wala ka pa sa kalahati," ngising sambit ni Simone.
"A-nong sinabi mo?! Ako ang halimaw dito sa kakisigan! Gusto mong sipain kita diyan?"
"Cane, nag-aaway ba sila? Maglalaban ba sila?" bulong ni Lihtan.
Nakangiting nakatingin lang ako sa harap.
"Wala pang nakakatalo kay Simone. Isa siya sa pinakamalakas na mandirigma ng aking ama."
"Ngunit aking binibini, hindi ordinaryo ang paa ni Tenere." nag-aalalang paalala ni Taki.
"Maraming hindi ordinaryo sa mundo. Lahat may kahinaan at limitasyon," nakangusong bulong ko at pumulot ng maliit na bato.
"Kahit na napakaliit nito at parang wala lang, kaya nitong makapatay." lahad ko sa kanilang dalawa sa hawak kong puting bato.
"Hindi mo aakalain at hindi dahil alam natin na may kakayahan tayo ay dapat na nating gawin kahit kailan natin gustuhin."
Inipit ko sa dalawang daliri ko ang bato at pinitik sa puno. Bumagsak ang isang piling ng saging. May pagkain na kami.
Napatingin ako sa harap namin na tumigil na pala sa pagdedebate.
"Hinog na 'yung saging. Hehehe. May pagkain na tayo! Groupie tayo habang kumakain, squad goals ata ang tawag 'don?"
"Isang magandang ngiti, 1, 2, 3! Smile!"
Nag-uunahang sumilip sila nang lumabas ang kopya. Hahaha.
"Ang galing!" -Taki
"Ako nga 'to. Kitang kita ang kakisigan ko." -Tenere
"Paano nangyari 'yon?" -Lihtan
"Ay-bilib ang tawag diyan." -Simone
"Ay bilib?" -Lihtan
Nakita kong nakikinig sila kay Simone. Hahahaha.
"Ang Ay-bilib ay mga bagay na hindi maipaliwanag na may ganoon pala at nangyayari. Halimbawa..." seryosong lecture ni Sir Simone.
Pfft!
"Halimbawa?" Lihtan/Tenere/Taki
Ngumisi si Simone.
"Katulad na lamang nang pagiging halimaw ko sa kakisigan." seryosong sambit ni Simone.
Seryoso siya. Seryoso si Sir Simone!!
Napanganga sila habang seryoso ang mukha ni Simone. Kinuhaan ko sila ng picture nang hindi nila namamalayan.
"Hahahahahaha!" tawa ko pagkakita ng kopya.
"May kakaiba talaga sa kagubatan na ito. Ano sa tingin niyo?" seryosong tanong ni Tenere kay Taki at Lihtan na tumango.
"Tama ka, Tenere." -Lihtan
"Anong gagawin natin? Baka matuluyan si Simone?"- Taki
"Alam ko na..." -Tenere
"Umalis ka masamang espiritu!" -Tenere
"Alis! Alis! Lumayas ka sa katawan ng taong 'to!" -Taki
"Kaya mo yan, Simone." -Lihtan
"Omaygad! HAHAHAHAHAHAHA!!!" tawa ako nang tawa sa pinaggagawa nilang tatlo kay Simone na nakasimangot habang vini-video ko sila!
Paikot ikot sina Lihtan, Tenere at Taki na may hawak na sangang may dahon na umuusok at pinapaspas kay Simone na nakasimangot sa mga nangyayari.
BWAHAHAHAHAHA!
Ang cute nila.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" -Simone
"Tinutulungan ka namin, Simone." sambit ni Lihtan nang seryoso. Sobra ang pagpipigil ko ng tawa dahil sa mga seryoso nilang mga mukha habang nag-uusap.
Tiningnan ni Simone sina Lihtan, Tenere at Taki na may what-the-hell look. Hahaha.
"Lihtan, akala ko normal ka. Natutuwa ako sa'yo pero ngayon gusto kitang batukan." seryosong sambit ni Simone.
Nanlaki ang mata ni Lihtan.
"A-Ano? Hindi na rin ako normal tulad mo?" -Lihtan na biglang nabahala ang mukha
Tinapik nina Tenere at Taki ang balikat ni Lihtan.
"H'wag kang mag-alala, Lihtan. Kami ang bahala sa'yo." -Taki
Hanggang sa magkatabi na sina Simone at Lihtan at natirang umiikot, pumapaspas at nagpapausok sina Tenere at Taki.
Ang sakit ng tiyan ko katatawa. Hahahahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro